Friday, December 28, 2007

Sol


Name: Solomon Crisencio Paul PeƱaloza
AKA: Sol
Si Dok Sol.Doktor ng mga animals.Small but terrible. La aku maisip na description bok sa iyu ay, kaya iyun na lang. Sa Canada na sya ngayun.Aywan kung kailan sya uuwi.Antayin na lang natin.

Thursday, December 27, 2007

let me try...

first time kong magblog dito (salamat sa mga authors lalo na kay vidson na nagbigay ng password at username, un nga lang subjected pa sa editing nila.. nweis, nakakatuwa lang na after almost 10 years, meron tayong blog na tulad nito na makakapagpaalala ng high school life (kaya lang madrama ata hs life ko).. at akalain mo, ang daming pagbabago sa buhay buhay natin, marami ng may asawa at anak (ung iba hindi mo iisipin na mapapaaga, hehe) pero marami pa rin namang nanatiling single, meron ding kung ilang beses nang nagksyota, meron ding ilang beses nang nabasted, may mga naging babaeng tunay (ewan ko lang kung meron na bagang nagladlad?), may nangibang bansa, at ang iba nagpapakadalubhasa pa rin sa pagaaral.. wheww! daming nangyari... sa mga teachers kaya natin marami na ring nagbago? ganun pa rin kaya ang kulay ng lipstick ni mam montes o baka naman mas gusto n nya ng red ngaun kesa sa shining shimmering na purple.. si sir cabanayan kaya, kulay blue pa rin kaya jogging pants nya with matching malaking patch sa gitna.. si sir domingo? (hala kayo! ano iniisip nyo ha?) pero personally maganda experience ko dyan kay sir domingo during our math class-2nd year kasi nasa taas na tayo nun, sabihan ba naman akong 'next time shiela, matuto kang kumain ng buto ng citrus!' kakahiya, pero pinagaralan ko namang lunukin ang buto pati nga buto ng santol ngaun nilulunok ko na.. si ms.cahilig? (ano kayang nangyari kay papa derek nya-tama na nga baga?) ang huling sabi nina betong nakita daw nila nagtitinda ng barbecue (totoo?)... at si mam querijero, na nagbansag ng 'bay' kay francis (haha! naalala ko tuloy kung bakit)..

since trial naman ito, tingnan ko kung ipopost talaga ng mga tunay na authors, ala na rin daw kasi silang maipost, at ung ipinangako kong mga pictures hindi ko akalain na nakapost na rin sa friendster ni jeannette, kunwari pa ung babaeng un, ayaw daw magfriendster, pero nung nasimulang magfriendster kulang na lang pati picture ng mga ninuno nya ilagay nya sa profile (tingnan nyo mageenjoy kayo sa profile nya)..

sige hanggang sa muli, marami pa akong ipopost (humanda ung mga nangapi sa akin noon, bwahaha! bawi-bawi lang yan).. merry christmas sa inyong lahat!

miting nung pasku...

so far,wala naman major event last christmas..oo nga pala,bagu nung 25 ay nagtext si eda at si jed na magkita daw kami sa bays inn, eh medyu tinatamad aku...sinabi ku na lang na wala akung sapatus..madami daw mapepega...hehehe at nung 25, ay nagpunta sila sa bahay habang nagpapababa aku ng tama..at iyun, kentuhan na namng malupit..naghiram aku ng malulupit na vcd ni jed, bold sa iba peru art sa amin,hehehe yun lang muna,at meju di ku trip magpaalipin sa ngayun sa computer...saka na lang pag trip ku na..hanggang sa muli..i love you all...yeahh!!- betong
b

Wednesday, December 26, 2007

minsan..

