Sunday, September 29, 2013

ang alamat ng bookshelves

the following are based on true events.

ika-walo ng hulyo, taong dalawang libo at labing-tatlo, alas nuwebe ng umaga, pagkatapos ng isang asignatura ni mam marya ay nagtungo siya sa aklatan ng ansci mula sa dalawang palapag na gusali kung saan ginanap ang kanyang klase upang maghanap at manghiram ng kopya ng librong fifty shades of grey. na-curious siya sa nilalaman ng nasabing aklat dahil sa mga nabasa nya sa yahoo.com na ito daw ay gagawin ng pelikula sa mga susunod na panahon. sa kanyang paglalakbay patungo sa aklatan ay nakasalubong niya ang kanyang mga kapwa guro na dati rati ay mga guro niya at palihim na kinamumuhian paminsan minsan dahil sa tingin niya ay pag-papahirap sa kanya at sa kanyang mga kaklase, labinglimang taon na ang nakararaan. kamakailan lang, ang lihim na galit sa kanyang mga dating guro ay napalitan na ng pasasalamat simula ng mapagtanto ni mam marya na lahat pala ng mga lihim niyang bintang sa kanila ay pawang mga bintang lamang. binati niya ang mga ito ng magandang umaga kasabay ng maluwang at tunay na ngiti. at sila ay nag-beso-beso. nakipag-batian din siya sa ilang mga estudyante na nasalubong niya at kumaway pa nga ang ilan. nasalubong din niya si mang waks na matagal ng janitor sa ansci at silang dalawa ay nag-apir.

pagdating niya sa gusaling aklatan, siya ay (medyo) nagulat sa kanyang nakita. at siya ay nanlumo. ito ang kanyang nasaksihan (kahit siya ay medyo nagulat at nanlumo, nakuha pa rin na ilabas ni mam marya ang kanyang android tablet, at dahil likas na multi-tasking ang mga estudyante ng ansci, nakunan niya ng larawan ang aklatan): 

nag-halo-halo ang emosyon ng baguhang guro ng ansci. una niyang napag-tuunan ng pansin ang dalawang estudyante na sinisikap na imisin at i-salansan ang kalat-kalat na mga libro sa loob na maliit na silid aklatan. at dito niya napagtanto na hindi pala ito gusaling aklatan kundi silid aklatan lamang. hindi nya rin malaman kung saan at kanino sya maawa: sa dalawang estudyante na sa halip na nag-aaral o nag-pe-peysbuk ay matyagang ini-isa-isa at binubukod ang mga libro ayon sa uri; sa kisame na parang tinamaan ng meteorite; o sa mga libro mismo. hindi nya rin naiwasang itanong sa sarili kung umaandar pa ang ceiling fan na piping saksi sa kung anuman ang nangyari sa mga nagdaang panahon at ganito ang sinapit ng mga aklat na minsan ding naging instrumento niya upang matupad ang pangarap niyang maging guro, na matyagang nakabitin sa maayos ng parte ng kisame. dahil sa pag-kalito, nakalimutan na ni mam marya ang pakay nya sa lugar na 'yon. 

umalis siya sa nasabing lugar na may dagdag na panibagong layunin sa buhay. subalit hindi pa niya alam kung ano ito. mag-hapon na bumagabag sa isipan ng guro kung ano iyong dagdag na layunin sa kanyang buhay na dapat niyang matupad. hindi siya makapag-turo at makapag-isip ng mabuti sa huli niyang asignatura ng araw na iyon. maaga niyang pinauwi ang kanyang klase subalit bumalik din sila kaagad sa kanilang silid dahil bawal sa ansci ang umuwi ng maaga.

dis-oras ng gabi ng araw ding iyon, sa ginta ng kalituhan, napahinto bigla si mam marya sa pag-iisip kung ano iyong bagong layunin niya sa buhay na dapat niyang matupad, at siya ay napangiti. animo'y natuklasan na ng guro ang sagot sa katanungan na buong araw ng bumabagabag sa kanyang isipan. bumangon siya, binuksan ang personal computer at nag-log in sa peysbuk. pumunta siya sa TS group at pi-nost ang kuha niyang larawan. at siya ay nag-iwan ng tanong sa dati niyang mga kaklase: 

"ano ang mali/kulang/dapat ayusin sa larawan?"

siya ay nag-log-out at natulog ng mahimbing...

at nakangiti.

kinabukasan...

alas-singko ng madaling araw, mas maaga ng tatlumpong minuto kaysa sa normal na gising ng guro tuwing may pasok, siya ay nagalak na bumangon. binuksan ang PC, log-in agad sa peysbuk.

mahigit tatlumpong notipikasyon ang bumati sa kanya. muli, napangiti si mam marya. sa wakas, nasambit ng guro, masasagot na rin ang aking katanungan. at ito ang ilan sa mga komento sa post na kanyang iniwan ng nagdaang gabi.:

dating kaklase 1 (nasa KSA ngayun): mAm, ynG mga ilAw! dApt paltaN n dAgdgan! saka yung lMp sHade, praNg prOps lang, pAlitan ng tuNay!

dating kaklase 2 (nasa sabang): kaput manen!

dating kaklase 1: laByU dating kaklase 2!

dating kaklase 1: yUNg lBrarY, i-deMoliZ & paliTn nG mAs MalaKing bUilding!

dating kaklase 3 (nasa tabi-tabi): akaw mahal iyun, de kaya.

ni-like lahat ng isang dating kaklase na nasa cubao lang ang lahat ng mga comments pati na rin ang post.

dating kaklase 4 (nasa US): kulang ng wall clock!

dating kaklase 5 (nasa US din): anu kaya kung mag-ambagan muna tayu habang de natin matukuy kung anu talaga ang prayoridad at kung anu ang mali/kulang/dapat ayusin sa dati nating library.

dating kaklase 6 (sarper kuno): tama si dating kaklase 5! ambagan muna tayu, 1k ku na.

dating kaklase 2: 1k ku na rin.

dating kaklase 7 (nasa US din): gawa tayu ng bank account para maihulug naming mga expats yung ambag namin.

muling ni-like lahat ng isang dating kaklase na nasa cubao lang ang lahat ng mga comments.

dating kaklase 8 (nasa middle east): 2k ku peso ha de dollar.hehehehe

dating kaklase 9 (nasa canada): ipapadala ku na lang kay dating kaklase 2 yung ambag ku.

marami pang positibong komento ang nabasa si mam marya, ang iba ay biro, na muli, ay ni-like lahat ng isang dating kaklase na nasa cubao lang.

paulit-ulit binasa ni mam marya ang mga komento at suhestyon sa kanyang post.

"hindi din nila masagot kung ano ang bago kong layunin sa buhay na dapat kong matupad." ang sabi niya sa sarili. "para pa rin silang mga bata, parang hindi mga seryoso sa buhay". dagdag niya.

lumipas ang segundo, minuto, oras, araw at linggo. nakakalap ng sapat na pondo ang grupo dahil na rin sa pagtu-tulungan ng isa't-isa. dito napatunayan ni mam marya na mali siya sa iniisip na hinde seryoso ang dati niyang mga kaklase na matulungan siya sa kanyang mga problema.

at siya ay muling napaisip.

