Sunday, October 17, 2010

bo8

may pang walu nang aklat si master bob...
sa nobyembre na daw ilalabas, magandang pa-bertdey itu.:-)

Friday, August 28, 2009

Master BOB

Bob Ong as National Artist
MINI CRITIQUE By Isagani Cruz (The Philippine Star) Updated August 27, 2009 12:00 AM

Last Aug. 18 at De La Salle University, I delivered (in Filipino) the inaugural lecture of the Br. Andrew Gonzalez Lecture Series. I entitled my lecture “Ang Kabobohan ni Bob Ong, o Dapat Bang Hiranging Pambansang Alagad ng Sining si Bob Ong” (“The Idiocy of Bob Ong, or Should Bob Ong be Declared a National Artist”). Of course, kabobohan is a play on the penname Bob Ong, which is in turn a play on the words Bobong Pinoy, the title of the website that started the anonymous author on the road to what has become the bestselling publishing phenomenon of our time.

I divided my lecture into four parts: The Benchmark for National Artists, The Writing Principles Violated by Bob Ong, The Writing Principles Advocated by Bob Ong, and What Makes a National Artist.

My epigraph for the lecture was this text from the children’s book Alamat ng Gubat by Bob Ong: “Nag-umpisa ang massacre ng mga hayop na mas karumaldumal at mas kagimbal-gimbal pa sa mga pelikula ni Carlo J. Caparas noong dekada 90.” (“The massacre of the animals started. It was more gross and more disturbing than the films of Carlos J. Caparas during the 1990s.”)

I used as my benchmark or touchstone for National Artistry the great Caparas, who is so good an artist that he outshines Fernando Amorsolo, Ang Kiukok, Bencab, Victorio Edades, Botong Francisco, Jose Joya, Cesar Legaspi, Arturo Luz, Vicente Manansala, J. Elizalde Navarro, and Hernando Ocampo (who could only manage to excel in one category – Visual Arts), and Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerardo de Leon, and Eddie Romero (who could only manage to excel in one category – Film). Unlike these artists, Caparas has been hailed as a National Artist in two categories – Visual Arts and Film – and not just in one.

I listed the masterpieces of Caparas in the 1990s, such as The Myrna Diones Story (1993), The Cecilia Masagca Story (1993), The Vizconde Massacre Story (1993), The Vizconde Massacre 2 (1994), The Lipa Arandia Massacre (1994), The Maggie de la Riva Story (1994), Victim No. 1: Delia Maga (1995), The Marita Gonzaga Rape-Slay (1995), The Anabelle Huggins Story (1995), and The Lilian Velez Story (1995). For lack of time, I did not list all the other masterpieces that he produced before and after the 1990s. In any case, as all film scholars know, the 1990s can be called the Golden Age of Carlo Caparas.

I then talked about the books of Bob Ong, namely, ABNKKBSNPLAko: Mga Kuwentong Chalk (2001), Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2002), Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003), Alamat ng Gubat (2004), Stainless Longganisa (2005), Mac Arthur (2007), and Kapitan Sino (2009). From sheer number of titles and from sales receipts (his books reportedly sell at least a thousand copies every week), no author can compare with Bob Ong.

I took some writing principles found in the two standard reference books on creative writing, Gusto Kong Maging Writer 1 and Gusto Kong Maging Writer 2, by Renato M. Custodio Jr. I quoted some passages from Bob Ong’s books that blatantly violate these principles.

On the other hand, I showed that, by violating standard writing principles, Bob Ong has introduced into Philippine literature several sophisticated techniques currently fashionable in the most advanced writing capitals of the world, such as Deconstruction, Defamiliarization, Transformative Learning, Decolonization, the Romantic Mode, and the Motif of Mistaken Identity.

