Sunday, December 27, 2009

conservative

maligayang kaarawan sa iyu sebo!
nawa'y mag-bertdey ka pa ng marami!

Friday, December 18, 2009

Noche Buena


The former World Tribe guitarist Ricky Guinto will be in Baler together with the Blue Island and Erick Sindac ( ung singer nung reunion)..sayang, inuman sana tayu! malamang kami lang ni marcus at pia ang magkakadate nito pag nagkataon..Merry christmas na lang...i love you all..

Wednesday, December 16, 2009

dream cloudy



Dahil wala din laang bagung post at nahihirapan si bakla na mag-lagay ng link, patalastas muna.:-)
Sebo at Betong, kung gustu nyu ng sakit ng katawan at kung gustu nyu talaga pumayat na dalawa, mag-ganitu na lang kayu boy.:-) May alam akung magaling gumawa ng board bok, mura lang. Birang bira!

Friday, December 11, 2009

Universal Declaration Of Human Rights



Isang alay para sa patuloy na pagtataguyod ng karapatang pantao...

Saturday, November 28, 2009

in a relationship

(Pa-extra aku, tutal parehu namang November ang birthday natin ay.:-), saka tagilid yung pinakamagandang picture mu sa peysbuk ay baet , makatamad mag-rotate)

In a relationship ka naman na ay, kaya alam namin na masaya ka na. Da, painum ka. kahit isang case laang na San Mig Light. De ka namin aagawan sa videoke, kaarawan mu naman ngayun ay, kantahin mu lahat ng gustu mung kanta.

Bili na da! Maligayang ika-dalawampu at walung kaarawan sa iyu! Merry Christmas na din.

Sarapeyn!

Thursday, November 26, 2009

May remedyo na!!!

Itu ang matagal ku nang hinahanap....




Hangover
From Wikipedia
A hangover (pronounced /'hæŋoʊvɜr/) (veisalgia) or delayed alcohol-induced headache describes the sum of unpleasant physiological effects following heavy consumption of alcoholic beverages. The most commonly reported characteristics of a hangover include headache, nausea, sensitivity to light and noise, lethargy, dysphoria, diarrhea and thirst. A hangover may also induce psychological symptoms including heightened feelings of depression and anxiety.
Hypoglycemia, dehydration, acetaldehyde intoxication, and vitamin B12 deficiency are all theorized causes of hangover symptoms. Hangovers symptoms may persist for several days after alcohol was last consumed. Approximately 25-30% of drinkers may be resistant to hangover symptoms.[1] Some aspects of a hangover are viewed as symptoms of acute ethanol withdrawal, similar to the longer-duration effects of withdrawal from alcoholism, as determined by studying the increases in brain reward thresholds in rats (the amount of current required to receive to electrodes implanted in the lateral hypothalamus) following ethanol injection.[2]

Etymology
The term hangover was originally a 19th Century expression describing unfinished business—something left over from a meeting—or "survival". In 1904, the meaning "morning after-effect of drinking too much" first surfaced.[3][4]
Symptoms
An alcohol hangover is associated with a variety of symptoms that may include dehydration, fatigue, headache, nausea, vomiting, diarrhea, flatulence, weakness, elevated body temperature, hypersalivation, difficulty concentrating, sweating, anxiety, dysphoria, irritability, sensitivity to light and noise, erratic motor functions (including tremor), trouble sleeping, severe hunger, halitosis, and lack of depth perception. Many people will also be repulsed by the thought, taste or smell of alcohol during a hangover. The symptoms vary from person to person, and occasion to occasion, usually beginning several hours after drinking. It is not clear whether hangovers directly affect cognitive abilities.

Place your order here..free delivery...:)

Thursday, November 19, 2009

PHARMACOLOGY

In Pharmacology, all drugs have two names, a trade name and generic name. For example, the trade name of Tylenol also has a generic name of Acetaminophen. Aleve is also called Naproxen. Amoxil is also called Amoxicillin and Advil is also called Ibuprofen.


The FDA has been looking for a generic name for Viagra. After careful consideration by a team of government experts, it recently announced that it has settled on the generic name of Mycoxafloppin. Also considered were Mycoxafailin, Mydixadrupin, Mydixarizin, Dixafix, and of course, Ibepokin.

Pfizer Corp announced today that Viagra will soon be available in liquid form, and will be marketed by Pepsi Cola as a power beverage suitable for use as a mixer. It will now be possible for a man to literally pour himself a stiff one. Obviously we can no longer call this a soft drink, and it gives new meaning to the names of 'cocktails', 'highballs' and just a good old-fashioned 'stiff drink'. Pepsi will market the new concoction by the name of:

'MOUNT & DO'.

Thought for the day: There is more money being spent on breast implants and Viagra today than on Alzheimer's research. This means that by 2040, there should be a large elderly population with perky boobs and huge erections and absolutely NO recollection of what to do with them.

Wednesday, November 11, 2009

Handa na ba kayo?



Mag-host ako ng Fight Night sa apartment ko. Daan kayo! Libreng beer at pulutan :)
-J

Sunday, November 8, 2009

para sa kanila


(kuha nung gradweysyon ni Danica (batch 25)
Name: Davidson "vidson" "kg" Pamplona Gorospe
Age: 28 years old
Sex: Male
Occupation: Social Worker (hahaha!)
Indigenous Tribe: Mangyan (native of Mindoro)
Experiences: Masyadu na s'yang maraming naranasan at mula duun ay marami ng kaalaman. Sabi nga "well-rouded person (yan daw tama sabi ni Betong) ". Dahil dun pa lang sa mga alam namin, sangkatutak na. 'Pag idinagdag pa yung de namin alam, akaw umaapaw.
Note: Ulila na silang lubus, kasama ng mga kapatid n'ya na sila Diane at Danica. Kaya nung magbigay ng Loyalty Award sa ANSHS, talagang umuwi s'ya. Ni de ku nga s'ya nakaharap sa inuman nuun ay.