"sapat na pondo?"
"pano ko malalaman na sapat na ang pondo namin kung hindi ko pa o namin natutukoy ang problema?"

dahil dito ay na-doble ang pag-aalala ni mam marya. muli siyang bumalik sa aklatan upang doon ay pag-aralan niyang mabuti ang kalagayan nito. sa pag-kakataong ito, siya ay natuwa sa kanyang nakita. muli, nilabas ni mam marya ang kanyang android tablet, at kinunan ng larawan ang aklatan. sa pag-kakataon ding ito, napangiti siya dahil bigla niyang naalala si mang cards, na siyang matyagang tiga-kuha ng larawan nila nung sila ay nag-aaral pa sa ansci. 

at ito ang kanyang nakita:


"maayos na ang kisame, subalit parang kulang ng bookshelves?" sabi ng guro.

bigla siyang napahinto.

"bookhelves!"
"kailangan ng library ng bookshelves!"
pasigaw na sabi ng matalinong guro.

at gamit ang nakalap na pondo at ang bagong tuklas na solusyon, nag-pagawa ng bookshelves ang naliwanagang guro....





Monday, December 31, 2012

api nyu yir


January 9, 2012 nung i-share ni Pareng Betong ang isa sa mga antiques ni Mam Nida Montes. Ayun sa balita:

"ninakawan daw si ms. montes...kung dati eh espasol at kidya lng ng pansit ang ninanakaw eh mas madami daw ngayun, medo nglevel up na daw ang kawatan..pero meron syang suspek ayon kay imbestigador Ewad mendoza..ayon kay montes eh nagngangalang Eduardo Carrasco ang nanloob sapaglat nag-iwan ito ng ebidensyang panyo..ng tingnan ni PO3 mendoza ang nasabing ebidensya ay bigla itong napabunghalit ng tawa..ang tunay na pangalan pala ng tinuturing ni montes na suspect ay ARmando Caruso...@#!$!....tangina this...:)"

Mga ganitung tipo ng kwento ang mag-papabuhay sa dugu mu lalu na kung problemadu ka sa trabahu/buhay/lablayp, wala ka ng pera, talo ang team mu sa NBA, may hangover pa at wala kang load na pang text. Tangina This! talaga.

Isang taun na naman pala ang lumipas. Kanina ku lang ulit nakita si Leila Barros, may facebook page din pala siya. At kanina ku lang ulit naalala na kaya pala aku nahilig sa volleyball ay dahil sa kanya.

Isang makabuluhang taun na naman ang dumaan sa ating buhay. Isang makabuluhang taun na naman ang sasalubung sa atin. At kung su-suwertehin tayung lahat, sa isang taun, isang makabuluhang taun na naman ang muling sasalubung sa ika-tatlumpu at tatlung pag-kakataun sa atin (ika-tatlumpu at dalawa lang sa iba).

2012.

Namatay si Karl Roy, si Bodjie ng Bodjie and the Law of Gravity, Geneviere "Bong" Pascasio ng Grin Deparment,  Dolphy, Jesse Robredo,Whitney Houston, Direk Celso Ad Castillo at Marilou Diaz Abaya at ilang daang mga kababayan natin na biktima ng Bagyong Pablo at Bagyong Quinta sa katimugang parte ng ating bansa.

Si Bruce Wayne, buhay lang pala.

Unti unti ng nauubus ang mga kasamahan ni Rick Grimes, peru nadadagdagan din naman.

Natalu si Pacman kay Dinamita, na-impeach si Renato Corona.

Nagkalat at nagbakasyon ng maaga ang Petron Blaze Boosters sa kasalukuyang PBA All Filipino Cup na sinabayan naman pagpa-pariwara ng Boston Celtics sa NBA.

Nag-champion na rin sa wakas si LeBron James at Cris Bosh, ganun din ang Rain or Shine Elasto Painters sa kauna unahang pagkakataun.

Kung de pa nagwala si Claudine Barreto sa NAIA Terminal 3, parang de mu na rin malalaman na nag-eexist pa pala siya, at matapang pala talaga ang Tulfo Brothers, lalu't alam nila na marami ang nanunuud sa kanila.

Si Palparan, de pa rin nakikita samantalang si Psy ay kitang kita. Opa Gangnam Style. Aminin nyu na, kasama ku din kayu sa 1 billion viewers niya sa YouTube.

Nagbagu na rin ng trip si Anthony Michael Bourdain.

Sabi ni Vice Ganda kagabi, dati daw ang mga napapatunayan na nagkasala ay sa electric chair pinapaupu, ngayun naman daw sa wheelchair na lang.

Parang wala din lang nangyayari sa Maguindanao Massacre anu.

Binata pa rin si P-noy, samantalang kinasal na si Shalani.

Teka, may mukha na baga ulit si Kabang?

Pinag-aawayan pa rin ang Spratly Islands at de pa rin natatapus ang away ng tech giant na Samsung at Apple.

Napatunayan na din sa wakas ang existence ng Higgs boson, aka "God Particle".

Ang Metro Manila Film Festival ay Metro Manila Film Festival pa rin at Kris Aquino pa rin si Kris Aquino.


Batas na ang RH Bill, Sin Tax Bill, Kill Bill, Ten Peso Bill at de pa rin lifted ang TRO sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

2012.

Ngayung taun ku lang nalaman na kasalanan na pala ng isang babae kung bakit na-rape siya.


Maliban diyan, wala na.

2012.

Nag-birthday na tayung lahat, tumanda na naman tayu ng isang taun, yung Sagada Trip ay parang trip lang talaga, si Bay ay si Bay pa rin, patuluy at de na mapigilan ang pagsikat ng Bubblegoo, long hair na naman si Sol at kinasal na si Jay.


Sa pagpasuk ng bagung taun, itu ang aming handug sa inyu.

Long distance jam with dok Sol.
Two Trick Pony ng Sandwich.


Api Nyu Yir sa inyung lahat.

Thursday, November 15, 2012

meredith brooks

This summary is not available. Please click here to view the post.

Thursday, October 4, 2012

mam at ser



Ang world teacher's day pala ay annual event simula nung 1994 pa.


World Teachers’ Day, held annually on October 5th since 1994 - when it was created by UNESCO - celebrates teachers worldwide. Its aim is to mobilise support for teachers and to ensure that the needs of future generations will continue to be met by teachers.

Bakit parang nung high school tayu ay wala lang ganitu? O nagdidiwang din tayu nuun? De ku matandaan.

Dahil sa araw naman ng mga naging teacher natin nuun, na halus lahat sa kanila ay teacher pa din hanggang ngayun, maigi laang na alalahanin natin sila ngayun.

Sa mga naging titser po namin nung high school, de lang po sa mga pagkakataung itu namin kayu naaala. Madalas po kayung bida at pulutan sa aming mga kwentuhan at inuman. Sa luub po ng apat na taun nating pagsasama sa ANSHS ay marami po kaming natutunan sa inyu. Hayaan po ninyung alalahanin muna namin ngayun ang ating mga pinagsamahan sa luub ng apat na taun na iyun, at syempre para pasalamatan na rin po kayu…

Simulan po natin:


Kay Mam Bitong:
For four long years, you never let us down Mam. You never let us down. And if Kurt Cobain was never born at all, one of us might have written and be credited to a song titled “Smells Like Teen Spirits”, with a different perspective and meaning, of course.