la, magawa maghapun.pagkatapus kung mag log-in sa NBA.com at ma check ang points sa pick-one challenge, na ka chat ku ng ilang minutu ang busyng busy na si shiela.hinanap ku sa kanya mga pingyayabang niya ng picture natin nung highschool, sabi niya sa friendster daw ni jeannette medun na.kaya pinagnanakaw ku lahat ng pwede kung kuhain.tapus pinagtripan ku sa movie maker ng windows.sinimulan ku ng als dyes ng umaga, natapus ku ng alas singko ng hapun. tagal anu. de ta aku magaling mag edit ay.kaya pagtyagaan nyu na lang.balikan nyu ang kahapun. tingnan nyu kung kilala nyu pa sila.makikita nyu ang itsura ninyu nuun, baka matawa pa kayu.maganda din lang magbalik tanaw minsan.de ta aku full time blogger ay kaya itu lang ang nakayanan ku. sana kahit panu matuwa kayu..

High School


Pinagnanakaw ku sa friendster ni Jeannette mga i-nupload nyang pics, de naman copyrighted ay. hehehehehe. Akaw, ang cu-cute, hanapin nyu kung nasaan kayu. Salamat Jeannette ha?Upload ka pa ng madami da. Click nyu para ma-enlarge.

Monday, December 24, 2007

Kaddo, Maligayang Kaarawan

Sa 27, pa birthday mu alam ku, peru babatiin na kita ngayun. Natanda ka na rin pareho namin. Ganyan talaga ang buhay. Maka miss ka na pati. De lang kata ganung nagkausap at nagtagayan nung huling uwi ku ay.Peru ayus lang, marami pa namang pagkakataun ay.Saka na lang ulit tayu maglalasingan kagaya nung dati, yun bagang halus mapaiyak ka sa sobrang lasing, tapus lilinisin ku ang suka mu kinabukasan, saka tayu bibili ng goto at malamig na malamig na pop cola, pag medyu ok na, gala sa SM North, kain sa tokyo tokyo ng Sumo. Mahal ka naming lahat boy, happy birthday sa iyu sa 27.

Merry Christmas sa Lahat!!!

Nagbukas aku ng Galing Ansci, na i-post na ni Kid yung ibang piktyurs nung reunion, kaya lang wala akung ma grab na pede ipost ditu, wala piktyur batch natin ay. Antayin natin sa susunud, baka medun ng piktyur yung mga nagpunta.
Uh, pasku na bukas ha? wag nyu kalimutan pumunta kila betong. Akkaw, galit na siya, at bakit daw aku nag yayaya sa kanila sa pasku. Hehehehehe. Pangati lang iyun bok. Peru sana may magpunta. Antayin lang daw niya kayu. Merry christmas sa inyung lahat, wag nyu akung pulutanin pag nag inuman kayu bukas ha?

Sunday, December 23, 2007

Christmas

23 na.Invited kayu lahat sa bahay nila betong sa Pasku. Ang mga nasa paligid ligid lang na de pupunta, ipa pa principal, kakausapin ni Mam Hulipas, tapus pag susulatin ng "de ku na uulitin ang ginawa ku, pupunta na aku sa susunud na pasku", sa one whole sheet ng pad paper, isang daan na ganun. Kaya kung kayu ay nasa San Luis, Baler, Maria, Dipaculao o Disoksit o Digisit, magpunta naman kayu duun, kumustahan lang. Antayin kayu ni Betong, nakahanda na daw ang pulutan.

Monday, December 17, 2007

Inuman ngayon....may hang-over bukas

Akkaw hamakin mu nga naman anu may inuman na namang magaganap kila betong at di umano ay magpapainum siya ng san mig light kita mu nga naman anu baka sa susunod na pagbisita ninyu ay may magpapapulutan na.Ay kahit wala lang pati at ung mga wala sa inuman na iyun at sigurado sila o kayo o tayo ang pulutan.Maski umagahan sigurado de matatapos maski wala na pating mainum.Bihi- bihira na rin tayong magsama- sama lalo na yong may mga pamilya pero kat kung minsan kung sino pa yung pamilyado sila pa 'ung gumagawa ng effort at nagsa-sacrifice para kahit papanu sa sandaling panahon ay makasama ang mga ka- batch. Kaya ung may mga contact sa iba nating mga kaklase ay sabihan na sila para naman de sila nagtatampururut ngayon pa lamang ay sagot na ni betong ang lahat!kaya kita- kita tayu dun ha ang wala daig at lugi at maraming mamiss de lang kalahati ng buhay nila mas mahigit pa run...

