Friday, October 31, 2008

isang silip muna sa dilasag...patikim kumbaga....


eto ay kung matutuluy sa planung roadtrip...saka sa ganda ng panahon ng pagpunta natin..peru wag mag-alala, at tinxt ku na si lord na pasikatin pansamantagal si haring araw sa pagpunta natin...sana matuluy anu nga jeannette? so far ang confirm na ditu ay ang magasawang barcenas na nagfile na kaagad ng leave para ditu...basta tuluy kahit saan ang mapgusapan...uwian na kasi kayu!!!

Ganitu na lang...(Betong Knows Best!)

Base sa mga messages sa chatbox, December 29, 2008 na nga ang tentative date ng ating pahambugan. Tutal gustu din naman ni Jeannette mag-beach, may suggestion si Bets na sa Dilasag daw tayu mag-pahambugan. Madami daw kilala si Betong sa Dilasag, kaya de na problema ang logistics. Kung saang lugar iyun ay de ku alam. Peru de naman siguru tayu hihiyain ni Betong o gagawin lang na pain para sa mga pating. Mistulang boracay daw ang lugar at mga banagan daw ang mga pagkain (peru huhulihin pa yata yung banagan). Peru de lang naman si Betong at Jeannete ang Batch 12 kaya pagbobotohan pa kung matutuluy ang naturang planu. Sa tutuu lang gustu ku din iyun marating. Si Betong ay hambug sa tutuung buhay peru pagdating sa mga pagrerekomenda ng pagkain o lugar na pwedeng pacpicnican/pagrelaxan ay de pa siya pumapalya. Mabuhay ka Betong! Kaya itu ang nakikita ku na pwedeng mangyari:
1. Tuluy na tuluy na talaga ang pahambugan natin!

At itu naman ang posibleng mga planu:

Plan A. One Night only- isang gabi lang ang magaganap na pahambugan at malamang mangyari itu sa December 29, 2008.
Plan B. One Night Only, Picnic (sa falls, sa swimming pool ni Jay, cemento, dicaloyongan, dela torre beach, anywhere) Kinabukasan- malamang na bitin ang isang gabi kaya dapat may picnic pa kinabukasan.
Plan C. Roadtrip (kuno) sa Dilasag-medyu mabigat ang planu na itu, peru uulitin ku na, sagut na daw ni Betong ang logistics.

Yung mga nasa Baler at uuwi sa Baler para sa Undas bukas, iminumungkahi ku na mag-inum kayu bukas pagkagaling sa sementeryo at gumawa na ng initial na planu, libre daw ngayun sa lungga ni pareng Kaddo.


Tuesday, October 28, 2008

Pahambugan Update

Bagu ang dry run (ayun kay Markus, peru de pa din itu kumpirmadu) sa undas, update muna tayu sa pahambugan. Madami na ang mga siguradu na pupunta. Peru una munang isesetlle ay ang date/petsa/araw. Isa lang ang date na sinuggest, so far, at itu ay December 29, 2008. Sa mga de payag sa December 29, 2008, pwede pa kayung umapela. Mamili kung anung date ang gustu:

a) December 27, 2008- Birthday itu ni Kaddo, sabi niya wag daw sa araw na itu.
b) December 28, 2008
c) December 29, 2009
d) December 30, 2008
e) December 31, 2008
f) Bagung Taun
g) Three Kings


Kung kulang ang isang araw sa reunion, pwede natin itung gawing 2-3 days. Pwede tayung mag-camping/overnight sa dicasalarin o kahit saan mapagkasunduan. Iyun ay kung gustu lang naman ninyu. O kung ayaw nyu naman ng camping, sa luub ng 2-3 days, pwede tayung mag community service sa Sabang. Mamimigay tayu ng regalu at mag kakaruun ng variety show. De kaya sportsfest, para bonding tayu lahat o quiz bee para pahambugan talaga. Teka. medyu magulu na.