Once in our life, you made us believe that we really can sing. And we have to thank you for that.

Too bad, it ended all too soon.

 Kay Mam de Guzman:
Matagal tagal din po na naming naging paborito ang kulay na green.
Ngayun po ay naiintindihan na namin kung bakit po laging mainit ang ulu ninyu tuwing kayu ay papasuk. Salamat po dahil sa murang edad ay natutunan na namin na pwede mu palang ibuntun sa iba ang galit mu sa iba.

Yun lang po.

Kay Mam de Mesa:
We are very (sobrang)  grateful to you for teaching us how to write and utter properly the word, depot, genre, bourgeois, bourgeoisie, senator, chauffeur, rendezvous and many others words that  we cannot even use in  constructing a sentence or even know their very existence. Why should we be thankful? You might ask. Because, well, we really, really look and sound extraordinarily smart when pretending to be a bourgeois whilst trying to a get into a girl's pants and talking about every music genre out there. Or arguing about Senator Sotto’s knowledge, or the lack of it, about plagiarism. Plagiarism. Hey, even Senator Sotto’s chauffeur can explain this, right?

Works most of the time Mam. And the song “Release Me” always comes in handy. I think you know what we mean by now. You were the very first one who taught us on how to read between the lines anyway.

What is essential is invisible to the eye. And sometimes what is “essential” is as near as it gets, on plain sight. You just need to look forward, and roll your eyes down. Damn.

Kay Sir Cabanayan.
Sir, sinisisi ku po kayu. Opo, sinisisi.
Uulitin ku po, sinisisi ku kayu.
Uulitin ko…
Uulitin ko…
Uulitin ko…(basahin o bigkasin ng mabilis)
Sinisisi ku po kayu…
Bakit ku po kayu sinisisi? Kung de ku po nakita at ginaya ang pagdribol ninyu ng bola ng basketball ay malamang nasa PBA pa po aku ngayun, naglalaru, at hinde sana si Rudy Lingganay ang back-up point guard ng Global Port. Mali po pala na lampas balikat ang pagdribol ng bola ng basketball, madali po kayung maagawan pag ganun.

Peru salamat na rin sir dahil sa inyu, ilang linggu din na araw araw ay naririnig naming ang kantang “Eye of the Tiger”. Natutunan po namin ang sinawali, redonda, redondo, abanico at kung anu- anu pang fundamental strikes sa  Arnis. Nakalimutan nyu lang po yatang banggitin na pag may baril ka ay de mu na kailangan na  matutunan ang mga ganung bagay.

At ayus din po palang tingnan sir pag naka-jogging pants ka tapus medyu,bakat.


Kay Mam Domingo:
Kung kailan po kami tumanda ay saka lang namin naisip ang implikasyon sa buhay naming ng mga turu at aral ni Gat. Jose Rizal. Kung nakinig po pala kami sa inyu dati, ay bayani o pop-po na po siguru ang halus lahat sa amin. Peru sinu pa baga ang gustung nagging bayani sa mga panahun ngayun?

Mam Domingo, ay napaka-bait po ninyu.

Kay Sir Gemo:
De pa po namin kayu titser nuun, ay madami na kaming naririnig na magagandang balita tungkul sa inyu. Alamat na kumbaga. Kayu po ang pinaka cool at pinaka simpleng titser namin nung high school. “Be cool” sabi nga ni John Travolta. Malaking pasasalamat po ang pina-aabut namin sa pagsambut ninyu sa iniwang responsibilidad ni Mam Cahilig. Ang balita po nuun ay, tinanggihan ni Sir Cabanayan ang pagtuturu ng Physics at Chemistry dahil kailangan daw po niyang mag-concentrate sa pagtu-turu ng isa pang Physics - Physical Education. Ano po ang pakiramdam ng second option? Lalu’t obvious naman na obvious talaga?

Sir Gemo, isa po kayung ulirang titser.


Kay Mam Cahilig:
We never did blame you Mam. We never did blame you for leaving us so soon with a stack of unsolved molecular equation of biblical proportion, not even our smartest classmate can crack.

Ok, that’s an overstatement.

 I know two or three of them who can solve whatever problem or equation you write on those green boards. And one of them likes to say “bobo lang aku”.

Kung bobo pala siya, anu na kami?

Teka, balik tayu kay Mam Cahilig.

Have you ever wondered why we find it irresistible to chat with you in your small room near the laboratory? We were never interested about that heat loss and heat gain thing, or how carbon dioxide would react when mixed with metampethamine hydrochloride, etc. etc. Here’s the truth: back then, Peter North is already a legend, Samantha Mudd is an up and coming star and Kaye Parker was simply amazing. Mga brad, paki paliwanag nga ng mas maayus.

And just like that, you were gone. That was a premature departure Mam. And you took all our fantasies with you. It’s only now that we realized who really is to blame: kcired. I think he is also the mastermind behind that stupid molecule themed Christmas lanterns project that we made. Thanks but no thanks, Derick.

But like they say, time heals all wounds. We can always reconcile and make up for the lost times.

Mam, salamat po sa cleavage.


Kay Mam Querijero:
Sa inyu po namin natutunan kung panu bumyahe ng libre papuntang Mactan para sa laban ng tropa ni Lapu-lapu at Magellan. Nagagamit pa din po namin hanggang ngayun ang trick na itinuru ninyu pag kami ay nasa alapaap.

Kayu po ang ultimate definition ku ng Guru. Authoritative. Parang manga-ngain ng estudyante. Pag pula pula. Ang itim ay itim. Ay kahit po siguru si Magellan ay tatakbu pag kayu na ng nag-salita at nagalit na. Peru wala po talagang currency na de napipilas. Pilasable po lahat iyun sila kahit saang bansa pa nanggaling.

Ganun pa man, inyu pong nilinang at pinayabong ang mga kaartehan na matagal ng natutulug sa aming katawan. At tinuruan nyu po kaming umarte ng mas maarte pa.

Idol po namin kayu Mam!


Kay Mam Montes:
Ang paborito ng lahat.
Short curly hair. Violet lipstick. A very good sense of humor. And everything in between. Linguist pa. San ka pa! Ikaw po ang definition namin ng “The Perfect Teacher”.  Kung may mas pe-perfect pa po sa inyu, aywan na lang. Ayawan na po pati pag ganun.

Inamin naman na po ni JP na siya yung nag-sabi ng “Ah Tanga Ka” ay di baga? Peru de po patungkul sa inyu iyun, patungkul po sa sinasabi ninyu. Malaki po ang pag-kakaiba nuun Mam, at namis-interpret nyu lang po. Humihingi po aku ng pasensya sa bagay na itu, in behalf of JP, sorry po Mam. Peru teka, namis-interpret nga lang po pala ninyu ang buung sitwasyon.Nevermind.

Tweny, Itlic.Pitza. Mam Mones.

Sobrang Thank You po Mam! Kayu po ang lubus na nagpasaya sa amin sa apat na taun naming pamamalagi sa ANSHS! Mabuhay po kayu!.

Ay teka, nahuli na po baga si Armando Carruso?


Kay Mam Adeva:
Baby oil, petroleum jelly o latik po yung gamit ninyu? At saan po kayu nakuha ng murang supply ng Chin Chun Su? Biro lang po Mam!

