Friday, January 8, 2010

amer



hanapin ang naiiba
(video galing sa Official Facebook Page ng Galing Ansci)

Tuesday, March 31, 2009

Baby One More Time (Video Ba Yan?)





May gantu nga palang video nung naginuman sila sa lungga ni Jed. Napost na ba to dito? De ku matandaan e. Galing itu kay Misu ni Kado at kay paring Jed.

Friday, January 23, 2009

best picture!

alin sa palagay nyu ang best picture? ipaliwanag

1. (not so) hot and the soon to be mommas

2. sleeping betong

3. hilud

4. sukob?

5. angel lumaban

6. piolo caoleng

7. kaliwa sana bok

8. no blowing of jobs

9. on-no

10. tagay

11. sinung itay?

12. gate crasher

13. service


14. violent pornoghraphy

Wednesday, January 14, 2009

Apiran..

Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsAng konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang mins

Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsan napagud na akung gumawa ng wala. Yun ay pangkati lang. De ku alam na gustu din pala ninyu. At makaraan na magkaruun ng division of labor at organizational structure sa kung sinu ang mamumunu sa pag-oorganize ay iyun, natuluy nga kahit puru planu at kathang isip lang yung mga meeting at organizing team. Ganun pa man, dahil sa gargantuan task talaga ang buuin ang 34 members ng ating Batch, natuluy din ang planung reunion. Salamat sa mga tiga Baler na nag-organize, kila Betong, Kaddo at sa pabagu bagung isip na si Eda at yung mga online advisors/advisers natin, the three J’s, JP, Jeannette at Jed.


December 29, 2008, sa Bistro Baler, alas-sais ng gabi.


Ang mga nagpunta (ayun sa dami ng beer na nainum): Betong, Jeanette, Aku, Kaddo, Ando,Gerard, Markus, Jed, Onad, Jp, Shiela, Pia, Ilyn (baka nacoconfuse pa rin kayu hanggang ngayun, Aileen ang spelling nung isa) Abie, Daisy, Janeth, Eda, Salve, Ate Noreen, Ada at Pen-pen. Pangalawa si Jeanette dahil para na siyang female version ni *Pepsi, akaw, lakas uminum! Gaya ng inaasahan, may mga curfew yung iba, lalu na yung may mga asawa at anak na, si Ando lang ang natira na may anak na, panu nilasing niya si Maan, saka hinatid pauwi saka yata siya tumakas ay saka pala si Nene (Ilyn), nakipagpatiktikan din hanggang umaga.


Ang mga naunang dumating ay yung mga atat uminum ng San Mig Light at yung mga gustung makauna sa pulutan, si Betong, si Pepsi, Pia, Ate Noreen, Kaddo at Markus. Syempre, may registration saka lobo (courtesy of Pia) na siningit sa buung paligid sa bandang itaas ng Bistro. Kumustahan, kodakan ay de na pala kodakan, digicaman na at olympusan dapat ang term, apiran at anu ka, reunion nga talaga, may iyakan pa! Parang nanunuud ng MMK yung iba, umagus ang mga luha!


Then Program Proper.


Wala nang National Anthem at Prayer, de magkasundu kung Star Spangled Banners o Lupang Hinirang ang kakantahin ay. Inspirational message galing kay Eda at Short message ni Betong. Tapus kaunting lecture sa Internet Basics for Beginners at Tropang Spider Blog Fundamentals. May mangilan ngilan pa rin sa atin na de marunung mag-internet ay, yung iba naman, tamad lang daw mag browse (excuse acknowledged).


1st set.


Habang tumutugtug ang Rugged Band (Lakay, Eric at Char) kamustahan ulit, apiran, digicaman at olympusan, kaunting iyakan, inuman, sayawan, payabangan, at sinimulan na ni Chammie at Kem ang paniningil. Si Chammie (anak ni Wiwin at Abie) pinagdala ni Abie ng maliit na sling bag, lalagyan ng mapapaskuhan! Anung galing! At itu ang makatuwa, yung iba ayaw mag-order at baka lumampas daw sa ambag nila ang kanilang oorderin! Ayus! But, we will take the blame, pasensya na kung de namin naipaliwanag ang mechanics. At syempre, nung tinugtug ang Kundi’man, de naman napigilan ni Betong ang kanyang emosyon, gaya ng inaasahan, iniinterpret niya ang kanta through sign language habang itu ay tinutugtug ng Rugged band. Habang tumutugtug din ang banda, pinaplanu na ng mga bandista nating ka-batch ang tutugtugin nila pag-katapus ng 1st set.