Para sa iyung kaarawan beybe, i love you & i miss you!! Rock On!!

Tuesday, October 27, 2009

RENNAISANCE!!

isang pamukaw sigla muna habang libang na libang ang karamihan sa facebook..na wala nang ginawa kung hindi magbago ng stye ng webpage buwan buwan..eto nga pala ang KAPOTENG BAKAL.." iron curtain" daw sa inglis..pinagsama samang idol nung unang panahun..tamang nabuhay muli dahil kay ondoy...


Friday, October 23, 2009

Patukuy (sort of)

Approved and un-edited material mula kay juanpula.

Pampasaya...

Noong bago mag-reunion (Dec. 2008) ay nag-predict ako na tatlo ang ikakasal this year sa inyo. Tama naman. Kaso inagaw ni Sol at ni Amer ang slot. Si Onad, natuloy.

Hula ko for 2010... dalawa ang sure na ikakasal. Si Eda (na isa sa hula ko for 2009) ay sure na iyun na ikakasal next year. Yung isa? Hmmm…

Si Shiela, gaya ng pagiging drawing nya na makikipagkita daw sya sa atin sa Baler tuwing bakasyon, ay nananatiling drawing pa rin sa kasal nya next year. NOTE: Kahit pa nakapamanhikan na ang fiancé nito. TANDAAN (ulit…Tinagalog lang bale): Hanggang walang petsa, walang kasal. Better yet, maganda siguro kung gulatin na lang din kaya niya tayong lahat gaya ng ginawa nung tatlo this year (wink, wink to Shiela)? Anu tingin nyo? Tutal trend naman.

So the big question is: Sino kaya aside kay Eda ang ikakasal next year? Ayokong magbigay ng clue at de naman ito blind item. Ayoko rin ng choices at tanu naman itu game show o exam. May hula sa Betong, pero quiet na lang ako.

PAHABOL: Tingnan muli nang maigi ang common sa tatlong kinasal this year. Mapapansing "nananahimik" ang tatlo. Lalo na bago yung kasal nila. At walang kinasal sa mga babae this year (kindat ulit).

DISCLAIMER: Hula lang naman itu. Katuwaan. Teka, magkano na baga ang pustahan? Laki na tiyak ng pot money anu? hehe

Tuesday, October 13, 2009

Strike Two!!



eto nga pala yung pangalawang palahi ni wiwin " ka batch" barcenas..at ni abie na obvious na ginawang padaanan lng..hehehe wala pa aku masyadu masasabi kay otoy at de ku pa nakakajamming masyadu..peru isa lang ang sa tingin ku ang gustu nya iparating kahit di pa sya nagsasalita," ayaw ku kayung maging NINONG!! at nuknukan kayu ng tsani!! sige, update ku na lng kayu pag nadapa na si otoy...kinakarga pa kasi sya ay...

Wednesday, October 7, 2009

Man in Tux

Ang latest na lagas. Dumadami na ang makokolekta ko sa pustahan :) Congratulations/Best Wishes/Good Luck kay Onad!





*mga ninakaw na pictures sa FB profile ni ReneWaldo Miemban TehSan

Tuesday, October 6, 2009

Post na walang pamagat


Pampalibang lang habang hinihintay ang October 17.

Tuesday, September 29, 2009

Patak-patak

Sa mga katropa na may sobrang salapi wag muna kayu mag happy horse o mag san mig light,at sa mga maliligaw ditu na may lumang damit na de na ginagamit,sapatus na binabahayan lang ng daga sa shoe rack, brief at panty na maluwang na ang garter o kahit anu na pwede nyu ibigay, tumulung at makialam sa mga biktima ni Ondoy.Dahil ang tunay na lalake (at babae) ay tumutulung sa mga nangangailangan.Every Small Act Counts.

Mula sa Yahoo! Philippines


From the National Disaster Coordinating Council – http://ndcc.gov.ph/home/

TS Ondoy Donations

TS Ondoy cash donations may be deposited to the NDCC Donated Funds current account (Philippine Currency-Peso) #0-00149-435-3 (with shift code: DBPHPHMM Account #36002016), Development Bank of the Philippines, Camp General Emilio Aguinaldo Branch, Camp Aguinaldo, QUezon City, Philippines.

DONATION DROP OFF-POINTS

Pasay Area

National Resource Operation Center
Chapel Road, Pasay City

Mrs. Francia Fabian
852 8081
918 9302356

Quezon City Area

Disaster Resource Operations Monitoring and Info Center (DROMIC)
DSWD Central Office

Rey Martiga or Imee Rose Castillo
951 7119 / 951 2435
or Assistant Secretary Vilma Cabrera
0918 9345625

Manila Area

DSWD- NCR
San Rafael Corner Legarda St.
Quiapo, Manila

Dir. Thelsa P. Biolena
Dir. Delia Bauan
734 8622 / 734 8642

Ever Gotesco

Distribution Point Center for Relief

NDCC Relief Center

Kalayaan Hall, Malacanang Ground
Luli Arroyo and all female members of PGMA’s Family
734 2192 / 734 8642

MMD-DOH Central Office

Engr. Dave Masiado
0917 8163400

NDCC Missing Person Hotline:

Marikina: 0920-9389914
QC: 0921-6555262
Pasig: 0918-9356318
Cainta: 0917-5606241

From the Philippine National Red Cross – http://www.redcross.org.ph/

1. CASH or CHECK
Please send cash or check donations to the PNRC National Headquarters in Manila. Checks should be made payable to The Philippine National Red Cross. We can also arrange for donation pick-up.

