Monday, August 17, 2009

May araw din kayo !!!

There's the Rub
By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:04:00 08/17/2009


(isa sa pinakamagaling na kritiko, subalit birang magtagalog..kaya't nakapagtatakang tinagalog nya ang halos kabuuan ng kanyang artikulo)



Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang alam kong Tagalog.
Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.
Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.
Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.
Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.
Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.
Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.
Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?
Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.
Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.
Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.
At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.
Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.
Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.
Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.
At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.
Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

Monday, July 6, 2009

BOOB JOB - Isa muling balitang Pampainip

If Gloria Macapagal Arroyo can make secret a trip to Colombia, more so the real aim of her overnight stay at Asian Hospital. The post-travel self-quarantine for A(H1N1) is a handy cover for gynecological procedures. The President has been suffering dysfunctional bleeding, likely due to polyps or myoma in the uterus. She had first walked into the hospital one dawn in 2008 for D&C (dilation and curettage) and left at dusk. News then was that she had an executive check. She’s had three follow-ups this year, the last in June. Menopause is inducing abnormal tissue growth and hormonal imbalance, a source said.

Wednesday dawn Arroyo checked in again — for less serious causes. She needed mammoplastic repair of leaking breast implants done in the ’80s. Occasion too to have doctors take out an inguinal cyst (in the groin), and laser off extra hair growth in that area and the armpits. Though a bit groggy, Arroyo was set to check out yesterday afternoon.

Hospitalizing a President isn’t easy. Patients in five rooms at the VIP 10th floor had to be moved, to billet bodyguards and cooks; P4,000@, or total P20,000 a day. Arroyo was given two connecting suites, P18,000@, or total P36,000 a day, one for her, the other for the family.


(from the article of Jarius Bondoc "GOTCHA" dated July 03, 2009)


Wednesday, May 20, 2009

Global Recto

Medyu naisipan ku lng ipost ang isa sa mga blog entries ni Manolo Quezon since pasukan na naman, tamang educational muna tayu.. Tutal tamang bakasyon naman na din ang mga team natin sa NBA (anu nga vidson saka jeanette?:)

High tech at going corporate na pala ngayun ang pagpapagawa ng assignment, thesis, at dissertation..Hanep, dati nasa maliit na eskinita lng ng recto at kung sa baguio ka naman graduate ay dun sa malapit sa isang university makikita ang mga small time writer... pero sa totoo lang, bilib din ako sa mga pinoy kung paano ginagawa ito..at least kahit paano eh globally competitive pa din pala tayu...

Tuesday, March 31, 2009

The War at Home- Satire?


Dapat ditu sa tau na itu, binabalatan ng buhay, saka ibababad sa suka na may asin at siling labuyu! Tawagin baga naman tayung nation of servants. Satire? This is not even funny!

Basahin ng buu ang article (galing sa pinoyunderground.com). Nag apologize na ang ang HK Magazine tungkul sa article, peru ang hinayupak na itu de pa. Parang wala na din yung article sa kanilang website. Larawan ni Nixau galing sa mukamo.com.

The War At Home
March 27th, 2009

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.

Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.

Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being.

Thursday, March 19, 2009

Balitang Pu*******na-isa pang pampainip


Mas makainip itung balita na itu! T********na talaga! Sarap tumabsung sa dagat pag ganitu ang mga balitang mababasa mu., parang lalung umiinit ang panahun. Sabayan pa ng sunud sunud na pagkatalu ng Boston Celtics. Ay akkaw, magbasa na laang kayu ng Batangbaler ng mga balita tungkul kay Karl Winston Cacanindin, kahit paanu nakakaalwan ng pakiramdam.

Thursday, February 26, 2009

Belated Happy EDSA Anniv!!



larawan mula sa facebook ni dong abay

Isang Makairitang pagbati para sa anibersaryo ng EDSA..habang tumatagal ang panahon, nakakatuwang isipin na nag-eevolve din pala hindi lang ang sistemang pulitika ditu sa pinas kundi maging ang logo na ginagamit ng pangulo..At sa nakalipas na ilang buwan, halos kasabay sa delubyo ng krisis ng pang ekonomiya, libo libong manggagawang na retrench sa kani-kanilang trabaho..sumikat na naman tayo..una, dahil sa neo classical at mala-ekspertong pananalita sa davos, Switzerland.pangalawa, ang kawala walang reaksyon ng gubyerno sa WorldBank Report tungkol sa kurapsyon dito sa atin..

isa na lng ang solusyon jan: hindi rebolusyon ha..overrated na yun...MAGINUM na lng Tayu habang nanditu si sol..

Thursday, October 23, 2008

ANSHS Official Website

Ayun na website na itu, na natagpuan ni Jopay the Eunuch, itu daw ang Official Website ng Aurora National Science High School. Parang nasa beta mode pa lang ang website at de pa masyadu kumpletu ang rekadu. Kapansin-pansin din na Batang Ansci lang ang pamagat, kaya siguru de kasali sa listahan ng mga estudyante ang mga Galing Ansci. Parang medyu distorted din ang mga image (tingnan ang Faculty and Staff tab) at de na pinagkaabalahan na i-edit sa photoshop, o talagang ganun na ang itsura nila after more than ten years? Marahil ay masyadung na-excite ang mga web master ng site na itu kaya parang minadali ang site. Ayun din sa site, ang mga web masters (tingnan ang Who to Contact tab) ay sina Mam Jennifer T. Virey, ICT Coordinator at Richard C. Caraig, aka "Ittad". Si Ittad ay dating driver ng tricycle nuung panahun na tayu ay nakikipagsapalaran pa sa ANSHS. Natutuwa aku at medun na palang official website ang ating alma mater. Peru bilang dating estudyante na galing sa isang paaralan na tinitingala ng nakararami,medyu disapointed aku sa naturang site. Naalala ku lang nung isang taun (November 2), nung nagkaruun ng Grand Alumni Homecoming ang mga Galing Ansci, madami ang bumoto para magkaruun ng website sa halip na Silver Jubille Book (o yearbook). Naging pahambugan na din ang kinalabasan nag nabanggit na pagtitipun. Bagamat, de kami nag-pledge at nagcommit na kami ay mag-aambag sa anumang mapapagkasunduan na proyekto, de na din kami nakipagpahambugan kung magkanu ang dapat na contribution, sa halip, nanginain na lang kami at naglasing. Tanung ku lang, itu na baga ang napagkasunduan na website (o may napagksunduan baga nung gabi na iyun, nalasing kami ni betong nun ay)?

De po sa pinupulaan ku ang Official Website ng ANSHS, peru sa palagay ku dapat pa itung i-refine. De din po aku web developer o ICT expert, peru de na din siguru kailangan maging ganun aku para makita at mapansin ang kakulangan nitu. Itu po ay sarili ku lang na opinion at de kasali ang mga ka-batch ku ditu.

Ganunpaman, pinapanawagan ku na suportahan natin ang site na itu. Medun pa namang kwartu para sa pagpapabuti (room for improvement) upang maging mas kaaya-aya itu.

At sa wakas, nalaman ku na din ang tutuung pangalan ni Mang junior.

Vidson

blogger templates | Make Money Online