Wednesday, November 12, 2014
r.i.p. obet
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Wednesday, November 12, 2014 0 sabi nila
Friday, July 4, 2014
Monday, December 31, 2012
api nyu yir
January 9, 2012 nung i-share ni Pareng Betong ang isa sa mga antiques ni Mam Nida Montes. Ayun sa balita:
"ninakawan daw si ms. montes...kung dati eh espasol at kidya lng ng pansit ang ninanakaw eh mas madami daw ngayun, medo nglevel up na daw ang kawatan..pero meron syang suspek ayon kay imbestigador Ewad mendoza..ayon kay montes eh nagngangalang Eduardo Carrasco ang nanloob sapaglat nag-iwan ito ng ebidensyang panyo..ng tingnan ni PO3 mendoza ang nasabing ebidensya ay bigla itong napabunghalit ng tawa..ang tunay na pangalan pala ng tinuturing ni montes na suspect ay ARmando Caruso...@#!$!....tangina this...:)"
Mga ganitung tipo ng kwento ang mag-papabuhay sa dugu mu lalu na kung problemadu ka sa trabahu/buhay/lablayp, wala ka ng pera, talo ang team mu sa NBA, may hangover pa at wala kang load na pang text. Tangina This! talaga.
Isang taun na naman pala ang lumipas. Kanina ku lang ulit nakita si Leila Barros, may facebook page din pala siya. At kanina ku lang ulit naalala na kaya pala aku nahilig sa volleyball ay dahil sa kanya.
Isang makabuluhang taun na naman ang dumaan sa ating buhay. Isang makabuluhang taun na naman ang sasalubung sa atin. At kung su-suwertehin tayung lahat, sa isang taun, isang makabuluhang taun na naman ang muling sasalubung sa ika-tatlumpu at tatlung pag-kakataun sa atin (ika-tatlumpu at dalawa lang sa iba).
2012.
Namatay si Karl Roy, si Bodjie ng Bodjie and the Law of Gravity, Geneviere "Bong" Pascasio ng Grin Deparment, Dolphy, Jesse Robredo,Whitney Houston, Direk Celso Ad Castillo at Marilou Diaz Abaya at ilang daang mga kababayan natin na biktima ng Bagyong Pablo at Bagyong Quinta sa katimugang parte ng ating bansa.
Si Bruce Wayne, buhay lang pala.
Unti unti ng nauubus ang mga kasamahan ni Rick Grimes, peru nadadagdagan din naman.
Natalu si Pacman kay Dinamita, na-impeach si Renato Corona.
Nagkalat at nagbakasyon ng maaga ang Petron Blaze Boosters sa kasalukuyang PBA All Filipino Cup na sinabayan naman pagpa-pariwara ng Boston Celtics sa NBA.
Nag-champion na rin sa wakas si LeBron James at Cris Bosh, ganun din ang Rain or Shine Elasto Painters sa kauna unahang pagkakataun.
Kung de pa nagwala si Claudine Barreto sa NAIA Terminal 3, parang de mu na rin malalaman na nag-eexist pa pala siya, at matapang pala talaga ang Tulfo Brothers, lalu't alam nila na marami ang nanunuud sa kanila.
Si Palparan, de pa rin nakikita samantalang si Psy ay kitang kita. Opa Gangnam Style. Aminin nyu na, kasama ku din kayu sa 1 billion viewers niya sa YouTube.
Nagbagu na rin ng trip si Anthony Michael Bourdain.
Sabi ni Vice Ganda kagabi, dati daw ang mga napapatunayan na nagkasala ay sa electric chair pinapaupu, ngayun naman daw sa wheelchair na lang.
Parang wala din lang nangyayari sa Maguindanao Massacre anu.
Binata pa rin si P-noy, samantalang kinasal na si Shalani.
Teka, may mukha na baga ulit si Kabang?
Pinag-aawayan pa rin ang Spratly Islands at de pa rin natatapus ang away ng tech giant na Samsung at Apple.
Napatunayan na din sa wakas ang existence ng Higgs boson, aka "God Particle".
Ang Metro Manila Film Festival ay Metro Manila Film Festival pa rin at Kris Aquino pa rin si Kris Aquino.
2012.
Ngayung taun ku lang nalaman na kasalanan na pala ng isang babae kung bakit na-rape siya.
Maliban diyan, wala na.
Nag-birthday na tayung lahat, tumanda na naman tayu ng isang taun, yung Sagada Trip ay parang trip lang talaga, si Bay ay si Bay pa rin, patuluy at de na mapigilan ang pagsikat ng Bubblegoo, long hair na naman si Sol at kinasal na si Jay.
Sa pagpasuk ng bagung taun, itu ang aming handug sa inyu.