2. BANK DEPOSIT
Account Name: The Phil. Nat’l. Red Cross

PNRC PESO ACCOUNT

ALLIED BANK
Intramuros Branch
PESO ACCOUNT : 1941-01347-1
Type of Account : CURRENT
SWIFT CODE : ABC MPH MM

BANCO DE ORO
Port Area Branch
PESO ACCOUNT : 453-0018647
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : BNOR PH MM

BANK OF PHILIPPINE ISLAND
Port Area Branch
PESO ACCOUNT : 4991-0010-99
Type of Account : CURRENT
SWIFT CODE : BOPI PH MM

METRO BANK
Anda Circle Port Area Branch
PESO ACCOUNT : 151-3-04163122-8
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : MBTC PH MM

PHILIPPINE NATIONAL BANK
Sta. Cruz Branch
PESO ACCOUNT : 3623-3680-0011
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : PNB MPH MM

PNRC DOLLAR ACCOUNT

BANCO DE ORO
Port Area Branch
DOLLAR ACCOUNT : 453-0039482
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : BNOR PH MM

BANK OF PHILIPPINE ISLAND
United Nation Branch
DOLLAR ACCOUNT : 8114-0030-94
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : BOPI PH MM

METRO BANK
Anda Circle Port Area Branch
DOLLAR ACCOUNT : 151-2-151002182
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : MBTC PH MM

PHILIPPINE NATIONAL BANK
Sta. Cruz Branch
DOLLAR ACCOUNT : 375-283500026
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : PNB MPH MM

UNION BANK OF THE PHILIPPINES
Sta. Cruz Branch
DOLLAR ACCOUNT : 132-070001012
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : UBPH PH MM

PNRC OTHER ACCOUNT

METRO BANK
Binondo Branch
EURO ACCOUNT : 016-201650005-9
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : MBTC PH MM

METRO BANK
Anda Circle Port Area Branch
YEN ACCOUNT : 151-2-15130001-9
Type of Account : SAVINGS
SWIFT CODE : MBTC PH MM

For your donations to be properly acknowledged, please fax the bank transaction slip at nos. +63.2.527.0575 or +63.2.404.0979 with your name, address and contact number.

Credit Card

Please fax the following info to +632.404.09.79 and +632.527.0575: Name of card member, billing address, contact nos. (phone & mobile), credit card no., expiration date, CCV2/ CVC2 (last three digits at the back of the credit card), billing address, amount to be donated.

In-Kind Donations

LOCAL
Please send in-kind local donations to The Philippine National Red Cross – National Headquarters in Manila. We could also arrange for donation pick-up.

INTERNATIONAL
1. Send a letter of intent to donate to the PNRC
2. A letter of acceptance from PNRC shall be sent back to the donor
3. Immediately after shipping the goods, please send the (a) original Deed of Donation, (b) copy of packing list and (c) original Airway Bill for air shipments or Bill of Lading for sea shipments to The Philippine National Red Cross–National Headquarters c/o Secretary General Gwendolyn Pang, Bonifacio Drive, Port Area, Manila 2803, Philippines.

SMS and G-CASH (Globe)

SMS
text REDAMOUNT to 2899 (Globe) or 4483 (Smart)

G-CASH
text DONATEAMOUNT4-digit M-PINREDCROSS to 2882

Most urgent needs:

Food items: Rice, noodles, canned goods, sugar, iodized salt, cooking oil, monggo beans and potable water

Medicines: Paracetamol, antibiotics, analgesic, oral rehydration salts, multivitamins and medications to treat diarrheal diseases

Non-food items: Bath soaps, face towels, shampoo, toothbrush, toothpaste, plastic mats, blankets, mosquito nets, jerry cans, water containers, water purification tablets, plastic sheetings, and Laundry soap

Rehabilitation Programs: Shelter materials for house repair

For OFWs, here are some specific places where you can help:

Ayala Foundation – for online donations (Visa, Mastercard, Diners, GCash, SmartMoney), go to https://www.myayala.com/ondoy/Default.asp

TXTPower (Paypal, SmartMoney, GCash) – http://technology.inquirer.net/infotech/infotech/view/20090927-227196/Help-Ondoy-victims-via-Paypal

American Red Cross – Tel: 1-800-435-7669

World Food Programme

SINGAPORE

* Embassy of the Philippines in Singapore (20 Nassim Road, Singapore 258395). Donors are discouraged from sending used clothing, which is prohibited for importation into the Philippines under Republic Act No. 4653. Organizations wishing to donate are advised to refer to the Embassy’s guidelines for donations to the Philippines, which are available online at: http://www.philippine-embassy.org.sg/index.cfm?GPID=53. Further queries may be directed to Ms. Pearl Camento at php@pacific.net.sg, subject: “Typhoon Ondoy”.
* A-Freight Cargo (304 Orchard Road, #03-19 Lucky Plaza, Singapore 238863). Donations/drop-offs accepted, contact Maureen Schepers 6235-1011.
* i-Remit Singapore (304 Orchard Road, #03-69 Lucky Plaza, Singapore 238863). Will be waiving charges for donations to the Philippine Red Cross.
* LBC Singapore (304 Orchard Road, #04-77 Lucky Plaza, Singapore 238863). Will waive remittance charges for donations made to the following organizations: ABS-CBN Foundation, GMA Foundation, Philippine National Red Cross, and the National Disaster Coordinating Center.
* World Vision Singapore
* Singapore Red Cross (15 Penang Lane, Singapore 238486). Walk-in cash donations accepted. Send cheques to the Singapore Red Cross Society and indicate your name and return address for receipt purposes.

