intro
kinse segundos para humikab at mag-unat
kinse segundos para mag-isip kung anong gagawin pag-kagising
kinse minutos para maghugas ng plato
kinse minutos para mag-lunch break
kinse minutos para maligo
kinse minutos para mag-abang ng siksikang tren
kinse minutos para mag antay ng bulok na jeep
kinse minutos para mag-basa ng duguang frontpage ng dyaryo
kinse minutos para mag-dasal sa dyos, na, nananaginip
...............
pero iba ang labinglimang taon
kinseng taon para mag-kalat ng lagim
kinseng taon para humubog ng matinding samahan
kinseng taon para mag-ingay ng walang humpay
...............
kaya, takbo na
maghanap na ng matataguan
dahil puputok na
ang kalibre kinse
ngayon na
- kinse kalibre intro, slapshock (sa pag-bigkas ni lourd de veyra)
intro ulit
"you can't aim too high."
yan ang matapang na mensahe ng 12" x 20" poster na niregalu (o rinegalu?) ni jeannette sakin nung March 31, 1998, isa't kalahating dekada na ang nakaraan. tandang tanda ku iyan, de ku iyan makakalimutan.
minsan naisip ku, bakit kaya ganun ang binigay niya sa akin? at bakit kaya poster lang?
medun akung teyorya at haka-haka kung bakit.
siguru, malamang, nakikita niya aku nuun palagi na pilit inaabut yung rim (rim ang tawag duun, de ring) sa basketball court natin sa ANSHS. pinipilit mag-dunk, kahit hirap. kaya naman ay. kaunting praktis at determinasyon lang. naabut ku din naman iyun dati at nag-tagumpay na madakdakan, nung medyu tumungu na yung rim, gamit ang bola ng volleyball.
insert: do not kick the volleyball ball - sir cabanayan
panu ku iyun nagawa? tungu na nga yung rim ay kaya medyu mababa na tapus bola pa ng volleyball yung gamit kaya madali na lang gawin. peru bukud duun, medun akung "workout" na ginawa para tumaas ng kaunti yung talun ku, gamit ang manual na binigay sakin ng isang kaibigan at masugid na kalaru at kakumpetensya sa basketball. manual na ginawa at sinulat daw ni spud webb. epektibo naman. tumaas naman ng ilang pulgada yung lundag ku dati.
may problema lang. iniisip ku na dati kung panu makapag 360, off-the-dribble-two-handed-reverse at windmill dunk, nakalimutan ku na pag-aralan yung basics. de pa nga pala aku masyadung maalam na mag-dribble nuun gamit ang kaliwang kamay, reverse lay-up na agad ang hinangad ku na matutunan. nag-workout aku para tumaas ang lundag, de naman nag-palaki ng brasu at katawan para sa pakikibag-banggaan. dyableg.
tama nga naman, "you can't aim too high".
peru de rin. obra laang naman ay. nasa iyu na lang iyan kung maniniwala ka. sa kasu ku, parang nasa sub-conscious ku na yata ang kataga na iyan. ilang taun din niya akung pinaniwala at kinulung sa matapang at mapanghimasuk niyang mensahe. hanggang sa makilala at mabasa ku ang ilang aklat ni jack canfield, dale carnegie, spencer johnson, gretchen rubin, joel osteen at kung sinu-sinu pang author ng mga self-help books na nagku-kwento ng mga nakaka-inspire na true to life story,daw (de kari, si jack canfield lang ang kilala ku sa mga iyan. ayaw kung basahin at kausapin si joel osteen, mag-kasalungat ang paniniwala namin sa buhay. ganun din si jack canfield, medyu taliwas din minsan ang paniniwala niya sa paniniwala ku peru mas nakaka-relate aku sa kanya) dun aku nag-umpisang malitu. sinu ang paniniwalaan ku, ang poster na galing kay jeannette o yung payu ng mga author na kahit paanu ay nakalalamang at mas may alam sa akin tungkul sa buhay?
background music:
"kung saan ka man abutin, pare ko, tandaan mo lang, c.r. mo ang buong mundo."
