Akkaw, tutuu nga. Kahit panu reliable pa rin si bets sa mga info na binibigay niya. Ninakaw/pinitik/kinuha/hiniram o kahit anu pa man ang gustu ninyu na term ni Kapitan Kid ng BatangBaler ang kwento nating "biyahilo" at kanyang pinost duun.
Makatuwa laang, pangalawa na itu sa nakuha galing ditu sa ating blog, ang una ay yung video na may pamagat na "minsan". Ibig sabihin, kahit nawawala paminsan minsan ang mga tau ditu, may iba na rin pala tayung nakakati. Tingnan mu nga naman anu. Dahil dyan, karapat dapat lang na bigyan natin ng award ang gagamba. Dahil sa lampas na ng anim na libu ang makulit na pabalik-balik ditu, ibibigay natin sa Tropang Spider ang major award na "Most Visited Blog of Aurora National Science High School Batch 12" at isang minor award, ang "Most Number of Post Grabbed in a Blog (2) and Posted in Another Blog". Ayus! Instant award! San ka pa? Syempre pag may award, may acceptance speech.
"Gustu po naming pasalamatan ang lampas anim na libu (at dumadami pa) na supporters ng Tropang Spider, lalung lalu na ang mga Batch 12 ng ANSHS. Sana ay de kayu magsawa.Gustu din po naming pasalamatan si Kid na dalawang beses ng kumuha ng mga kabulaanan ditu dahil sa kanya, de magiging posible ang pangalawang award.Maraming salamat po".
Yan kumpleto na. Sigi, Idle mode muna ulit.
Thursday, August 7, 2008
Tsismis
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, August 07, 2008 3 sabi nila
tatak Biyahilo, para sa lahat
Thursday, June 26, 2008
Tara na Byahe Tayo! ( Papaitan, Lugaw, Dyamengo, Adobong Pusa, Lucy Express atbp.)
Tamang byahe muna tayu. Makamiss nang umuwi sa Baler ay. Isa siguru sa pinakamahirap na parte ng buhay ng isang tiga-Baler (at halus lahat ng tiga Aurora)ay ang ang pagluwas. Ang maganda lang pag nakakaluwas, medyu pumuputi ng kaunti ang balat, na nabalik din naman pagkaraan ng mga ilang araw pagdating mu pagkagaling sa Maynila. Ang pagluwas ay synonymous na rin sa Manila o Cabanatuan, dahil duun halus "naluwas" ang mga akkaw. Balik tanawin natin ang mga karaniwang pangyayari, tao, mga bagay at lugar kapag tayu ay naluwas. Itu lang ang medyu natatandaan ku.
Si(la) Suki. Ay kilalang kilala itu ng mga tiga baler. Kahit nung sa may lumang palengke pa lang ang paradahan ng mga Bus at Jeep na paluwas, at de pa pwede daanan ang Canili, tau na sila. Sila yung nagtitinda ng suman na mga tiga buhangin(?).Yung isa yung kulut na medyu makapal ang make-up sa mukha at yung isa naman yung kulut din na medyu chubby ( may premyo ang makakahula ng pangalan nila). Sila ay si Suki, dahil suki nila lahat ng pasahero. Peru de naman sila kagaya ng mga nagtitinda sa terminal ng Cabanatuan na pag tiningnan mu lang o nagtanung ka ay babayaran mu na yung tinda nilan Zest-O o mani, pag de mu binayaran, nanghaharass sila, masyadung mga bayolente. Mabait sila suki kahit medyu pabagu bagu ng presyo ang kanilang tinda. Pag akyat mu ng Bus, aalukin ka ng suman, P30 isang tali (ang isang tali ay sampung pirasu). Pag medyu alam na nilang paalis na ang sasakyan, makukuha mu na lang ng P15-P20 isang tali. Regular figures pa rin sila hanngang ngayun sa terminal ng Genesis sa Duongan at sa terminal ng Van at D-Liner sa palengke.
Mahirap lumuwas nuun. Lalu na nung wala pang Genesis. De aircon ang mga sasakyan. Nasakyan ku pa dati yung Pantranco (tama baga na may Pantranco dati?) Yun yata yung nahulug nuun sa bangin ay (o ibang Bus Line iyun?). Peru nung may nahulug na Bus sa bangin, medyu nawala ang mga Bus Company sa atin. Jeep ang naging hari ng Villa. Nung mga panahun na iyun, naging tanyag ang Lucy Express. Tanda ku pa, ang pinakasikat na Lucy ay yung Lucy 4, bukud sa mabilis na, daring pa yung driver, kaya ginagawang balikan ang Baler-Cabanatuan.
Nuun din, sa Villa lang nadaan ang mga sasakyan. Kung medyu mahina ang sikmura mu, lantang talung ka na sa may Stopover pa lang. Dahil sa de pa nuun usu ang Bonamine at Bonakids, ang tanging pangontra lang sa hilu ay "dyamengo" at citrus(pwedeng amuy amuyin habang pinipisil ng mahinahun ang balat ng citrus na sabi nila ay may healing property daw, wag lang itapat sa mata at iyun ay nakakaiyak). Oras na humintu ang sasakyan sa Stopover sa Villa, akyatan na ang mga tindero/tindera, may bitbit na bilau na may laman na assorted candy(stork, white rabbit,la pa nuun max), Chippy(la pa nun Piattos), Snacku, Richee, Cheezum at kung anu anu pa. Kasabay nila ang mga tindero/tindera ng "dyamengo" at citrus. Ang "dyamengo" ay tatlu sampu, libre na yung asin.Kung biyahilo ka, yan lang ang pwede mung kainin. At kung medyu kaya mu namang bumaba, pwede kang kumain ng lugaw o mainit na sabaw ng papaitan sa mga restaurant.
Nuud din (ulit), pag bumagyu, kalbaryu ang ibig sabihin sa mga pasahero. Kahit kaunting ulan lang, madulas ang daan at delikadu bumiyahe. Naguhu ang bunduk kaya de advisable na lumuwas. Pag may matigas ang ulu na mga pasahero at driver (dahil de naman talaga aalis ang sasakyan pag walang pasahero na makulit), maydun pa rin naluwas kahit masama ang panahun, ang resulta, stranded. Most common used term dati sa Baler ang salitang stranded pag may bagyu.
Adobong Pusa. Medun aku dating nakainuman, may restaurant sila sa stopover sa Villa. Karaniwang ulam na nilulutu nila ay adobo, kaldereta, pritong bangus at tilapia, paksiw na bangus at kung anu anu pa. Nung siya ay nalasing, kinuwento niya na yung mga karne na nilulutu nila ay hinahaluan ng karne ng pusa. Akkaw sarap. Pati yata papaitan, hinahaluan. Kaya kung nakainan mu lahat ng restaurant sa Villa bagu sila natabunan ng gumuhung bunduk, malamang nakatikim ka na rin ng pusa.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, June 26, 2008 10 sabi nila