Now is certainly the time to use the power of social media to help our fellow Filipinos who have been badly affected by Typhoon Ondoy. I recently posted the question “What can we do to help the victims of Typhoon Ondoy?” and if you have any relevant information or any creative idea that can be of help to victims of Ondoy, please take the time to share them.

Our news editors also posted this question, “Do you think the RP government is doing enough to help with Typhoon Ondoy’s relief efforts? Yes or no, why?”. According to National Disaster Coordinating Council’s Anthony Golez, the system and local government units are “overwhelmed,” and are not used to massive relief operations. If you have personally witnessed this and you have seen how they can further improve their rescue operations, then please share your thoughts and opinions.

Just check Yahoo! Philippines News for more updates about the relief efforts, for pics of Typhoon Ondoy’s aftermath, check out Flickr and this blog post for details on how you can help. Thanks so much everyone! I’m so proud to be Pinoy right now! God bless!

Monday, September 21, 2009

TNL

Ayun sa website na itu, itu daw ang manifesto ng tunay na lalake:

Manifesto ng Tunay na Lalake:

  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
at ang orasyon daw ng tunay na lalake ay itu:
Ang Na Ang Na
Su Las Ki Hin
Su Mas Ki Dot
Mo Ko Mo Ko

Sa Baler, itu ang version niyan:
Ang Na Ang Na
Su Las Pu Kan
Su Mas Ki Tot

Mo Ko Mo Ko

(pasintabi sa mga feminists)


Sa palagay nyu, tunay na lalake ang may ari ng website, (http://tunaynalalake.blogspot.com/) na itu?

Digs?

Tuesday, September 15, 2009

kaarawan ni kagandahan

Wag mu na muna pansinin/isipin/pagtuunan ng pansin/pagnilayan ang rudeness ni Kanye West sa VMA's o ang pagsigaw ng isang congressman kay President Obama at ang mga laruan mung daga. Tutal kaarawan mu naman ngayun, mag inum ka na lang ng madami saka ka ulit magcomment sa rudeness ni Kanye West sa VMA's o ang pagsigaw ng isang congressman kay President Obama, para mas maganda ang diskusyunan de baga? Blue na ang label ng Coors light mu oho, pwede na tagayin.
Mag ha-happy Horse na lang kami ditu.:-)

Happy Birthday Bakla!

Monday, September 14, 2009

His Airness




Game on Bryon Russel! Isama mu pa sila Sir Charles, Stockton at Malone!

Thursday, September 10, 2009

another pambato from maestro noli aurillo



vidson, aksyon mu da..parang ung isang paborito na "kundiman"..:)

Saturday, September 5, 2009

maestro

Thursday, September 3, 2009

walang kupas...


kumupas na ang lahat peru ang tama nitu iyun at iyun pa rin...kahit nga sa larawan, sya pa rin..kung gustu mu mabusug at malasing ng sabay, eto ka na..happy horse..the one and only..

tara apiran na!makamiss na din kayu ay..ay sya nga pala, dun sa nagpost na dinelete lang din matapos magcomment ng sandamukal..wag ka tampodok..para ka nang si ms montes nyan...matapuhing hinde..peace man! da, ipost mu uli ng may mapag-usapan ulit bay! :)

Friday, August 28, 2009

Master BOB

Bob Ong as National Artist
MINI CRITIQUE By Isagani Cruz (The Philippine Star) Updated August 27, 2009 12:00 AM

Last Aug. 18 at De La Salle University, I delivered (in Filipino) the inaugural lecture of the Br. Andrew Gonzalez Lecture Series. I entitled my lecture “Ang Kabobohan ni Bob Ong, o Dapat Bang Hiranging Pambansang Alagad ng Sining si Bob Ong” (“The Idiocy of Bob Ong, or Should Bob Ong be Declared a National Artist”). Of course, kabobohan is a play on the penname Bob Ong, which is in turn a play on the words Bobong Pinoy, the title of the website that started the anonymous author on the road to what has become the bestselling publishing phenomenon of our time.

I divided my lecture into four parts: The Benchmark for National Artists, The Writing Principles Violated by Bob Ong, The Writing Principles Advocated by Bob Ong, and What Makes a National Artist.

My epigraph for the lecture was this text from the children’s book Alamat ng Gubat by Bob Ong: “Nag-umpisa ang massacre ng mga hayop na mas karumaldumal at mas kagimbal-gimbal pa sa mga pelikula ni Carlo J. Caparas noong dekada 90.” (“The massacre of the animals started. It was more gross and more disturbing than the films of Carlos J. Caparas during the 1990s.”)