Mahal lang po namin kayu dahil bukod sa Tita po kayu ni Wella ay napakabait at napakagaling din po ninyung titser.

Maigi naman na po pala at may uniform na ang Smile Club ngayun anu po? Pinagbotohan po kaya yung kulay ng t-shirt na ginamit duun?

Kay Mam Picart:
It is indeed the survival of the fittest Mam. Literally, and figuratively.

Honestly, I never thought that you would survive (pun intended).

But look at you now, still standing.

Proud as ever.

You embodied the very definition of that Herbert Spencer phrase.

Kayu po ang tinuring namin na Nanay, nung kami po ay nag-aaral pa sa ANSHS. Dahil diyan, maraming salamat po Mam Picart.

Kay Mam Hulipas:

At Syempre

Mang Junior, ikaw lang po ang nagpatunay sa amin na ang pag-dadamu at pag-babatu ay isang marangal na trabahu! Mabuhay ka po!

Sabi nga ni po ni Dolphy, hindi ko ito narating na mag-isa. Ganun din po ang gustu naming sabihin sa inyu. Malaking bagay po ang naitulung ninyu sa amin. Dahil kung de po ninyu kami pinasa nung high school, de po kami makakapag-college.

Mam, Ser, maraming maraming salamat po!

Tuesday, February 1, 2011

R.I.P.

Naisip ku lang pag-gising ku, dahil siguru masama yata yung panaginip ku, panu kaya aku mamamatay? Makakilabut at makatakut. Halus mamatay nga aku sa takut ay habang iniisip ku iyun. Peru lahat naman tayu mararanasan natin iyun ay. At itu ang karanasan na de na natin malalaman at de na natin mapagkwe-kwentuhan. Parang yung nabasa ku dating joke sa dyaryu, yung tungkul sa bird flu, ditu daw sa Pilipinas de mu na malalaman na namatay ka sa bird flu, dahil ditu daw, 2 weeks ang tinatagal bagu ilabas ang resulta ng lab test pag nag pa check-up ka, ay pag may bird flu ka daw, 1week pa lang, dedo ka na. Itu din ang karanasan na minsan lang natin mararanasan, maliban na lang kung feeling mu ay pusa ka, at syam ang buhay mu, ay syam na beses ka din mamamatay. Akaw, kung aku ayaw kung maging pusa! Hirap ng gan-un! Hirap kayang, mamatay. Huh? De ku pa pala naranasan mamatay. Base lang sa mga nababasa ku sa dyaryo, napapanuud sa T.V., saka sa internet na din kaya ku nasabi na mahirap mamatay. At itu, ililista ku ang mga paraan na ayaw ku mangyari pag aku ay mamamatay o mga ayaw ku paraan ng aking pagkamatay (panu baga sabihin iyun?) kahit na de ku alam kung panu aku mamamatay maliban na lang kung nagpakamatay me:

1a. Matabunan ng Basura

May article sa “Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino” tungkul ditu, yung mga natabunan ng basura sa Payatas. Ang natatandaan ku lang ay yung expression daw ng isang Amerikanu nung nalaman niya yung balita, ang sabi: “What a fucking way to die!” Indeed. Wag mu nang isipin o subukang imaginin kung anu ang naramdaman ng mga malas nating kababayan nung mga panahun na iyun at baka mamatay ka lang sa kakaisip. Peru itu naman ganitu ay naiiwasan, siguradu iyan, unless malas ka lang talaga at kahit nakakotse ka tapus bigla kang napadaan sa bunduk ng basura, natabunan ka. Wala ka nang magagawa duun. Kapalaran mu iyun. Ipinanganak ka para yuman at mag-kakotse, at para lang matabunan ng basura. Panu naman itu maiiwasan? Adi wag kang magpunta sa bunduk ng basura, o mag-payaman ka, o manirahan ka sa sa bunduk o sa tuktuk mismu ng bunduk ng basura, mas lalaki ang chance mu na de matabunan, dahil pag gumuhu iyun, may panahun ka pa para lumikas gamit ang chopper mu.

1b.Masunug ng Buhay

Tang-ina. Ilang minutung impyerno din pag ganitu ang nangyari. Sumisigaw ka habang nasusunug. 2nd degree burn na nga lang sa brasu mu ay, ang sakit na, panu pa kaya yung nasusunug ka? Nasusunug ka habang sumisigaw. Nalulutu ka habang namamatay. Patay ka na, sunug ka pa. Saklap anu. Para de ka mamatay sa sunug, wag maglaru ng apuy, umiwas sa mga mumurahing motel, mag baun lagi ng pocket size na fire extinguisher at uminum ng maraming tubig.

1c. Pugutan ng Ulu

No further explanation. Alam na rin ng lahat kung paanu itu maiiwasan.

(tie silang tatlu dahil, basta, tie sila)

2. Malunud

(parang) pangalawa lang itu sa listahan ku dahil medyu may class pa pag itu ang nangyari sa akin. Kumpara sa mga unang nabanggit, mas malaki ang chance mu na marecover , maretrieve at ma-identify pa pag itu ang nangyari. Halimbawa, pag natabunan ka ng basura, ibig sabihin, basurero ka, mahirap, pobre, dukha tulad namin, at pag nangyari iyun, malamang, matutuwa ang mga katabi mu na diapers, plastic at mga plastic bag dahil alam nila na mas mauuna kang mabubuluk sa kanila at pwede din na malungkut sila dahil nga mas mauuna kang mabubuluk at iiwanan mu agad sila after 10-15 years lang, at dahil nga din mahirap pati mga kamag-anak mu, ipagdadasal ka na lang nila, de ka na hahalungkatin dahil mahal ang arkila ng mga heavy equipments, kaya kung may kaunting hininga ka pa habang pinagdadasal ka, murahin mu na lang ang gobyerno, yun lang ang tangi mung magagawa, wag mu nang kaawaan ang sarili mu. Samantalang pag nalunud ka, lulutang at lulutang ka, kaya malaki ang tsansa na marecognize ka pa kapag nakita ka pa na “in good condition” ng mga mahal mu sa buhay dahil sa tattoo mu sa balikat o sa pamamagitan ng DNA testing kung ikaw naman ay unrecognizable na. Peru bukud sa mga nabanggit na dahilan, parang mahirap talagang malunud anu? Try mu hala. Para naman wag itu mangyari sa iyu, umiwas ka mga malalaking anyo ng tubig gaya ng mga dagat, karagatan, lawa, malalim na ilug at malalim na dam atbp., peru kung mahilig ka talagang maligu sa mga nabanggit na anyu ng tubig, siguraduhin mu lang na de ka masyadung lasing para safe ka, wag din maligu sa Olympic size na swimming pool, mag-jacuzzi na lang o mag-shower. Para-paraan lang iyan ay. Suggestion ku lang, turuan mu na lang ang sarili mu na matakut sa tubig o sa mga bodies of water. Pwede na daw iyun matutunan.