I-settle na lang muna ang date (o dates), tapus ang venue na ang susunud, tapus ang contribution, tapus ang mga premyo para sa kahambugan. Itu naman ang listahan ng mga nagparamdam na sasama at kung anu ang sagut nila:

1. Aku - Kwento na madami!
2. Kaddo - Case case daw na beer!
3. Jopay - Mga mamahaling inumin na galing sa states (o sa Duty Free) Tulad ng Johnny Walker, etc.
4. Jeannette - Kanta na non-stop
5. Betong - Venue mu baga bok?
6. Joe - Security
7. Eda - Nag commit na organizer at umayaw
8. Bee -
9. Bay -
10. Markus -
11. Shiela -
12. Mirasol -
13. Onad -

Si Shiela, Mirasol at Onad ay nakakausap ku paminsan minsan through YM. Sila naman ay nagpakita ng interes sa gaganapin nating pahambugan. 13 na ang medyu siguradu, tapus isama na din natin sila Abie, Janette at Daisy na nasa Sabang lang naman. Bale 16 na. Syempre, kasama di si Jed, na siguradung tutulung sa pag-oorganize ng ating pahambugan, saka si at Wiwin at Gerard.

O hala! Tuluy na tuluy na itu! Botohan na sa petsa!



Thursday, October 23, 2008

ANSHS Official Website

Ayun na website na itu, na natagpuan ni Jopay the Eunuch, itu daw ang Official Website ng Aurora National Science High School. Parang nasa beta mode pa lang ang website at de pa masyadu kumpletu ang rekadu. Kapansin-pansin din na Batang Ansci lang ang pamagat, kaya siguru de kasali sa listahan ng mga estudyante ang mga Galing Ansci. Parang medyu distorted din ang mga image (tingnan ang Faculty and Staff tab) at de na pinagkaabalahan na i-edit sa photoshop, o talagang ganun na ang itsura nila after more than ten years? Marahil ay masyadung na-excite ang mga web master ng site na itu kaya parang minadali ang site. Ayun din sa site, ang mga web masters (tingnan ang Who to Contact tab) ay sina Mam Jennifer T. Virey, ICT Coordinator at Richard C. Caraig, aka "Ittad". Si Ittad ay dating driver ng tricycle nuung panahun na tayu ay nakikipagsapalaran pa sa ANSHS. Natutuwa aku at medun na palang official website ang ating alma mater. Peru bilang dating estudyante na galing sa isang paaralan na tinitingala ng nakararami,medyu disapointed aku sa naturang site. Naalala ku lang nung isang taun (November 2), nung nagkaruun ng Grand Alumni Homecoming ang mga Galing Ansci, madami ang bumoto para magkaruun ng website sa halip na Silver Jubille Book (o yearbook). Naging pahambugan na din ang kinalabasan nag nabanggit na pagtitipun. Bagamat, de kami nag-pledge at nagcommit na kami ay mag-aambag sa anumang mapapagkasunduan na proyekto, de na din kami nakipagpahambugan kung magkanu ang dapat na contribution, sa halip, nanginain na lang kami at naglasing. Tanung ku lang, itu na baga ang napagkasunduan na website (o may napagksunduan baga nung gabi na iyun, nalasing kami ni betong nun ay)?

De po sa pinupulaan ku ang Official Website ng ANSHS, peru sa palagay ku dapat pa itung i-refine. De din po aku web developer o ICT expert, peru de na din siguru kailangan maging ganun aku para makita at mapansin ang kakulangan nitu. Itu po ay sarili ku lang na opinion at de kasali ang mga ka-batch ku ditu.

Ganunpaman, pinapanawagan ku na suportahan natin ang site na itu. Medun pa namang kwartu para sa pagpapabuti (room for improvement) upang maging mas kaaya-aya itu.

At sa wakas, nalaman ku na din ang tutuung pangalan ni Mang junior.

Vidson

Wednesday, October 22, 2008

Pasa

Dalawang alumni ng Ansci ang medyu humaba ang pangalan. Batiin ku lang utol ku, si Diane, CPA na ang lintik, oath taking na lang ang kulang, saka si Alking, pinsan ku, Engr. na si loko Magkasunud silang nag-exam ngayung October lang at sila ay pinalad na pumasa sa unang pagtatangka. Sana ay magkatrabahu na sila bagu magpasku, para may pang-ambag aku sa ating pahambugan.