"alcohol, alcohol utak mo'y buhol buhol." (4x)
yung poster na iyun, nilagay ku dati sa likud ng pintuan ng aparador ku. siguru para bihira ku lang siyang makita at mabasa. at dahil punu na din yung dingding ng kwarto ku nuun ng poster nila michael jordan, grant hill, allen iverson at penny hardaway. peru kahit de ku iyun lagi nakikita o nababasa, andali naman tandaan nuun.
de ku yata pati napasalamatan si bakla nuun sa regalu niya, dahil bukud sa pagiging mag-kaklase ay wala naman kaming espesyal na samahan o relasyon. kaya nga medyu nagulat aku nung inabut niya sa akin ang kanyang regalu. de ku iyun inaasahan. bibihira lang nga yata kaming mag-usap nuun o mag-batian man lang. dahil ang tingin ku sa mga kaklase natin na nasa top ten nuun ay gods. them gods know everything. sila sila lang ang dapat na nag-uusap. at sila sila lang ang may karapatan na mag-kaintindihan. kung usu na ang cellphone nung mga panahun na iyun, sila yung may mga smartphone gaya ng nexus 4, samsung galaxy s3, samsung galaxy note 2 o htc one x+. custom made ang features ng mga nabanggit na cellphone para sa kanila. samantalang kaming estudyanteng sagigilid ay nakikitxt lang sa mga may cellphone na nokia 3210 o nakikigamit lang ng radyo na may rubber duck na antenna. 10-2, 10-2. 10-4?
peru de obrang sila-sila lang ang dapat nag mag-kagustuhan at mag-ka-krasan. masyadung diskriminasyon naman na pag gan-un. wala naman ng kinalaman ang grade mu sa p.e. o sa values education sa karapatan mung humanga o mag-ka-kras. saka de yata proportion ang bilang ng mga nasa top ten na lalaki sa bilang ng mga nasa sa top ten na babai. sa huling pag-kaka-alam ku, walang myembro ng mga nasa top ten nuun ang kabilang sa LGBT community. aywan laang ngay-un.
wala na yung poster na iyun. iba na rin ang may-ari nung aparador.
(parang walang koneksyon yung poster sa teorya anu. parang gustu ku lang sabihin na kaya ku mag-dunk dati, pinahaba ku lang ng kaunti)
chapter 1: classmates etc.
1. jericelle
2. jenniffer
3. aileen
4. roselle
5. maria salve amor
6. adeline
7. april
8. noreen
9. james lawrence
10. josephine
11. konny
12. mirasol
13. sherwin
14. ilyn
15. ramil
yung unang labing apat, limitadu na lang ang alam ku sa buhay-buhay nila. de ku na alam ang kanilang whereabouts. malamang, ganun din sila sa akin. de naman sa interesadu aku sa kanila dahil may i-o-offer aku na produkto, ma-ngo-ngopya ng assignment, o uutang aku, peru makatuwa laang din isipin pa-minsan minsan kung nasaan na nga sila, anu na ang trabahu nila, anung kotse ang kanilang minamaneho, anu na ang paborito nilang pagkain, anung cellphone ang gamit nila, katulad pa rin nila kaya kami na electric fan ang nililinis pag binabanas o aircon na, at kilala pa kaya nila tayu? sila lang yung mga nilista ku, in no particular order, dahil bukud sa kanila, yung iba ay halus araw araw ku naman ka-text, kausap sa mga post, kainuman at kahit-hitan. si ramil? pampunu lang siya para lang maging sakto yung labing-lima dahil ang tema ng aking sinusulat ngayun ay temang pang-labing lima. ramil who? (salamat pala kay bay sa pag-kompirma na ang pangalan talaga ni ramil ay ramil nga.)