Long distance jam with dok Sol.
Two Trick Pony ng Sandwich.
Api Nyu Yir sa inyung lahat.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, December 31, 2012 0 sabi nila
Thursday, September 6, 2012
para sa mga naglayas (daw)
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, September 06, 2012 0 sabi nila
Friday, April 23, 2010
you and your heart
isa munang pampalamig sa mainit na panahun.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, April 23, 2010 0 sabi nila
tatak videos
Friday, January 8, 2010
amer
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, January 08, 2010 0 sabi nila
Wednesday, December 16, 2009
dream cloudy
Dahil wala din laang bagung post at nahihirapan si bakla na mag-lagay ng link, patalastas muna.:-)
Sebo at Betong, kung gustu nyu ng sakit ng katawan at kung gustu nyu talaga pumayat na dalawa, mag-ganitu na lang kayu boy.:-) May alam akung magaling gumawa ng board bok, mura lang. Birang bira!
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Wednesday, December 16, 2009 0 sabi nila
tatak videos
Friday, December 11, 2009
Universal Declaration Of Human Rights
Isang alay para sa patuloy na pagtataguyod ng karapatang pantao...
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, December 11, 2009 0 sabi nila
tatak videos
Tuesday, October 27, 2009
RENNAISANCE!!
isang pamukaw sigla muna habang libang na libang ang karamihan sa facebook..na wala nang ginawa kung hindi magbago ng stye ng webpage buwan buwan..eto nga pala ang KAPOTENG BAKAL.." iron curtain" daw sa inglis..pinagsama samang idol nung unang panahun..tamang nabuhay muli dahil kay ondoy...
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Tuesday, October 27, 2009 0 sabi nila
tatak videos
Tuesday, October 6, 2009
Post na walang pamagat
Pampalibang lang habang hinihintay ang October 17.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Tuesday, October 06, 2009 0 sabi nila
tatak para sa lahat, patalastas, videos
Friday, August 14, 2009
Pampakalma :)
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, August 14, 2009 3 sabi nila
tatak videos
Friday, July 31, 2009
Balitang Pampasaya
P.S. Betong, ayusin mu na ang digicam ng office nyu!
Meanwhile, the "15 time MVp" did it again:
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, July 31, 2009 0 sabi nila
tatak patalastas, videos
Tuesday, July 14, 2009
lola techie
sana ganitu ang lola ku..:)
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Tuesday, July 14, 2009 2 sabi nila
tatak videos
Tuesday, June 16, 2009
Jack Bradley
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Tuesday, June 16, 2009 2 sabi nila
tatak patalastas, videos
Monday, April 20, 2009
Chicken a la Carte from: Ferdinand Dimadura
vChicken a la Carte : Director: Ferdinand Dimadura | Genre: Drama | Produced In: 2005
Synopsis: This film is about the hunger and poverty brought about by Globalization. There are 10,000 people dying everyday due to hunger and malnutrition. This short film shows a forgotten portion of the society. The people who live on the refuse of men to survive. What is inspiring is the hope and spirituality that never left this people.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, April 20, 2009 7 sabi nila
tatak videos
Monday, March 9, 2009
Sample Video sa Final Set
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, March 09, 2009 0 sabi nila
tatak eraserheads, videos
Wednesday, January 14, 2009
Apiran..
Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsan napagud na akung gumawa ng wala. Yun ay pangkati lang. De ku alam na gustu din pala ninyu. At makaraan na magkaruun ng division of labor at organizational structure sa kung sinu ang mamumunu sa pag-oorganize ay iyun, natuluy nga kahit puru planu at kathang isip lang yung mga meeting at organizing team. Ganun pa man, dahil sa gargantuan task talaga ang buuin ang 34 members ng ating Batch, natuluy din ang planung reunion. Salamat sa mga tiga Baler na nag-organize, kila Betong, Kaddo at sa pabagu bagung isip na si Eda at yung mga online advisors/advisers natin, the three J’s, JP, Jeannette at Jed.
December 29, 2008, sa Bistro Baler, alas-sais ng gabi.
Ang mga nagpunta (ayun sa dami ng beer na nainum): Betong, Jeanette, Aku, Kaddo, Ando,Gerard, Markus, Jed, Onad, Jp, Shiela, Pia, Ilyn (baka nacoconfuse pa rin kayu hanggang ngayun, Aileen ang spelling nung isa) Abie, Daisy, Janeth, Eda, Salve, Ate Noreen, Ada at Pen-pen. Pangalawa si Jeanette dahil para na siyang female version ni *Pepsi, akaw, lakas uminum! Gaya ng inaasahan, may mga curfew yung iba, lalu na yung may mga asawa at anak na, si Ando lang ang natira na may anak na, panu nilasing niya si Maan, saka hinatid pauwi saka yata siya tumakas ay saka pala si Nene (Ilyn), nakipagpatiktikan din hanggang umaga.