Monday, October 20, 2008

Pausu (ulit)

The boredom and no longer read that others, iipunin ku ngayun beginning that the message to Chatbox. Flick only to read ninyu itu. Simulation-kunwarian only pausu itu. Limitadu only able to gather the Chatbox we are, panu ta free iyun. Sabagay, do not turn ditu application with payment. Under the brand post read, you itung paglibangan. Kayu also think that to the right, isisingit ku duun the link papangalanan if "Chatbox Messages Archives".

the pen of Aurora National Science High School and Batch12 Monday, October 20, 2008 0 say they brand

Background kwento: Habang nagpapaantok ay naisipan kong i-try i-link yung Facebook profile ko dito sa tropang spider, kaya nag-Google-Google ako ng "Jeannette Lumaban Facebook". Lumabas sa search results ang tropang spider, with note "Translate this Page". Na-curious naman ako at ito yung version nila nung latest post. Dahil naaliw ako at dahil hindi pa din ako makatulog, pinost (?) ko yung translated version ulit. Mahirap nga naman i-translate ang Akaw :)

Pausu

Sa mga inip na at wala nang mabasa na iba, iipunin ku na simula ngayun ang mga message sa chatbox. Pitikin lang itu para mabasa ninyu. Kunwa-kunwarian lang na pausu itu. Limitadu lang ang kayang ipunin ng chatbox natin ay, panu ta libre lang iyun. Sabagay, wala namang application ditu na may bayad. Pag wala pang bagung post na mabasa, pwede itung paglibangan. Tingin na din kayu sa bandang kanan, isisingit ku duun ang link na papangalanan kung "Chatbox Messages Archives".

Thursday, October 16, 2008

With Great Power, Comes Great Responsibility

Sa Pilipinas, ang October ay National Children's Month at Women'sMonth. Wala lang, kaunting information campaign lang. Buwan din ng Oktubre nang isilang ang "Tropangspider", na may sub-title na "blog nila betong, sol, vidson at pati na rin si jay at kupal joe, saka si ando. kasama sina amer,onad,ittad,bay,john paul, mark,be-e'at sherwin." Blog title pa lang at description, pamatay na. San ka pa. De ku na sinama yung pangalan ng mga kabatch natin na babai, masyadu nang "cool" pag isinama pa. Kung bakit tropangspider, naitu ang paliwanag ni pareng Betong.

October 17,2008 nung nabuu itung blog na itu, two columns lang, de ku na din alam kung anung template ang unang ginamit ku, at dahil sa de pa nga aku masyadu maalam magblog nuun, nabura yung kauna-unahang post. Ngayun, medyu maalam na ng kaunti, kaya nabagu na ang layout at medyu madami na ding widgets na wala namang mga kwenta. Minsan ku na ring pinorbahan na i-apply sa google adsense itung blog, para kahit panu, may revenue at may pakinabang naman, na dis-approve, de daw maintindihan ng google ang mga salita, tagalug ay, dapat daw english. Masyadu tang mahaba yung terms and conditions ng adsense ay, de ku na binasa, english pati, de ku masyadu maintindihan, kaya ganun ang nangyari.

Figures,Dates, Links, Statistics and More:

Simula nung mailagay ang "tigabilang ng nadalaw" nuung February 1, 2008, malapit nang mag-9000 ang visitors ng tropangspider. Ang range ng average visitor per day ay mula 0-30 visitors (tama baga, range ng average visitor o average range ng visitor, at teka, may range pa baga pag average na?).Sa madaling salita, ewan. Pinaka madaming dumalaw ditu nuung, August 9, 2008, 217 visitors lahat, syempre dahil sa biyahilo post na nai-feature sa batangbaler ni kid. Ang naturang post na din ang umani ng pinakamaraming comments, kung isasali pati yung mga comments sa batangbaler, bali 26 comments lahat, 9 ditu plus 17 sa BB.Runner-up ang "isang medyu mahabang kwento" bilang most commented post with 16 comments at itu naman ang pinakaunang comment:
Anonymous said...

vidson, ayos to ah! buti napadpad ako dito.

Jeannette

para sa pangalawang post na documented sa tropangspider blog.

Biglang umulput ang Chatbox nuung February 7, 2008. Nakopya ku itu sa blog nila jed, ay nainggit aku, kaya nag-gawa din aku ng para sa atin. Dahil sa libre lang din gaya ng statcounter, 100 message lang ang kayang ma-store sa chatbox. 21 ang friendster links (pag binawas yung kay jeannete, ilan ang tira?), 128 lahat ang posts,(99% ng post ay walang katuturan),153 comments (na mas walang katuturan), 0 member ang tropangspider community, 4 ang video sa video bar, 10 comments ang nababasa sa "ayun sa kanila", mahigit sampung taun na din tayung gradweyt sa ANSHS, ilan sa atin ang may asawa na, ang iba ay nasa ibang bansa, yung iba naman, nawawala. Umani na din ng ilang (kunya-kunyarian na) award ang tropangspider, at de din maiwasan na ikumpara tayu sa ibang blog na katulad nitu (ehem).
CLASSMATES:

Simula ng ma-embed ang chatbox, halus araw-araw na nating nakakausap ang mga dati nating kaklase na nasa ibang bansa na. Si Jeannette na nasa Houston na busy sa pag-e-experiment sa kanyang mga laruan na daga (gawa ka kaya ng daga na may logo ng Ansci sa mata?), si Sol na nasa Canada at si Jopay na nasa Guam. Paminsan minsan, naultaw din si Jennifer at nagiiwan ng message. Si Be-e at Onad naman, bigla na rin lang nasulput. Ilang araw dig nagbabad ditu si Sherwin at sinamantala ang pagkakataun upang i-promote ang negosyo niya, tapus bigla na ding nawala. Si Eda, nalabas lang pag galit na. Kamakailan lang, nagiwan din ng message si Joe. Nagiiwan lang ng message si Bay pag wala daw ang visor niya. Si Markus, nautlaw pag gustung sungitan si Bay. Si Kaddo masyadung busy, peru de pa din nakakalimut. Dati din tambay situ si Shiela, peru bigla na din siyang naglahu at bihira na din magparamdam. Si pareng Betong, nagmamasid lang lagi, naghihintay ng mga issue na pwedeng pagtalunan. Naligaw na din pala si Salve ditu at nag-iwan ng comment, at kagaya ng iba, na-lost din agad pagkaraan ng ilang araw. Si Ando, minsan na ding nagcomment, peru de na nasundan. Parang napadpad na din minsan ditu si Ittad. Kamakailan lang, na-add ku na si Ate Noreen at Penpen sa friendster, kaya kasama na din sila sa links. Si Abie, de pa din yata maalam humawak ng Keyboard at Mouse, ay apu! Naasa na lang sa mga kwento ni Betong. May Friendster din si Amer, Apple, Wella, Pia at Roselle. Si Mirasol, minsan online, mas madalas de.La nang balita sa iba. nasaan na kaya sila Ilyn, Aileen,Ada,Jericelle, Daisy, Janette at Konny? Sa may mga access ditu, at kayang i-link kung sinuman sa ating mga kaklase ang de pa kasali sa link na medung friendster link o ibang links na pwede, i-link nyu na lang da, para mabuu na yung 34.


BANDWITDH EXCEEDED:

Isang taun na simula nang mabuu ang blog na itu. Medyu madami na ding nangyari. Minsan may nadalaw, minsan wala. Minsan sunud sunud ang post, minsan walang post. Minsan madaming bagung message sa chatbox, minsan de madami. Minsan bigla na lang may magagalit, minsan bigla na lang may nagsusungit. Pasensya na sa mga na-ban dati sa chatbox, isang IP address lang ang binan ku, damay ang isang buung area, panu ta ginawa na itung e-bay ni Bee kaya nainip aku. Hanggat may nadalaw ditu, patuluy itung tatakbu (habulin nyu). Hanggat may mga nagbabasa ng post at tumatawa, gagawa pa din kami ng mga post, makatuwa man o hinde, kahit korni na pati. Sa may mga access na maalam ng magpost, ipost nyu lang kahit anung gustu nyu, wag lang porno. Ipaubaya nyu na lang sa akin ang layout, blog design at mga settings, yun na lang ang kaligayahan ku sa buhay ay.

RE-POSTED:

Itu ang paborito kung post, kaya ilalagay ku ulit.



Sigi, kita-kits sa pahambugan!






Tuesday, October 14, 2008

Bagung (lagay) na friendster links

Si Josephine Sindac Andoy at Noreen Escobar ay kasama na sa ating links. Sa kasamaang palad, si Penpen lang po ang may mga larawan, si ate Noreen ay tamad yata mag-upload ng mga pics.

Tuesday, October 7, 2008

Stereotyped Post

Lapit na pala mag-isang taun ang tropangspider, isantabi muna natin yang dyableg na logo na iyan at ang pinaplanung reunion.
Sa nalalapit na birthday ng gagamba, anu kaya kung mag-interview tayu ng ilang mga personalidad kung anu ang masasabi nila sa blog ng tropangspider? Merun kaya silang masasabi o wala?