chapter 2: reunion 2.0
isa si ramil sa mga gagawin kung dahilan para ang konsepto ng ating reunion 2.0 ay maging mas kapana-panabik. bibigyan ku kayu ng labing limang dahilan para maging mas makatotohanan ang binabalak na reunion 2.0. isa din aku sa naging pasimunu nung unang reunion natin nung december 2008, some fifty one months ago. de pala, de ku aarin ang konsepto ng reunion 2.0 natin, konsepto iyun ni john red. at oo, siya din ang unang unang nakaisip na tayu ay dapat ng mag-reunion nuung 2008, kaya sa kanya pa din iyun. ilang beses ng nabanggit ni john red ang konsepto na ikalawang reunion natin, nung kasal ni jay, nung post b-day celebration ni kap at sa marami pang pag-kakataun. sa makahiya na din, sa halip na isa sa atin ang nakaka-isip nuun ay "ibang" tau pa ang nakaisip nuun para sa atin.(para kay john red: maraming ibig sabihin ang salitang "iba" na ginamit ku sa huling pangungusap. depende na lang iyan kung panu mu siya hi-himay-himayin at kakatayin. peru dahil sa kunwari ay nag-paliwanag naman na aku sa iyu, naiintindihan mu naman na siguru anu. sabi nga ni armi ng up dharma down: "matalino ka naman. kung ikaw at ako.....").
at itu na nga, ang
labing limang malupit na dahilan kung bakit kailangan nating ituluy at kung bakit kailangan nating dumalu kung sakaling matuluy man ang reunion 2.0:
1. si ramil. mag-lalaan ng isang oras o higit pa para pag-usapan si ramil, kung anu ang kanyang naidulut na saya, takut o anu mang emosyon ang naramdaman natin nuun sa tuwing makikita natin siya sa ating iskul na may dalang teddy bear at isang dosenang bulaklak. gagawin itung open forum, at si pia ang tatayung host.
2. 99.9%. pag-tu-tulung-tulungang sagutin nila jeannette, sol, jp, konny, at kung sinu mang matalinung kaklase natin nuun, na de hamak na mas marami ang alam sa atin pagdating sa siyensya, kung panu pupuksain yung natitirang 0.1% na germs na de kayang puksain ng sabun na safeguard.
3. kakantahin ulit namin nila markus at ando yung luha ng the teeth, at syempre mag-papaliwanag kami, habang sumasayaw si betong ng always, kung bakit namin iyun kinanta at kung bakit pang-apat lang kami, out of four participating bands, sa battle of the bands na sinalihan namin nuun sa maria aurora, aurora.
4. si mam de mesa ang guest speaker. (para mas marami o lahat ng boys ay pumunta)
5. wala ng surprise quiz, kaya de na ninyu kailangan na mag-review.
6. itu ang mga ihahain:
0. tig-iisang brownies.
1. hors d'oeuvre - beluga caviar
2. soup - saffron fish stew with white beans
3. shellfish - shellfish with chipotle and tequila
4. palate cleanser - apple and calvados sorbet
5. main course - one pan salmon with roast asparagus
6. cold dish - black fungus with mashed garlic
7. dessert - chocolate mint bars
( sa mga nakalistang pagkain, item 0 pa lang ang natitikman ku, de ku rin alam kung magandang kombinasyon para sa seven course meal yung item 1-7, sa madaling salita, nag-a-alam alaman lang aku pagdating sa pagkain. tip: pag naka brownies ka na, kahit anung ihain na pagkain ay masarap na, masaya ka pa habang kumakain.)
7. puru happy horse ang iinumin, mas wasak, mas masaya.
8. mag-pa-pa raffle ng sampung electric fan, limang washing machine, tatlung ref, at isang tricycle.
9. may group picture ulit na gaya nitu:
peru sa susunud, isang camera na lang ang gagamitin para de malitu ang bawat isa kung saan titingin. saka i-po-photoshop muna bagu i-publish, para naman pumuti kami nila betong at jay kahit paanu.
10. may special performance si mang junior at ang universal motion kids.
11. pati na rin ang fantasy girls kasama si asec tayag ng doh.
