High School Days Revisited
2nd Year: “Happy Birthday Jesus”
Summer vacation, 1995. Kagaya nila Ando, James, Cardo, Amer at Jed, buung bakasyon akung naghintay ng sulat galing kay Mam Hulipas, baka isa aku sa mga kickout. Habang kampante sila Jeannete, Wella, Betong, Sol at yung mga kasali sa Top Ten na de sila maki-kickout, dalawang buwan ding de kami nakatulug ng maayus, de namin ma-enjoy ang summer.
Natapus ang bakasyon. Ayus! Wala pa ding “kickout letter” na galing kay Mam Hulipas. Peru kinakabahan pa din aku, baka de lang naipadala o naligaw yung “kickout letter” na para sa akin. Natanggal lang ang kaba ku nung unang araw ng pasukan, kasama aku sa Master List ng 2nd Year. Ayus na. Wala nang kaba.
38 ang natira. May nakickout, may nagtransfer. Isang section na lang, sama-sama na ulit.
Parang bahay ni kuya. Iisang bubung na lang ang sinisilungan…
2nd year... Sophomore na. 2nd Floor na rin ang room.
2nd year tayu nakarating sa bansa ni Magellan.
Mam Querijero: “Kunwari nakasakay na tayu sa eroplano. Pupunta tayu kila Magellan, dadalawin natin siya. Pikit kayu lahat. Eeeeeeennggg, eeeeeennngggg. Tentenenen… Yan nalipad na tayu. Eeeennngggg, eeeeeennngggg. Tentenenen… Uh, pumikit kayu at wag titingin sa bintana at baka malula kayu! Eeeenngg, eeeeeenng…O, mulat na at nanditu na tayu.”
Pag ganyan na, napikit lahat, maliban kila JP at Betong. Kaya madalas sila sigawan ni Mam Querijero ng “ Huy JP at Herbert pumikit kayu! Aryo, baka malula kayu!”. World History. Itu ang forte ni Betong. Pag may mga re-enactment ng mga significant events sa buhay ni Magellan o kailangang isadula ang pagbomba sa Pearl Harbor, siya lagi ang bida (alam ku na ngayun kung bakit, kasagsagan ng pag-papacute nya nuun kay Wella ay). Saka pag exam, kay Betong ka tatabi kung gustu mu pumasa. Kung gustu mu naman pumasa ng de natabi kay Betong, hiramin mu yung reviewer nya na nakasulat sa Yellow Paper, siguradu iyun, nandun lahat ng lalabas sa exam. Swerte ka na kung ipapahiram niya iyun, ipahiram man niya, yung isang page lang. Ipapahiram nya sa iyu lahat pag 2 minutes na lang, mag-e-exam na. Mabasa mu man, de mu na rin matatandaan. Kapansin pansin din nuun ang pagiging close ni Betong at Flora (yung tiga reserva).
2nd year din nung una nating na-meet si Sir Gemo. Medun tayung assignment notebook nuun sa kanya. Statistics. Mean, median, mode, pag mali ang isa, mali na lahat. Kaya pag exam, sila Sol, Jeannete at Wella ang mga dapat tinatabihan. De lang Mathematician si Sir Gemo, environmentalist pa. Ayaw nya ng may nakikitang kalat sa luub at labas ng room. Kaya nung minsan na nagkalat si Shiela ng butu ng citrus, pinalunuk niya yung mga butu. Wala nga naming kalat.
Anu na kayang pangalan nung katekista natin? Aryo, yung nagtuturu ng mga verse sa bible at teachings ni Jesus? Tanda nyu pa baga nung recollection natin? Daming umiyak nuun anu. Peru kalakasan nuun ng iyak ay si Shiela. De baga may inaabut nuun na kandila. Ang aabutan mu daw yung kagalit mu o kaaway o yung kaklase natin na gustu mu sabihan ng sorry. Siguru kaya may sindi yung kandila pag inabut mu, iyun ay para may pampatak ka sa balat o pangsunug sa buhuk nung taung aabutan mu pag de niya tinanggap ang sorry mu. Buti na lang de iyun ginawa ni Shiela sa akin. Nagpapasalamat pa rin aku at de niya iyun naisipang gawin. De ta naman kami magkaaway o magkagalit nuun ay. Aywan kung bakit inabutan niya aku ng kandila.
Trivia: Alam nyu baga na nagbuntalan si Mark at Ittad? Oo, buntalan, suntukan. David and Goliath batch12 version. Nagaway sila dahil sa scrabble. Kaunti lang ang tauu nuun sa room, walang teacher kaya pwedeng mag-scrabble o kahit na anung laru ang maisipan mung gawin. Nung malingat si Ittad, may nagtagu nung board, tiles lang ang tinira. Ay panu ka nga naman makakapaglaru ng scrabble kung wala yung board? Pinagbintangan niya si Mark. Para makabawi, kinuha ni Ittad yung bag ni Mark. Tinapun nya mula sa 2nd Floor. Nagsapuretret ang mga laman. Ay nasa bag pala ni Mark yung walkman niya, yun, pinatulan niya si Ittad. De naman masyadung bayolente ang nangyaring away. Gaya nang inaasahan, de nakatama si Ittad. Itanung nyu na lang sa iba kung panu inetsa ni Mark si Ittad.
