Friday, May 15, 2009

Born Again

Pandagdag lang ng pagkakaabalahan habang hinihintay natin (namin lang pala) ang Game 7 's sa East at West Semifinals ng NBA Playoffs 2009. Join na kayu sa ANSHS Yahoo Groups! Makakatanggap kayu ng mga e-mail na katulad nitu:

Mga kapatid!!!!

Ang Alumni ng ANSHS ay hinihilingan na mag-sponsor ng 1-page of greetings sa soon to be released na 2th Anniversary YEarbook. 4,000 pesos itu kaya aku ay lumalapit sa inyo, lalu na yung mga bigtime, na tulungan natin ang project na ito at mag-ipon tato ng 4,000 o mas malaki para magka 1 page naman tayu sa gagawin nilang yearbook. Kahit ilang halaga ay welcome. Tulungan na rin po akong ipakalat ito sa mga ka-batch ninyo.

Ito po yung dating hinihingian tayo ng 10,000 yata per batch, ngayun ay 4,000 na lang sa buong alumni. Pero ang bawat Batch ay welcome din na mag sponsor ng sarili nila. Hiwalay ito sa pang alumni. Kung gusto mo naman na mag-isa ka lang mag-sponsor ay welcome din, may sarili kang page. Available din ang 1/4, at 1/2 page na mas mababa ang halaga.

Paki reply lang po kung gusto ninyong sumama, sabihin ninyo AKO MISMO! MAG-AAMBAG.

Ngayung June po ang kanilang target date para ilabas ang yearbook. Kaya nagmamadali tayo.

Salamat!

at tulad nitu:

Pamparami lang po ng laman:

1. Bubuhayin muli ang Galing Ansci blog para sa ating mga galing ansci. Kailangan ku po ng volunteers per batch para sila ang mag post ng balita at kung anu-anu tungkol sa batch nila. Sinung obra.

2. Akaw, nakita na baga ninyu ang website ng ANSHS ---> http://smart. com.ph/smartscho ols/anshs/ . MEdyu de kaaya-aya anu po? Kaya gawin siguro nating project na tulungan silang ayusin ang kanilang website. Yung tipo bagang magiging proud tayu, kagaya ng masayang website ng Tropang Spider :-)

3. At sa mga may free time jan --> baka gusto ninyong dagdagan ng info ang Wikipedia page ng ANSHS. Kahit sinu ka man pwede mu lang i-edit iyun. --> http://en.wikipedia .org/wiki/ Aurora_National_ Science_High_ School

Babush!!!

O ha! Bida na naman tayu de baga? Ayus! Masaya daw tayu ay. Panu ang dadami natin na nadalaw ditu. Ditu na lang kayu sumali, sa halip na sa AKOMISMO.

Monday, May 4, 2009

Ako mismo...

Sa Pilipinas, tuwing may laban si Pacquiao:


Nagkakasundu lahat ng pinoy...Wala halus krimen. Wala halus sasakyan sa kalsada. Ang mga Pinoy, kahit halus wala ng pera, may pambili pa rin ng Ginebra...

Kapansin pansin din:

Maliban sa walang sawang pagpapa-alala sa mga manunuud na suportado at nasa likod ni Manny ang isang kompanya ng alak, pau-lit ulit ding pinapatalastas yung isang seksing babai na may hawak na pantapal sa bubung (o sa kahit anung leak o butas sa inyung bahay) at tinutuksu ang mga manunuud na bilhin ang produkto niya. Seksing babai at pangtapal ng butas..... genius.Pag may laban nga naman si Manny, sama-sama ang mga Pinoy.Kumpul-kumpul kumbaga. At pag nagsama-sama ang mga pinoy,dapat lagi may alak. At dahil din karamihan sa mga tirahan ng pinoy na nanunuud ng laban ni Pacquiao ay butas ang bubung, dapat may commercial na seksing babai na may hawak na pangtapal ng butas...

Napakasimple ng logic.

Marketing strategist ng kumpanya ng alak: "Malapit na ang laban ni Manny, sigurado, madami na namang manonood na lasinggero."
CEO ng Channel 70: "Oo nga. Wag po kayong mag-alala, all systems go na po tayo, nakahanda na po yung commercial natin. I-p-play namin yun ng 15 times in-beetwen rounds. Mula sa supporting bouts hanggang sa main event."

GM ng kumpanya ng epoxy: "Malapit na ang laban ni Manny, lahat ng nasa squatter sa buong pilipinas sigurado manonood."
Technician ng Channel 70: "Ready na po ang advertisement natin, just in case masira yung kopya natin dahil i-p-play natin ito ng 15 times in between rounds mula sa supporting bouts hanggang sa main event, may back-up na po tayo sa isa naming external hard drive at sa flashdrive ng bawat member ng technical team."
GM ng kumpanya ng epoxy: "Hmmm...Magaling."

De naman lahat ng patalastas tuwing may laban si Manny ay alak at epoxy lang, medun ding pain reliver,movie trailers, fast food chains, vitamins, at paminsan minsan, may mga commercial din na may silbi tulad nitu, na pinapatalastas every other bout (not every other round):


Mula sa MUNTING TINIG “MAY PAKIALAM KA PA BA SA PILIPINAS”?:
"Isa sa problema ng Pilipinas ay hinde militarismo, hinde kumunismo kundi tayo mismo!" sabi ito ng aktor na si Leo Martinez .

Una kung nabasa iyan sa Pangalawang Aklat ni Master Bob.

Tama naman de baga?

Sisihan ng sisihan. Awayan ng awayan. Turuan ng turuan. Bangayan ng bangayan.

Kung tayo mismo ang problema, tayo rin mismo ang makakalutas sa problema.

Peru bagu natin lutasin ang problema, tanggapin muna dapat natin na tayo mismo ay may problema o ang problema.

Join na kayu para cool! Mag sign-up sa akomismo.org! May libre yatang akomismo dogtag. Yata lang ha.

Sunday, April 26, 2009

Why not, right?

Panawagan sa mga nagbabalak magpakarami, sana hindi kayo katulad ng mga andito:

http://whythefuckdoyouhaveakid.com/

sample:
becuz u don’t like to ride alone submitted by Amy

becuz u don’t like to ride alone

becuz ur not gonna let urself get pwn3d by the n00b submitted by Ell

becuz ur not gonna let urself get pwn3d by the n00b

Monday, June 16, 2008

Inip na baga kayu?

Wala pa pong maisip na bagung idea ang ating mga webmaster. Na mental block na yata sila.

blogger templates | Make Money Online