Pasku

Nalalapit na ang kapaskuhan mga baet. Paskung pasku, kinawawa ninyu si Mam de mesa sa survey, labing isa ang bumoto, isa aku duun, aywan kung ilan ang boto ni betong.Uh, akalain nyu nga naman, magpapasku na pala. Dun tayu kila betong da, aryo, de pala aku siguradu kung makakauwi, mamimiss ku ang kalahati ng buhay ku, siguradu. Sabi ni Jay nuun sa akin, de aku nakauwi nung nakaraang pasku ay, kulang daw ng kalahati at wala aku sa inuman. Lakas anu, lasing na siguru si kado nuun.

Pang ilang pasku na baga na de tayu nagkasama sama? Medyu madami na yata. Kung bibilangin nyu, simula nung 1998, sampu na yata. Umuwi kayu da,para masaya.Peru kat, de din yata aku makakauwi. Sa mga uuwi, punta kayu kila betong. Madami daw silang handa. Magpapainum pa siya ng san mig light. Maligayang Pasku sa inyung lahat!!

Monday, December 10, 2007

national anthem pag inuman!!!

isang pamukaw sigla uli habang walang bagung dumadalaw...kanta itu sa crush na di nag-materialized(hehehe!)alam mu lang kung sinu ka... sa susunud na ung action nitong kanta, di ku pa nagagawa sa movie maker ay ska di [pa kami nalalasing ng hagupit..betong itu>> Para madownload ng buu ang kanta, click nyu itu, Kundi'man, at kung gustu nyu naman ng buung album ng The Jerks, punta kayu sa recto, akaw dami duun.enjoy!
P.S. depende sa internet connection ang bilis ng pag da download.

Thursday, December 6, 2007

Si JP nagsenti

I MISS YOU. Yan ang subject ng message ni JP. All caps yun ha, peru de bold letters. Nalulungkut na yata siya sa Guam. Namimis na daw niya kayung lahat. Hala na kayu, naiiyak na daw siya sa sobrang pagkamiss sa inyu.Gustu daw niyang umuwi para makipaginuman. Hayaan nu boy, nakikipagcoordinate na kami kay Joe para makiangkas sa C-130 plane ng AFP, baka may operation sila at dumaan diyan sa Guam, magpaparachute na lang kami pag tapat diyan, ibigay mu lang ang coordinates mu. Peru sagut mu na lahat pagdating namin dyan, saka plane ticket pauwi.Wag ka lang magalala, de ka lang namin nalilimutan, lagi ka ngang pulutan sa inuman ay.Kumusta kay mareng Adrienne, saka kay inaanak.

Tuesday, December 4, 2007

April



Name: April Llagas
AKA: Apple
Sa wakas, may nakita na din aku na member ng Campus Girls.Wala akung masasabing masyadu kay Apple maliban sa siya ay mabait.De lang masyadung naimik nung highschool at nagbubunut lang ng sahig hanggang trip niya.Baka alam mu ang location ng mga kapwa mu campus girls.Bigay mu da.

Monday, December 3, 2007

Si Bay



Name: Francis Oliver Pimentel
AKA: "Bay"

Claim to fame nya ay siya daw ay may kapangyarihan.Medyu weirdo lang siya ng kaunti kaya siguro naisip niyang sabihin sa amin dati na may anting anting siya.Siguru nakajamming niya si Ramon Revilla dati.Yan ha, buhay pa pala si Bay.Sana maligaw ka ditu

Monday, November 26, 2007

(Advance) Happy Birthday PIA!!




