Thursday, October 16, 2008

With Great Power, Comes Great Responsibility

Sa Pilipinas, ang October ay National Children's Month at Women'sMonth. Wala lang, kaunting information campaign lang. Buwan din ng Oktubre nang isilang ang "Tropangspider", na may sub-title na "blog nila betong, sol, vidson at pati na rin si jay at kupal joe, saka si ando. kasama sina amer,onad,ittad,bay,john paul, mark,be-e'at sherwin." Blog title pa lang at description, pamatay na. San ka pa. De ku na sinama yung pangalan ng mga kabatch natin na babai, masyadu nang "cool" pag isinama pa. Kung bakit tropangspider, naitu ang paliwanag ni pareng Betong.

October 17,2008 nung nabuu itung blog na itu, two columns lang, de ku na din alam kung anung template ang unang ginamit ku, at dahil sa de pa nga aku masyadu maalam magblog nuun, nabura yung kauna-unahang post. Ngayun, medyu maalam na ng kaunti, kaya nabagu na ang layout at medyu madami na ding widgets na wala namang mga kwenta. Minsan ku na ring pinorbahan na i-apply sa google adsense itung blog, para kahit panu, may revenue at may pakinabang naman, na dis-approve, de daw maintindihan ng google ang mga salita, tagalug ay, dapat daw english. Masyadu tang mahaba yung terms and conditions ng adsense ay, de ku na binasa, english pati, de ku masyadu maintindihan, kaya ganun ang nangyari.

Figures,Dates, Links, Statistics and More:

Simula nung mailagay ang "tigabilang ng nadalaw" nuung February 1, 2008, malapit nang mag-9000 ang visitors ng tropangspider. Ang range ng average visitor per day ay mula 0-30 visitors (tama baga, range ng average visitor o average range ng visitor, at teka, may range pa baga pag average na?).Sa madaling salita, ewan. Pinaka madaming dumalaw ditu nuung, August 9, 2008, 217 visitors lahat, syempre dahil sa biyahilo post na nai-feature sa batangbaler ni kid. Ang naturang post na din ang umani ng pinakamaraming comments, kung isasali pati yung mga comments sa batangbaler, bali 26 comments lahat, 9 ditu plus 17 sa BB.Runner-up ang "isang medyu mahabang kwento" bilang most commented post with 16 comments at itu naman ang pinakaunang comment:
Anonymous said...

vidson, ayos to ah! buti napadpad ako dito.

Jeannette

para sa pangalawang post na documented sa tropangspider blog.

Biglang umulput ang Chatbox nuung February 7, 2008. Nakopya ku itu sa blog nila jed, ay nainggit aku, kaya nag-gawa din aku ng para sa atin. Dahil sa libre lang din gaya ng statcounter, 100 message lang ang kayang ma-store sa chatbox. 21 ang friendster links (pag binawas yung kay jeannete, ilan ang tira?), 128 lahat ang posts,(99% ng post ay walang katuturan),153 comments (na mas walang katuturan), 0 member ang tropangspider community, 4 ang video sa video bar, 10 comments ang nababasa sa "ayun sa kanila", mahigit sampung taun na din tayung gradweyt sa ANSHS, ilan sa atin ang may asawa na, ang iba ay nasa ibang bansa, yung iba naman, nawawala. Umani na din ng ilang (kunya-kunyarian na) award ang tropangspider, at de din maiwasan na ikumpara tayu sa ibang blog na katulad nitu (ehem).
CLASSMATES:

Simula ng ma-embed ang chatbox, halus araw-araw na nating nakakausap ang mga dati nating kaklase na nasa ibang bansa na. Si Jeannette na nasa Houston na busy sa pag-e-experiment sa kanyang mga laruan na daga (gawa ka kaya ng daga na may logo ng Ansci sa mata?), si Sol na nasa Canada at si Jopay na nasa Guam. Paminsan minsan, naultaw din si Jennifer at nagiiwan ng message. Si Be-e at Onad naman, bigla na rin lang nasulput. Ilang araw dig nagbabad ditu si Sherwin at sinamantala ang pagkakataun upang i-promote ang negosyo niya, tapus bigla na ding nawala. Si Eda, nalabas lang pag galit na. Kamakailan lang, nagiwan din ng message si Joe. Nagiiwan lang ng message si Bay pag wala daw ang visor niya. Si Markus, nautlaw pag gustung sungitan si Bay. Si Kaddo masyadung busy, peru de pa din nakakalimut. Dati din tambay situ si Shiela, peru bigla na din siyang naglahu at bihira na din magparamdam. Si pareng Betong, nagmamasid lang lagi, naghihintay ng mga issue na pwedeng pagtalunan. Naligaw na din pala si Salve ditu at nag-iwan ng comment, at kagaya ng iba, na-lost din agad pagkaraan ng ilang araw. Si Ando, minsan na ding nagcomment, peru de na nasundan. Parang napadpad na din minsan ditu si Ittad. Kamakailan lang, na-add ku na si Ate Noreen at Penpen sa friendster, kaya kasama na din sila sa links. Si Abie, de pa din yata maalam humawak ng Keyboard at Mouse, ay apu! Naasa na lang sa mga kwento ni Betong. May Friendster din si Amer, Apple, Wella, Pia at Roselle. Si Mirasol, minsan online, mas madalas de.La nang balita sa iba. nasaan na kaya sila Ilyn, Aileen,Ada,Jericelle, Daisy, Janette at Konny? Sa may mga access ditu, at kayang i-link kung sinuman sa ating mga kaklase ang de pa kasali sa link na medung friendster link o ibang links na pwede, i-link nyu na lang da, para mabuu na yung 34.


BANDWITDH EXCEEDED:

Isang taun na simula nang mabuu ang blog na itu. Medyu madami na ding nangyari. Minsan may nadalaw, minsan wala. Minsan sunud sunud ang post, minsan walang post. Minsan madaming bagung message sa chatbox, minsan de madami. Minsan bigla na lang may magagalit, minsan bigla na lang may nagsusungit. Pasensya na sa mga na-ban dati sa chatbox, isang IP address lang ang binan ku, damay ang isang buung area, panu ta ginawa na itung e-bay ni Bee kaya nainip aku. Hanggat may nadalaw ditu, patuluy itung tatakbu (habulin nyu). Hanggat may mga nagbabasa ng post at tumatawa, gagawa pa din kami ng mga post, makatuwa man o hinde, kahit korni na pati. Sa may mga access na maalam ng magpost, ipost nyu lang kahit anung gustu nyu, wag lang porno. Ipaubaya nyu na lang sa akin ang layout, blog design at mga settings, yun na lang ang kaligayahan ku sa buhay ay.

RE-POSTED:

Itu ang paborito kung post, kaya ilalagay ku ulit.



Sigi, kita-kits sa pahambugan!






3 Comments:

Anonymous said...

Naks, ang galing naman nung post! May makatuwa at may drama. Happy anniversary sa tropangspider!!!

Maalala ko, si Konny, may Friendster account. Pwede mo i-link yung Facebook ko, Vidson, may account ka naman ay, di baga?

Ako pala unang nag-comment? Yun palang "Minsan" video, may ibang pictures na nineot mo sa Friendster ko na galing sa elementary, kaya hindi mo ala kung ano yun, haha. Kung may visitor counter tayo simula nung last October, gano kaya kadami dagdag sa count ngayon? Kung 15 visitors per day from October 17 to January 31, additional 1590 visits yun! Lampas 10,000 na tayo. :)

Sana di ka magsawa sa pag-maintain ng blog, Vidson. Tsaka yung mga nadalaw at nag-comment at kahit yung mga naglalako lang ng produkto at serbisyo ;)

Anonymous said...

ayun! finally! autobiography ng tropapitz(kung otobayograpi nga ba itu)! pag na OC ako bok p2kialamn q ulit ang blog site! i link ku ung ibang alm ku ditu... ok pala ang spam sa site kaya join na rin aku! =]

Anonymous said...

pang fantasy game lang ta yung facebook ku jeannete ay, kaya bihira ku lang buksan, pick-one lang pati ang kaya kung laruin kaya de ku pa nabubuksan facebook ku. sigi, babaguhin ku na lang yung dati mung link, para ayus. baka magiyak ka ay.hehehe

blogger templates | Make Money Online