Dance, Drink, High Fives, Photo ops, etc.


Pagkatapus ng 1st set, medyu may tama na ang mga participants. Napapadalas na ang apiran, may nabububu nang mga beer at tumatapun na pulutan. Lumalakas na rin ang tawanan. Punu na rin ng usuk ang bistro at unti-unti, kahit de natin namamalayan, bumabalik na tayu sa mga pamilyar na sitwasyon at kwento, sampung taun ang nakaraan. Tapus may pausu , surprise quiz! ( si Jed ang gumawa). Upu muna ang mga participants, parang pag nagagalit si Osang, ganun ang itsura nilang lahat. Peru after 10 seconds, nag-sipagdaldalan na naman! Mga lasing na ay! Kahit puru kajologsan lang ang mga tanung, marami pa rin ang natuwa, de ku alam kung sa mga tanung (at sagut) sila natatawa o sa itsura ku habang aku ay nasa harapan nila (yung sa mga de nakapunta, aku pala ang host sa surprise quiz! Sarapeyn!). Peru mayrun akung napatunayan, mahirap pala talaga mag-teacher lalu na pag mga lasing ang nasa harapan mu. Nakabawi din aku kay Betong, kahit ilang minutu lang, nagpalit kami ng posisyon, siya ang estudyante at aku ang teacher. (Trivia: naging instructor ku si Betong sa Carmel nuun, sa Management 2). Mga sample question: mahal pa rin ni Mark si Jeanette, true or false. (Lasing na pala aku ditu, yan lang ang natatandaan ku). May napatunayan din aku, gaya ng paulit ulit kung sinasabi nung gabi na iyun, iba talaga pag graduate ng ANSHS, multi-tasking (joke itu ni Kid nung meeting ng mga Alumni sa training center ng ANSHS),halimbawa si Ando, habang nakikinig at binabasa ang tanung, pinaprocess at finifilter na sa utak niya ang sagut, habang nakikipagkwentuhan, nagyoyosi, umiinum, namumulutan at nagtetext, ay kung dala pa niya yung PSP niya, adi naglalaru pa sana siya. Ang problema, naghahang si Ando (loveyou men, ay man pala) dapat pala si Jeanette o si Betong ang hinalimbawa ku.


Sayawan, Inuman, Apiran, Digicaman, atbp.


Pagkatapus ng quiz, umuwi na yung iba (as expected).


2nd set.


Tugtug ulit ang rugged Band. Lumalakas na rin ang tama. Walang humpay na ang sayawan. Panay-panay na ang apiran. Patay sindi na ang mga yosi. Bumabaha na ng soup at lumalaki na ang bill. Peru walang problema, atin ang venue (yung taas lang kari) at atin ang gabi. Pagkatapus ng 2nd set, 1st set naman ng Batch 12! Tinugtug namin ang Me ng The Teeth, Minsan, Shake Yer Head, Wishing Wells, Ang Huling El Bimbo at iba pang Eraserheads greatest hits, just like the old times, la ka Sol ay, ikaw sana sa beatbox. Halus lahat ng naiwan, kumanta, si Pia, pinagbigyan na lang at magsasara na ang Bistro. Bitin. Pinamigay na rin ni Jeannette ang kanyang mga pasalubung/regalu. (De pa dikit dikit boy, may anti-dikit property na pala ang papel na gamit sa Playboy anu?)


The Ermita Hill Experience.


Bitin ang tropa. Tagal nga naman bagu ulit nagsama-sama. Gamit ang Van ni Markus na may nakasulat sa likud na “wash me” punta kami sa Ermita. Bagu pala kami pumunta sa Ermita (bagu umuwi ang Barcenas Family):


Sa labas ng Bistro Baler:

Chammie: (Tinuru aku) “Huy ninong, tanda lang kita, ikaw lang ang de nagbigay”.