I used as my benchmark or touchstone for National Artistry the great Caparas, who is so good an artist that he outshines Fernando Amorsolo, Ang Kiukok, Bencab, Victorio Edades, Botong Francisco, Jose Joya, Cesar Legaspi, Arturo Luz, Vicente Manansala, J. Elizalde Navarro, and Hernando Ocampo (who could only manage to excel in one category – Visual Arts), and Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerardo de Leon, and Eddie Romero (who could only manage to excel in one category – Film). Unlike these artists, Caparas has been hailed as a National Artist in two categories – Visual Arts and Film – and not just in one.

I listed the masterpieces of Caparas in the 1990s, such as The Myrna Diones Story (1993), The Cecilia Masagca Story (1993), The Vizconde Massacre Story (1993), The Vizconde Massacre 2 (1994), The Lipa Arandia Massacre (1994), The Maggie de la Riva Story (1994), Victim No. 1: Delia Maga (1995), The Marita Gonzaga Rape-Slay (1995), The Anabelle Huggins Story (1995), and The Lilian Velez Story (1995). For lack of time, I did not list all the other masterpieces that he produced before and after the 1990s. In any case, as all film scholars know, the 1990s can be called the Golden Age of Carlo Caparas.

I then talked about the books of Bob Ong, namely, ABNKKBSNPLAko: Mga Kuwentong Chalk (2001), Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2002), Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003), Alamat ng Gubat (2004), Stainless Longganisa (2005), Mac Arthur (2007), and Kapitan Sino (2009). From sheer number of titles and from sales receipts (his books reportedly sell at least a thousand copies every week), no author can compare with Bob Ong.

I took some writing principles found in the two standard reference books on creative writing, Gusto Kong Maging Writer 1 and Gusto Kong Maging Writer 2, by Renato M. Custodio Jr. I quoted some passages from Bob Ong’s books that blatantly violate these principles.

On the other hand, I showed that, by violating standard writing principles, Bob Ong has introduced into Philippine literature several sophisticated techniques currently fashionable in the most advanced writing capitals of the world, such as Deconstruction, Defamiliarization, Transformative Learning, Decolonization, the Romantic Mode, and the Motif of Mistaken Identity.

Since he is undoubtedly loved by the masses of Philippine readers and since he has shown mastery in applying the latest trends in fiction and creative nonfiction, I argued that Bob Ong satisfied the five criteria for becoming a National Artist, namely: (1) “Living artists who are Filipino citizens at the time of nomination, as well as those who died after the establishment of the award in 1972 but were Filipino citizens at the time of their death” (he is alive); (2) “Artists who through the content and form of their works have contributed in building a Filipino sense of nationhood” (we have all acquired the same taste for books because of him); (3) “Artists who have pioneered in a mode of creative expression or style, thus earning distinction and making an impact on succeeding generations of artists” (there are now writers trying to write like him); (4) “Artists who have created a substantial and significant body of works and/or consistently displayed excellence in the practice of their art form, thus enriching artistic expression or style” (he has consistently written in his distinctive style); and (5) “Artists who enjoy broad acceptance through prestigious national and/or international recognition, such as the Gawad CCP Para sa Sining, CCP Thirteen Artists Award and NCCA Alab ng Haraya; critical acclaim and/or reviews of their works; respect and esteem from peers” (those that refuse to praise him are just plain envious).

I ended with the immortal words of Bob Ong himself: “Wala pa ring malinaw na lunas para sa sakiting bansa. Walang pumapansin sa nag-aapoy nitong lagnat, at walang gustong magbigay ng gamot.” (“There is no clear cure for the disease that afflicts our nation. Nobody pays any attention to our nation’s high fever nor is there anyone that wants to prescribe medicine.”)

I got the standard ovulation, I mean a standing ovation.


View previous articles of this column.

Para sa mga disipulo ni Master Bob, isa lang ang ibig sabihin nitu, kung sakali mang itu ay magkatutuu, pwersahan na siyang lalabas sa kuta niya na ayun sa una niyang aklat ay tatlong sakay mula sa Quezon City Hall. Bilang isang Bob Ong die-hard-fan-fanatic-wannabe, itu ang pinakaaabangan kung pangyayari, ang makita ang mukha ng sumulat sa mga aklat na paulit ulit ku ng binabasa, paulit ulit na pinahiram at nawala, paulit ulit na binili, paulit ulit na ni-refer sa iba at paulit ulit na babasahin ulit. Paulit ulit lang.

Magiging Sir Bob Ong na si Idol! Yehey!

Medun kayang on-line poll para ditu?

Sunday, August 23, 2009

Yellow Fin

Alam ku bok, simple lang ang hiling mu ngayung birthday mu, maraming maraming happy horse, bagung kanta ni Dong Abay, world peace at makapasuk ulit sa NBA Playoffs ang Washington Wizards. Alinman sa apat na iyan, de namin maibibigay sa iyu ngayun, kaya babatiin ka na lang namin. Happy Birthday Boy Detox! Pag nalasing kayu boy, wag na kayu magpunta sa Ermita Hill at oho may karatula pala duun na ganitu:

Baka makatulug ka duun ay, walang magbubuhat sa iyu.
Peru kung nandyan kami, kahit makatulug ka lang bok, de ka lang maaanu, huhubuan ka lang saka pipiktyuran.Hehehehe. Tagay mu na boy oho!
Mamaya na mag-San Mig Light pag dumating na yung magsasayaw! Sarapeyn!
Happy Birthday Pari!

(Sa mga de pala nababati pag Birthday nila, pasensya na po kayu, babawi na lang kami sa susunud...)

Monday, August 17, 2009

May araw din kayo !!!

