Spoiler muna aku sa usapang debate ng mga unknown kid sa site na ni-link ni pareng bets. Gustu ku lang bigyang pugay ang pumanaw nang si Kiko. De na siya umabut sa Final Set ng Eraserheads kagabi dahil siya ay pumanaw na nung tanghali ng March 7, 2009...Wala akung masyadung masabi kay pareng Kiko. Tingnan nyu na lang ang Multiply niya.
Paalam Francis M.
Paalam Francis M.
4 Comments:
basta hindi ko makakalimutan yung FREEMAN album nya, kasi regalo sakin yun ng HS tayu, tsaka sobrang ganda nung mga kanta!
regalo yata sau yun ni kwan ay...hehehe ung kanta o ung nagbigay ang de malimutan? peace man....;)
pareho boks! casette tape pa nga iyun nuun ay! niregalo iyun sakin nung christmas party natin boks!
nakapanghihinayangang ang kamatayan ni francis m...
trailblazer sya sa maraming bagay.
habang wala pa sa hinagap ng pinoy music scene ang hiphop/rap, sya ang nagpakilala nito sa atin (habang ang uso ay alternative o rock sa pinas - bagay na di pinapansin nuon sa US).
di pa uso ang rnb-hiphop, nauna na si kiko dyan (cold summer nights).
pati ang fusion ng rap at rock (ala linkin park), nauna na si francis m dyan.
matagal ko nang hinihintay ang tribute album kay kiko nung buhay pa siya. i mean, kung ang eheads, APO, at si Gary V ay merong tribute album, bakit ang isang francis magalona, wala?
naging pop ang hiphop sa bansa, at maluwag nating tinanggap yun, dahil sa kanya. di naging baduy ang tula, di naging jologs ang tugma.
biased na kung biased, pero as a fan, talagang kahanga-hanga si francis magalona.
kumbaga, de makahiyang maging pinoy dahil sa musika nya.
hanggang sa pagsulat ko ng comment na ito, tumutugtog sa isip ko ang kanta nyang 'Nilamon Ng Sistema'
henyo - yan si francis magalona para sa akin.
Post a Comment