Monday, December 10, 2012

mommy d

de lang tayu sanay na natatalu si pacman. tapus yung pag-katalu pa niya ay sa paraan na de talaga natin inaasahan.

sa isang suntuk, tulug.

pagkatapus kung panuurin yung hope springs at top plays sa nba.com, natanggap ku na rin na ang masaklap na pagkatalu niya.

lucky punch daw.
de rin.
kung napanuud ninyu yung HBO 24/7, Pacquiao-Marquez IV, tama si pareng Ed Tolentino, kulang na lang mag-tagu si nacho at dinamita sa kuweba para sa laban na nangyari. dedikasyon at focus. ganyan nila sineryoso ang ika-apat na laban.

maugung na ang balita ngayun na dapat nang magretiro si idol.

iba-iba ang opinyon ng karamihan sa isyu na itu.

kung si bob arum ang tatanungin mu, ay birang bira lang ang isasagut niya sa iyu.

kung yung mga conspiracy theorists naman ang hihingan mu ng opinyon, baka sabihin lang nila na pinapalakas lang ng kampo ni pacman ang kumpiyansa ni gayweather para matuluy na ang laban na inaabangan ng lahat, kasama na ang mga boxing gods.

kung mga uring manggagawang pinoy naman, laban, para makaganti tayu at makabawi.

para naman sa mga boxing purists, de ku pa sila nakakausap.

para kay freddie roach, game kung kaya pa, tama na kung talagang de na kaya.

at kung si mommy d?
"tao ang anak ko, hindi hayop!"
syempre, pusung ina, de gaya nung iba na pusung bato.
tama na daw sabi niya.
enough is enough.
peru parang sinasabi niya na tama na dahil:

1. de na niya kailangan pa ng isa pang toyota alphard luxury mini van na may retractable roof, worth approximately P3.5M
2. marami na siyang collection ng hermes bag
3. mahirap mag-pa-palit-palit ng gown sa kanyang birthday party at,
4. mahirap maglinis ng (mga) mansion

si mommy d.




naiintindihan ku naman si mommy d. instinct niya iyun bilang isang ina. kung aku din siya (laking pasasalamat ku na lang din talaga dahil de aku siya) ganun din ang sasabihin ku. "tama na manny, magtigil na ba sa pag-bu-bukseng!"

peru para sa akin, may malalim pa na dahilan kung bakit dapat pakinggan ni pacman ang payo ng kanyang magulang. para na rin sa ikatatahimik ng sambayanang pilipino.

una, tangna, tama na yung makita mu ang commercial ni ellen lising tuwing umaga sa umagang kay ganda, mula lunes hanggang byernes. sa pagkakataun na itu, araw-araw na naman na iinterbyuhin si mommy d para hingan ng opinyon, wait, statement lang pala, naalala ku bigla, si mommy d nga pala yung klase ng tao na de hinihingan ng opinyon. tuwing umaga. mula lunes hanggang byernes, mommy d at ellen lising on national tv! holy shit! itu ang tunay na disaster. dapat talaga, umasal lamang ng ayon sa ganda.

pangalawa, syempre, pagkatapus sa umagang kay ganda, punta siya sa unang hirit kung saan i-inquest ulit siya. then sa news to go. itu naman na ang de makatarungan.
mommy d sa news to go.
mommy d at kara david sa news to go.
mommy d at kara david sa isang screen.oh my!




how disturbing.
okay lang kung si wang od at kara david ang nakikita mu sa isang screen ay. kahit maghapun siguru na ganun.
dapat talaga maging mapili at pihikan na rin si kara sa mga taung kakapanayamin niya.

pangatlu,mommy d sa balitanghali. mommy d sa quick response team. mommy d sa flash report. mommy d sa tv patrol. mommy d sa 24 oras. mommy d sa tonight with arnold clavio. mommy d sa bandila. mommy d sa rated k. mommy d sa umaga. mommy d sa meryenda. mommy d sa tanghalian. mommy d sa meryenda ulit. mommy d sa hapun. mommy d sa gabi. mommy d sa hatinggabi. mommy d bukas. mommy d sa isang araw. mommy d buung linggu. mommy d buung buwan...(fine time ng e-heads sa background)

sa halip na si mercedes cabral ang nakikita mu, si mommy d ang pilit nilang ihinaharap sa iyu.

mommy!

pakiusap lang idol, bagu mapunta sa jimmy kimmel live o sa ellen si mommy d, mag-retiro ka na lang.

papasku mu na lang sa amin.









Wednesday, March 17, 2010

Jeannette Does Dallas :D

Para sa mga walang Facebook o di nagche-check, nagkita kami ni JP sa Dallas. Bago nanood ng Pacquiao-Clottey sa Cowboys Stadium, nag-bungee jumping at free fall, etc. muna kami sa Zero Gravity Thrill Amusement Park. Mas madami pang mas maayos na pics kay JP, pero di ko pa din nakikita, ito na lang muna :)

Tuesday, March 9, 2010

The Event

Dahil mukhang naging birthday at Pacquiao blog na ang Tropang Spider, kailangan na ng bagong post ng "The Event". Tara na sa Dallas, mga tropa! Inuman tayo kila JP, parang high school ulit, hehehe.