Just in case everyone else has forgotten, PIA will be turning 26 on November 28.I heard that they (together with fellow power rangers Shiela and Roselle) are planning to celebrate her birthday on Baguio City.Paging Solomon, Pia is searching for a sponsor for her transportation, accommodation and meals.

bakit tropang spider?

Sa wakas, meron din nagtanong bkit tropang spider? Sa dami dami na rin ng sumilip at nagpost ( de kari, apat cha lang ang sumisilip ditu). Sa wakas ay may nagtanung na din bkit nga daw ba tropang spider…

Ganito po iyan, It was conceptualized one boring afternoon way back highschool days, when teachers stood like demigods teaching infront of the bohemian class of 1998. When everything was so exasperating and bleak, betong (aku yun) and vidson decided to form this “group” having the intention of being exclusive only for those who were hyper-differentiated and antithetic (ska dapat may tattoo sa kamay na gagamba). The other requirements to become a member were (anu nga ba pare?). Immediately after its conception, using the blitzkrieg approach, the “group” grew into 14 and the rest was history…

Now, it’s no longer a “group”, it became a blogsite (yeah!!) when the batch was struggling and finding a way to avoid self-desctruction (thank you kay vidsonpogi for having the initiative and patience …kaya magparamdam at mag- post na kayo (but with a minimum censorship from the creator).. as in MINIMUM lang. because we’re not intended to eliminate as well as alienate the very logic of your existence in this site…

P.s. the “group” lasted only for 5 hours…..hehehehe..

Friday, November 23, 2007

720?

Is it a 720 or a 540? First seen it on youtube and im still wondering who's the guy doing that crazy dunk.Certainly not His Airness or King James or Vince Carter.I'll give him an 11 for that dunk.He should be drafted and play in the NBA and join the Slam Dunk Contest.It will be a hell of a show between him and King James or maybe Josh Smith.

patalastas lang....

sa mga magpopost, magpakilala naman anu nga po...at nang di tayo naghuhula kung sinu si anonymous...pwera na lang kung un talaga ang pangalan mu...saka kung maaari ay paki text nu na lang ung iba na kasalukuyang naghihibernate at paki sabi na meron na tayung blog...ung campus girls, may balita pa ba kayu??kung sila ay nasa inyung friendster (eww!!)pki sabihan na lang po...ska kung meron kayo na picture na malupit nung highschool, pki email na lang po sa amin at nanh mai-post dito..--betong itu>>

Wednesday, November 21, 2007

Panu daw mag upload ng pics ditu?

May nagtanung, kung pwede daw syang mag post ng pics ditu. Ganitu na lang, kung merun kayung pics, (wag lang pics ng mga syota ninyu o asawa), nung high school, kahit anung pics basta pics lang natin ha, i-email nyu na lang sa amin, naitu ang mga e-mail add: kay vidson:vidson@batangbaler.net, giro_payaso@yahoo.com; kay betong:kremlin79@yahoo.com.Ang nagtanung ay si shiela.

Tuesday, November 20, 2007

P0stmortem....


wala lang,natutuwa lang aku sa mga batang ito...biruin nyong lantakan nila yung tirang lechon ni kidlat..buhat buhat nga ni ataw itu ay...ganyan sila kagagaling,biruin nyong dinadisect nila ung baboy habang nagiinuman...peru, cute sila anu..yung nasa background baet..

Monday, November 19, 2007

Jeannette



Name:Jeannete Lumaban
Member ng power rangers.Salutatorian iyan, tapus naggradweyt sa UP.Biology baga course mu abay? Nasa Houston na sya ngayun (tama baga aku), nag aabang ng laban nila T-Mac. Nagbabalak daw sila ni Sol magkita sa chicago sa pasku, peru takut sila mag out-of-town at baka de na daw sila makabalik. Ang gaganda naman nung mga kasama mu sa friendster. Ang laki nung syota mu anu? Bigyan mu naman kami ng ka chat dyan da.