3. Mahulug sa Matatas na Lugar

Makatakut din itu, para sa akin. Sabi naman ng iba, de lang daw makatakut mahulug, yung pagbagsak daw ang malupit, yun daw ang makatakut at mahirap. Sabi ku naman, de ka naman babagsak kung de ka mahuhulug, kaya parang ganun na din iyun. Halimbawang mangyari itu sa iyu dahil sa mga de naiiwasang pangyayari, i-enjoy mu na lang yung “paghulug process” wag mu nang isipin yung “pagbagsak” . Halimbawa, aksidente lang, basta ka na lang nahulug mula sa 50th floor ng isang building, sabihin na lang natin na from 50th floor to ground zero, kasama ang acceleration due to gravity ay may 3.9s ka, yung unang 0.9s, nasa “gulat” stage ka pa niyan, peru dapat within that time, matanggap mu na na nahuhulug ka, quick mind dapat, dahil kung hinde, de mu na ma-e-enjoy yung natitira pang 3s ng “paghulug process”. Pwede din naman na yung 3s ay gamitin mu sa pagsisisi, o sa pag-iisip kung bakit ka nahulug, o sa pag-dadasal, peru de na makatarungan kung hihingi ka pa ng himala, kalokohan na lang iyun. Parang ganitu lang iyun ay, nahulug ka:

“Aryo!” (pagkasabi mu ng aryo, dapat tanggap mu na agad na mamamatay ka na at 50th floor nga yung pinanggalingan mu). Tapus enjoy mu na lang yung natitirang segundo habang nahuhulug ka. Ngumiti para cool saka para de na din mahirapan ang mga awtoridad na mag-imbestiga kung may foul play, dahil pag nakita ang bangkay mu na nakangiti, isang lang ang ibig sabihin nuun, kagustuhan mu ang nangyari, iyun ay kung buu pa ang ulu mu pagbagsak mu.

Blag!

The end.

Or:

Aryo!” (pagkasabi mu ng aryo, dapat tanggap mu na agad na mamamatay ka na at 50th floor nga yung pinanggalingan mu). Tapus dasal, sisi, isip…

“Shit, yung

Blag!

Fin.

Ayaw ku din ng ganitung paraan ng pagkamatay, makakilabut din ay. Peru naiiwasan din naman itu. Wag ka lang gumamit ng pinagbabawal na gamut at saka pag-aakyat ka sa matataas na lugar, iwan mu muna sa ibaba ang katangahan mu. Be assumptive din, isipin mu lagi na pwede ka mahulug anytime, peru wag naman sa puntu na para ka nang paranoid, or pag-aralan mu na maging alto phobic, itu ang da best na paraan.

Itu lang yung Top3 (bali dalawa cha). Marami pa akung kinakatakutan na paraan ng pagkamatay tulad ng mga aksidente, torture, at kung anu-anu pa, yung lang mga binanggit ku ang pinakakatakutan ku at pinakaayaw ku.

Lahat tayu mamamatay. De lang natin alam kung kailan. Maliban na lang kung plinanu mu ang sarili mung kamatayan at naniniwala ka sa sinasabi sa deathclock.com.

Sa Saudi:

Wag-wag - anal sex

Tatlung pinoy ang nahatulan ng kamatayan dahil sa paglabas sa batas. Peru dahil kwentong barbero lang naman itu, binigyan sila ng konsiderasyon. Pinapili sila kung wawag-wagin kapalit ng kalayaan o sila ay papatayin. Pinili ni Pinoy 1 at Pinoy 2 na wag-wagin na lang at sila ay pinalaya agad.

Pinoy 3: “Patayin nyo na lang ako kaysa wagwagin nyo!”

Arabo: “Okay, kill that one by wag-wag!”

(Joke itu dati ni Betong nung High School)

Tuesday, June 16, 2009

Joy, Nini

Karaniwan nang mababasa natin sa mga tindahan ang mga ang mga ganitung karatula :"Credit is good, but we need cash"; "Bawal ang utang ngayun, pwede bukas"; "Ice 4 Sale"; "E-load, Autoload", "Ice Candy 4 sale" "Uling 4 Sale", etc.,etc.


Peru sa tindahan malapit kila Betong, bandang kaliwa kung galing ka sa bayan, bandang kanan kung galing ka sa Tibag, may kakaibang handwritten "poster" na nakadikit. Ganitu ang nakalagay:

"Joy, Nini, bawal manginain ng tinda."

Maliit lang dati yung tindahan na iyun. Mini Grocery na ngayun ay kaya madami ng tinda. Ayus din yung naisip ng may-ari. Sa halip na araw-araw sawayin si Joy at si Nini, naglagay na lang ng "reminder". Bali dalawa iyun ay nakasulat sa one whole sheet na papel.tapus nakalagay sa mga paninda na pwedeng pwedeng kainin ni Joy at Nini ng palihim. Hanga aku sa may ari nung tindahan. Galing anu? Kung aku at si Betong ang tindero, malamang ang nakalagay ay ganitu:

"Betong, Vidson, Bawal uminum ng San Mig Light"

Kung nakunan ku lang ng picture iyun, pwede sanang isali sa pampasaya link. Isama na din natin itu:
De ku siguradu kung si Joy at Nini pa rin ang tindera duun. Malamang de na. Akaw ay kahit naman aku, makahiya laang kung may ganun na nakalagay sa pinagtitindahan ku.




Wednesday, January 14, 2009

Apiran..

Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsAng konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang mins

Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsan napagud na akung gumawa ng wala. Yun ay pangkati lang. De ku alam na gustu din pala ninyu. At makaraan na magkaruun ng division of labor at organizational structure sa kung sinu ang mamumunu sa pag-oorganize ay iyun, natuluy nga kahit puru planu at kathang isip lang yung mga meeting at organizing team. Ganun pa man, dahil sa gargantuan task talaga ang buuin ang 34 members ng ating Batch, natuluy din ang planung reunion. Salamat sa mga tiga Baler na nag-organize, kila Betong, Kaddo at sa pabagu bagung isip na si Eda at yung mga online advisors/advisers natin, the three J’s, JP, Jeannette at Jed.


December 29, 2008, sa Bistro Baler, alas-sais ng gabi.


Ang mga nagpunta (ayun sa dami ng beer na nainum): Betong, Jeanette, Aku, Kaddo, Ando,Gerard, Markus, Jed, Onad, Jp, Shiela, Pia, Ilyn (baka nacoconfuse pa rin kayu hanggang ngayun, Aileen ang spelling nung isa) Abie, Daisy, Janeth, Eda, Salve, Ate Noreen, Ada at Pen-pen. Pangalawa si Jeanette dahil para na siyang female version ni *Pepsi, akaw, lakas uminum! Gaya ng inaasahan, may mga curfew yung iba, lalu na yung may mga asawa at anak na, si Ando lang ang natira na may anak na, panu nilasing niya si Maan, saka hinatid pauwi saka yata siya tumakas ay saka pala si Nene (Ilyn), nakipagpatiktikan din hanggang umaga.


Ang mga naunang dumating ay yung mga atat uminum ng San Mig Light at yung mga gustung makauna sa pulutan, si Betong, si Pepsi, Pia, Ate Noreen, Kaddo at Markus. Syempre, may registration saka lobo (courtesy of Pia) na siningit sa buung paligid sa bandang itaas ng Bistro. Kumustahan, kodakan ay de na pala kodakan, digicaman na at olympusan dapat ang term, apiran at anu ka, reunion nga talaga, may iyakan pa! Parang nanunuud ng MMK yung iba, umagus ang mga luha!