12. iimbitahin at pipilitin na paratingin ng mga organizers sila ramon bautista, lourd ernest hanopol de veyra, at jun sabayton. para lalung masaya. peru de naman sila mag-tatagal, dahil unang una, de naman natin sila ka-batch. (ay pag itu ang nangyari, pwede na aku mamatay kinabukasan. kasing babaw din lang ng mga jokes ni bayaw ang kaligayahan ku ay.)
13. mamimigay ulit ng box box na tsokolate si jopay at ng informative reading materials si jeannete.
14. dalawang banda na ang tutugtug, sa halip na isa lang, rugged band at bubblegoo.
15. at masasagut na rin sa wakas ang isa sa pinaka-malaki at pinaka-kontrobersyal na misteryo ng ating batch na lampas isa at kalahating dekada ding bumagabag sa ating isipan: ang pag-amin mismu ni bay kung saan baga talaga yung sakit niya na tinutukuy sa kanyang ginawang excuse letter nuun... kahit baga worst kept secret nila iyun ni mam querijero ay maigi pa rin na sa kanya mismu mang-galing kung saang parte ng kanyang katawan tumubu ang kanyang sakit. (pake, pangit basahin yung pigsa o skin disease ay kaya sakit na lang ang ginamit ku na termino.)
binasa ku ulit, "labing limang malupit na dahilan kung bakit kailangan nating ituluy at kung bakit kailangan nating dumalu kung sakaling matuluy man ang reunion 2.0".
mali pala. de pala dapat " labing limang malupit na dahilan kung bakit kailangan nating ituluy at kung bakit kailangan nating dumalu kung sakaling matuluy man ang reunion 2.0".
dapat pala ang pamagat lang nung labing limang item na iyun ay "labing limang malupit na dahilan kung bakit kailangan nating dumalu kung sakaling matuluy man ang reunion 2.0."
hiwalay pala dapat at pre-requisite yung "labing limang malupit na dahilan kung bakit kailangan nating ituluy ang reunion 2.0."
at itu na iyun sila, ang labing limang malupit na dahilan kung bakit kailangan nating ituluy ang reunion 2.0:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
bahala na kayung mag-isip para sa sarili ninyu ng labing limang dahilan kung bakit kailangan nating ituluy ang reunion 2.0. pag nakaisip kayu ng lampas labing limang dahilan, piliin nyu na lang yung sa palagay ninyu ay pinakamalupit na labing lima, isulat sa papel at itagu. kung pitu, dalawa cha, labing apat, walo cha o isa lang ang naisip ninyu, de kayu kasali sa magaganap na reunion 2.0. yung labing limang dahilan na iyun na nakasulat sa papel ang magiging passes o ticket ng bawat isa. de po papapasukin sa venue ang kulang sa labing lima ang dahilan. bawal din ang may parehong dahilan (saka na lang natin i-define kung anu ang magiging basehan para tawaging "parehong dahilan" ang mga nilista natin na mga dahilan).
lilinawin ku lang, de naman sa dahil sa itung taun na itu ang ika-isa at kalahating dekadang anibersaryo ng ating pagtatapos ay dapat na nating ganapin ang reunion 2.0 sa disyembre, o sa nobyembre o sa abril. de naman itu dapat madaliin, kung sakaling matuluy man. mas mahalaga pa rin na makapunta ang lahat kaysa sa matuluy at ipagdiwang lang ang ika-isa at kalahating dekadang anibersaryo ng ating pagtatapos. sa tutuu lang, gustu ku na ulit makita si jeniffer at si mirasol, saka si mang junior. pwede naman ganapin ang reunion 2.0 sa 2034, pag presidente na si bam aquino at pag may "akin" network na si kris aquino. a kris aquino network that is.
chapter 3: and 1
mayruun tayung tatlumpu at walong miyembro sa tropangspider facebook page na pinag-hirapang likhain ni jopay. ibig sabihin, may apat tayung import, considering na kumpleto yung tatlumpu at apat na miyembro ng aurora national science high school batch 12.