Sa ating tagpuan..



Baka de nyu na alam kung saan yang lugar na iyan?Sa Sabang iyan, dun sa may tapat ng Iglesia ni Cristo, katabi ng talipapa ni Ate Alice At Kuya Kulut.Kami kami na lang(minsan, sila sila) ang naliligaw dyan ay.Minsan madami, minsan kaunti.De kagaya nung high school at college. Madami na din ta ang nasa ibang bansa ay. Madami din ang nawawala.Yung iba, killjoy, ayaw lang talaga magpunta pag may salu salu.Malapit na naman ang pasku. Punu na naman (sana) ang kubu mu betong, ihanda mu na.Sana madaming umuwi.Makamiss na kayu ay.Inuman tayu, kwentuhan,obra ding magsuntukan pag lasing na, syempre magbabati din pag munaw na.Sa ating tagpuan mga kaibigan...

tomaan? gusto nyo sa pasku...

para sa mga ka'bulaanan, meron nagsa-suggest na tayo'y magkikita sa darating na pasku,at itu ay kung gustu lang naman,anu...walang sapilitan at kami ni vidson ay sanay lang na magreunion na dalawa lang..itu ay bilang follow-up sa reunion na naganap last nov.2.madaming nabitin sa foods at time (pwera aku!! sarap nga ng lechon ay)..naggagalaiti si eda dahil di ku daw naimbitahan yung iba...basic requirements sa pagattend ay syempre yung ambag, saka mga kwento na classic saka mga yabang na tolerable naman, anu nga? pwede nyung i-wire through banks ang inyong mga ambag(tikas anu?)or ipadala sa koreo ung malalayu.. kontakin nyu na lang aku para sa update...o kaya si vidson..

HOy jeannette!!!

magfriendster ka na, kumbaga ka pa ay...dami ka yata nkapose dun ay..minsan lang naman magpakajologs ay...syanga nga pala,baka malitu ka, si betong itu ha...dalawa lang kami ni vidson may password ditu ay.. ska kung mapapansin mu, konti lang ang may picture dito, ung mga cool kumbaga..madami kasi ang mga non-entity at non-existing na ay,,saka ok ba ung pose?hehehe automatic na un baet,napayat daw pag ganun ang pose ay...

Jeannette?

Akaw, naligaw si Jeannete.Oo, Boston na aku, la na si KG sa Wolves ay. At anu ka, undefeated pa din sila ngayun, kaya lang lamang ang Magic sa laban nila ngayun ay. Kumusta ka naman daw? Piktyuran mu naman si T-Mac at Yao Ming pag naligaw ka sa Toyota Center at pag dumayu sila KG duun para ayus.Bigyan mu aku ng pics da at ilalagay ku ditu, isama mu yung boyfriend mu na black belter ng jujitsu.Miss ka na daw nila, pag uwi mu dapat may dala kang Jersey ni Yao Ming at T-Mac dapat may autograph.

Saturday, November 17, 2007

Reunion?

Akaw dami naming nagpunta. Betong, Ando, Aku, Eda, Shiela, Abby, Mirasol at Roselle, oo, nandun si Mirasol (at ang kanyang kabiyak) at Roselle, nagulat kayu anu? As expected, umalis din sila pag katapus tumapyas ng balat at laman nung lechon. Tingnan nyu na lang ang mga piktyur... kulang pa yung pics ay. antayin nyu na lang ulit, ippost ku yung links.





Wednesday, November 14, 2007

Piktyur ulit

Aryo, pasensya na, de ku pa tapus i download yung mga picture nung reunion. antayin nyu laang.

Tuesday, November 13, 2007

Piktyurs

Aryo, atat na sila makita yung iba pang pics nung auction (reunion). Pasensya na, ngay-un lang ulit ta aku nakahawak ng keyboard at mouse ay.Ina upload ku na. Antayin nyu na lang. Ansasama din lang nyu dun ay bat baga gustung gustu nyu na agad masilayan?