Then Program Proper.


Wala nang National Anthem at Prayer, de magkasundu kung Star Spangled Banners o Lupang Hinirang ang kakantahin ay. Inspirational message galing kay Eda at Short message ni Betong. Tapus kaunting lecture sa Internet Basics for Beginners at Tropang Spider Blog Fundamentals. May mangilan ngilan pa rin sa atin na de marunung mag-internet ay, yung iba naman, tamad lang daw mag browse (excuse acknowledged).


1st set.


Habang tumutugtug ang Rugged Band (Lakay, Eric at Char) kamustahan ulit, apiran, digicaman at olympusan, kaunting iyakan, inuman, sayawan, payabangan, at sinimulan na ni Chammie at Kem ang paniningil. Si Chammie (anak ni Wiwin at Abie) pinagdala ni Abie ng maliit na sling bag, lalagyan ng mapapaskuhan! Anung galing! At itu ang makatuwa, yung iba ayaw mag-order at baka lumampas daw sa ambag nila ang kanilang oorderin! Ayus! But, we will take the blame, pasensya na kung de namin naipaliwanag ang mechanics. At syempre, nung tinugtug ang Kundi’man, de naman napigilan ni Betong ang kanyang emosyon, gaya ng inaasahan, iniinterpret niya ang kanta through sign language habang itu ay tinutugtug ng Rugged band. Habang tumutugtug din ang banda, pinaplanu na ng mga bandista nating ka-batch ang tutugtugin nila pag-katapus ng 1st set.


Dance, Drink, High Fives, Photo ops, etc.


Pagkatapus ng 1st set, medyu may tama na ang mga participants. Napapadalas na ang apiran, may nabububu nang mga beer at tumatapun na pulutan. Lumalakas na rin ang tawanan. Punu na rin ng usuk ang bistro at unti-unti, kahit de natin namamalayan, bumabalik na tayu sa mga pamilyar na sitwasyon at kwento, sampung taun ang nakaraan. Tapus may pausu , surprise quiz! ( si Jed ang gumawa). Upu muna ang mga participants, parang pag nagagalit si Osang, ganun ang itsura nilang lahat. Peru after 10 seconds, nag-sipagdaldalan na naman! Mga lasing na ay! Kahit puru kajologsan lang ang mga tanung, marami pa rin ang natuwa, de ku alam kung sa mga tanung (at sagut) sila natatawa o sa itsura ku habang aku ay nasa harapan nila (yung sa mga de nakapunta, aku pala ang host sa surprise quiz! Sarapeyn!). Peru mayrun akung napatunayan, mahirap pala talaga mag-teacher lalu na pag mga lasing ang nasa harapan mu. Nakabawi din aku kay Betong, kahit ilang minutu lang, nagpalit kami ng posisyon, siya ang estudyante at aku ang teacher. (Trivia: naging instructor ku si Betong sa Carmel nuun, sa Management 2). Mga sample question: mahal pa rin ni Mark si Jeanette, true or false. (Lasing na pala aku ditu, yan lang ang natatandaan ku). May napatunayan din aku, gaya ng paulit ulit kung sinasabi nung gabi na iyun, iba talaga pag graduate ng ANSHS, multi-tasking (joke itu ni Kid nung meeting ng mga Alumni sa training center ng ANSHS),halimbawa si Ando, habang nakikinig at binabasa ang tanung, pinaprocess at finifilter na sa utak niya ang sagut, habang nakikipagkwentuhan, nagyoyosi, umiinum, namumulutan at nagtetext, ay kung dala pa niya yung PSP niya, adi naglalaru pa sana siya. Ang problema, naghahang si Ando (loveyou men, ay man pala) dapat pala si Jeanette o si Betong ang hinalimbawa ku.


Sayawan, Inuman, Apiran, Digicaman, atbp.


Pagkatapus ng quiz, umuwi na yung iba (as expected).


2nd set.


Tugtug ulit ang rugged Band. Lumalakas na rin ang tama. Walang humpay na ang sayawan. Panay-panay na ang apiran. Patay sindi na ang mga yosi. Bumabaha na ng soup at lumalaki na ang bill. Peru walang problema, atin ang venue (yung taas lang kari) at atin ang gabi. Pagkatapus ng 2nd set, 1st set naman ng Batch 12! Tinugtug namin ang Me ng The Teeth, Minsan, Shake Yer Head, Wishing Wells, Ang Huling El Bimbo at iba pang Eraserheads greatest hits, just like the old times, la ka Sol ay, ikaw sana sa beatbox. Halus lahat ng naiwan, kumanta, si Pia, pinagbigyan na lang at magsasara na ang Bistro. Bitin. Pinamigay na rin ni Jeannette ang kanyang mga pasalubung/regalu. (De pa dikit dikit boy, may anti-dikit property na pala ang papel na gamit sa Playboy anu?)


The Ermita Hill Experience.


Bitin ang tropa. Tagal nga naman bagu ulit nagsama-sama. Gamit ang Van ni Markus na may nakasulat sa likud na “wash me” punta kami sa Ermita. Bagu pala kami pumunta sa Ermita (bagu umuwi ang Barcenas Family):


Sa labas ng Bistro Baler:

Chammie: (Tinuru aku) “Huy ninong, tanda lang kita, ikaw lang ang de nagbigay”.

Aku: (tulala, nag-blush)


At kahit saradu na yung daan pataas sa Ermita binuksan iyun ni Ando at Gerard ( hala na kayu!). Isang kahung San Mig Light, dalawang kahang Malrboro Lights, dalawang Laptop, tatlung digicam, suput-suput na soup at lomi galing Bistro at mga kwentong de pa napaguusapan ang dala namin duun. Sa Ermita namin na-kachat si Jennifer gamit yung laptop ni Jed. De ku na din tanda yung mga napag-usapan at napagkwentuhan natin duun. Ang natatandaan ku, humihigup si Pia ng Lomi gamit yung takip ng bowl. Nung malapit nang mag-umaga, alas kwatro na yata iyun ng madaling araw, nilapitan na kami ng isa sa mga guard sa Ermita, pinapauwi na kami at maingay na daw, Tanu kami natinag! Panu mga lasing na kaya malakas ang luub. Peru kat, sa tutuu lang, uuwi na rin talaga kami nuun at mag-uumaga na. Matapus mapapayag at mapigilan si Jeanette na wag nang patulan yung guard (talagang sasapakin sana niya, ang ginawa na lang niya, tinawagan si jowa na nasa Houston at nagsumbung saka binantaan yung guard na: “ wag lang kayung mapadaan sa Baylor, papabugbug ku talaga kayu! F*%@#!), dahil wala naman talaga kami sa katwiran, napagkasunduan na na umuwi. Pagdating ulit dun sa may parte na may kahuy na tinataas (anu baga ang tawag duun) bagu makadaan, tinanggal ulit namin iyun, peru de na ibinalik. Sa ganung paraan, nakabawi kami sa panghahamak, pagpapahiya, at pagsaway sa amin ng isa sa mga gwardya ng Ermita.


The Tapsilogan Conflict.