Aku: (tulala, nag-blush)


At kahit saradu na yung daan pataas sa Ermita binuksan iyun ni Ando at Gerard ( hala na kayu!). Isang kahung San Mig Light, dalawang kahang Malrboro Lights, dalawang Laptop, tatlung digicam, suput-suput na soup at lomi galing Bistro at mga kwentong de pa napaguusapan ang dala namin duun. Sa Ermita namin na-kachat si Jennifer gamit yung laptop ni Jed. De ku na din tanda yung mga napag-usapan at napagkwentuhan natin duun. Ang natatandaan ku, humihigup si Pia ng Lomi gamit yung takip ng bowl. Nung malapit nang mag-umaga, alas kwatro na yata iyun ng madaling araw, nilapitan na kami ng isa sa mga guard sa Ermita, pinapauwi na kami at maingay na daw, Tanu kami natinag! Panu mga lasing na kaya malakas ang luub. Peru kat, sa tutuu lang, uuwi na rin talaga kami nuun at mag-uumaga na. Matapus mapapayag at mapigilan si Jeanette na wag nang patulan yung guard (talagang sasapakin sana niya, ang ginawa na lang niya, tinawagan si jowa na nasa Houston at nagsumbung saka binantaan yung guard na: “ wag lang kayung mapadaan sa Baylor, papabugbug ku talaga kayu! F*%@#!), dahil wala naman talaga kami sa katwiran, napagkasunduan na na umuwi. Pagdating ulit dun sa may parte na may kahuy na tinataas (anu baga ang tawag duun) bagu makadaan, tinanggal ulit namin iyun, peru de na ibinalik. Sa ganung paraan, nakabawi kami sa panghahamak, pagpapahiya, at pagsaway sa amin ng isa sa mga gwardya ng Ermita.


The Tapsilogan Conflict.


Pagkagaling sa Ermita, kain muna sa Tapsilogan, dun sa may Parke, tapat nung hanay ng mga Drug Stores at Rolling Stores. Ditu naman nakipag-away si Ando dahil naman sa Goto. De sila nagkaintindihan nung tindera. Gaya din ng ginawa ni Jeanette, nagpakumbaba na lang si Ando at bumili na lang kami ng goto sa ibang rolling store.


Tapus uwian na.


De na aku nakasama sa mga gimik nung mga sumunud na araw at nung bagung taun. Sa Timog na lang ulit aku nakasama. Dun din namin nakasama si Bay.

*tanungin si betong

Friday, January 9, 2009

Buhay pa aku!

Wag kayung mainip da! Antayin nyu lang ang mga pictyur! Basta, Malapit na!
O itu, patikim muna, naneut ku sa facebook ni jeannete!









Sa mga may kopya pa ng pityur nung reunion, ilagay nyu na kung saan nyu gustu ilagay, basta accesible, neneutin ku na lang. Ipost nyu lang ang links. Itu muna at de pa nagbabayad ang boss ku sa smart bro ay.

Sunday, November 9, 2008

Tuluy ang Reunion sa December 29, 2008!!!

Kagabi ay nakausap ko sa telepono si Betong, Vidson, Ittad, at Ada. By now ay namunawan na malamang si Vidson mula sa kanyang bertdey kagabi. Hehe!

Okay naman ang lahat. Medyu kaunting paglilinaw lang.

Ang Dec. 29 ay Lunes. Ang Dec. 30 ay Rizal day. Pwedeng sa iba ay special non-working holiday ng Dec. 29, pwede ring hinde. Depende sa larangan ng hanapbuhay. Alamin nyu na ngayung week na itu. Kung anu't anuman, mag-file na kayu ng leave.

At gaya nga ng sabi ni Eda nung magkausap kami nung Undas, nakakahiya sa mga nagtatrabaho (nasa loob man ng bansa o hindi) na magli-leave pa para umuwi ng Baler kapag di nai-organize ang Reunion.

Solusyon: Organization.

Bakit? Dahil 34 ang bilang ng graduates ng ANSHS Batch 12. De malaki para mahirapang kontakin. Maniwala kayu sa akin. Pwede ko nang gawan ng theory at i-defend iyan dahil tested ko na, na madali kayung pa-aattendin.

Mula sa info na ginawa nuun pa ni Jeannette , ay madali-dali na ang what/whereabouts na malaman. Bale, i-update na lang iyun at ayos na. May mali pa nga ata sa birthdays duun ay. Kaya itama na lang ninyu.