There's the Rub
By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:04:00 08/17/2009


(isa sa pinakamagaling na kritiko, subalit birang magtagalog..kaya't nakapagtatakang tinagalog nya ang halos kabuuan ng kanyang artikulo)



Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang alam kong Tagalog.
Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.
Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.
Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.
Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.
Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.
Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.
Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?
Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.
Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.
Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.
At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.
Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.
Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.
Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.
At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.
Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

Friday, August 14, 2009

Pampakalma :)

Saturday, August 8, 2009

Wala nang hihirit

Mang-aasar na lang ta ay, de pa pagbutihin. Ito yung mga tunay na pictures sa Mutya ng Tropa.

"Headshots", with my sabutan bag, hehehe:
Isa pang picture kasama ang sabutan:
Kailangan may pictures na nakalinya kasama ang mga ibang contestants, kaya ito:
At kasama yung paborito ni Betong:
Kasama ulit sa Native Attire (yun baga tawag dun? ah basta, gets nyo na ibig kong sabihin):
Pre-pageant trips:
Si Betong lang talaga ang contestant dito at sya lang yung nakapamaywang ay, hehe:
Isa pa. Galing ng pose ni Betong anu? Taub!:
"Swimsuit" portion:
At syempre, ang talent portion:
Pero ito, ang tunay na pang-DOT picture. Miss you mare. Mwah!:

Thursday, August 6, 2009

Mutya ng Tropa

Kahapun ay nasaksihan ng buung mundu ang pagkakaisa nga sambayanang Pilipino. Nilibing na si Tita Cory peru ang ang kanyang impluwensya ay habang buhay na mananalaytay sa sa dugo ng bawat Pilipino.

Samantala....

May online voting na pala para sa Mutya ng Pilipinas People's choice, nanditu ang mga detalye mula sa Batangbaler ni Kapitan Kid:

Mutya ng Pilipinas Online Voting – Vote Aurora!

OPMB worldwide just opened the Mutya ng Pilipinas Online People’s Choice Poll. Just follow these instructions to vote for your favorite Aurora candidate:

  1. Go to the OPMB Worldwide forum –> http://opmbworldwide.com/forums-mb/
  2. Register for an account. It’s easy as eating cake. Register all your internet identities. If you have 10 email addresses use them all, it’s very important.
  3. After verifying your registration, go to this forum –> Mutya ng Pilipinas – OPMB Online People’s Choice
  4. Check the button after your favorite Aurora candidate (#1 or #18)
  5. Click on Submit Vote.
  6. Spread the news. Text everyone. Aurora’s future depends on this!

Somebody please translate this in Tagalog, Ilocano and Casiguranin and put the translation in the comment.

At may humihirit pa! Introducing, contestant #37 and contestant #38:

Ayan po, magkatabi sila para mas madaling pumili. Parehu lang naman sila ng talent ay, mas lamang lang ng kaunti si Jeannette at medyu mas malakas sya uminum. Expert silang dalawa sa apiran, puyatan at videokehan.

Ang mananalu ay may isang round ng San Mig light at limang sunud sunud na kanta sa videoke sa Timog at magdamag na Apiran mula sa mga katropa!

Boto na!

Saturday, August 1, 2009

Cory




Ano man ang mga opinyon natin sa mga nangyari sa administrasyon nya, lahat tayo sa Tropang Spider ay People Power babies at dapat magbigay respeto sa isang mabuting tao na isa sa mahalagang dahilan kung bakit hindi tayo lumaki sa Martial Law. Isang halimbawa ng makabuluhang buhay, lalo na sa mga kababaihan. We can have it all- we can follow our destiny and make history, without neglecting to be a supportive partner and loving mother- all done with real strength and substance, and no need for flash and artifice. She could have stayed put neatly in one of the stereotypical lives being set for women, but she answered the call and broke free. Hopefully she will inspire other women to believe that they are more than one thing- not merely pretty objects to be paraded and gawked upon, not merely housewives to wash socks and clean bathrooms and cook meals, not merely baby-making machines or playthings in bed, not merely trophies for men who want to show off their success. We can be all that and so much more; we can choose what our lives will become. Yun lang po.

What does Cory mean to you?

http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090801-218236/Cory-Aquino-Biography

Friday, July 31, 2009

When Barack Met Gloria

Balitang Pampasaya

Ceasefire muna tayu sa mga balitang pampainip (habang wala pang nahahalungkat si betong sa mga archives ng tropa niyang kolumnista), balitang pampasaya muna. Suportahan natin ang Mutya na Pilipinas lalung lalu na ang pambatu natin na sina Sheshe at isang nag-nga-ngalang Athena Mae Imperial na isa daw wadi. Para sa mga event updates, schedules, comments, pics, whereabouts ng mga candidates, contact number at e-mail add ni candidate #1, 18 at 36, at room assignments nila sa Bahia de Baler o Bay's Inn, punta kayu sa BATANGBALER at sa BATANGBALER FACEBOOK. Inaalam q pa qng may texters choice award para ma-inform me na ang tropa nating si Bay na isang text advocate na magtxt ng magtxt para sureball na si Sheshe sa texter's choice award, anu nga Markus? Wala pa din yatang on-line poll para sa mga early favorites.

P.S. Betong, ayusin mu na ang digicam ng office nyu!

