Tamang byahe muna tayu. Makamiss nang umuwi sa Baler ay. Isa siguru sa pinakamahirap na parte ng buhay ng isang tiga-Baler (at halus lahat ng tiga Aurora)ay ang ang pagluwas. Ang maganda lang pag nakakaluwas, medyu pumuputi ng kaunti ang balat, na nabalik din naman pagkaraan ng mga ilang araw pagdating mu pagkagaling sa Maynila. Ang pagluwas ay synonymous na rin sa Manila o Cabanatuan, dahil duun halus "naluwas" ang mga akkaw. Balik tanawin natin ang mga karaniwang pangyayari, tao, mga bagay at lugar kapag tayu ay naluwas. Itu lang ang medyu natatandaan ku.
Si(la) Suki. Ay kilalang kilala itu ng mga tiga baler. Kahit nung sa may lumang palengke pa lang ang paradahan ng mga Bus at Jeep na paluwas, at de pa pwede daanan ang Canili, tau na sila. Sila yung nagtitinda ng suman na mga tiga buhangin(?).Yung isa yung kulut na medyu makapal ang make-up sa mukha at yung isa naman yung kulut din na medyu chubby ( may premyo ang makakahula ng pangalan nila). Sila ay si Suki, dahil suki nila lahat ng pasahero. Peru de naman sila kagaya ng mga nagtitinda sa terminal ng Cabanatuan na pag tiningnan mu lang o nagtanung ka ay babayaran mu na yung tinda nilan Zest-O o mani, pag de mu binayaran, nanghaharass sila, masyadung mga bayolente. Mabait sila suki kahit medyu pabagu bagu ng presyo ang kanilang tinda. Pag akyat mu ng Bus, aalukin ka ng suman, P30 isang tali (ang isang tali ay sampung pirasu). Pag medyu alam na nilang paalis na ang sasakyan, makukuha mu na lang ng P15-P20 isang tali. Regular figures pa rin sila hanngang ngayun sa terminal ng Genesis sa Duongan at sa terminal ng Van at D-Liner sa palengke.
Mahirap lumuwas nuun. Lalu na nung wala pang Genesis. De aircon ang mga sasakyan. Nasakyan ku pa dati yung Pantranco (tama baga na may Pantranco dati?) Yun yata yung nahulug nuun sa bangin ay (o ibang Bus Line iyun?). Peru nung may nahulug na Bus sa bangin, medyu nawala ang mga Bus Company sa atin. Jeep ang naging hari ng Villa. Nung mga panahun na iyun, naging tanyag ang Lucy Express. Tanda ku pa, ang pinakasikat na Lucy ay yung Lucy 4, bukud sa mabilis na, daring pa yung driver, kaya ginagawang balikan ang Baler-Cabanatuan.
Nuun din, sa Villa lang nadaan ang mga sasakyan. Kung medyu mahina ang sikmura mu, lantang talung ka na sa may Stopover pa lang. Dahil sa de pa nuun usu ang Bonamine at Bonakids, ang tanging pangontra lang sa hilu ay "dyamengo" at citrus(pwedeng amuy amuyin habang pinipisil ng mahinahun ang balat ng citrus na sabi nila ay may healing property daw, wag lang itapat sa mata at iyun ay nakakaiyak). Oras na humintu ang sasakyan sa Stopover sa Villa, akyatan na ang mga tindero/tindera, may bitbit na bilau na may laman na assorted candy(stork, white rabbit,la pa nuun max), Chippy(la pa nun Piattos), Snacku, Richee, Cheezum at kung anu anu pa. Kasabay nila ang mga tindero/tindera ng "dyamengo" at citrus. Ang "dyamengo" ay tatlu sampu, libre na yung asin.Kung biyahilo ka, yan lang ang pwede mung kainin. At kung medyu kaya mu namang bumaba, pwede kang kumain ng lugaw o mainit na sabaw ng papaitan sa mga restaurant.
