Tuesday, March 10, 2009

And Others Mourn Behind The Big Black Curse



Isa sya sa mga dahilan kong bat ako nagmemorya ng kanyang kanta nung grade 4 pa ko.

Isa sya sa mga naging hurado ng Philippine Idol na di ko maintindihan?

Isang AWIT na una kong namemoryang mula sa Puso ay ang kanyang komposisyon mula sa Yo album na pinamagatang... MGA KABABAYAN KO!!!

Isa sya sa mga hinahangaan ko nung ako'y nasa elementarya.

Isa sa mga kantang OPM na tumatak sa aking isipan ay ang Kaleidoscope World at Girl Be mine...

Isa sa mga paborito kong album ay ang Happy Battle nya nung 1996!!!

Isa sya sa mga dahilan kong ba't ako naghilig sa musika na kanyang pina-alab at pinatangis!

Isa sya sa mga VJ na inabangan ko sa channel V nung ako'y nasa kolehiyo!!!

Isa sya sa mga Host bukod kay joey de leon na balak kong makakuha ng autograph at magpapicture nung ako'y nakapanuod minsan sa Broadway Centrum.

Isa sya sa mga iilang tao na nagpakita na malupit at ASTEEEG ang pagiging isang nationalista at makabayan..

Isa syang sidekick ng komedyante na may monicker na Bossing..

Isa syang Photographer na may mababangis na mga kuha!!!

Isa syang mabait na tatay sa kanyang walong anak.

Isa syang miyembro ng Bagets na di ko naabutan...

Isang kanta na madalas kong patutugin sa IPOD bago pumasok sa duty ay ang kanyang kanta na "MGA PRANING"

Isa syang mapagmahal na asawa ayun sa kanila.

Isa sya sa mga Cultural icons na talagang bumilib ako sa kanyang talento!!!

Isa sya sa mga rapper bukod kay ANDREW E na kinikilalang hari sa Rap genre sa pinas!

Isa sya sa mga kompositor na naging makulay ang mga kanta ng ibang artist dahil sa kanyang malulupit na collaboration.

Isa syang makata na animo'y habagat kung bumanat sa bawat salita na magkatugma at humuhulma sa ugat ng pangkarinawang juan dela cruz.

Isa sya sa mga kaluluwang kayang makaconnect sa pamamagitan ng kanyang mga kanta di lang sa mayayaman kundi pati na rin sa mga mababang kaantasan.

Isa sya sa mga taong nanghinayang ako...

Isa sya sa mga celebrity na kinalungkot ko ang pagkamatay...

Isa sya sa mga di ko akalain na mamatay ng maaga..

Nagiisa lang sya at sa tingin ko'y wala ng mashihigit pa sa mga ginawa nya, dito sa nagiisang hugis bilog na may kulay asul at berde na tinatawag nating Mundo...
-mula sa isang kaibigan ni JOPAY

3 Comments:

Aurora National Science High School Batch12 said...

kahit mahirap kantahin sa videoke yung girl be mine, isa si kiko sa mga idolo ku. korny man, aminin ku na, muntik akung maiyak nung nagtext si erick (vocalist ng rugged band) na patay na si kiko.freeman na siya ngayun, isa nang alamat... kita kits na lang tayu duun...

Anonymous said...

kung duun ka pupunta...:)

Anonymous said...

ang alam ko naging VJ si francis m sa MTV. sa Channel V - di ko sure. pakicheck na lang. peace!

blogger templates | Make Money Online