Wednesday, October 6, 2010

print screen/sys rq, ctrl + v, crop




para lang may bagung post sa naghihingalu na nating blog.:-)

Tuesday, October 13, 2009

Strike Two!!



eto nga pala yung pangalawang palahi ni wiwin " ka batch" barcenas..at ni abie na obvious na ginawang padaanan lng..hehehe wala pa aku masyadu masasabi kay otoy at de ku pa nakakajamming masyadu..peru isa lang ang sa tingin ku ang gustu nya iparating kahit di pa sya nagsasalita," ayaw ku kayung maging NINONG!! at nuknukan kayu ng tsani!! sige, update ku na lng kayu pag nadapa na si otoy...kinakarga pa kasi sya ay...

Wednesday, October 7, 2009

Man in Tux

Ang latest na lagas. Dumadami na ang makokolekta ko sa pustahan :) Congratulations/Best Wishes/Good Luck kay Onad!





*mga ninakaw na pictures sa FB profile ni ReneWaldo Miemban TehSan

Wednesday, June 3, 2009

Wadi

Kung ikaw ay kasapi sa ANSHS Yahoo Groups, malamang nabasa mu na itu:

Hi,

Nabalitaan nyu na ba ang chika na iba na ang principal ng ANSHS. Si Mrs. Hulipas daw ay naki pag swap sa principal ng Baler National High School na hindi ko kilala kung sino?

At itu pa ang mas matindi, si Ittad din daw ay ililipat na sa BNHS kasama ang kanyang pink na motor. Disaster ito!

Manatiling nakatutok dito sa ating yahoogroups para sa kumpletong detalye ng chikang ito.

Confirmed na po! Na de tutuu ang chikang nabanggit... Itu ang ebidensya oho: (may typo ulit jeannete, de ku na inedit, de naman tayu slow ay de baga?)

Mabilis talaga ang balita, nauuna pa sa tutuung buhay.

Ang latest update dito ay wala pang reshuffle na nangyayari sa mga principlas ngayun. Usap-usapan pa algn daw sa DepEd ayun sa isang "reliable source" (naks). Kaya si Mrs. Hulipas ay principal pa rin ng ANSHS hanggang ngayun.

Parang NBA din anu? Kumbaga Free agent na sana siya kung "nag-opt out" sa kanyang contract, sa halip, nagkaruun na lang ng contract extension. Muntik nang ma-trade ang pinakamamahal (ehem) nating principal. Laking Cap Space sana ng ANSHS kung natuluy ang swap anu? (pakicheck nga kung pareho sila ng market value ng katrade sana niya). Kung natuluy ang trade, pwede nang gawing permanent si Mang Junior sa ANSHS (dahil sa cap space ha, de sa kung anung dahilan).

Irreplaceable iyan si Mam Hulipas. Magaling. Matindi. Petmalu. Kitang kita naman ang development sa ANSHS ay. Isang dekada matapus tayung gumradweyt, may covered pathway na mula sa maayus na ring gate hanggang sa two-storey building; ang ratio ng computer to students ay 1:3 na (daw) mula sa dating ratio na 1:1 (1 computer per year level); madalang na ang atag (kaya mas matatalinu na ang mga estudyante ngayun ng Ansci ay, yung mahabang oras na ginugugul natin sa once a month na pag-gagamas nuun, inuubus na lang nila sa pag-aaral ngayun); bagu na rin daw lahat ng textbook (unconfirmed pa itu), de na usu ang hiraman; may tig-iisang medal na lahat ng magtatapus; may covered court na; may sarili ng website ang ANSHS; magagaan na rin daw ang lahat ng baril-barilan na gamit sa CAT; maayus na ang lambingan bridge; clasroom na rin ang dating AIADP; fishpond na yung swimming pool dati; la pa din daw anak si Mam Picart; malalaki na yung mga tanim nating mahogany tree at tayu pa rin lang ang nag-iisang batch na may yearbook...

Dadagdagan ku pa sana, kaya lang baka mapaopis aku ay, hirap gumawa ng 100 pages na promissory note.

Tanung: Gustu nyu bagang palitan na si Mam Hulipas bilang Principal ng ANSHS ?(kung oo, sinu ang ipapalit at ipaliwanag ang implikasyon nito). O gawing permanent na si Mang Junior para kumpleto na ang kanyang benefits?