Ngayon, may petsa na. Venue na lang. Kung may pamilya (asawa't anak/s) or plus 1 (date, katipan o kabit) na dadalhin ang mga aattend ay mas maayos kung sa isang lugar na kakasya ang lahat idadaos ang Reunion.

Itu ay suhestiyun lang. Pwede rin naman na mag-suggest kayu. Kapag nakausap na ni Betong si Roy, baka papasa na sa inyu na sa Bistro Baler ang Reunion. (Masarap ang Lomi Akkaw duun).

Kapag sa Bistro ang Reunion, ay oorder na lang kayu. (Wag sa Bays Inn sa Dec. 29, please lang, dahil magaling na ang bulutung nyu ay de pa nadating ang order sa tagal).

O kaya para sosyalan, gumawa na kayu ng listahan ng ioorder. Baka kasi bigla nyung maisipang kumain ng tulya sa Reunion ay ilista nyu na rin para magawan ng paraan. (Warning: Bago magsimula ang orderan sa venue ay kolektahin na ang ambag, para walang lamangan o isahan, Nabiktima na nuun si Salve sa Bays Inn, hehe!)

Kasya lang ang 34+ duun siguru. Basta mas maganda kung mas maaga ay makausap na at mapa-reserve ang Bistro. Betong, ikaw na ang bahala sa Bistro anu? Forte mo yang inuman places. Wag mo kaming biguin!

Kung sakaling may extra fee kapag ipinasara para masolo ang Bistro, yung sa taas na lang ang ipareserve para masolo man lang yung area na iyun. This November ay dapat may sagot na tungkul sa venue. Tapos ay desisyunan na ng lahat. Mas maaga, mas maganda. Ang mga establishments (kahit rolling store) sa Baler ay busy dahil kumbaga ay peak season ang mga petsang iyan.

Nawa ay bago pumasok ang Disyembre ay may forecast na rin para malaman na kung sino pa ang hindi o malabong aattend. Ang goal ay ang magdiwang o magsaya. At mangyayari iyan kung lahat ay mapapa-attend. Ngayun, kung ang goal ay mapapunta ang mga de madalas umattend, aga-agahan na natin ang pasabi. Target Date ng Imbitasyon: before November 21. Para may higit 1 month pa para makapag-file ng leave ang lahat.

Kapag nakumpleto at na-update ko na ang info ng 34 sa inyu ay isesend ko sa lahat sa email. Basta ba alam ko ang e-mail nyo ay. Madali lang akung mahanap. Wag kayung mag-alala.

Pag naisaayus at plantsadu na ang December 29 (Oras, Place, Budget-sinu ang taya o toka, atbp) tsaka na ifinalize ang dry-run/patikim (before Dec. 29) at Part 2 (after Dec. 29) ng Reunion. Payag lang din aku sa lahat ng iyan.

This week ay ia-update ko kayu sa mga makakausap ko pa. Maaari nyo lang akong itext, smart at globe #s na ang gamit ko ngayun. O kaya ay iwanan ng mensahe sa YM or Friendster. O kaya ay tawagan nyo ako sa landline (paki-kuha na lang kay Vidson or JP ang landline # ko, ayoko i-annouce ditu ay).

So Venue at Contact Info ang i-finalize natin. Next na ang pagkain, inumin, program/sequence ng Reunion, etc. At kung may ambagan man/patak-patak o toka-toka. Ayus? Paano ba yan, belated Happy Birthday sa TropangSpider at kay Vidson! Advance Happy Birthday Jesus na rin sa inyung lahat!

Tuesday, October 28, 2008

Pahambugan Update

Bagu ang dry run (ayun kay Markus, peru de pa din itu kumpirmadu) sa undas, update muna tayu sa pahambugan. Madami na ang mga siguradu na pupunta. Peru una munang isesetlle ay ang date/petsa/araw. Isa lang ang date na sinuggest, so far, at itu ay December 29, 2008. Sa mga de payag sa December 29, 2008, pwede pa kayung umapela. Mamili kung anung date ang gustu:

a) December 27, 2008- Birthday itu ni Kaddo, sabi niya wag daw sa araw na itu.
b) December 28, 2008
c) December 29, 2009
d) December 30, 2008
e) December 31, 2008
f) Bagung Taun
g) Three Kings


Kung kulang ang isang araw sa reunion, pwede natin itung gawing 2-3 days. Pwede tayung mag-camping/overnight sa dicasalarin o kahit saan mapagkasunduan. Iyun ay kung gustu lang naman ninyu. O kung ayaw nyu naman ng camping, sa luub ng 2-3 days, pwede tayung mag community service sa Sabang. Mamimigay tayu ng regalu at mag kakaruun ng variety show. De kaya sportsfest, para bonding tayu lahat o quiz bee para pahambugan talaga. Teka. medyu magulu na.

