first time kong magblog dito (salamat sa mga authors lalo na kay vidson na nagbigay ng password at username, un nga lang subjected pa sa editing nila.. nweis, nakakatuwa lang na after almost 10 years, meron tayong blog na tulad nito na makakapagpaalala ng high school life (kaya lang madrama ata hs life ko).. at akalain mo, ang daming pagbabago sa buhay buhay natin, marami ng may asawa at anak (ung iba hindi mo iisipin na mapapaaga, hehe) pero marami pa rin namang nanatiling single, meron ding kung ilang beses nang nagksyota, meron ding ilang beses nang nabasted, may mga naging babaeng tunay (ewan ko lang kung meron na bagang nagladlad?), may nangibang bansa, at ang iba nagpapakadalubhasa pa rin sa pagaaral.. wheww! daming nangyari... sa mga teachers kaya natin marami na ring nagbago? ganun pa rin kaya ang kulay ng lipstick ni mam montes o baka naman mas gusto n nya ng red ngaun kesa sa shining shimmering na purple.. si sir cabanayan kaya, kulay blue pa rin kaya jogging pants nya with matching malaking patch sa gitna.. si sir domingo? (hala kayo! ano iniisip nyo ha?) pero personally maganda experience ko dyan kay sir domingo during our math class-2nd year kasi nasa taas na tayo nun, sabihan ba naman akong 'next time shiela, matuto kang kumain ng buto ng citrus!' kakahiya, pero pinagaralan ko namang lunukin ang buto pati nga buto ng santol ngaun nilulunok ko na.. si ms.cahilig? (ano kayang nangyari kay papa derek nya-tama na nga baga?) ang huling sabi nina betong nakita daw nila nagtitinda ng barbecue (totoo?)... at si mam querijero, na nagbansag ng 'bay' kay francis (haha! naalala ko tuloy kung bakit)..
since trial naman ito, tingnan ko kung ipopost talaga ng mga tunay na authors, ala na rin daw kasi silang maipost, at ung ipinangako kong mga pictures hindi ko akalain na nakapost na rin sa friendster ni jeannette, kunwari pa ung babaeng un, ayaw daw magfriendster, pero nung nasimulang magfriendster kulang na lang pati picture ng mga ninuno nya ilagay nya sa profile (tingnan nyo mageenjoy kayo sa profile nya)..
sige hanggang sa muli, marami pa akong ipopost (humanda ung mga nangapi sa akin noon, bwahaha! bawi-bawi lang yan).. merry christmas sa inyong lahat!
Thursday, December 27, 2007
let me try...
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, December 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Comments:
Post a Comment