(Credits: Larawan ni Mam Hulipas galing sa ANSHS Official website. Yung mga paragraph na bold letters, e-mail galing sa ANSHS Yahoo Groups.)

Thursday, November 27, 2008

Kapatid ni Amy

(Wala nang nag-a-update sa reunion at wala na ding ibang mapag-usapan kaya nagneut-muna ulit ng post na medyu may pakinabang naman.)

Isa uling patalastas galing sa Batangbaler. Malapit nang magpasku kaya malapit nang ipalabas ang pelikulang itu. May trailer na din ditu, at ang official themesong ay nanditu na kinanta ni Sarah Geronimo na may pamagat na "Ngayun, Bukas at Kailanman". Suportahan natin ang pelikula kahit na kapirasu lang nitu ang shinoot sa ating bayan. Movie Poster galing sa Viva Films (at BatangBaler), used without permission.
Kasama kaya sa soundtrack ang kanta ng Akkaw First Project?

Tuesday, September 23, 2008

Next US President - Manny Obama

tutal naman medyo seryoso usapan last time, anu kaya ang mangyayari kung siya ang naging pangulo ng estados unidos? tataas kaya stock market? sana hindi magalit si bosing vidsun. - jopay

Monday, September 22, 2008

maniniyut ( photographer )

after talking so much about the turmoil, let's talk something lighter...at medyu badtrip na si vidson..anu nga pake...medyu nabukitkit ku sa batang baler itu nung minsang walang magawa sa upuan...madami nga palang magaganda na hindi ntin napapansin sapagkat sa malayu tayu nakatingin...o nadali lamang ng effects ng magandang camera na may mahabang lens...hehehe peru ganun pa man...maganda pa din...pakitingin na lng etong sites na itu para sa mga larawan...pasenya na at di ku mailink...

1.The_Dynamo_of_Illumination

2.Northern_Aurora_The_Might_and_Majesty

postcript: dahil sa mahal kita bets, yan clickable na ang mga links, saka tamad pati mag copy-paste ang mga visitors ditu. hehehehe.(ipopost ku sana nuun yung mga links nung una kung nakita mga pic, kasu de ku lang natapus dahil wala akung maisip na caption at medyu tinamad )nakita ku na lahat ng mga pic dyan, dinownload ku pa nga yung iba at ginawang wallpaper/screensaver ay. ayus, magaganda, iisiping mung sa ibang planeta kuha yung mga larawan. enjoy

Wednesday, July 23, 2008

Jeng


(akaw, breaking post nga pala sana ang profile ni jeng, dahil simula nung graduation ay de na halus natin siya nasilayan. Naitu na ang pinakakahintay mung profile. hehehehe. pasensya at natagalan, kung si bets ay nagdetox, aku ay sumali sa training camp at summer league sa orlando. hehehe. kaya lang de ku alam apelyido mu ngayun, wala sa profile mu sa friendster ay)

Name: Jennifer Montera (dati)
AKA: Jeng

Isa itu sa kaingayan nating kaklase. Sa gate pa lang, alam mung siya na iyun pag tumawa. Saka anu pa baga? Wala na akung halus matandaan na kwento tungkul sa iyu,tagal mu ta nawala ay. Oh itu na, bayad na ang utang ku ha? Kasama ka na in pati sa links.

Thursday, June 5, 2008

there can only be one (or two)

nakatuwaan lang, habang nag-aabang ng game 1















Thursday, May 29, 2008

Salve


Name: Maria Salve Amor (dating sindac, de ku alam ngayun)
AKA: Ate Salve

Buti na lang may friendster talaga. Makaraan ang ilang taung pagtatagu, makikita na rin natin at masisilayan at sana makausap, si Salve.
Ang love team ni Joe. Isa lang ang naalala ku pag nakikita ku si Salve, ang walang kamatayang "kanlungan". Huli ku siyang nakita ay nung kasal pa yata niya kaya wala na akung masyadung balita sa kanya. Yan lang muna, de makapagisip ng maayus ay, overwhelmed pa rin sa pagkapanalu ng Boston.
Yung pic pala, ninakaw ku lang sa friendster ni Salve.

