Isinulat ku ito bilang reply sa request ni kadong sebo noong isang gabi na kung saan ako’y naalimpungatan na kung saan anu daw masasabi ko sa pagbagsak ng AIG at anu daw ang aking opinion sa bail out na nangyari na umaabot sa $85 bilyon o katumbas ng ng kanilang corporate equity na 60%..
Nakputsa, mukhang lihis anu mga abay sa pinaplanung grand reunion con payabangan ang topic na gustu ni sebo pero sige pagbibigyan kita…eto masasabi ko..
Una, Badtrip..at ako’y ginising mu ng wala sa oras..
Pangalawa, it is much better to ask first those who are in the US Territory to give a better insights and first hand information regarding their financial explosion.
Pangatlo, medyu narealized ko na apektado nga din pala tayu ditu sa pinas kasi nga sabi nila pag may sipon ang amerika ay sigurado na trangkaso na ang pinas..
Anyway, medyu na challenged din lng aku kay sebo na sa halip na magsearch sa internet ay mas naniniwala sa aking bias at limitadong opinion tungkol sa mga usaping ganito..
(ay sinu ba yang makapatid na Lehman na yan at ninakaw na yata ang sandamukal na pera ni uncle sam—joke mula sa isang tabloid)
Nga pala, hindi 60% ng Equity ng AIG sebo ang kinuha..79.9% percent pare..
At bagu aku mapalayu sebo, eto na nga pala ung hinihingi mu tungkol dun..(assignment mu bga itu?)
1. It is a new kind of bank run, not by depositor but by investor. (epekto pa din ng subprime mortgage crisis nung first quarter ng’ 08)
2. It was intensified when their credit rating was downgraded which pressured them to come up with more cash, quickly yet they were not able to liquidate their assets( more on collaterals ). .
Actually pare, sabay sabay sana nagiba ang Wall Street kung hindi nakialam ang US government.. Ang makataka lang, bkit AIG lang ang nirescue, bakit hindi ang Lehman Brothers? Bkit hindi ang meryll Lynch? Bkit hindi ang morgan Stanley?
The answer is: AIG is too big to fail….
Just imagine the AIG global reach…o kung itataranslate natin at ng mga nagpi feeling analyst, their geopolitical locations….masyado malaki ang market ng AIG sa madaling salita..at nakaposisyon sila sa mga rehiyon na kung saan malaki ang investment ng US government..at isa ang asia sa malaking market nay un.
Alam mo ba ang kapalit ng bail out na yun ng Ferderal Reserves Bank of NY?
1. collateralized asset ng AIG
2. at itu ang matindi, they had the right to suspend the payment of dividends to AIG common and preffered shareholders…
at kung mamalasin ka nga naman, madami sa mga bangko at ibang financial institution ditu sa pinas ang may investment sa kanila…
at ang makatuwa pa ditu, tinatanga pa tayu ni ambassador cristy Kenney…na hindi lang tayu maapektuhan ng crisis at lalu pa daw magboboom ang industry ng outsourcing ditu sa atin…anu tayu great wall?
O eto na lng muna sebo…busy na ulit ay… icorrect nyu lang pag may nabasa kayu na mali…
Friday, September 19, 2008
when titans fall!!!
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, September 19, 2008
tatak stocks
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Comments:
Post a Comment