pag aku ang nag click ng seen by tab sa isang post at ang member na nag-basa na nung post ay 20 na, ang lalabas ay seen by (supposed to be 20 list of names) and one more. nakatagu si one more. peru pag 21 na ang nagbasa, ang lalabas ay, seen by (supposed to be 19 list of names) and two more. sa two more na iyun, naka-embedd at nakatagu din si one more. minsan makalitu at conflicting yung figures dahil kay one more. pinatulan ku ang pag-a-analisa niyan minsan na wala akung magawa, pero de ku pa rin kayang suportahan ng konkretong datus ang findings ku hanggang sa ngayun. peru dahil sa de naman na masyadung mahalaga si one more ay dumaku na lang tayu sa pang-apat at huling chapter. (pustahan tayu may susubuk ng ginawa ku at magbibilang din. clue: by default, hanggang 20 list of names, kumpleto, ang lalabas pag pinitik mu yung seen by tab, pag 20 na yung nagbasa ng post. eventually, makikita mu rin si one more, de dahil sa nagbilang ka, kundi dahil sa na-realize mu na tanga ka lang din talaga kagaya ku. mas maganda pa, wag mu na lang siyang hanapin.)
chapter 4: emperador brandy
pwede na natin sigurung pag-batayan o gawing basehan ang lumipas na labing-limang taun para sukatin o timbangin ang tagumpay ng bawat isa sa atin. sa ganang akin, mahaba na ang isa at kalahating dekada para magawa o maabut natin kung anu man ang pinangarap natin nuun bagu tayu mag-hiwa-hiwalay nuung marso 1998. bilib aku sa mga kaeskwela natin na simula at sapul ay alam na kung anu gustu nilang gawin sa kanilang buhay at nakikita ang sarili nila kung anu ang kanilang itsura o sitwasyon sa buhay pagkalipas ng labing-limang taun, kahit na wala silang third eye. tulad na lang ni jopay na talaga namang halus itaga niya sa batu dati na dapat ay maging green card holder siya at makarating sa estados unidos at kung hinde, masasabi nya daw na failure ang buhay niya (kampat na lang bok yung huling phrase, pampunu lang nung pangungusap). o ni kap na nung nakahawak ng espadang may cross-guard, grip na tansu, blade na stainless steel at riffle na kahuy, ay hinde nakuntento na tawagin na lang na dating platoon leader. o ni daisy at janette na elementary pa lang ay pag-tuturu na ang trip.
sa isang banda, de din naman pala natin kailangan na mag-sukatan o mag-paramihan ng naabut na pangarap. dahil unang una, de naman de numero ang tagumpay o pangarap na naabut mu na na kayang sukatin o timbangin. at pangalawa, isang tropa nga lang pala tayu. walang iba-iba kumbaga. may mas magagaling lang talaga na mang-asar at mas makakapal ang mukha na mambwisit sa atin peru wala pa akung nabalitaan na may nag-tangka nang bilhin ang isang medyo hindi pinalad sa buhay na miyembro ng tropangspider ng isang miyembro na medyo pinalad sa buhay na gamit ang kanyang milyong milyong tagumpay, so far. may mga kaunting tampuhan minsan. maraming asaran. may mga bumabaligtad na lang na de mu alam ang dahilan. ganun lang talaga. minsan.
maligayang labinglima mga katropa!
sana umabut pa tayu sa ika-labing anim.
maligayang labinglima mga katropa!
sana umabut pa tayu sa ika-labing anim.
mahaba na. baka mag-reklamu na naman si flora.
1 Comment:
bagu pa dumami comment sa fb ay ditu naman aku magiiwan ng bakas anu?
iba ka talaga vidsun! de ka naman nakahits nung sinulat mu itu anu? haha... curious talaga ha? yaan mu, ikoclosed door forum kita at kung sinu pa nagnanasang malaman ang eksaktong lukasyun nung tinukoy mu? :)
at kung maaari ay one week celebration na para bagang 'The HangOver' tema? hehe... (anjan naman si jayboi para sa cam documentations niya anu???)
ay dah! baka sabihin na naman ni betz iniispam ku blog nata!
paalam muna at sa pagkikita kitang muli!!! ;-)
Post a Comment