Ang mga naunang dumating ay yung mga atat uminum ng San Mig Light at yung mga gustung makauna sa pulutan, si Betong, si Pepsi, Pia, Ate Noreen, Kaddo at Markus. Syempre, may registration saka lobo (courtesy of Pia) na siningit sa buung paligid sa bandang itaas ng Bistro. Kumustahan, kodakan ay de na pala kodakan, digicaman na at olympusan dapat ang term, apiran at anu ka, reunion nga talaga, may iyakan pa! Parang nanunuud ng MMK yung iba, umagus ang mga luha!
Then Program Proper.
Wala nang National Anthem at Prayer, de magkasundu kung Star Spangled Banners o Lupang Hinirang ang kakantahin ay. Inspirational message galing kay Eda at Short message ni Betong. Tapus kaunting lecture sa Internet Basics for Beginners at Tropang Spider Blog Fundamentals. May mangilan ngilan pa rin sa atin na de marunung mag-internet ay, yung iba naman, tamad lang daw mag browse (excuse acknowledged).
1st set.
Habang tumutugtug ang Rugged Band (Lakay, Eric at Char) kamustahan ulit, apiran, digicaman at olympusan, kaunting iyakan, inuman, sayawan, payabangan, at sinimulan na ni Chammie at Kem ang paniningil. Si Chammie (anak ni Wiwin at Abie) pinagdala ni Abie ng maliit na sling bag, lalagyan ng mapapaskuhan! Anung galing! At itu ang makatuwa, yung iba ayaw mag-order at baka lumampas daw sa ambag nila ang kanilang oorderin! Ayus! But, we will take the blame, pasensya na kung de namin naipaliwanag ang mechanics. At syempre, nung tinugtug ang Kundi’man, de naman napigilan ni Betong ang kanyang emosyon, gaya ng inaasahan, iniinterpret niya ang kanta through sign language habang itu ay tinutugtug ng Rugged band. Habang tumutugtug din ang banda, pinaplanu na ng mga bandista nating ka-batch ang tutugtugin nila pag-katapus ng 1st set.
Dance, Drink, High Fives, Photo ops, etc.
Pagkatapus ng 1st set, medyu may tama na ang mga participants. Napapadalas na ang apiran, may nabububu nang mga beer at tumatapun na pulutan. Lumalakas na rin ang tawanan. Punu na rin ng usuk ang bistro at unti-unti, kahit de natin namamalayan, bumabalik na tayu sa mga pamilyar na sitwasyon at kwento, sampung taun ang nakaraan. Tapus may pausu , surprise quiz! ( si Jed ang gumawa). Upu muna ang mga participants, parang pag nagagalit si Osang, ganun ang itsura nilang lahat. Peru after 10 seconds, nag-sipagdaldalan na naman! Mga lasing na ay! Kahit puru kajologsan lang ang mga tanung, marami pa rin ang natuwa, de ku alam kung sa mga tanung (at sagut) sila natatawa o sa itsura ku habang aku ay nasa harapan nila (yung sa mga de nakapunta, aku pala ang host sa surprise quiz! Sarapeyn!). Peru mayrun akung napatunayan, mahirap pala talaga mag-teacher lalu na pag mga lasing ang nasa harapan mu. Nakabawi din aku kay Betong, kahit ilang minutu lang, nagpalit kami ng posisyon, siya ang estudyante at aku ang teacher. (Trivia: naging instructor ku si Betong sa Carmel nuun, sa Management 2). Mga sample question: mahal pa rin ni Mark si Jeanette, true or false. (Lasing na pala aku ditu, yan lang ang natatandaan ku). May napatunayan din aku, gaya ng paulit ulit kung sinasabi nung gabi na iyun, iba talaga pag graduate ng ANSHS, multi-tasking (joke itu ni Kid nung meeting ng mga Alumni sa training center ng ANSHS),halimbawa si Ando, habang nakikinig at binabasa ang tanung, pinaprocess at finifilter na sa utak niya ang sagut, habang nakikipagkwentuhan, nagyoyosi, umiinum, namumulutan at nagtetext, ay kung dala pa niya yung PSP niya, adi naglalaru pa sana siya. Ang problema, naghahang si Ando (loveyou men, ay man pala) dapat pala si Jeanette o si Betong ang hinalimbawa ku.
Sayawan, Inuman, Apiran, Digicaman, atbp.
Pagkatapus ng quiz, umuwi na yung iba (as expected).