Friday, November 9, 2007


minsan iniiwasan ko na magshot pero panu pag ito ang mga ka-shot mo?? ang hirap sipain at tanggian.. parang laging lasang mansanas ang alak pag ito sila ang kaharap mo..laging fresh ang mga kwento kahit 10 yrs. old na ang mga ito... walang kupas!!! live,eat, drink and be merry for tomorrow we will die!!


eto ung picture during the reunion last nov. 2. ako syempre, si eda (SCC president 1998) but she was demoted as my spokeperson... mirasol dairo( look at the hair!!! ) shiela adamos( what a smile) and abi... masaya naman, pero ang di ko maintindihan ay kung bakit may mayayabang na nagpayabangan pa...may auction na pati.. buti na lang ok yung iba...nananatiling low profile...kahit tatlo tsa lang kami ay ok na din...ang hirap katiin nung iba..nuknukan ng tsani..

Friday, November 2, 2007

author


ang mga author...kami lang ang pwede mag post dito...hanggang comment na lang kayo....kami lang ang nagreunion...wag nyu kaming aawayin at baka gawan namin kayu ng masamang post ditu.

Thursday, October 25, 2007

trip


Kahit panu may naligaw na rin sa blog natin. Kay Eda at Mark na unang sumagut sa aking panawagan sa friendster, kay shiela na inabala ku pa para lang tingnan itu, kay betong na ilang ulit ku din tinext, kay mirasol na nainip sa akin habang ka chat ku para lang tingnan itu, kay sol na nasa canada na at kay jay, sila ang mga unang bisita. Sa lahat ng kaklase ku dati, magbigay kayu ng picture nyu at ilalagay natin ditu. Baka de nyu din alam, batch12 tayu mga abay.Add nyu lang aku sa friendster,http://profiles.friendster.com/vidsonpogi

Wednesday, October 24, 2007

Bring me down

Itu na muna ang huling video. Saka na ulit pag merun na. La na si sol ay, nasa canada na, sa kanya yung videocam na ginamit sa mga videos. Habang ina-upload ku ang video sa you tube, ka chat ku siya. Ayus naman siya duun, wala pa daw snow sa lugar nila. Pag may bagu na ulit akung balita at pag may piktyur na siya, ipopost ku ditu.



Tuesday, October 23, 2007

Wheatus

"ALittleRespect"
Habang lumalakas ang tama, gumagaling si Gerard tumipa. At habang nauubus na rin ang memory ng digicam-mp3-videocam-USB device ni Sol, itu ang tinugtug ni Gerard.


Kila Sol

Sinalubung namin ang bagong taon ng 2007 kila Sol, bumili sila ng tatlong case na san mig light at tnxt nila si Gerard para medun kaming tigakanta, non-stop, pause lang pag tatagay. Ganyan ang itsura nila pag bangag na.


El Bimbo sa Bistro

Sa ilang ulit na pagtatangka, na upload ku din sa you tube ang video ng jamming namin sa Bistro. si Mark Gerard Rubio ang umawit at nag beat box si sol. Hulaan nyu kung ilan ang nanunuud habang nagkakalat kami? May premyo ang makakahula.

Monday, October 22, 2007

videoke


Katuwaan lang sa videokehan. Saya ni Jay anu.

Galing Ansci

Sa lahat ng aking mga kaklase na maliligaw sa blog na itu, obra na din tayung magpost ng message sa Galing Ansci. Salamat kay Kid sa username at password.Paanu magpost ng message duun? Click nyu lang itu www.batangbaler.net/anshs/wp-admin
itu ang username at password, Username:batch12, Password:tropangspider. Subukan nyu, makatuwa.

