Nakita ku duun si Karl Roy, kumakanta ng Puting Ilaw.
Nag-request aku. Sabi ku baka pwede niyang kantahin yung Piece of This. Wag daw
iyun sabi niya, mas bagay at mas maganda at mas appropriate daw yung F.Y.B. Sigi kaku, birang
bira. Naki-jam din si Kiko. Ayus. Isang jumbo stick ng first class na ganja ang sinindihan nila. Ginhawa lang. Binira ni Kiko yung Lab Song. Tapus F.Y.B.
ulit kay Karl Roy. Ayaw talaga niyang kantahin yung Piece of This. Kahit yung
Panaginip.Paulit-ulit lang na ganun.Tapus bigla silang umalis, tinanung ku silang
dalawa habang papalayu sila kung bakit. Naiinip na daw sila.
Naiinip kakahintay kay Pepe Smith at sa The Rolling Stones.
Hanapin na lang daw muna nila si Bob Marley. Makatakut daw si Kurt Cobain ay, laging may dalang
shotgun, kaya ayaw nilang ka-jam. Mas lalung ayaw daw nilang ka-jam si Jimi
Hendrix, baka madevelop daw sila sa kanya. Makabakla daw ang galing niya sa
gitara.
Naiwan akung mag-isa. Sabug pa rin. Wasak ang isip.
Lumilipad sa alapaap. Namumula ang mata. Nag-tatanung at kinakausap ang sarili.
Tapus naisip ku, bakit pala aku nanditu? Tangina, patay na
aku? Holy Shit…
Peru de…
Teka, humihinga pa pala aku…
Wala na ang tama ng tsongke. Normal na ulit ang pag-iisip.
Kailangan ku nang bumalik ulit sa ibabaw ng lupa. May laru yata bukas ang
Petron at nasa active list na si Marcio Lassiter. Maglalaru na din daw ulit si
Junmar Fajardo. Meralco yata ang kalaban, sila Cliff Hodge at Kelly Nabong.Putangina, may NBA na nga rin pala. At putangina ulit, episode
anu na nga baga yung Homeland at The Walking Dead? De ku na nga rin pala
na-a-update yung Facebook account ku. Teka, may Facebook pa baga aku? Yung
Gladiator pala de ku pa natatapus panuurin. Pati yung The Campaign. Palabas na rin yata yung Skyfall. Tapus na
baga ang World Series? Teka ulit, nasaan ka na pala? Bakit aku lang mag-isa
ditu?
Mahirap pala sa ilalim ng lupa, saka pangit din duun pag nag-iisa ka na lang. Madilim,
makabingi, makatakut. Wala pang yosi,
wala ding beer. Walang kwenta.
Sa kauna-unahang pag-kakataun sa buhay ku, nag-bungkal aku
ng lupa pataas. Parang si Uma Thurman lang sa Kill Bill. Very challenging. Yung
mag-bungkal ka nga ng lupa paibaba ay mahirap na, maliban na lang kung may
heavy equipment ka, panu pa kaya yung
mag-bungkal ka ng lupa pataas, gamit lang ang kamay mu? Parang binabalikan mu
lang yung mga nakaraan mu, hinde para ma-inspire, kundi para saktan ulit ang
sarili.
Unti unti, pinilit ku pa ring umahun. Masakit na sa kamay. Puru
paltus na.Mahirap na ring huminga. Tamatabun din sa akin yung hinuhukay ku.Parang
de ku na yata kaya…
Anu iyun? May tumutugtug. Pucha, Black ng Pearl Jam! Parang
gustu ku na lang ulit bumalik pababa…Tang ina ka Eddie Vedder. Leche ka talaga
kahit kailan.
Nawala yung tugtug. May naririnig akung iba. Parang si Jeff
Van Gundy iyun ah? James Harden. Houston Rockets Vs Boston Celtics sabi niya.
James Harden? Ganu na baga aku katagal ditu?
Nauubusan na aku ng hininga. Nauubusan na rin aku ng lakas.
Nauubusan na rin ng dahilan. De ku na yata talaga kaya…
Peru may tumutugtug kanina ay. Ibig sabihin, malapit na aku
sa ibabaw…
Kaunting tiis na lang.
Pag-bungkal ku ng isa pa, wala na akung makapa.
Puru hangin na lang.
Tagumpay….
May mga sumisigaw sa taas. Peru bakit de nila aku
tinutulungan? Malapit baga sila o malayu? Anung sinasabi nila? De ku
maintindihan.
Pag-ahun ku, may mga tau nga. Marami sila.
Binilang ku, tatlumpu at dalawa lahat. Tatlumpu at dalawang
pamilyar na mga mukha.
May lumapit sakin na isa, tinapik aku sa balikat sabay abut
ng beer at jits. May mga nag-sindi at nagbigay din ng yosi, isa-isa lang kaku. Isang
box ng chocolate ang inabut ng isa pa, galing daw kay Willy Wonka. Bakit parang
may nakita aku na umi-iling-iling? Uh, bakit may bitbit na beatbox yung isang
tau, tapus may gitara naman yung isa. At anu iyun nakita ku na hinahabul nung isa,
daga baga iyun? Bang! Uh, binaril yung daga? Bakit may baril sila? Yung isa may
sinasabi, de ku maintindihan. Parang arabu yata yung salita. Parang napilitan
din lang na sumama yung iba. Bakit ganun? May mga nag-te-text, may mga tumatawag.
Bakit may naka-jersey ng San Antonio Spurs?
Bakit anditu sila? Anung merun?
Nakahanda na daw yung sasakyan. Aalis na daw kami.
Saan tayu pupunta? Ang tanung ku.
May sumagut, tanga, birthday mu ngayun, mag-iinum tayu.
Panu itu kaku, maamus pa aku, amuy lupa at putik? Okay laang
iyan, sanay naman na kami na ganyan ka,sabi nila.
Sumama na lang aku, de na aku nagtanung.
Sa harapan aku ng sasakyan umupu, katabi nung driver. Pagtingin
ku sa side mirror, parang may naiwan.
malalaman mo pa ba?
kung may naiwan na pagasa
malalaman ko, malalaman ko
malalaman ko pa ba?
- Brain Salad
0 Comments:
Post a Comment