Friday, October 31, 2008

Ganitu na lang...(Betong Knows Best!)

Base sa mga messages sa chatbox, December 29, 2008 na nga ang tentative date ng ating pahambugan. Tutal gustu din naman ni Jeannette mag-beach, may suggestion si Bets na sa Dilasag daw tayu mag-pahambugan. Madami daw kilala si Betong sa Dilasag, kaya de na problema ang logistics. Kung saang lugar iyun ay de ku alam. Peru de naman siguru tayu hihiyain ni Betong o gagawin lang na pain para sa mga pating. Mistulang boracay daw ang lugar at mga banagan daw ang mga pagkain (peru huhulihin pa yata yung banagan). Peru de lang naman si Betong at Jeannete ang Batch 12 kaya pagbobotohan pa kung matutuluy ang naturang planu. Sa tutuu lang gustu ku din iyun marating. Si Betong ay hambug sa tutuung buhay peru pagdating sa mga pagrerekomenda ng pagkain o lugar na pwedeng pacpicnican/pagrelaxan ay de pa siya pumapalya. Mabuhay ka Betong! Kaya itu ang nakikita ku na pwedeng mangyari:
1. Tuluy na tuluy na talaga ang pahambugan natin!

At itu naman ang posibleng mga planu:

Plan A. One Night only- isang gabi lang ang magaganap na pahambugan at malamang mangyari itu sa December 29, 2008.
Plan B. One Night Only, Picnic (sa falls, sa swimming pool ni Jay, cemento, dicaloyongan, dela torre beach, anywhere) Kinabukasan- malamang na bitin ang isang gabi kaya dapat may picnic pa kinabukasan.
Plan C. Roadtrip (kuno) sa Dilasag-medyu mabigat ang planu na itu, peru uulitin ku na, sagut na daw ni Betong ang logistics.

Yung mga nasa Baler at uuwi sa Baler para sa Undas bukas, iminumungkahi ku na mag-inum kayu bukas pagkagaling sa sementeryo at gumawa na ng initial na planu, libre daw ngayun sa lungga ni pareng Kaddo.


1 Comment:

Anonymous said...

Ito ang boto ko: Plan A.

Explanation: Tingin ko, mas madami makaka-attend kung sa Baler lang at one night only at may date na at medyo mas madaling ipaliwanag at gawin ang mga plano. Gusto ko pa din mag-Dilasag, at matutuloy yun dahil sinigurado na ni Betong sakin (ano nga, pare? :)), pero siguro hiwalay na lang sa actual reunion. Open pa din sa lahat yung Dilasag, syempre, at pwede pang magsama ng iba, pero sa opinyon ko lang naman talaga ay mas maigi kung hiwalay, para walang excuse ang mga pipol na hindi maka-attend (Please see chatbox comments for details, hehe). Tsaka dahil mas komplikado planuhin yung Dilasag, mas madali kung mas madaming flexibility sa pagplano at yung mga sasama ay sigurado at walang sapilitan o pagbabagong-isip. Yun lang naman ang opinyon ko. Bow.

blogger templates | Make Money Online