Meanwhile, the "15 time MVp" did it again:

Tuesday, July 14, 2009

lola techie



sana ganitu ang lola ku..:)

Monday, July 6, 2009

BOOB JOB - Isa muling balitang Pampainip

If Gloria Macapagal Arroyo can make secret a trip to Colombia, more so the real aim of her overnight stay at Asian Hospital. The post-travel self-quarantine for A(H1N1) is a handy cover for gynecological procedures. The President has been suffering dysfunctional bleeding, likely due to polyps or myoma in the uterus. She had first walked into the hospital one dawn in 2008 for D&C (dilation and curettage) and left at dusk. News then was that she had an executive check. She’s had three follow-ups this year, the last in June. Menopause is inducing abnormal tissue growth and hormonal imbalance, a source said.

Wednesday dawn Arroyo checked in again — for less serious causes. She needed mammoplastic repair of leaking breast implants done in the ’80s. Occasion too to have doctors take out an inguinal cyst (in the groin), and laser off extra hair growth in that area and the armpits. Though a bit groggy, Arroyo was set to check out yesterday afternoon.

Hospitalizing a President isn’t easy. Patients in five rooms at the VIP 10th floor had to be moved, to billet bodyguards and cooks; P4,000@, or total P20,000 a day. Arroyo was given two connecting suites, P18,000@, or total P36,000 a day, one for her, the other for the family.


(from the article of Jarius Bondoc "GOTCHA" dated July 03, 2009)


Friday, July 3, 2009

LIto Lapid?FPJ?

after self-imposed radical sabbatical in the last few weeks.someone e-mailed me about this article ( at eto pa)..ok ah, may PR manager yata talaga si pake..peru hanep ah, low profile pa din ..ni hindi man lang nya naikwento..eto basahin nyu na lang at tutal wala din lang bagung post.

Monday, June 29, 2009

MJ



Nung isang taun ku lang nalaman na si Mandy pala ay asu. Kung de pa namatay si MJ, de ku pa malalaman na daga pala si Ben(?). Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa MJ.

Tuesday, June 16, 2009

Jack Bradley



I hope you don't die too soon Jack. Nice cover.

Joy, Nini

Karaniwan nang mababasa natin sa mga tindahan ang mga ang mga ganitung karatula :"Credit is good, but we need cash"; "Bawal ang utang ngayun, pwede bukas"; "Ice 4 Sale"; "E-load, Autoload", "Ice Candy 4 sale" "Uling 4 Sale", etc.,etc.


Peru sa tindahan malapit kila Betong, bandang kaliwa kung galing ka sa bayan, bandang kanan kung galing ka sa Tibag, may kakaibang handwritten "poster" na nakadikit. Ganitu ang nakalagay:

"Joy, Nini, bawal manginain ng tinda."

Maliit lang dati yung tindahan na iyun. Mini Grocery na ngayun ay kaya madami ng tinda. Ayus din yung naisip ng may-ari. Sa halip na araw-araw sawayin si Joy at si Nini, naglagay na lang ng "reminder". Bali dalawa iyun ay nakasulat sa one whole sheet na papel.tapus nakalagay sa mga paninda na pwedeng pwedeng kainin ni Joy at Nini ng palihim. Hanga aku sa may ari nung tindahan. Galing anu? Kung aku at si Betong ang tindero, malamang ang nakalagay ay ganitu:

"Betong, Vidson, Bawal uminum ng San Mig Light"

Kung nakunan ku lang ng picture iyun, pwede sanang isali sa pampasaya link. Isama na din natin itu:
De ku siguradu kung si Joy at Nini pa rin ang tindera duun. Malamang de na. Akaw ay kahit naman aku, makahiya laang kung may ganun na nakalagay sa pinagtitindahan ku.




Pampasaya

Kung nalulungkot at walang magawa: pampasaya

Monday, June 15, 2009

X



Patalastas lang. Itu na ang sagut sa Kobe-Lebron debate. Lakers in five. Congrats Mr. Bryant.

Wednesday, June 10, 2009

How to Fail a Test with Dignity...(pasukan na naman)

naaalala ko na naman ang dialogue ni gemo nung minsang magpacheck ako ng equation sa physics.actually, pinacheck ko sya sa dahilang di ko matanggap ang sagot ni cahilig sa naturang equation, second opinion kumbaga..eto ang kanyang sagot: " eh common sense lang yan"...ang lalim anu po? sa madaling salita hindi lang pala abugado ang may kanya kanyang inerpretasyon sa mga bagay bagay..maging ang mga guro eh minsan eh may pagkakaiba din sa mga sagot..anyway, wala po koneksyon sa pangyayari ang nakapost sa ibaba, tamang naaalala lang na minsan ay baka ginawa ko din ito...

exhibit a to j:

photos from Abu Gonda (from multiply .com)


Ps. para sa mga feminista, sorry po sa last picture...hindi po intensyon. maraming salamat po.

Wednesday, June 3, 2009

Wadi

Kung ikaw ay kasapi sa ANSHS Yahoo Groups, malamang nabasa mu na itu:

Hi,

Nabalitaan nyu na ba ang chika na iba na ang principal ng ANSHS. Si Mrs. Hulipas daw ay naki pag swap sa principal ng Baler National High School na hindi ko kilala kung sino?

At itu pa ang mas matindi, si Ittad din daw ay ililipat na sa BNHS kasama ang kanyang pink na motor. Disaster ito!

Manatiling nakatutok dito sa ating yahoogroups para sa kumpletong detalye ng chikang ito.

Confirmed na po! Na de tutuu ang chikang nabanggit... Itu ang ebidensya oho: (may typo ulit jeannete, de ku na inedit, de naman tayu slow ay de baga?)