Nuud din (ulit), pag bumagyu, kalbaryu ang ibig sabihin sa mga pasahero. Kahit kaunting ulan lang, madulas ang daan at delikadu bumiyahe. Naguhu ang bunduk kaya de advisable na lumuwas. Pag may matigas ang ulu na mga pasahero at driver (dahil de naman talaga aalis ang sasakyan pag walang pasahero na makulit), maydun pa rin naluwas kahit masama ang panahun, ang resulta, stranded. Most common used term dati sa Baler ang salitang stranded pag may bagyu.
Adobong Pusa. Medun aku dating nakainuman, may restaurant sila sa stopover sa Villa. Karaniwang ulam na nilulutu nila ay adobo, kaldereta, pritong bangus at tilapia, paksiw na bangus at kung anu anu pa. Nung siya ay nalasing, kinuwento niya na yung mga karne na nilulutu nila ay hinahaluan ng karne ng pusa. Akkaw sarap. Pati yata papaitan, hinahaluan. Kaya kung nakainan mu lahat ng restaurant sa Villa bagu sila natabunan ng gumuhung bunduk, malamang nakatikim ka na rin ng pusa.
Thursday, June 26, 2008
Tara na Byahe Tayo! ( Papaitan, Lugaw, Dyamengo, Adobong Pusa, Lucy Express atbp.)
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, June 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 Comments:
baet, tanda mu pa ung nakauwi tayu galing bagyu na lasing pa tayu saka sampung piso lng pera natin...pambili ng itlog ng pogi.....hehehehe
before Pantranco, Sierra Madre muna, yung kulay blue na bus, tapos nahulug sila sa bangin, tapus pumalit Pantranco (kulay White), tapus nahulug ulit sa bangin, tapus pumalit yung 7 Star na bus (kulay green), ewan ku kung nahulug din sila pero bigla na lang nawala. Tsaka kung ayaw mung mahilu sa byahe pag naka-jeep ka, sa taas ka sumakay..magdasal ka lang na hindi uulan
bukod sa alikabok at byahilo, ito ang mga masamang kalaban:
1)kapag siksikan (na halos lagi) at yung katabi mo ay may putok- kahit yung maong na jacket na may agila sa likod, hindi maitago ang amoy
2) kapag may kambing/manok/baboy at kung anu-ano pang hayop; lalo na kung nasa bubong at umihi or jumebraks at nasa bandang bintana ka at nakabukas ang bintana mo
3) pag may nagsuka na, walangya, buong bus, amoy suka. at kahit hindi ka nahihilo, pag narinig mo na yung nagsusuka, parang naakyat na din yung "dyamengo" mo
ay ayus anu,,,are ang una bus sa atin PNR...malapit sa amin angterminal nuun my picture pa nga kami duun ay baby pa ako..ako pa ang bunso sa amin...pero sabi ni ka benteng (kilala nyu siya?..sya un parang doc aga sa baler....tatay ni kate....)my baliuag din daw nuun kapana hunan nila...then dumating na nga pantranco,sierra madre..etc...sa jeep naman ang sikat nuun ay un cb-joda..tanda nyu pa...nagkaroon sila ng terminal sa likod ng bahay namin...makaraan masunog(este sinunog) un trans aurora damay pati bahay namin....at speaking of suki...kilala ko sila ...sila pa rin ang reyna ng suman sa terminal..minsan my mentos,stork,din silang tinda,,,modus nila kunwari pinagreserve ka ng upuan so ang pakunswelo bili ka ng suman...syempre kung ikaw ay isa sa myembro ng byahilo dapat laging handa,,parang boy scout kaya dapat me baun na supot sa bag para pag sumuka,,,hehehe
akaw bets, tanda ku pa iyun. hahahaha. yung tutubusin na lang tayu sa terminal ng d-liner. de kaya iiwan yung bag, gagawing colateral saka babalikan pag nakobra na ng pambayad.
akaw mga otoy bata pa kayu kung hanggang PNR lang ang tanda ninyu. May Baliwag nga nuun. Tapus may Malamig Bus Line na sila Ong ang may-ari. Ang terminal nila dun sa tapat ng lumang palengke, sa may likud nung tindahan ngayun nung anak ni Ka Siming. Nuung 70's may Dangwa bus din. Parang malaking jeep na ang upuan ay parang bus. Peru bagu iyun kareta lang ang gamit pag luwas. O kaya maglalakad ng isang linggu duun sa Pantabangan.