I-settle na lang muna ang date (o dates), tapus ang venue na ang susunud, tapus ang contribution, tapus ang mga premyo para sa kahambugan. Itu naman ang listahan ng mga nagparamdam na sasama at kung anu ang sagut nila:

1. Aku - Kwento na madami!
2. Kaddo - Case case daw na beer!
3. Jopay - Mga mamahaling inumin na galing sa states (o sa Duty Free) Tulad ng Johnny Walker, etc.
4. Jeannette - Kanta na non-stop
5. Betong - Venue mu baga bok?
6. Joe - Security
7. Eda - Nag commit na organizer at umayaw
8. Bee -
9. Bay -
10. Markus -
11. Shiela -
12. Mirasol -
13. Onad -

Si Shiela, Mirasol at Onad ay nakakausap ku paminsan minsan through YM. Sila naman ay nagpakita ng interes sa gaganapin nating pahambugan. 13 na ang medyu siguradu, tapus isama na din natin sila Abie, Janette at Daisy na nasa Sabang lang naman. Bale 16 na. Syempre, kasama di si Jed, na siguradung tutulung sa pag-oorganize ng ating pahambugan, saka si at Wiwin at Gerard.

O hala! Tuluy na tuluy na itu! Botohan na sa petsa!



Wednesday, September 10, 2008

Sa Ating Muling Pagkikita...("Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session".)

Bagu ang lahat, welcome muna kay, balita ku, soon to be Captain Julius Taniza. Congrats pare! Buti nagkapanahun ka na makipagkumustahan sa mga gagamba. O tinataguan mu si Kumander Bravo at Umbra Kato?

Kahit wala pang official na commitment, medyu dumadami na ang nagbabalak na umuwi sa pasku at bagung taun. Kailan natin siguru na magpadala ng official invitation para sa nalalapit nating "Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session". Unooficial pa itu peru sana magkatutuu.Si JP at Jeannette, nagpaparamdam na na uuwi, si Joe din. Tatlu na ang medyu siguradu, kaya malaki na ang pagasa na matuluy ang ating "Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session".

10 years na din ta ay. Medyu matagal tagal na din. Sana matuluy ang ating "Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session". At kung matutuluy ang ating "Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session",sagut ku na ang kwento, Johnny Walker Blue daw kay JP, Venue kay Betong. Naitu pa ang listahan ng mga kakailanganin sa ating "Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session":

1. Pulutan, preferably sisig, sizzling pusit,boy bawang, yung manuk sa bays inn na masarap, nalimutan ku na kung anung lutu iyun, bulalo, crispy pata at liempo.
2. T-Shirt w/logo, bali 34 dapat, peru ang ipapagawa ay yung para lang sa mga makakapunta, medium ang size ng t-shirt ku.
3. Videoke
4. San Mig light/red horse, pang hugas pag lasing na
5. Mga pagkain
6. Camera for documentation
7. Cellphone na may load, pangtawag sa de makakapunta
8. Laptop na may webcam at may smart bro prepaid kit, pang chat sa tiga ibang bansa
9. Service
10. Lobo na madami, papaputikin pag lasing na at give aways sa mga may dalang anak.
11. atbp.

Dalin nyu na rin yung mga kwentu ninyu 10-13 years ago. Paguusapan pa kung pwedeng magdala ng jowa/asawa.

At paguusapan pa din kung matutuluy talaga ang ating "Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session".

Sa mga makakarating ilista ang pangalan sa comment na lang para kung matutuluy talaga ang ating "Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session", habang maaga, mai-set na ang date.

Pag natuluy, sana may mag volunteer na na organizer. San na kaya si Jed at Bets?

Anu? Payag kayu sa ating "Grand Alumni Homecoming cum Inuman at Payabangan Session".