Malamang ganitu kung ang ating ininterbyu ay may masasabi:

Tropangspider? Akaw, ay iyan yung gangster na ang kuta ay malapit sa puduk, madami na kasu iyan sila. Sila yung mga kabataan na may mga henna tattoo na gagamba sa balikat. Madalas nilang pagtripan yung mga citrus sa malapit sa tulay ng aguang. Pati nga manuk ku nadali nila ay.
- Mang Junior, ANSHS Utility

Ayus itung blog na itu, panalu! Nakakaneut aku ditu ng obrang ilagay sa batangbaler ay. Sana magtagal pa kayu at de masaputan ng mas matapang na gagamba.
- Kidlat, Batangbaler.net

De aku familiar sa tropangspider, anu baga iyun?
- Mam Montes, ANSHS Teacher

Masaya ditu! Walang nag-aaway away at walang nang aaway, de kagaya sa amin! Mabuhay kayu, at happy beerday sa October 17!
- Jed

This blog Sucks!
-
Richard Fuld, CEO Lehman Brothers

Minsang nadalaw ako dito, parang nabasa ko ang pangalan ko? Buhay pa ako, di ko pa kailangan ng replacement! @#$%#$%&&*&^%$%^()()
- Bob Ong

Ay de na aku nadalaw sa tropangspider panu si JP, Betong, Jeannette at Vidson na lang ang nagkakaintindihan, kung anu anu na lang ang pinaguusapan nila, mga de naman importanteng bagay kaya makainip na, nag fe-friendster na lang aku.
- Eda B., Ka batch

Iba talaga pag Galing Ansci, magagaling. Biru nyung nakaisip kayu gumawa ng ganitu. Irerevise ku na ang curiculum ng ANSHS para maisama sa computer subject ang pag-gawa ng mga blog na katulad nitu. By next year siguru, requirement na sa computer subject ang sariling blog ng bawat estudyante.
- Mrs. Laura G. Hulipas, ANSHS Principal

I would like to give credit to vidson for creating this blog. It bring memories of the past. High School life is just a click away. Im just wondrin', can I make a request? Maglagay ka naman ng kahit isang kanta ni Piolo Pascual sa playlist. Tnx.
-Jennifer, Ka Batch

Everytime my husband goes home from work, he immediately sits infront of our PC, checks the tropangspider blog and his ass is glued to his seat for about four hours at a time! He just sits there clicks the refresh tab from time to time, hoping for a new message or a new post! He doesn't even have enough time for me. What a waste of time!
- Adrienne, Asawa ni Jopay

Auz i2, khit mnsan lng aq nakkadalaw d2, msasabi q n msaya ang trpngspdr. Pero sna mlaman natin qng cnu ung ng-tattoo ky vidson o betong yta iun pra maipaghignti nman natin cla, pra anu pa at my tropa, d baga? Kailan n nga ang b-day ng ggmba?
- kiz sa 'bay'hug, Ka-batch

Hinihintay ku lang na may lumapit sa akin at humingi ng tulong para naman makapagbigay ako ng financial support sa tropangspider, dahil naniniwala ako sa kapangyarihan ng information technology sa makabagong panahon. Peru sana naman mag post kayu ng kapakipakinabang na impormasyon tungkol sa ating lugar.
- Hon. Bella Angara Castillo, Governor, Province of Aurora

Ay de baga sa Batch 12 itu ng Science High? Are, ay isama naman ninyu kami sa mga links at Batch12 din kami! Parang kayu na lang ang batch12 niyan ay!
- Onad,Sherwin,Be-e,Noreen, Josephine,Konny,Aby, Ilyn T. at G., Ada, Jericelle,Daisy, Janette

Halu halung reaksyon. Baka maniwala na naman si Bay.

Para kay jeannette

Ayan, binagu ku na ang kulay,base sa suhestyon ni jeanette,mas maganda nga kung pula, itim at puti lang.

Monday, October 6, 2008

Logo na naman!


O, itu, medyu kumpleto na ang detalye, itu na lang gawin natin na official logo. Sana pumayag kayu lahat. Saka na muna yung update sa reunion, medyu matagal pa naman iyun ay, peru siguradu na tuluy na iyun at marami naman na pumayag ay. Da, hanap na tayu ng sponsor para sa t-shirt.

Friday, October 3, 2008

Logo ulit




Medyu may natsambahan na free software kunu na logo maker. Peru pangati lang pala yung free na iyun. Peru kahit panu, nagawan ng paraan at naisahan ku yung free software. Kaya itu, nakabuu ng mga logo. Napagtyagaan ku na mag-copy paste, edit, copy paste ulit at save as. Alin kaya ang mas maganda?O, botohan na, kasali yung ginawa ni pareng sol.

blogger templates | Make Money Online