Since he is undoubtedly loved by the masses of Philippine readers and since he has shown mastery in applying the latest trends in fiction and creative nonfiction, I argued that Bob Ong satisfied the five criteria for becoming a National Artist, namely: (1) “Living artists who are Filipino citizens at the time of nomination, as well as those who died after the establishment of the award in 1972 but were Filipino citizens at the time of their death” (he is alive); (2) “Artists who through the content and form of their works have contributed in building a Filipino sense of nationhood” (we have all acquired the same taste for books because of him); (3) “Artists who have pioneered in a mode of creative expression or style, thus earning distinction and making an impact on succeeding generations of artists” (there are now writers trying to write like him); (4) “Artists who have created a substantial and significant body of works and/or consistently displayed excellence in the practice of their art form, thus enriching artistic expression or style” (he has consistently written in his distinctive style); and (5) “Artists who enjoy broad acceptance through prestigious national and/or international recognition, such as the Gawad CCP Para sa Sining, CCP Thirteen Artists Award and NCCA Alab ng Haraya; critical acclaim and/or reviews of their works; respect and esteem from peers” (those that refuse to praise him are just plain envious).

I ended with the immortal words of Bob Ong himself: “Wala pa ring malinaw na lunas para sa sakiting bansa. Walang pumapansin sa nag-aapoy nitong lagnat, at walang gustong magbigay ng gamot.” (“There is no clear cure for the disease that afflicts our nation. Nobody pays any attention to our nation’s high fever nor is there anyone that wants to prescribe medicine.”)

I got the standard ovulation, I mean a standing ovation.


View previous articles of this column.

Para sa mga disipulo ni Master Bob, isa lang ang ibig sabihin nitu, kung sakali mang itu ay magkatutuu, pwersahan na siyang lalabas sa kuta niya na ayun sa una niyang aklat ay tatlong sakay mula sa Quezon City Hall. Bilang isang Bob Ong die-hard-fan-fanatic-wannabe, itu ang pinakaaabangan kung pangyayari, ang makita ang mukha ng sumulat sa mga aklat na paulit ulit ku ng binabasa, paulit ulit na pinahiram at nawala, paulit ulit na binili, paulit ulit na ni-refer sa iba at paulit ulit na babasahin ulit. Paulit ulit lang.

Magiging Sir Bob Ong na si Idol! Yehey!

Medun kayang on-line poll para ditu?

Thursday, May 14, 2009

Pagkatapos ng Heneral, sunod si Kapitan!

E-mail mula kay BO.