The Beautiful People


Naubusan na aku ng individual pics ay. Saka ku na lang ulit itutuluy yung mga profiles pag medun na ku na grab na mga pics sa friendster nila. Itu ay nung nag picnic sila sa Dikasalarin yata, Bagu umalis si Jeannete papuntang Houston para manuud ng laban ni Yao Ming at ng Houston Rockets.

Eda

Name: Eda Bernardino
Sila na yata ni Ka Satur. Si Eda ang nasirang pagibig ni Jay. Kinuha ku din lang itu sa friendster mu abay. Anu na balita sa iyu?

Shiela


Name: Shiela Marie Adamos
Adamos ka pa rin baga? Kinulit lang nya aku na ilagay sya ditu, katunayan nga nag email pa sya ng pinakamaganda nyang pityur para lang ipost ditu. At ang gustu pa nyang ilagay ay sya daw ang kamahalan ku.Hooooooo, lakas anu. ang pikon talu. Ayan ha, nilagay na kita.

Amer

Name: Amerson Custodio
AKA "Amer"
Die hard fans ni Pia. Ang official clown ng batch.Paramdam ka naman bok kung asan ka na.

Ittad


Name: Richard Marzan
AKA "Ittad"
Wala aku masyadu balita sa kanya kagaya nung iba. De na rin aku nagpaalam nung kinuha ku piktyur nya sa friendster.Nasaan ka na baga?

Friday, October 19, 2007

Jaypee


Name: John Paul Caoleng
AKA "JP"
Itu ang mahirap awayin. Katapangan itu ay. Susunud na pinakamalaki kay Markus. Nasa Guam na yata siya, kaya Guamanian na siya ngayun. (Bok, yung pangaku mu pala na sapatus sa amin nasaan na?)

Si Ando


Name: Rolando S. Hernandez
AKA "Pendong, Ando, Nuu"
Co-Founder din sya ng "The Rubberband". Nuu kung sya ay tawagin, dahil sa lapad ng nuu niya.De lang halata sa piktyur dahil long hair sya dyan ay. Laging late pumasuk dahil gabi na daw siya matapus maggawa ng assignment at magaral ng leksyon.Kaya pati sa ranking late din.

Markus


Name: Mark John Te
AKA "Markus"
Ang co-founder ng "Rubber Band". Isa na ngayung inhinyero. (Sensya na bok, galing din itu sa friendster mu ay.) Pinakamalaki naman siya sa lahat at pinakapogi maliban kay betong.

Si Joe

Name: Julius Taniza
AKA "Paldyo"
Sya si tinyente.Ang nag iisang "ayer" sa tropa. Sya lang ang malakas ang luub ay. Nakapasa naman siya. Yung babai na kasama niya, de ku kilala, kinuha ku lang itu sa friendster niya ay. Oo, may friendster na si paldyo. Aywan kung sinung gumawa.Sa ngayun ay de ku alam kung nasaan syang lupalup ng pilipinas.

Betong

Name: Herbert Fernandez
AKA "Betong"
angst-ridden but idealist...sosyalista sapagkat walang pera...
Pinakasiga sa lahat, pati si sebo(Cardo, Jay) binugbug nya dati.Halus lahat ng lalaki sa batch, nakaaway niya maliban lang kay Markus, malaki iyun ay.Pati yata si mirasol pinatulan din niya ay.Sa ngayun ay sa Kapitolyo sya nagtatrabahu, sa coop yata kaya pwede nyu syang utangan kahit magkanu.

Thursday, October 18, 2007

vidsonpogi


aku itu, si vidsonpogi. de ku yan anak ha.pamangkin ku lang.sa ngayun ay de ku pa alam masyadu mag blog. peru sana may magturu.sa lahat ng batch 12 yata kami, magpost na lang kayu ng komento kung gustu ninyu.sa ngayun ay wala din akung sariling computer, nakikigamit lang aku.sigi.

bagu lang itu, testing

sa batch itu ni betong, are panu baga gawin itu

blogger templates | Make Money Online