Mabilis talaga ang balita, nauuna pa sa tutuung buhay.

Ang latest update dito ay wala pang reshuffle na nangyayari sa mga principlas ngayun. Usap-usapan pa algn daw sa DepEd ayun sa isang "reliable source" (naks). Kaya si Mrs. Hulipas ay principal pa rin ng ANSHS hanggang ngayun.

Parang NBA din anu? Kumbaga Free agent na sana siya kung "nag-opt out" sa kanyang contract, sa halip, nagkaruun na lang ng contract extension. Muntik nang ma-trade ang pinakamamahal (ehem) nating principal. Laking Cap Space sana ng ANSHS kung natuluy ang swap anu? (pakicheck nga kung pareho sila ng market value ng katrade sana niya). Kung natuluy ang trade, pwede nang gawing permanent si Mang Junior sa ANSHS (dahil sa cap space ha, de sa kung anung dahilan).

Irreplaceable iyan si Mam Hulipas. Magaling. Matindi. Petmalu. Kitang kita naman ang development sa ANSHS ay. Isang dekada matapus tayung gumradweyt, may covered pathway na mula sa maayus na ring gate hanggang sa two-storey building; ang ratio ng computer to students ay 1:3 na (daw) mula sa dating ratio na 1:1 (1 computer per year level); madalang na ang atag (kaya mas matatalinu na ang mga estudyante ngayun ng Ansci ay, yung mahabang oras na ginugugul natin sa once a month na pag-gagamas nuun, inuubus na lang nila sa pag-aaral ngayun); bagu na rin daw lahat ng textbook (unconfirmed pa itu), de na usu ang hiraman; may tig-iisang medal na lahat ng magtatapus; may covered court na; may sarili ng website ang ANSHS; magagaan na rin daw ang lahat ng baril-barilan na gamit sa CAT; maayus na ang lambingan bridge; clasroom na rin ang dating AIADP; fishpond na yung swimming pool dati; la pa din daw anak si Mam Picart; malalaki na yung mga tanim nating mahogany tree at tayu pa rin lang ang nag-iisang batch na may yearbook...

Dadagdagan ku pa sana, kaya lang baka mapaopis aku ay, hirap gumawa ng 100 pages na promissory note.

Tanung: Gustu nyu bagang palitan na si Mam Hulipas bilang Principal ng ANSHS ?(kung oo, sinu ang ipapalit at ipaliwanag ang implikasyon nito). O gawing permanent na si Mang Junior para kumpleto na ang kanyang benefits?

(Credits: Larawan ni Mam Hulipas galing sa ANSHS Official website. Yung mga paragraph na bold letters, e-mail galing sa ANSHS Yahoo Groups.)

Monday, May 25, 2009

Basilan- Next Tourism Destination?

Posible kaya? sa kabila ng lumalalang krisis pang ekonomiya, at nalalapit na eleksyon sa taong 2010..at di matapos tapos na sex scandal..maari pa kayang maging tourist destination ang isa sa mga lugar na kung saan ang gyera ay naging bahagi na nang kanilang kultura.. hindi ko sinasabing war freak ang mga taga basilan, maaaring nasanay na lang sila sa sa amoy ng pulbura ng ilang taong digmaan na hindi alam kung paano tatapusin ( sino ba naman ang makakalimot sa JABIDAH MASSACRE AT PATA ISLAND MASSACRE) ..pero pwede pa lang maging isang bentahe para sa turismo ang isang lugar na digmaan ang pinaka main attraction..kakaiba po anu? nakakatuwa pero nakakalungkot isipin na pedeng gawin pala, depende sa trip ng gubyerno, ang isang problema na pagkakitaan sa halip na solusyunan..SANA HINDI NILA MAISIP GAYAHIN ANG KATULAD NITO.. ( ps. kamayin nyu na lang yung laarawan para mas mabasa ng maigi)

( article by Federico D. Pascual Jr.-Philippines Star may 19, 2009)

Wednesday, May 20, 2009

Global Recto

Medyu naisipan ku lng ipost ang isa sa mga blog entries ni Manolo Quezon since pasukan na naman, tamang educational muna tayu.. Tutal tamang bakasyon naman na din ang mga team natin sa NBA (anu nga vidson saka jeanette?:)

High tech at going corporate na pala ngayun ang pagpapagawa ng assignment, thesis, at dissertation..Hanep, dati nasa maliit na eskinita lng ng recto at kung sa baguio ka naman graduate ay dun sa malapit sa isang university makikita ang mga small time writer... pero sa totoo lang, bilib din ako sa mga pinoy kung paano ginagawa ito..at least kahit paano eh globally competitive pa din pala tayu...

Tuesday, May 19, 2009

Gone Pukut

Sa Dingle Ireland ang pick ng TNT crew para sa lugar na pagkakawilan ng dethroned champs. Peru parang mas maganda kung mamukut na lang anu sa halip na mangawil? Duun sa labasin, akaw dami duun mahuhuli. Sapsap, ilas, maya-maya, sarhento, malagunu, algoron, saka surfer. Isama na natin sila Yao Ming!

Pag may na-injured habang namumukut, ipapahilut na lang kay Ben Mata. Saka pag may mga nagbakaw(namitik, nag-ne-ut, nanguha ng walang paalam) ng mga isda at surfer na mahuhuli, ipapasuntuk na lang kay Ron Artest.

Go Beermen!

blogger templates | Make Money Online