2nd set.
Tugtug ulit ang rugged Band. Lumalakas na rin ang tama. Walang humpay na ang sayawan. Panay-panay na ang apiran. Patay sindi na ang mga yosi. Bumabaha na ng soup at lumalaki na ang bill. Peru walang problema, atin ang venue (yung taas lang kari) at atin ang gabi. Pagkatapus ng 2nd set, 1st set naman ng Batch 12! Tinugtug namin ang Me ng The Teeth, Minsan, Shake Yer Head, Wishing Wells, Ang Huling El Bimbo at iba pang Eraserheads greatest hits, just like the old times, la ka Sol ay, ikaw sana sa beatbox. Halus lahat ng naiwan, kumanta, si Pia, pinagbigyan na lang at magsasara na ang Bistro. Bitin. Pinamigay na rin ni Jeannette ang kanyang mga pasalubung/regalu. (De pa dikit dikit boy, may anti-dikit property na pala ang papel na gamit sa Playboy anu?)
The Ermita Hill Experience.
Bitin ang tropa. Tagal nga naman bagu ulit nagsama-sama. Gamit ang Van ni Markus na may nakasulat sa likud na “wash me” punta kami sa Ermita. Bagu pala kami pumunta sa Ermita (bagu umuwi ang Barcenas Family):
Sa labas ng Bistro Baler:
Chammie: (Tinuru aku) “Huy ninong, tanda lang kita, ikaw lang ang de nagbigay”.
Aku: (tulala, nag-blush)
At kahit saradu na yung daan pataas sa Ermita binuksan iyun ni Ando at Gerard ( hala na kayu!). Isang kahung San Mig Light, dalawang kahang Malrboro Lights, dalawang Laptop, tatlung digicam, suput-suput na soup at lomi galing Bistro at mga kwentong de pa napaguusapan ang dala namin duun. Sa Ermita namin na-kachat si Jennifer gamit yung laptop ni Jed. De ku na din tanda yung mga napag-usapan at napagkwentuhan natin duun. Ang natatandaan ku, humihigup si Pia ng Lomi gamit yung takip ng bowl. Nung malapit nang mag-umaga, alas kwatro na yata iyun ng madaling araw, nilapitan na kami ng isa sa mga guard sa Ermita, pinapauwi na kami at maingay na daw, Tanu kami natinag! Panu mga lasing na kaya malakas ang luub. Peru kat, sa tutuu lang, uuwi na rin talaga kami nuun at mag-uumaga na. Matapus mapapayag at mapigilan si Jeanette na wag nang patulan yung guard (talagang sasapakin sana niya, ang ginawa na lang niya, tinawagan si jowa na nasa Houston at nagsumbung saka binantaan yung guard na: “ wag lang kayung mapadaan sa Baylor, papabugbug ku talaga kayu! F*%@#!), dahil wala naman talaga kami sa katwiran, napagkasunduan na na umuwi. Pagdating ulit dun sa may parte na may kahuy na tinataas (anu baga ang tawag duun) bagu makadaan, tinanggal ulit namin iyun, peru de na ibinalik. Sa ganung paraan, nakabawi kami sa panghahamak, pagpapahiya, at pagsaway sa amin ng isa sa mga gwardya ng Ermita.
The Tapsilogan Conflict.
Pagkagaling sa Ermita, kain muna sa Tapsilogan, dun sa may Parke, tapat nung hanay ng mga Drug Stores at Rolling Stores. Ditu naman nakipag-away si Ando dahil naman sa Goto. De sila nagkaintindihan nung tindera. Gaya din ng ginawa ni Jeanette, nagpakumbaba na lang si Ando at bumili na lang kami ng goto sa ibang rolling store.
Tapus uwian na.
De na aku nakasama sa mga gimik nung mga sumunud na araw at nung bagung taun. Sa Timog na lang ulit aku nakasama. Dun din namin nakasama si Bay.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Wednesday, January 14, 2009 6 sabi nila
tatak Kwento, para sa lahat, Reunion, videos
Thursday, November 27, 2008
Kapatid ni Amy
(Wala nang nag-a-update sa reunion at wala na ding ibang mapag-usapan kaya nagneut-muna ulit ng post na medyu may pakinabang naman.)Kasama kaya sa soundtrack ang kanta ng Akkaw First Project?
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, November 27, 2008 2 sabi nila
tatak batangbaler, larawan, patalastas, videos
Friday, November 21, 2008
Patalastas
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, November 21, 2008 1 sabi nila
tatak videos
Thursday, July 31, 2008
Harry Potter muna- teaser trailer
excited nako! thanksgiving 2008!!!
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, July 31, 2008 0 sabi nila
tatak videos

