Monday, December 10, 2012

mommy d

de lang tayu sanay na natatalu si pacman. tapus yung pag-katalu pa niya ay sa paraan na de talaga natin inaasahan.

sa isang suntuk, tulug.

pagkatapus kung panuurin yung hope springs at top plays sa nba.com, natanggap ku na rin na ang masaklap na pagkatalu niya.

lucky punch daw.
de rin.
kung napanuud ninyu yung HBO 24/7, Pacquiao-Marquez IV, tama si pareng Ed Tolentino, kulang na lang mag-tagu si nacho at dinamita sa kuweba para sa laban na nangyari. dedikasyon at focus. ganyan nila sineryoso ang ika-apat na laban.

maugung na ang balita ngayun na dapat nang magretiro si idol.

iba-iba ang opinyon ng karamihan sa isyu na itu.

kung si bob arum ang tatanungin mu, ay birang bira lang ang isasagut niya sa iyu.

kung yung mga conspiracy theorists naman ang hihingan mu ng opinyon, baka sabihin lang nila na pinapalakas lang ng kampo ni pacman ang kumpiyansa ni gayweather para matuluy na ang laban na inaabangan ng lahat, kasama na ang mga boxing gods.

kung mga uring manggagawang pinoy naman, laban, para makaganti tayu at makabawi.

para naman sa mga boxing purists, de ku pa sila nakakausap.

para kay freddie roach, game kung kaya pa, tama na kung talagang de na kaya.

at kung si mommy d?
"tao ang anak ko, hindi hayop!"
syempre, pusung ina, de gaya nung iba na pusung bato.
tama na daw sabi niya.
enough is enough.
peru parang sinasabi niya na tama na dahil:

1. de na niya kailangan pa ng isa pang toyota alphard luxury mini van na may retractable roof, worth approximately P3.5M
2. marami na siyang collection ng hermes bag
3. mahirap mag-pa-palit-palit ng gown sa kanyang birthday party at,
4. mahirap maglinis ng (mga) mansion

si mommy d.




naiintindihan ku naman si mommy d. instinct niya iyun bilang isang ina. kung aku din siya (laking pasasalamat ku na lang din talaga dahil de aku siya) ganun din ang sasabihin ku. "tama na manny, magtigil na ba sa pag-bu-bukseng!"

peru para sa akin, may malalim pa na dahilan kung bakit dapat pakinggan ni pacman ang payo ng kanyang magulang. para na rin sa ikatatahimik ng sambayanang pilipino.

una, tangna, tama na yung makita mu ang commercial ni ellen lising tuwing umaga sa umagang kay ganda, mula lunes hanggang byernes. sa pagkakataun na itu, araw-araw na naman na iinterbyuhin si mommy d para hingan ng opinyon, wait, statement lang pala, naalala ku bigla, si mommy d nga pala yung klase ng tao na de hinihingan ng opinyon. tuwing umaga. mula lunes hanggang byernes, mommy d at ellen lising on national tv! holy shit! itu ang tunay na disaster. dapat talaga, umasal lamang ng ayon sa ganda.

pangalawa, syempre, pagkatapus sa umagang kay ganda, punta siya sa unang hirit kung saan i-inquest ulit siya. then sa news to go. itu naman na ang de makatarungan.
mommy d sa news to go.
mommy d at kara david sa news to go.
mommy d at kara david sa isang screen.oh my!




how disturbing.
okay lang kung si wang od at kara david ang nakikita mu sa isang screen ay. kahit maghapun siguru na ganun.
dapat talaga maging mapili at pihikan na rin si kara sa mga taung kakapanayamin niya.

pangatlu,mommy d sa balitanghali. mommy d sa quick response team. mommy d sa flash report. mommy d sa tv patrol. mommy d sa 24 oras. mommy d sa tonight with arnold clavio. mommy d sa bandila. mommy d sa rated k. mommy d sa umaga. mommy d sa meryenda. mommy d sa tanghalian. mommy d sa meryenda ulit. mommy d sa hapun. mommy d sa gabi. mommy d sa hatinggabi. mommy d bukas. mommy d sa isang araw. mommy d buung linggu. mommy d buung buwan...(fine time ng e-heads sa background)

sa halip na si mercedes cabral ang nakikita mu, si mommy d ang pilit nilang ihinaharap sa iyu.

mommy!

pakiusap lang idol, bagu mapunta sa jimmy kimmel live o sa ellen si mommy d, mag-retiro ka na lang.

papasku mu na lang sa amin.









0 Comments:

blogger templates | Make Money Online