Pang Batangbaler itung kwentung itu. Nanakawin ku ha.
Ang pinakaluma kung nasakyan ay CB (Cananatuan-Baler?). Ang driver ay si Mang Ben Salvador. Ang CB ay parang malaking Suburban pero ang upuan ay dalawang mahabang animo bangkung nakanikit sa sides ng CB, pahaba, parang jeep style pero mas mahaba. Ang CB ay naggagala sa Baler para mag-pickup ng pasahero tuwing umaga tapos darating ng Maynila gab-i na at ang pasahero ay idedeliver din buong Metro Manila.
Sumunud sa CB ay MBC (Manila-Baler-Cabanatuan?). Ito ay regular na bus may sasakyan ng mga gamit sa itaas na tinatakpan ng tolda pag nabiyahe. Gaya ng CB. nag-gagala rin sa kabayanan para mangalap ng pasahero. Ang istayon ay sa canto ng P-Campa at Espana sa Sampaloc. Ang matagal nang dispatcher ay si Mang Senyong, parang "Godfather" ng lahat ng College students na taga Baler. Siya ang takbuhan pag wala nang imoy na pangbili ng maski baguung.
ang pangalan nung isang suki na mejo makapal ang make up ay " an-non" hehe promis...kapag may money contest nga tapos may unknown donor nagagalit ang tatay niya..panu taay wala na nga raw silang pera nakuha pang magdonate..hahaha
are ay si JOsie man iun..related un kay ka ligaya..kung kilala nyu si lolo kanu mas kilala nya iun.. de ku naman mkkalimutan nuun ay kumain aku sa villa ng atay ng manuk..kasabay ku pa nun sa genesis si zarina postor na taga zabali..aywan ku lng kung tanda pa nya.pauwi kmi nun ng baler..andun pa lang kmi sa may "blowing bubbles",blowing bubbles kasi andaming nagsusuka sa parteng iun ay nakulu na ang tiyan ko.. hala eltor na yata itu sabi ku.. tangereges, kulang 2 oras pa ang tiniis ku..biru mu iun pbali baligtad aku ng pwesto para de lumabas ung tai ku... akaw antindi ng pakiamdam bok! ay si tatay kpag alam nyang pauwi aku nkaabang na iyun sa terminal, sya na ang kumuha ng bag ku..takbu aku sa cr.. at sa awa naman ng diyos..bugang buga itu! at habang tinatapus ku ang bwiset na lbm ay isinumpa ku na de na aku kakain ng atay ng manuk sa byahe.. pawis, hilu, hilab ng tyan,mas ok pa ung magsuka ka ay kaysa mapatai sa bus..buti na lang at napigil ku pa.. haaayyy! kailan kya uli aku mkakabyahe sa baler? mis ku na ang blowing bubbles!!! ay mas malupit pa akung kwento kaya lang medyu bastos na.. sekreto na lang... musta na kaya si nancy ejusa..asan na iun?
medun na nuun victory liner, mbc at malamig buses bago lahat nang nabanggit dito..pag alis ng baler ng bagu umaraw gab-i na ang dating nuun sa maynila, maputi ka na pati sa kapal ng alikabuk at mula ritu gang duun puru dirt road pa lamang..usu na din nuun mga kung anu anong anik anik na tinda, balot, pugo, chicharon atbp na ganun din tema pagtitinda, pilitan.
Post a Comment