Pagkagaling sa Ermita, kain muna sa Tapsilogan, dun sa may Parke, tapat nung hanay ng mga Drug Stores at Rolling Stores. Ditu naman nakipag-away si Ando dahil naman sa Goto. De sila nagkaintindihan nung tindera. Gaya din ng ginawa ni Jeanette, nagpakumbaba na lang si Ando at bumili na lang kami ng goto sa ibang rolling store.


Tapus uwian na.


De na aku nakasama sa mga gimik nung mga sumunud na araw at nung bagung taun. Sa Timog na lang ulit aku nakasama. Dun din namin nakasama si Bay.

*tanungin si betong

Sunday, July 27, 2008

kwentu......han muna tayu...!

"kumuha ng kapirasong papel pagkatapos mabasa ang kwento...isulat ang napulot na aral sa kwento.....note: kailangan my lagda ng magulang bagu ipasa ang kasagutan...."

Narito ang isang kwento ng pag ibig na tunay na naganap sa dalawang nilalang na pinagtagpo ng kapalaran. subalit dahil sa komplikasyon at proteksyon ng mga tauhan, minabuti na huwag na silang bigyan ng pangalan.

Isang gabi, naglalakad ang isang lalaki sa may tulay nang may makita siyang babaeng nasa taas ng gilid nito at magtatangkang magpatiwakal.'huwag!!!,' sigaw ng lalaki. At sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang babae at siyay bumaba.........

Lalaki: Ano bang problema mo't naiisipan mong gawin yan? ....
Babae : Kasi, iniwan ako ng boypren ko't sumama sa ibang babae. ...
Lalake : Miss, ganyan din ang problema ko pero d ko inisip na mgpakamatay....
Babae: So, anong gawin natin? Nag isip sandali ang lalaki at sinabi....
Lalaki: Kung gusto mo,mghiganti tayo sa kanila.....
Babae: Paanong paghihiganti?..
Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin....(sabay kindat sa babae na nakuha naman ni babae ang parinig na yon)

Maya maya'y nasa isang kwarto na sila ng motel at nangyari na nga ang di dapat mangyari... Nang makaraos si lalaki, nagsindi siya ng yosi..nang halos filter na lang ay biglang nagsabi si babae...

Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo pagod na pero pinagbigyan uli nya ang request ni babae. nang makaraos na muli, nagsindi ulit si lalaki ng yosi...nasa kalahati pa lang ang yosi...

Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hilig,muling pinagbigyan niya si babae.Muling nakaraos ang dalawa.nagsindi ulit si lalake ng yosi. Unang hitit pa lng nya ay....

Babae: Ganti uli tayo.

Talagang lupaypay na si manoy pero para huwag mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng babae. Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan pa lng nang biglang.....

Babae: Ganti uli tayo.

Lalaki(pagod na) : TANG INA MO, PATAWARIN NA NATIN SILA!!!!

Thursday, June 26, 2008

Tara na Byahe Tayo! ( Papaitan, Lugaw, Dyamengo, Adobong Pusa, Lucy Express atbp.)

Tamang byahe muna tayu. Makamiss nang umuwi sa Baler ay. Isa siguru sa pinakamahirap na parte ng buhay ng isang tiga-Baler (at halus lahat ng tiga Aurora)ay ang ang pagluwas. Ang maganda lang pag nakakaluwas, medyu pumuputi ng kaunti ang balat, na nabalik din naman pagkaraan ng mga ilang araw pagdating mu pagkagaling sa Maynila. Ang pagluwas ay synonymous na rin sa Manila o Cabanatuan, dahil duun halus "naluwas" ang mga akkaw. Balik tanawin natin ang mga karaniwang pangyayari, tao, mga bagay at lugar kapag tayu ay naluwas. Itu lang ang medyu natatandaan ku.

Si(la) Suki. Ay kilalang kilala itu ng mga tiga baler. Kahit nung sa may lumang palengke pa lang ang paradahan ng mga Bus at Jeep na paluwas, at de pa pwede daanan ang Canili, tau na sila. Sila yung nagtitinda ng suman na mga tiga buhangin(?).Yung isa yung kulut na medyu makapal ang make-up sa mukha at yung isa naman yung kulut din na medyu chubby ( may premyo ang makakahula ng pangalan nila). Sila ay si Suki, dahil suki nila lahat ng pasahero. Peru de naman sila kagaya ng mga nagtitinda sa terminal ng Cabanatuan na pag tiningnan mu lang o nagtanung ka ay babayaran mu na yung tinda nilan Zest-O o mani, pag de mu binayaran, nanghaharass sila, masyadung mga bayolente. Mabait sila suki kahit medyu pabagu bagu ng presyo ang kanilang tinda. Pag akyat mu ng Bus, aalukin ka ng suman, P30 isang tali (ang isang tali ay sampung pirasu). Pag medyu alam na nilang paalis na ang sasakyan, makukuha mu na lang ng P15-P20 isang tali. Regular figures pa rin sila hanngang ngayun sa terminal ng Genesis sa Duongan at sa terminal ng Van at D-Liner sa palengke.

Mahirap lumuwas nuun. Lalu na nung wala pang Genesis. De aircon ang mga sasakyan. Nasakyan ku pa dati yung Pantranco (tama baga na may Pantranco dati?) Yun yata yung nahulug nuun sa bangin ay (o ibang Bus Line iyun?). Peru nung may nahulug na Bus sa bangin, medyu nawala ang mga Bus Company sa atin. Jeep ang naging hari ng Villa. Nung mga panahun na iyun, naging tanyag ang Lucy Express. Tanda ku pa, ang pinakasikat na Lucy ay yung Lucy 4, bukud sa mabilis na, daring pa yung driver, kaya ginagawang balikan ang Baler-Cabanatuan.

Nuun din, sa Villa lang nadaan ang mga sasakyan. Kung medyu mahina ang sikmura mu, lantang talung ka na sa may Stopover pa lang. Dahil sa de pa nuun usu ang Bonamine at Bonakids, ang tanging pangontra lang sa hilu ay "dyamengo" at citrus(pwedeng amuy amuyin habang pinipisil ng mahinahun ang balat ng citrus na sabi nila ay may healing property daw, wag lang itapat sa mata at iyun ay nakakaiyak). Oras na humintu ang sasakyan sa Stopover sa Villa, akyatan na ang mga tindero/tindera, may bitbit na bilau na may laman na assorted candy(stork, white rabbit,la pa nuun max), Chippy(la pa nun Piattos), Snacku, Richee, Cheezum at kung anu anu pa. Kasabay nila ang mga tindero/tindera ng "dyamengo" at citrus. Ang "dyamengo" ay tatlu sampu, libre na yung asin.Kung biyahilo ka, yan lang ang pwede mung kainin. At kung medyu kaya mu namang bumaba, pwede kang kumain ng lugaw o mainit na sabaw ng papaitan sa mga restaurant.

Nuud din (ulit), pag bumagyu, kalbaryu ang ibig sabihin sa mga pasahero. Kahit kaunting ulan lang, madulas ang daan at delikadu bumiyahe. Naguhu ang bunduk kaya de advisable na lumuwas. Pag may matigas ang ulu na mga pasahero at driver (dahil de naman talaga aalis ang sasakyan pag walang pasahero na makulit), maydun pa rin naluwas kahit masama ang panahun, ang resulta, stranded. Most common used term dati sa Baler ang salitang stranded pag may bagyu.

