Kagabi ay nakausap ko sa telepono si Betong, Vidson, Ittad, at Ada. By now ay namunawan na malamang si Vidson mula sa kanyang bertdey kagabi. Hehe!
Okay naman ang lahat. Medyu kaunting paglilinaw lang.
Ang Dec. 29 ay Lunes. Ang Dec. 30 ay Rizal day. Pwedeng sa iba ay special non-working holiday ng Dec. 29, pwede ring hinde. Depende sa larangan ng hanapbuhay. Alamin nyu na ngayung week na itu. Kung anu't anuman, mag-file na kayu ng leave.
At gaya nga ng sabi ni Eda nung magkausap kami nung Undas, nakakahiya sa mga nagtatrabaho (nasa loob man ng bansa o hindi) na magli-leave pa para umuwi ng Baler kapag di nai-organize ang Reunion.
Solusyon: Organization.
Bakit? Dahil 34 ang bilang ng graduates ng ANSHS Batch 12. De malaki para mahirapang kontakin. Maniwala kayu sa akin. Pwede ko nang gawan ng theory at i-defend iyan dahil tested ko na, na madali kayung pa-aattendin.
Mula sa info na ginawa nuun pa ni Jeannette , ay madali-dali na ang what/whereabouts na malaman. Bale, i-update na lang iyun at ayos na. May mali pa nga ata sa birthdays duun ay. Kaya itama na lang ninyu.
Ngayon, may petsa na. Venue na lang. Kung may pamilya (asawa't anak/s) or plus 1 (date, katipan o kabit) na dadalhin ang mga aattend ay mas maayos kung sa isang lugar na kakasya ang lahat idadaos ang Reunion.
Itu ay suhestiyun lang. Pwede rin naman na mag-suggest kayu. Kapag nakausap na ni Betong si Roy, baka papasa na sa inyu na sa Bistro Baler ang Reunion. (Masarap ang Lomi Akkaw duun).
Kapag sa Bistro ang Reunion, ay oorder na lang kayu. (Wag sa Bays Inn sa Dec. 29, please lang, dahil magaling na ang bulutung nyu ay de pa nadating ang order sa tagal).
O kaya para sosyalan, gumawa na kayu ng listahan ng ioorder. Baka kasi bigla nyung maisipang kumain ng tulya sa Reunion ay ilista nyu na rin para magawan ng paraan. (Warning: Bago magsimula ang orderan sa venue ay kolektahin na ang ambag, para walang lamangan o isahan, Nabiktima na nuun si Salve sa Bays Inn, hehe!)
Kasya lang ang 34+ duun siguru. Basta mas maganda kung mas maaga ay makausap na at mapa-reserve ang Bistro. Betong, ikaw na ang bahala sa Bistro anu? Forte mo yang inuman places. Wag mo kaming biguin!
Kung sakaling may extra fee kapag ipinasara para masolo ang Bistro, yung sa taas na lang ang ipareserve para masolo man lang yung area na iyun. This November ay dapat may sagot na tungkul sa venue. Tapos ay desisyunan na ng lahat. Mas maaga, mas maganda. Ang mga establishments (kahit rolling store) sa Baler ay busy dahil kumbaga ay peak season ang mga petsang iyan.
Nawa ay bago pumasok ang Disyembre ay may forecast na rin para malaman na kung sino pa ang hindi o malabong aattend. Ang goal ay ang magdiwang o magsaya. At mangyayari iyan kung lahat ay mapapa-attend. Ngayun, kung ang goal ay mapapunta ang mga de madalas umattend, aga-agahan na natin ang pasabi. Target Date ng Imbitasyon: before November 21. Para may higit 1 month pa para makapag-file ng leave ang lahat.
Kapag nakumpleto at na-update ko na ang info ng 34 sa inyu ay isesend ko sa lahat sa email. Basta ba alam ko ang e-mail nyo ay. Madali lang akung mahanap. Wag kayung mag-alala.
Pag naisaayus at plantsadu na ang December 29 (Oras, Place, Budget-sinu ang taya o toka, atbp) tsaka na ifinalize ang dry-run/patikim (before Dec. 29) at Part 2 (after Dec. 29) ng Reunion. Payag lang din aku sa lahat ng iyan.
This week ay ia-update ko kayu sa mga makakausap ko pa. Maaari nyo lang akong itext, smart at globe #s na ang gamit ko ngayun. O kaya ay iwanan ng mensahe sa YM or Friendster. O kaya ay tawagan nyo ako sa landline (paki-kuha na lang kay Vidson or JP ang landline # ko, ayoko i-annouce ditu ay).
So Venue at Contact Info ang i-finalize natin. Next na ang pagkain, inumin, program/sequence ng Reunion, etc. At kung may ambagan man/patak-patak o toka-toka. Ayus? Paano ba yan, belated Happy Birthday sa TropangSpider at kay Vidson! Advance Happy Birthday Jesus na rin sa inyung lahat!
Sunday, November 9, 2008
Tuluy ang Reunion sa December 29, 2008!!!
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Sunday, November 09, 2008
tatak Reunion
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 Comments:
Dito ko na ilalagay mga comments ko at medyo naguguluhan ako sa dami ng comments sa cbox.
Una, salamat sa pag-organize Red! Nd ko alam na may kopya ka pala nung dating contact info chuvanes na inayos ko kuno. Nakita ko nga yun nung ang-ayus ako ng files ko last week at naisipan kong i-try i-update then send sayo, pero syempre nakalimutan ko na gawin.
Mula sa mga comments sa cbox, I think importante nga na 1) kasya lahat, 2) pwede tayo magdala ng inumin sa venue, 3) may pagkain enough sa lahat.
Kung pwede magdala ng inumin sa Bistro at hindi masyado mahal ipasara, ok dun. I like JP's idea na mag-order na in bulk beforehand, para alam na natin magkano at pwede nang mag-set ng amount na kailangan iambag at yun ay ibibigay bago pumasok sa venue- per person. Entrance fee/ambag kumbaga. Ang problema lang dun ay may kailangang magbayad ng advance. Kung may gusto mag-order ng extra, pwede na lang sila mag-order separate at sariling bayad.
Magandang idea din ata yung Training Center, pero kailangan natin magpa-cater. Pero siguro mas mura yung venue mismo, kailangan lang ng konting sounds, etc.
Pasensya at mahaba, yun lang naman ang mga opinyon ko, at wala naman masyadong maitulong sa pag-organize habang andito pa ako. Pero tuloy na tuloy na ito, excited na akong umuwi ay :) 25 days!
ok na ung venue sa bistro.nakausap ku na si roy..kailangan lng ay malaman ang eksaktong darating upang sa ganun ay makapagestimate aku ng dami ng beer na oorderin, ilang crispy pata ang ipapaluto at ilang kilong sisig ang gagamitan ng sizzling plate of course!..kailangan kasi itu para masigurado na atin na ang taas ng bistro..peak season kasi itu ay...basta marami pa din options..basta ang mahalaga, magconfim sa mga invitation...aku na bahala sa sabang girls...
para namn sa roadtrip...itxt nyu lng aku...la lng gustu ku lng din magrelax paminsan minsan...sebo, samahn mu aku ha at baka dukutin ng native si jeannette ay di ku alam sasabihin ku kay jacinto..hehehe
Aus! Kailangan na lang ma-contact mga tao at malaman sinu pupunta para may estimate ng pagkain at ambagan. Wala naman siguro mga maarte sa pagkain kaya pwede kayo na lang na andyan ang mamili. Ang isyu na lang muna ay kung gano kadami ipapahanda at yung advance...
Post a Comment