Tuesday, June 16, 2009

Joy, Nini

Karaniwan nang mababasa natin sa mga tindahan ang mga ang mga ganitung karatula :"Credit is good, but we need cash"; "Bawal ang utang ngayun, pwede bukas"; "Ice 4 Sale"; "E-load, Autoload", "Ice Candy 4 sale" "Uling 4 Sale", etc.,etc.


Peru sa tindahan malapit kila Betong, bandang kaliwa kung galing ka sa bayan, bandang kanan kung galing ka sa Tibag, may kakaibang handwritten "poster" na nakadikit. Ganitu ang nakalagay:

"Joy, Nini, bawal manginain ng tinda."

Maliit lang dati yung tindahan na iyun. Mini Grocery na ngayun ay kaya madami ng tinda. Ayus din yung naisip ng may-ari. Sa halip na araw-araw sawayin si Joy at si Nini, naglagay na lang ng "reminder". Bali dalawa iyun ay nakasulat sa one whole sheet na papel.tapus nakalagay sa mga paninda na pwedeng pwedeng kainin ni Joy at Nini ng palihim. Hanga aku sa may ari nung tindahan. Galing anu? Kung aku at si Betong ang tindero, malamang ang nakalagay ay ganitu:

"Betong, Vidson, Bawal uminum ng San Mig Light"

Kung nakunan ku lang ng picture iyun, pwede sanang isali sa pampasaya link. Isama na din natin itu:
De ku siguradu kung si Joy at Nini pa rin ang tindera duun. Malamang de na. Akaw ay kahit naman aku, makahiya laang kung may ganun na nakalagay sa pinagtitindahan ku.




0 Comments:

blogger templates | Make Money Online