Adobong Pusa. Medun aku dating nakainuman, may restaurant sila sa stopover sa Villa. Karaniwang ulam na nilulutu nila ay adobo, kaldereta, pritong bangus at tilapia, paksiw na bangus at kung anu anu pa. Nung siya ay nalasing, kinuwento niya na yung mga karne na nilulutu nila ay hinahaluan ng karne ng pusa. Akkaw sarap. Pati yata papaitan, hinahaluan. Kaya kung nakainan mu lahat ng restaurant sa Villa bagu sila natabunan ng gumuhung bunduk, malamang nakatikim ka na rin ng pusa.

Friday, May 2, 2008

Isang Medyu Mahabang Kwento Ulit

High School Days Revisited
2nd Year: “Happy Birthday Jesus”

Summer vacation, 1995. Kagaya nila Ando, James, Cardo, Amer at Jed, buung bakasyon akung naghintay ng sulat galing kay Mam Hulipas, baka isa aku sa mga kickout. Habang kampante sila Jeannete, Wella, Betong, Sol at yung mga kasali sa Top Ten na de sila maki-kickout, dalawang buwan ding de kami nakatulug ng maayus, de namin ma-enjoy ang summer.
Natapus ang bakasyon. Ayus! Wala pa ding “kickout letter” na galing kay Mam Hulipas. Peru kinakabahan pa din aku, baka de lang naipadala o naligaw yung “kickout letter” na para sa akin. Natanggal lang ang kaba ku nung unang araw ng pasukan, kasama aku sa Master List ng 2nd Year. Ayus na. Wala nang kaba.
38 ang natira. May nakickout, may nagtransfer. Isang section na lang, sama-sama na ulit.
Parang bahay ni kuya. Iisang bubung na lang ang sinisilungan…
2nd year... Sophomore na. 2nd Floor na rin ang room.
2nd year tayu nakarating sa bansa ni Magellan.

Mam Querijero: “Kunwari nakasakay na tayu sa eroplano. Pupunta tayu kila Magellan, dadalawin natin siya. Pikit kayu lahat. Eeeeeeennggg, eeeeeennngggg. Tentenenen… Yan nalipad na tayu. Eeeennngggg, eeeeeennngggg. Tentenenen… Uh, pumikit kayu at wag titingin sa bintana at baka malula kayu! Eeeenngg, eeeeeenng…O, mulat na at nanditu na tayu.”
Pag ganyan na, napikit lahat, maliban kila JP at Betong. Kaya madalas sila sigawan ni Mam Querijero ng “ Huy JP at Herbert pumikit kayu! Aryo, baka malula kayu!”. World History. Itu ang forte ni Betong. Pag may mga re-enactment ng mga significant events sa buhay ni Magellan o kailangang isadula ang pagbomba sa Pearl Harbor, siya lagi ang bida (alam ku na ngayun kung bakit, kasagsagan ng pag-papacute nya nuun kay Wella ay). Saka pag exam, kay Betong ka tatabi kung gustu mu pumasa. Kung gustu mu naman pumasa ng de natabi kay Betong, hiramin mu yung reviewer nya na nakasulat sa Yellow Paper, siguradu iyun, nandun lahat ng lalabas sa exam. Swerte ka na kung ipapahiram niya iyun, ipahiram man niya, yung isang page lang. Ipapahiram nya sa iyu lahat pag 2 minutes na lang, mag-e-exam na. Mabasa mu man, de mu na rin matatandaan. Kapansin pansin din nuun ang pagiging close ni Betong at Flora (yung tiga reserva).

2nd year din nung una nating na-meet si Sir Gemo. Medun tayung assignment notebook nuun sa kanya. Statistics. Mean, median, mode, pag mali ang isa, mali na lahat. Kaya pag exam, sila Sol, Jeannete at Wella ang mga dapat tinatabihan. De lang Mathematician si Sir Gemo, environmentalist pa. Ayaw nya ng may nakikitang kalat sa luub at labas ng room. Kaya nung minsan na nagkalat si Shiela ng butu ng citrus, pinalunuk niya yung mga butu. Wala nga naming kalat.

Anu na kayang pangalan nung katekista natin? Aryo, yung nagtuturu ng mga verse sa bible at teachings ni Jesus? Tanda nyu pa baga nung recollection natin? Daming umiyak nuun anu. Peru kalakasan nuun ng iyak ay si Shiela. De baga may inaabut nuun na kandila. Ang aabutan mu daw yung kagalit mu o kaaway o yung kaklase natin na gustu mu sabihan ng sorry. Siguru kaya may sindi yung kandila pag inabut mu, iyun ay para may pampatak ka sa balat o pangsunug sa buhuk nung taung aabutan mu pag de niya tinanggap ang sorry mu. Buti na lang de iyun ginawa ni Shiela sa akin. Nagpapasalamat pa rin aku at de niya iyun naisipang gawin. De ta naman kami magkaaway o magkagalit nuun ay. Aywan kung bakit inabutan niya aku ng kandila.

Trivia: Alam nyu baga na nagbuntalan si Mark at Ittad? Oo, buntalan, suntukan. David and Goliath batch12 version. Nagaway sila dahil sa scrabble. Kaunti lang ang tauu nuun sa room, walang teacher kaya pwedeng mag-scrabble o kahit na anung laru ang maisipan mung gawin. Nung malingat si Ittad, may nagtagu nung board, tiles lang ang tinira. Ay panu ka nga naman makakapaglaru ng scrabble kung wala yung board? Pinagbintangan niya si Mark. Para makabawi, kinuha ni Ittad yung bag ni Mark. Tinapun nya mula sa 2nd Floor. Nagsapuretret ang mga laman. Ay nasa bag pala ni Mark yung walkman niya, yun, pinatulan niya si Ittad. De naman masyadung bayolente ang nangyaring away. Gaya nang inaasahan, de nakatama si Ittad. Itanung nyu na lang sa iba kung panu inetsa ni Mark si Ittad.

Kung may UMK (Universal Motion Kids) nung First Year, may Fantasy Girls naman nung 2nd Year, si Konny yata ang leader/choreographer nila. Nung 2nd year din mahilig tayu (kayu) makipamiesta, halus lahat sama-sama maliban lang sa mga de talaga nasama kagaya ng Campus Girls (Noreen, Josephine, Adeline, April) at yung ibang tiga-Sabang (Jannette at Daisy). De rin masyadu mahilig makiadaday si Jennifer at Jericelle , Si Salve naman nasama lang pag kasama si Joe. Aku din pala, de pa masyadung naggagala nuun. Napasama aku minsan, Fiesta ng Baler, gumala tayu sa mga bargainan, bumili aku nung t-shirt na parang newspaper, yung bagang ang mga nakatatak ay Skid Row, Death Metal, Metallica, GN’R tapus may mga sulat sulat pa na kung anu-anu.


Itu lang ang mga naalala ku na kwento, de pa aku masyadung nag-gagala nuun ay. Peru siguradu aku, madadagdagan itu sa mga comments.

O, hala, magbalik tanaw na kayu at mag-isip na ng mga nakakatuwa, de kapani paniwala at nakakaiyak na mga reactions.

blogger templates | Make Money Online