Wednesday, November 11, 2009

Handa na ba kayo?



Mag-host ako ng Fight Night sa apartment ko. Daan kayo! Libreng beer at pulutan :)
-J

Thursday, April 30, 2009

Pacquiao-Hatton

Bago magkalimutan, ito ang mas inaantay ng lahat, at siguro naman lahat tayo pareho ng kampi dito. Sa Sabado/Linggo na!!! (Siguro hindi na ako mapapaaway kung maingay ako mag-cheer sa sports bar ngayon, kasi hindi naman Mexicano kalaban ni Manny.)

Manood ng 24/7 sa http://www.hbo.com/boxing/

Monday, December 8, 2008

TKO

(This is another post Pacquiao fight post so I'll try to write again in English, because you know it was a great fight and aahh, that one was for the people who loves boxing all around the world especially to the Congresman, Mayors, Governors.)



They say that Ricardo Mayorga was taylor made for that lethal left hook of the (not so) Golden Boy. Well, I would say that the Golden Boy was taylor made for that left straight, 1-2 punch combo, left jab, right hook and every punch there is in the arsenal of the man we call "Pacman". It was just like another sparing session at the Wild Card Gym (or was Manny just shadow boxing yesterday?) Did Angelo Dundee ang Nacho Beristain did they homework? These hall of fame trainers certainly did. But Freddie Roach knew something that they don't. Freddie was right when he said that Oscar "can't pull the trigger anymore", he was absolutely right.

The greatest (all star) team in boxing history ever assembled was a step behind Freddie Roach, Buboy and the weight-loss team of Manny Paqcuiao. Or maybe they were simply too old. But still, the Golden Boy have nothing to be ashamed of. It's just that Manny's time has come.

Next stop: England.

Mabuhay ka Manny!

Wednesday, December 3, 2008

Manny, Many, Money!


Sa darating na Linggu, December 7, 2008, habang may jetlag pa si Jeannete at nagpapahinga(at binubukud-bukud ang kanyang mga pasalubung, kung medun man) mula sa kanyang paglalakbay galing Houston, makikipagbakbakan na naman ang Pambansang Kamao ng Pilipinas. Kahit na medyu dehadu si idol (2-1 underdog), syempre, sa kanya pa din aku. Habang sinusulat ang post na itu, minus-185 si dela Hoya at plus-155 naman si Manny sa pustahan. Ibig sabihin, pag pumusta ka ng P1.00 kay Pacquiao, tatama ka ng P1.55. At para manalu ka naman ng Piso kung kay dela Hoya ka, kailangan mung pumusta ng P1.85.

Kanina lang ay tinalu ng Indiana Pacers ang Los Angeles Lakers ng isang puntus lamang. Ang Indiana Pacers ay nagawa nang talunin ang dalawang team (Celtics at Lakers) na naglaban sa NBA finals nuung nakaraang June ngayung season na itu. Nuung nakaraang US Elections din ay tinalu naman ni Barack Obama si John Mac Cain. At kamakailan lang, napatalsik sa pwesto si Manny Villar bilang Senate President.

Ilang tulug na lang, bakbakan na. At habang hinihintay natin kung kailan babalik ang Batangbaler sa mundo ng internet ,sama sama tayung manuud sa darating na linggu, maging ikaw man ay nasa SM Cinema, sa mga Local Gyms (na may malaking Projector at Projector Screen) na sponsor ng mga pulitiko, sa Sports Bar, o kasama sa mga nag suscribe sa Pay-per-view, nasa bahay lang o nakikinuud sa kapitbahay, samahan natin sa pagsigaw sila Chavit, FG, Karylle sa at iba pa na sumigaw ng, Manny, Many, Money!

Ang Mamatay Nang Dahil Sa 'Yo.

(Abangan na din natin kung may nadagdag na sa english vocabulary ni idol! Dapat ding abangan kung my courtesy call na manggagaling kay GMA manalu man o matalu si Pacquiao!)

Tuesday, September 23, 2008

Next US President - Manny Obama

tutal naman medyo seryoso usapan last time, anu kaya ang mangyayari kung siya ang naging pangulo ng estados unidos? tataas kaya stock market? sana hindi magalit si bosing vidsun. - jopay

Tuesday, May 20, 2008

taga-awat!!


tutal nagkakagulu lang din kayu sa lintik na basketball na yan...eto na ang magaawat sa inyu...tingnan ku lang kung makagumu pa kayu ditu...kwatro kantos ang mukha nyan...pag inupakan kayu nyan sigurado comatose kayu...

Monday, March 17, 2008

"I don't think so, 'cause it's finished business"- Pacman

Yes, Manny won the fight, but not in a way every Filipino expected it to be.Everybody was expecting a knockout. So what went wrong? I'll give credit to the Marquez camp, they surely did their assignment.In every combination Manny throws, Dinamita has an answer, a counter of his own. Marquez negated Pacman's power and athleticism with his superb boxing skills and technique.
So, is this "Unfinished Business", finished after all? I don't think so. Like Freddie Roach said, it could have gone either way. Even the three Filipino commentators who covered the fight(for Solar All Access) has Marquez winning on their scorecards. Should there be a rematch? Bob Arum will decide on that matter.Let's just wait and see what happens next.

blogger templates | Make Money Online