Tuesday, October 16, 2012

tropangspider 2.0

Dati may nagsabi, buhayin daw ulit ang blog. Parang mahirap na kaku. Makatamad na rin ay (na para bagang aku lang talaga ang dapat gumawa ng ikabubuhay ng blog na itu anu). Makatamad lang, de makasawa. At naisip ku rin, it has already served its purpose. Tapus na ang kanyang misyon sa mundu ng internet.

Purpose? Ay syempre, mayruun din naman itung purpose kahit kampat, atab at kunya-kunyarian lang nung itu ay isinilang nuung October 17, 2007.  Anu iyun? Marami. Purposes.

Unang una, syempre, ay yung mag-karuun tayu ng sarili natin na ganitu. Yung iba ay merun, kaya dapat merun din tayu. Gaya gaya, putu maya, pag-laki, bwaya. 

"Identity" daw natin sabi naman ni Jay. Ganun lang talaga siguru. Nung umalis tayu sa Ansci, unti-unti, nakalimutan na din tayu, hanggang sa mabaun na lang sa limut.Gaya ng ibang batch, nilipad na din lang sa ulap na parang usuk ng tsongke ang ating pag-ka-kakilanlan. Parang ganitu lang iyun ay oho:

Year 2042.

Mang Kanor: "Tibay ni Mirasol anu. Grand Slam. Galing tang umarte ay. FAMAS, Gawad Urian, CMMA, FAP, Luna Awards saka yung iba pa. Lahat, hinakut niya. Best Actress talaga siya. Galing ta naman ng pag-kaka deliver niya ng  linya niya na:

"sa likod ng mga ngiti, naroon ang pighati...sa likod ng mga tawa, naroon ang mga luha..."

Iba talaga pag magaling kang artista. Saka bagay talaga niya yung character na Dra. Margarita Holmes. Wala akung masabi sa "Tiktik: The Xerex Chronicles" episode ng Shake, Rattle and Roll XXXIV. Da best talaga."
Aling Nena: "Sinung Mirasol?"
Mang Kanor: "Are, yung ka-batch ni Jennifer. Pinsan ni Irma iyun. Maganda ang buhuk nuun, kulut."
Aling Nena: "Sinung Jennifer?"
Mang Kanor: "Aryo, de mu talaga kilala?"
Aling Nena: "Ay de nga."
Mang Kanor: "Teka, sinu pa bagang mga ka-batch nuun....Sila kwan pala, Jericcelle, Noreen, Pen-Pen, Daisy, Janeth, Aileen, Ilyn, Kony, Ada, Amer, James, Francis saka marami pa iyun sila."
Aling Nena: "Doesn't ring a bell."

Mga tipung ganyan kababaw na usapan. Hanggang sa mapunta na lang sa wala. (No disrespect my friends, alam naman natin lahat na tutuu iyan). Peru subukan mung ikabit sa usapan ang pangalan na "Betong" hala, ay paniguradu, in no time, tukuy agad kung sinu ang tinutukuy. Damay damay na iyan. Betong, Kardo, Sol, Vidson, JP, Joe, Ando, Markus, Onad, Sherwin, James, Francis, It-tad, Amer, Jeannete, Shiela, Pia, Wella, Abie, Roselle, Eda, Salve, Ilyn, Aileen, Apple, Noreen, Kony, Ada, Jericelle, Jeniffer, Daisy, Janett, Pen-pen, Mirasol at Mang Junior.

Pausu lang naman talaga ni Jay yung "identity" na iyun. Basta't kilala mu si Betong, kilala mu na kung sinu ang Batch 12. Period. Sindi na men. Jumbo agad.

Pangalawa, tambayan. Dahil kung may tambayan, madami ang napag-uusapan. Madami tayung na-aalala. Madaming kwento ng mga kalokohan ang masarap balikan kung minsan. Kasama na diyan syempre ang asaran. De mawawala iyan. Ang pikon, laging talu. Nag-mu-mukha lang talagang mayabang/magaling/kala-mu-kung-sinu/arat/sarkastiko yung iba (alam lang namin kung sinu-sinu kami) sa mga posts, comments at sa mga tirada. Peru wala lang iyun, pam-pasaya lang iyun mga banat na ganun. Peru pag si Bay na ang kumana, ay wasak na ang lahat. Wala ka talagang kupas Bay.Ikaw pa rin talaga. You still already. Ibang klase pa rin ang mga tirada mu. Ka-abang-abang lagi. Sobrang tuwa ku nga pag minsan ay, na-e-esprit de l'escalier aku. Ganun katindi ang impact ng mga komento at birada mu men.  Solid. May dating. LOL.

Pangatlu, storage. Imbakan ng mga kwento, alaala, mga kabulaanan, opinion. Yun nga lang, marami na rin mga pangyayari at kwento na de na na-idokumento.

At...

Memoir (parang maganda lang pakinggan at basahin itu kaya dapat kasama).

Saka may Peysbuk Peyds na rin naman tayu ay, maigi na lang na tumambay at duun na laang mag-oronan at mag-bulaanan.

On the contrary...

Bakit pala bubuhayin, ay de naman namatay?
Nag-hingalu lang.
Naghibernate.
Tinopak
Nabagtit.
Nautu.
Naflip.
Naghintay sa wala.
Naging birthday blog.
Naging Pacquiao blog.
Naging NBA blog.
Nakidalamhati sa masaklap na pagkatalu ng Boston Celtics nuung 2010 NBA Finals.
Nakipaglaban, nakipagtunggali, nakipagtuus at tinalu ang mga jejemon.

Saka de lang pala talaga itu mamamatay, maliban lang kung mag-shutdown o mag-pabayad ang blogger.com. O mag-katutuu yung nagyari sa Revolution. Ay teka pala, adi baga may nag-prisenta (pisting yawa) na nuun na magbabayad ng lisensyadu at legal na domain name? Mura lang naman iyun ay. Mga ilang dollars lang. Peru wag na rin, de na rin naman talaga kailangan ng ganun.

50.96.88.15.3.9. and counting...

I-sa.
Da-lawa.
Cha!

Limang taun na pala itu. Bilis laang anu. Akalain mu nga naman. Kala ku din dati merun ng lalabas na "Tropangspider Greatest Hits: Anthology of Gibberish Posts and Abstruse Material by Aurora National Science High School Batch 12". Volume one to five. Parang redundant. Greatest Hits na, Anthology pa. So far, wala pa naman. Siguru dahil wala naman talagang hit na post ditu, kung merun man dalawa cha lang din. Isang Greatest Hit per volume. Pwede na rin.

Wala rin naman talagang Autobots at Decepticons sa atin. Minsan, mayrun lang "kami" at  mayruung "kayu". Peru dapat "tayu" lang.

Tropangspider 2.0. Mag-peysbuk na lang tayu.


0 Comments:

blogger templates | Make Money Online