Tuesday, May 20, 2008

taga-awat!!


tutal nagkakagulu lang din kayu sa lintik na basketball na yan...eto na ang magaawat sa inyu...tingnan ku lang kung makagumu pa kayu ditu...kwatro kantos ang mukha nyan...pag inupakan kayu nyan sigurado comatose kayu...

Monday, March 10, 2008

Si Jay


Name: Ricardo M. Dukha Jr.
AKA: Kaddo, Jay, Sebo

Balik muna tayu sa pag gawa ng profile. Yan si Sebo, medyu nagbalik luub lang ulit sa tropa kamakailan. Isa itu sa mga kamahalan ku kahit maarte at nang aaway ng de mu alam ang dahilan. Peru harmless naman kahit medyu may topak. Isa itu sa mga taung de mu pwedeng itapun at marami ang pupulut, sabi nga ni betong. Kailan kaya tayu ulit mag bi billiards at iinum ng strong ice bok?

Monday, February 11, 2008

Silver Jubilee Pictures

Habang inaantay natin yung mga picture ni betong nuung nakaraang 25th Anniversary ng Ansci, naitu at naitu pa ang mga kuha ni Kapitan Kid.

Wednesday, January 16, 2008

la lang


nahalukay ku sa barangay batangbaler. pinost ku duun nung 2006 pa.first time ku na magblog itu ang nilagay ku.medyu bata pa kaming tatlu ditu.ngayun, medyu mga gurang na.

Friday, December 28, 2007

Sol


Name: Solomon Crisencio Paul PeƱaloza
AKA: Sol
Si Dok Sol.Doktor ng mga animals.Small but terrible. La aku maisip na description bok sa iyu ay, kaya iyun na lang. Sa Canada na sya ngayun.Aywan kung kailan sya uuwi.Antayin na lang natin.

Wednesday, December 26, 2007

High School


Pinagnanakaw ku sa friendster ni Jeannette mga i-nupload nyang pics, de naman copyrighted ay. hehehehehe. Akaw, ang cu-cute, hanapin nyu kung nasaan kayu. Salamat Jeannette ha?Upload ka pa ng madami da. Click nyu para ma-enlarge.

Tuesday, December 4, 2007

April



Name: April Llagas
AKA: Apple
Sa wakas, may nakita na din aku na member ng Campus Girls.Wala akung masasabing masyadu kay Apple maliban sa siya ay mabait.De lang masyadung naimik nung highschool at nagbubunut lang ng sahig hanggang trip niya.Baka alam mu ang location ng mga kapwa mu campus girls.Bigay mu da.

Monday, December 3, 2007

Si Bay



Name: Francis Oliver Pimentel
AKA: "Bay"

Claim to fame nya ay siya daw ay may kapangyarihan.Medyu weirdo lang siya ng kaunti kaya siguro naisip niyang sabihin sa amin dati na may anting anting siya.Siguru nakajamming niya si Ramon Revilla dati.Yan ha, buhay pa pala si Bay.Sana maligaw ka ditu

Monday, November 19, 2007

Jeannette



Name:Jeannete Lumaban
Member ng power rangers.Salutatorian iyan, tapus naggradweyt sa UP.Biology baga course mu abay? Nasa Houston na sya ngayun (tama baga aku), nag aabang ng laban nila T-Mac. Nagbabalak daw sila ni Sol magkita sa chicago sa pasku, peru takut sila mag out-of-town at baka de na daw sila makabalik. Ang gaganda naman nung mga kasama mu sa friendster. Ang laki nung syota mu anu? Bigyan mu naman kami ng ka chat dyan da.

Thursday, October 25, 2007

trip


Kahit panu may naligaw na rin sa blog natin. Kay Eda at Mark na unang sumagut sa aking panawagan sa friendster, kay shiela na inabala ku pa para lang tingnan itu, kay betong na ilang ulit ku din tinext, kay mirasol na nainip sa akin habang ka chat ku para lang tingnan itu, kay sol na nasa canada na at kay jay, sila ang mga unang bisita. Sa lahat ng kaklase ku dati, magbigay kayu ng picture nyu at ilalagay natin ditu. Baka de nyu din alam, batch12 tayu mga abay.Add nyu lang aku sa friendster,http://profiles.friendster.com/vidsonpogi

blogger templates | Make Money Online