Monday, May 5, 2008

Dicasalarin Overnight Part II

E-mail itu galing kay John Red.Basahin na lang para maintindihan.

DICASALARIN OVERNIGHT: May 31 to June 1


Mag-file na po kayo ng leave at nang makauwi kayo sa Baler. May overnight tayo sa weekend na yan. Dalawang buwan yun bale, May at June. hehe!

Darating kami nila Pia at Shiela sa katapusan ng May. Sabi ni Pia, magfa-file sya ng leave sa June 2. Kaya mag-file na rin kayo ng leave.

Pagkakataon na itu na makabawi ang mga absent nung 1st at 2nd Get-Together sa Manila. Tuloy ito ha. Kaya umuwi kayo ng Baler anu?

Paplanuhin na rin ang date ng Reunion sa December. Siguro sa December 30 (holiday yun ay). Pero suggest-ment pa lang. Hehe! Hanggat nasa Baler si Eda, tutulungan ko sya sa plans ng Reunion.

Pulutan/Itatagay na lang ulit ang mga wala. Pasensya sa Big 4 (Wella, JP, Jeannette, Sol) at wala atang internet sa Dicasalarin ay. De tayu makakapag-conference sa YM. Iinggitin na lang namin ulit kayo sa pictures. Basta walang magseselos ah. ISYU...ISYU!

Monday, February 11, 2008

Kay JP

Akaw bok, naniningil na sila. Magpadala ka daw sa account ni PIA at sponsor mu daw pala yung magaganap sa 24. Happy birthday nga pala. Hinihintay na nila ang padala mu. Padala ka na daw.

Monday, February 4, 2008

Reunion

May matinding pagsasalu daw na magaganap sa syudad, sa pamumunu at pagoorganisa ni John Red. Akaw, bigtime daw itu mga baet, sponsor ni JP dahil mag bebertdey na siya. Pumunta ang gustu na pumunta. Naitu ang eksaktong mensahe ni John Red, sinama ku na rin para sa mga detalye. Makakapunta siguru aku kung isasama ni JP sa sponsorship niya ang pamasahe ku. Bihirang magyari itu, kaya gustu ku na mag suggest, baka pwede na rin pagusapan ang isang dekada na nating pag gradweyt sa sayans? Uh, de nga, 10 years na tayung gradweyt. Baka pwede tayung mag reunion reunionan naman anu? Sampung taun nang de nakikita yung iba ay. Kung nasaan man yung iba, paramdam kayu da. Basahin na lang ninyu ang mga sumusunud na pangungusap para sa karagdagang detalye.

Tutuu itu!

After ilang years, naisipan ni Betong lumuwas ng Maynila at nang makalanghap ng simuy ng polusyon sa siyudad.

Bihira itu. Kaya merun po tayung tipanan sa aking bahay.

Sa February 24, Sunday. To follow ang saktong oras. Malamang lunchtime or after lunch onwards ang salu-salo.

Preferably, sa cellphone nyo ako i-contact at palagi akong wala sa bahay (Monday to Saturday, ako ay busy).

Itung mini get-together ay magiging interactive. Sapagkat ka-chat natin sila JP, Jeannette, at Sol sa araw na ito. JP, sana pati si Wella, maka-group chat natin!

Eto pa, nangako si JP na mag-i-sponsor sa event na itu dahil bday nya sa Feb.22. Yey!

Si Pia ay sure na. Si Aileen T, sure na. Aileen, ikaw bahala kay Ilyn.

Si Eda’y cinoconvince ko pang bumaba galing Baguio.

Si Roselle at Shiela, si Pia na ang bahala.

Ittad, pumunta ka. Konny, paramdam ka. April, sumama ka da. Mirasol, ikaw din!

Isa ka pa Amer. Ikaw din Francis. Kaddo! Paramdam kayo lahat.

Marcus, pumunta ka. Ikaw ang toka sa pag-attend ni Ando at Onad.

May nakalimutan pa ba ako?

I won’t take no for an answer. Lahat ng nasa Manila sa batch ninyu (natin din baga?) ay dapat umattend.

Kaya mag-yes na kayo.

Wala akong number ninyung lahat kaya aantayin ku ang mga tugon ninyu. Ayus?

blogger templates | Make Money Online