Monday, May 4, 2009

Ako mismo...

Sa Pilipinas, tuwing may laban si Pacquiao:


Nagkakasundu lahat ng pinoy...Wala halus krimen. Wala halus sasakyan sa kalsada. Ang mga Pinoy, kahit halus wala ng pera, may pambili pa rin ng Ginebra...

Kapansin pansin din:

Maliban sa walang sawang pagpapa-alala sa mga manunuud na suportado at nasa likod ni Manny ang isang kompanya ng alak, pau-lit ulit ding pinapatalastas yung isang seksing babai na may hawak na pantapal sa bubung (o sa kahit anung leak o butas sa inyung bahay) at tinutuksu ang mga manunuud na bilhin ang produkto niya. Seksing babai at pangtapal ng butas..... genius.Pag may laban nga naman si Manny, sama-sama ang mga Pinoy.Kumpul-kumpul kumbaga. At pag nagsama-sama ang mga pinoy,dapat lagi may alak. At dahil din karamihan sa mga tirahan ng pinoy na nanunuud ng laban ni Pacquiao ay butas ang bubung, dapat may commercial na seksing babai na may hawak na pangtapal ng butas...

Napakasimple ng logic.

Marketing strategist ng kumpanya ng alak: "Malapit na ang laban ni Manny, sigurado, madami na namang manonood na lasinggero."
CEO ng Channel 70: "Oo nga. Wag po kayong mag-alala, all systems go na po tayo, nakahanda na po yung commercial natin. I-p-play namin yun ng 15 times in-beetwen rounds. Mula sa supporting bouts hanggang sa main event."

GM ng kumpanya ng epoxy: "Malapit na ang laban ni Manny, lahat ng nasa squatter sa buong pilipinas sigurado manonood."
Technician ng Channel 70: "Ready na po ang advertisement natin, just in case masira yung kopya natin dahil i-p-play natin ito ng 15 times in between rounds mula sa supporting bouts hanggang sa main event, may back-up na po tayo sa isa naming external hard drive at sa flashdrive ng bawat member ng technical team."
GM ng kumpanya ng epoxy: "Hmmm...Magaling."

De naman lahat ng patalastas tuwing may laban si Manny ay alak at epoxy lang, medun ding pain reliver,movie trailers, fast food chains, vitamins, at paminsan minsan, may mga commercial din na may silbi tulad nitu, na pinapatalastas every other bout (not every other round):


Mula sa MUNTING TINIG “MAY PAKIALAM KA PA BA SA PILIPINAS”?:
"Isa sa problema ng Pilipinas ay hinde militarismo, hinde kumunismo kundi tayo mismo!" sabi ito ng aktor na si Leo Martinez .

Una kung nabasa iyan sa Pangalawang Aklat ni Master Bob.

Tama naman de baga?

Sisihan ng sisihan. Awayan ng awayan. Turuan ng turuan. Bangayan ng bangayan.

Kung tayo mismo ang problema, tayo rin mismo ang makakalutas sa problema.

Peru bagu natin lutasin ang problema, tanggapin muna dapat natin na tayo mismo ay may problema o ang problema.

Join na kayu para cool! Mag sign-up sa akomismo.org! May libre yatang akomismo dogtag. Yata lang ha.

4 Comments:

Unknown said...

sign me up scottie!

Anonymous said...

Beware! the ako mismo website is a classic database farming site. the site has nothing to offer but only gets your personal info which they can later use for whatever it is they want. ;-)

Anonymous said...

Please read this for the hidden agenda behind AKOMISMO:

http://gangbadoy.multiply.com/journal/item/356/FORWARDED_MAIL_re_akomismo.org_

Aurora National Science High School Batch12 said...

salamat sa mga comment nila anonymous(es... may tama kayu mga kaibigan.

blogger templates | Make Money Online