<.-.> Para sa kapakanan ng mga mambabasa mong naghintay sa bagong libro, pwede mo bang sabihin sa amin kung tungkol saan ang Paboritong Libro ni Hudas?
Kapitan Sino?
<.-.> Ah, oo, Kapitan Sino pala. Hehe. Ang ganda-ganda kasi ng Paboritong Libro ni Hudas. Yon ang paborito ko sa mga libro mo e. Hindi dahil sa nandoon ako, pero marami talagang nagsasabi na maganda yung Paboritong--
Ahem, um, ang Kapitan Sino ay tungkol kay Rogelio Manglicmot na nakilala ng mga tao bilang isang superhero sa katauhan ni Kapitan Sino.
<.-.> Ang haba ng pangalan! Para sakin mas gusto ko pa rin yung mga isinulat mong tauhan na five characters lang ang pangalan, yung simple lang, yung parang puro punctuation mark lang....
Ah, magugustuhan mo si Bok-bok, kasi may punctuation mark din ang pangalan nya!
<.-.> Sino naman yun?
Kaibigan ni Rogelio. Marami kang makikilala sa mundo ni Kapitan Sino.
<.-.> Pati si Tesla?
Si Tessa. Pero tama ka, dahil kinuha ko ang pangalan nya kay Nikola Tesla. Isa sa pinakamagaling, kundi man ang pinakamagaling, na electrical engineer sa kasaysayan, pero kaawa-awang naagawan ng maraming imbensyon.
<.-.> Hindi ba si Tessa ang nagpatagal ng ika-pitong libro?
Nagkakahiyaan kasi sila ni Rogelio. Nahirapan tuloy akong magsulat ng kwentuhan nila. Yung iba ngang usapan, hindi na nila ipinasulat sa akin.
<.-.> Kaya ba isang buong araw kang nakinig ng mga senti?
Hehehe. Higit pa. Paulit-ulit- ulit akong nakinig ng mga love song, kasama na yung kanta ni Carole King, nang ilang linggo habang isinusulat ang tagpo nila. Pilit din akong nanood ng romantic movies pandagdag inspirasyon, at nagpaturo sa romance novel writer na dating miyembro ng Bobong Pinoy YahooGroup. Ewan kung pasado na ang gawa ko.
<.-.> Totoo bang lumang superhero si Kapitan Sino?
Hindi. Sya ang pinakabagong superhero... noon.
<.-.> 80's? Ibinalik mo ba ang oras sa Dekada Otsenta?
Oo, kaya mas akma ang kwento sa mga 27 years old pataas. Baka merong mga hindi gaanong maintindihang detalye ang mga mas batang mambabasa. Makakatulong kung meron silang mapagtatanungang matanda.
<.-.> Hmmm... mukhang interesante itong ika-walong libro.
Ika-pito. Pero tama ka ulit, dahil may mauuna pa dapat akong libro dito, kundi lang nakiusap si Mayor na paunahin ko na sila.
<.-.> May Mayor? Matatapatan ba nito ang dami ng celebrity sa Paboritong Libro ni Hudas?
Tinutukoy mo ba sila Donita Rose, Marvin Agustin, at Tootsie Guevarra na nasa ikatlong libro? Ikinalulungkot ko, pero mas hitik at nag-uumapaw sa mga celebrity ang Kapitan Sino.
<.-.> Pero hindi mo maitatangging ako ang pinakasikat mong celebrity dahil lumabas ako sa dalawang libro!
Tama. Lumabas ka sa itim at puting libro. Pero may iba pa kong tauhan na lumabas din ulit dito sa Kapitan Sino.
<.-.> Huh?! Hindi mo ko pinasasaya sa mga sagot mo, Bob Ong! At bakit ako magkaka-interes kay Kapitan Sino kung nung 80's pa ang adventure nya?
Kung itatanong mo yan pagkatapos magbasa, hindi mo naintindihan ang libro.
<.-.> Saan ba ko kukuha ng kopya?
Unti-unti na pong nagkakaroon ngayon ang mga paborito nyong eatery o sari-sari store. Kung wala pa, baka naubusan lang kayo. Subukan nyo ulit sa ibang araw.
<.-.> Magkano ba?
75 pesos lang po...kung panahon ni Cory Aquino! Pero dahil 2009 na, P175.00 po ang isa.
<.-.> Matagal-tagal bago nasundan ang Macarthur.
Ito ang pinakamatagal na agwat ng pagsusulat ko. Pero natapos din ang libro, salamat sa inspirasyon mula sa mga mambabasang tagapagpalakas ng loob at umaasang laging masusundan pa ang huling librong nabasa nila. Dahil sa simpleng hiling nila na laging masabihan kagad kung may bago na silang mababasa kaya ginagamit na naman kita ngayon para sa official announcement.
<.-.> Sanay na ko. Alam ko kailangan mo ng celebrity endorser para sa Kapitan Sino. Idagdag mo na lang sa talent fee ko yung t-shirt ng officialuse. net.
Punta ka sa Komikon sa UP sa Sabado, May 16. http://visprintpub. blogspot. com/ Meron doong mga t-shirt ni Bob Ong. Mura lang dahil hindi ka na magbabayad ng shipping fee. Pagkakataon mo na!
<.-.> Aba, talagang double-purpose ang patalastas ah! May Swine Flu ka pa sa lagay na yan.
Sipon lang.
<.-.> Sa susunod mong libro wag kang gagawa ng announcement pag may sipon ka, kasi lalong kumo-corny.
Sige, susubukan ko. Salamat.