Kung may UMK (Universal Motion Kids) nung First Year, may Fantasy Girls naman nung 2nd Year, si Konny yata ang leader/choreographer nila. Nung 2nd year din mahilig tayu (kayu) makipamiesta, halus lahat sama-sama maliban lang sa mga de talaga nasama kagaya ng Campus Girls (Noreen, Josephine, Adeline, April) at yung ibang tiga-Sabang (Jannette at Daisy). De rin masyadu mahilig makiadaday si Jennifer at Jericelle , Si Salve naman nasama lang pag kasama si Joe. Aku din pala, de pa masyadung naggagala nuun. Napasama aku minsan, Fiesta ng Baler, gumala tayu sa mga bargainan, bumili aku nung t-shirt na parang newspaper, yung bagang ang mga nakatatak ay Skid Row, Death Metal, Metallica, GN’R tapus may mga sulat sulat pa na kung anu-anu.
Itu lang ang mga naalala ku na kwento, de pa aku masyadung nag-gagala nuun ay. Peru siguradu aku, madadagdagan itu sa mga comments.
O, hala, magbalik tanaw na kayu at mag-isip na ng mga nakakatuwa, de kapani paniwala at nakakaiyak na mga reactions.
Friday, May 2, 2008
Isang Medyu Mahabang Kwento Ulit
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, May 02, 2008
tatak Kwento
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 Comments:
meju binanatan tayu ditu ni vidson...hehehe akaw ay itu ung panahon na nagmotor kmi papunta sa sn. luis nina marcus para mkifiesta tapus natanggalan kami ng tambutso(silencer) ng motor..akaw ay parang tora tora na ung wheels nmin....ska di pa mejo berde ang utak ku nyang mga pnahon na yan....nkafocus pa kumbaga sa honor ay...ska lng nawala sa direksyon ay ng mabuo na ang mga lalaki nung last quarter ng secong year....ung bagang wala ng paki sa lahat...parang weird na hinde...misunderstood ba...ewan ku baga..baka epekto lng to ng pagiging close ku ky be-e, airborn ta ang virus nun ay,,ay panu anak na din un ni nanay ay...sbi nga nung inarbor kung libro ni dr. jeannette, there's no such thing as weird person, just that some people only need to broaden their understanding...
wag nyo kakalimutan ung mga panahon na nanunuod tau kna betong, jp at vidson ng mga wholesome movies na akaw tlga namang very informative,hehehe at lagi na lng cutting classes ang ginagawa, pag cnabing walang papasok, dpat walang papasok, may hudas ba noon?hehehe... saka nyo din kalimutan ang fight ni kaddo at betong, konti lang din kami nakasaksi dun, ipakwento nyo na lng sa kanila kung cno nadehado...madugo ang naging katapusan, pero may ulot ta dun ay...cno kaya un?
yung panunud yata natin ng mga informative materials ay bandang 3rd-4th year na ay. hehehehe. Saka may nagkanulu nga pala sa atin nuun, yung de aabsent peru may nagabsent na isa at nagsumbung. sinu na kaya iyun?
basta aku and laging may dala na very informative materials na yun, at minsan si vidsun din. namboso pa nga sakin nun si amer ay! hehehe! tangna ta naman CR namin ay, meron malaking salamin.
si flora, wala na nung 2nd year. tsaka tama baga, nag-away din si betong at amer? at bakit hindi ko maalala yang retreat na may iyakan? wala baga ako nun?
kapal din ng mukha ni vidson anu, hehe
2nd year din baga tayo nung nagpunt tyo ng dipaculao o maria tapos sa kalagitnaan ng tulay parang naubusan ng gasolina tapos gabi na nun? kahit ung mga lalaki natatakot na.
-shiela-
kaasar ka! parang may galit ka sa akin vidson ah! natutuwa akong naaalala mo pa ako pero nabubwisit ako dahil parating karugtong pangalan ni joe..kailangan ba talagang ganun? hump! marami akong naaalala at tanda ko pa lahat ng kwnto mo.. correction..first year tayo nung nagpunta sa dipacualo..kinulong pa nga natin si blessie at randy sa loob ng bahay nila..wala trip lang...si jeng(jenifer) naman nakakita ng dwende sa flower box..malapit sa bahay nila jericelle..at nung nagpunta tayo minsan sa san luis at nakipamiesta.. naaksidente ang tricycle na sinasakyan namin nila eda..nakaladkad pa nga si randy noon ayun..natakot mga magulang kaya pinagtransfer na sa dipaculao the following year..
hoy salve! nabuhay ka! tama ka, first year yung dipaculao. dun din naglagay si jp ng latik sa buhok nya
ang batch natin siguro ang pinakamadrama at maaksyon sa kasaysayan ng ansci...bakit nga ba hindi...best actress si caroline libag at best actor si rolando navarete..ang title.."pumirma ka at tatagain kita" hehehe...nagulat talaga ako sa drama ng mga section B nuon...pero naging comedy pa rin dahil ang judge sa kaso ay si mrs. querijero...ang hatol.."kick out kayo pareho.."
Post a Comment