Kung ikaw ay kasapi sa ANSHS Yahoo Groups, malamang nabasa mu na itu:
Hi,
Nabalitaan nyu na ba ang chika na iba na ang principal ng ANSHS. Si Mrs. Hulipas daw ay naki pag swap sa principal ng Baler National High School na hindi ko kilala kung sino?
At itu pa ang mas matindi, si Ittad din daw ay ililipat na sa BNHS kasama ang kanyang pink na motor. Disaster ito!
Manatiling nakatutok dito sa ating yahoogroups para sa kumpletong detalye ng chikang ito.
Confirmed na po! Na de tutuu ang chikang nabanggit... Itu ang ebidensya oho: (may typo ulit jeannete, de ku na inedit, de naman tayu slow ay de baga?)Hi,
Nabalitaan nyu na ba ang chika na iba na ang principal ng ANSHS. Si Mrs. Hulipas daw ay naki pag swap sa principal ng Baler National High School na hindi ko kilala kung sino?
At itu pa ang mas matindi, si Ittad din daw ay ililipat na sa BNHS kasama ang kanyang pink na motor. Disaster ito!
Manatiling nakatutok dito sa ating yahoogroups para sa kumpletong detalye ng chikang ito.
Mabilis talaga ang balita, nauuna pa sa tutuung buhay.
Ang latest update dito ay wala pang reshuffle na nangyayari sa mga principlas ngayun. Usap-usapan pa algn daw sa DepEd ayun sa isang "reliable source" (naks). Kaya si Mrs. Hulipas ay principal pa rin ng ANSHS hanggang ngayun.
Ang latest update dito ay wala pang reshuffle na nangyayari sa mga principlas ngayun. Usap-usapan pa algn daw sa DepEd ayun sa isang "reliable source" (naks). Kaya si Mrs. Hulipas ay principal pa rin ng ANSHS hanggang ngayun.
Parang NBA din anu? Kumbaga Free agent na sana siya kung "nag-opt out" sa kanyang contract, sa halip, nagkaruun na lang ng contract extension. Muntik nang ma-trade ang pinakamamahal (ehem) nating principal. Laking Cap Space sana ng ANSHS kung natuluy ang swap anu? (pakicheck nga kung pareho sila ng market value ng katrade sana niya). Kung natuluy ang trade, pwede nang gawing permanent si Mang Junior sa ANSHS (dahil sa cap space ha, de sa kung anung dahilan).
Irreplaceable iyan si Mam Hulipas. Magaling. Matindi. Petmalu. Kitang kita naman ang development sa ANSHS ay. Isang dekada matapus tayung gumradweyt, may covered pathway na mula sa maayus na ring gate hanggang sa two-storey building; ang ratio ng computer to students ay 1:3 na (daw) mula sa dating ratio na 1:1 (1 computer per year level); madalang na ang atag (kaya mas matatalinu na ang mga estudyante ngayun ng Ansci ay, yung mahabang oras na ginugugul natin sa once a month na pag-gagamas nuun, inuubus na lang nila sa pag-aaral ngayun); bagu na rin daw lahat ng textbook (unconfirmed pa itu), de na usu ang hiraman; may tig-iisang medal na lahat ng magtatapus; may covered court na; may sarili ng website ang ANSHS; magagaan na rin daw ang lahat ng baril-barilan na gamit sa CAT; maayus na ang lambingan bridge; clasroom na rin ang dating AIADP; fishpond na yung swimming pool dati; la pa din daw anak si Mam Picart; malalaki na yung mga tanim nating mahogany tree at tayu pa rin lang ang nag-iisang batch na may yearbook...
Dadagdagan ku pa sana, kaya lang baka mapaopis aku ay, hirap gumawa ng 100 pages na promissory note.
Tanung: Gustu nyu bagang palitan na si Mam Hulipas bilang Principal ng ANSHS ?(kung oo, sinu ang ipapalit at ipaliwanag ang implikasyon nito). O gawing permanent na si Mang Junior para kumpleto na ang kanyang benefits?
(Credits: Larawan ni Mam Hulipas galing sa ANSHS Official website. Yung mga paragraph na bold letters, e-mail galing sa ANSHS Yahoo Groups.)
1 Comment:
Ito ang latest:
yung reliable source na sinabi ko ay yung principal ng Baler National High School na si Mr. (de ku tanda pero maitim siya saka personal kaming nag-usap). June 3 ako nagpunta sa BNHS para sa isang business meeting sa kanilang PTA. Tinanung ku siya kung tutuu ang chika, sabi niya iyun daw ang balita pero wala pa siyang narereceive na memo mula sa DEPED kaya nandun pa rin siya sa BNHS.
Kaya aku nag-update sa Yahoogroup na de tutuu ang chika at si Mrs. Hulipas pa rin ang Principal.
Kinabukasan, sumagut si Dedette Zubia, Batch 10, na nagtratrabahu mismo sa DEPED. Sinabi niya na EFFECTIVE JUNE 1 daw ay si Mrs. Myrna B. Adeva na ang Principal ng ANSHS at si Mrs. Hulipas ay sa Baler National High School na lilipat. Ang Principal naman ng BNHS na nakausap ko ay papalit kay Mrs. Adeva na dating principal ng Aurora National High School sa Reserva.
At ang latest pa, nagpa Despedida na daw si Mrs. Hulipas ngayung week, pero de nya tayu inakit.
Congrats kay Mrs. Adeva at natupad na rin ang pangarap niyang maging ANSHS principal matapos ang napakahabang panahon. At kay Mam Hulipas, siguro ay nagbabasa ng sikat na website na Tropang Spider, isang malaking pasasalamat sa lahat ng ginawa ninyo sa ANSHS. Nang dahil sa inyo ay naging totoo ang lahat na salitang kumakatawan sa ANSHS. Itoy nasa Aurora, itoy pang National ang level, itoy magaling sa Science, ito ay High sa lahat ng bagay at ito'y totoong School.
Ang kailangan na lang nating alamin ay kung totoo ngang si Ittad ay lilipat din bilang package deal ni Mrs. Hulipas. Ito ang tototong disaster.
Post a Comment