Saturday, April 25, 2009

Boys Don't Cry



De ku gawa iyan ha, galing iyan sa youtube account ni jenth15. Peru siguru, kung ikukulung ku ang sarili ku sa luub ng isang buwan at de lalabas ng bahay, na ang kapiling lang ay mga libru ni Master Bob, malamang makakagawa din aku ng ganyan. Ay ngayun, dahil sa may nakaisip na na gumawa ng ganyan, korny na kung gagayahin ku pa. Para maiba naman, Rebulto na lang niya ang aking gagawin, ganitu ang yari:


(larawan mula sa diumanoy friendster account ni Bob Ong)

Kung kayu naman ay ordinaryong BO Fanatic lamang, sumali na lang kayu sa Yahoo Groups ng Bobong Pinoy, makakatanggap kayu ng sangkatutak na e-mail araw araw, tungkul sa mga kung anu anung isyu, kagaya nung kay Nicole, "Cheap" Tsao, Ebola Virus sa Bulacan, Bakit nanalu ang Baler the Movie sa MMFF 2008, tama baga na Air Force ang pinili ni Karl Winston Cacanindin, pagkapanalu ni Barack Obama at ang Baler nga baga ang Surfing Capital ng Pilipinas? Mga ganyang topic. Around 250 emails ang marerecieve mu araw-araw. Matyaga ka na kung makabasa ka ng sampu. Pwede ring umorder at bumili na lang ng Limited Edition T-shirt ni BO, oo, limited, as in limited edition talaga, 200 shirts lang per design, 200 shirts din per size sa bawat isang design, dalawa lang ang t-shirt design, 7 ang available sizes sa bawat design, gets? Para umorder at maintindihan ang sinabi ku, click nyu lang itu. Itu ngayun ang ang bagung raket ni BO, saka pala itu:



Yes Man! Ang ika-pitong aklat mula kay Master Bob. At sa ika-pitong pagkakataun, wala na namang Book Launching at Autograph Signing na mangyayari., wala ding interview sa radyo o TV. Bigla na lang lalabas sa mga bookstores ang mga aklat niya, mauubusan ng stock tapus magkakaruun ulit, tapus de mu lang namamalayan, may pang walung aklat na. Kahit naman anung gawin mu o kahit anung gawin ku, de na siguru lalabas sa pinagtataguang lungga niya si BO. Anu kaya kung gawan natin siya ng tsismis anu? Halimbawa, gawa ka ng article sa isang tabloid, gagawin mung headline, ganitu ang pamagat: "Bob Ong, dahilan nga ba ng hiwalayang Dingdong at Marianne?" o ganitu: "Bob Ong, at Chip Tsao, magpinsan" tapus may sub title na: "BO at CT, close friends". Lalabas kaya siya para magpaliwanag sa SNN o The Buzz o sa TV Patrol? After 3 years at wala pa ding reaction na nanggagaling sa kanya mas maganda siguru kung siraan na lang natin siya. Ikalat mu thru text messages na bakla siya, na supporter siya ni GMA, na de naman talaga tutuung pogi siya, or magpa press conference ka at sabihin mung ni-rape at nabuntis ka ni BO saka ka niya inutangan at de nagbayad. At pag de pa rin siya lumabas, isama na lang natin siya sa Most Wanted List ng PNP, i-reproduce ang picture niya at idikit sa lahat ng Bus Terminal, Airports, Ro-Ro ports, sa mga malls, sa lahat LRT station, sa mga sinehan, pasugalan, beerhouse, eswelahan, sa kalawakan , sa marianas trench , gawan ng malaking billboard at i-display sa EDSA at patungan ang ulu niya ng PhP1,000,000,000,000.00. Ang problema, kung saan tayu kukuha ng picture niya...

5.1.2009, Kapitan Sino. Ang pinakabagong superhero noon....


blogger templates | Make Money Online