(picture ni Ninong Jun galing sa ANSHS Official Website)
Joaquin B. Portera, yan pala ang buung pangalan ni Mang Junior. Ninong sa kumpil ng karamihan sa mga boys ng Batch12. Mang Junior kung siya ay tawagin. Man of few words itung tau na itu. Tanda ku pa, naka bike lang siya pag papasuk. Tapus, igagarahe niya yung bike niya sa likud ng training center de kaya sa likud ng two-storey building, minsan naman kila ka Willy. Siya ay palangiti at lahat ng estudyante ng Ansci ay kabatian niya. Mabait itung tau na itu. Wala siyang kaaway sa campus. Siya din ay sobrang sipag. Minsan makikita mu siya na nagdadamu. Pag sawa na siyang magdamu, magbabatu naman siya. De siya adik ha. Damu at batu lang ang alam ku na kagalit niya sa Science High nuung panahun natin. Kasalukuyang pinapaganda ang Science High nuun ay kaya tambak lagi ang graba, iyun ang maghapun niyang pinapala. Pag malagu naman na ang mga damu, gagamasin naman niya. Gan-un siya kasipag. Maliban sa paminsan minsang pakikipag-usap sa kanya tungkul sa mga damu, batu at sa bike niya, wala na kaming ibang pinagsamahan ni Mang Junior. Peru saludu aku sa tau na itu. Isa siyang ehemplo na dapat nating tularan. Isa siyang bayani ng Ansci. De ku alam kung sinu ang agent ni Mang Junior, basta na lang siya sumulput sa Science High nuun ay, kaya nadagdagan ang "miscellaneous fee" natin, nagkaruun na ng "janitor's fee", peru ok lang, deserving naman siya ay. Hanggang ngayun, siya pa rin ang dakilang utility ng ANSHS. De ku lang alam kung may mga benefits na siya o may insurance,SSS, GSIS, Pag-ibig, Philhealth Card at Red Cross card, o kung siya ay permanent na. Sana medun na, matagal na rin siya sa serbisyo ay. Mabuhay ka Mang Junior!
2 Comments:
dapat itu ang maging pulitiko...di masalita peru sobra sa gawa..mabuhay ka mang junior...dapat kumpleto na ang benefits mu ha...ok ka 'NONG..
akalain nyo, nahugut mu pa talaga yang picture na yan.. at ngaun ko lang naalala na meron nga palang mang junior.
ayus!
-shiela
Post a Comment