Tuesday, October 23, 2012

black



"it's very rare for a relationship to withstand the Earth's gravitational pull and where it's going to take people and how they're going to grow. I've heard it said that you can't really have a true love unless it was a love unrequited. It's a harsh one, because then your truest one is the one you can't have forever." - Eddie Vedder

Tuesday, October 16, 2012

tropangspider 2.0

Dati may nagsabi, buhayin daw ulit ang blog. Parang mahirap na kaku. Makatamad na rin ay (na para bagang aku lang talaga ang dapat gumawa ng ikabubuhay ng blog na itu anu). Makatamad lang, de makasawa. At naisip ku rin, it has already served its purpose. Tapus na ang kanyang misyon sa mundu ng internet.

Purpose? Ay syempre, mayruun din naman itung purpose kahit kampat, atab at kunya-kunyarian lang nung itu ay isinilang nuung October 17, 2007.  Anu iyun? Marami. Purposes.

Unang una, syempre, ay yung mag-karuun tayu ng sarili natin na ganitu. Yung iba ay merun, kaya dapat merun din tayu. Gaya gaya, putu maya, pag-laki, bwaya. 

"Identity" daw natin sabi naman ni Jay. Ganun lang talaga siguru. Nung umalis tayu sa Ansci, unti-unti, nakalimutan na din tayu, hanggang sa mabaun na lang sa limut.Gaya ng ibang batch, nilipad na din lang sa ulap na parang usuk ng tsongke ang ating pag-ka-kakilanlan. Parang ganitu lang iyun ay oho:

Year 2042.

Mang Kanor: "Tibay ni Mirasol anu. Grand Slam. Galing tang umarte ay. FAMAS, Gawad Urian, CMMA, FAP, Luna Awards saka yung iba pa. Lahat, hinakut niya. Best Actress talaga siya. Galing ta naman ng pag-kaka deliver niya ng  linya niya na:

"sa likod ng mga ngiti, naroon ang pighati...sa likod ng mga tawa, naroon ang mga luha..."

Iba talaga pag magaling kang artista. Saka bagay talaga niya yung character na Dra. Margarita Holmes. Wala akung masabi sa "Tiktik: The Xerex Chronicles" episode ng Shake, Rattle and Roll XXXIV. Da best talaga."
Aling Nena: "Sinung Mirasol?"
Mang Kanor: "Are, yung ka-batch ni Jennifer. Pinsan ni Irma iyun. Maganda ang buhuk nuun, kulut."
Aling Nena: "Sinung Jennifer?"
Mang Kanor: "Aryo, de mu talaga kilala?"
Aling Nena: "Ay de nga."
Mang Kanor: "Teka, sinu pa bagang mga ka-batch nuun....Sila kwan pala, Jericcelle, Noreen, Pen-Pen, Daisy, Janeth, Aileen, Ilyn, Kony, Ada, Amer, James, Francis saka marami pa iyun sila."
Aling Nena: "Doesn't ring a bell."

Mga tipung ganyan kababaw na usapan. Hanggang sa mapunta na lang sa wala. (No disrespect my friends, alam naman natin lahat na tutuu iyan). Peru subukan mung ikabit sa usapan ang pangalan na "Betong" hala, ay paniguradu, in no time, tukuy agad kung sinu ang tinutukuy. Damay damay na iyan. Betong, Kardo, Sol, Vidson, JP, Joe, Ando, Markus, Onad, Sherwin, James, Francis, It-tad, Amer, Jeannete, Shiela, Pia, Wella, Abie, Roselle, Eda, Salve, Ilyn, Aileen, Apple, Noreen, Kony, Ada, Jericelle, Jeniffer, Daisy, Janett, Pen-pen, Mirasol at Mang Junior.

Pausu lang naman talaga ni Jay yung "identity" na iyun. Basta't kilala mu si Betong, kilala mu na kung sinu ang Batch 12. Period. Sindi na men. Jumbo agad.

Pangalawa, tambayan. Dahil kung may tambayan, madami ang napag-uusapan. Madami tayung na-aalala. Madaming kwento ng mga kalokohan ang masarap balikan kung minsan. Kasama na diyan syempre ang asaran. De mawawala iyan. Ang pikon, laging talu. Nag-mu-mukha lang talagang mayabang/magaling/kala-mu-kung-sinu/arat/sarkastiko yung iba (alam lang namin kung sinu-sinu kami) sa mga posts, comments at sa mga tirada. Peru wala lang iyun, pam-pasaya lang iyun mga banat na ganun. Peru pag si Bay na ang kumana, ay wasak na ang lahat. Wala ka talagang kupas Bay.Ikaw pa rin talaga. You still already. Ibang klase pa rin ang mga tirada mu. Ka-abang-abang lagi. Sobrang tuwa ku nga pag minsan ay, na-e-esprit de l'escalier aku. Ganun katindi ang impact ng mga komento at birada mu men.  Solid. May dating. LOL.

Pangatlu, storage. Imbakan ng mga kwento, alaala, mga kabulaanan, opinion. Yun nga lang, marami na rin mga pangyayari at kwento na de na na-idokumento.

At...

Memoir (parang maganda lang pakinggan at basahin itu kaya dapat kasama).

Saka may Peysbuk Peyds na rin naman tayu ay, maigi na lang na tumambay at duun na laang mag-oronan at mag-bulaanan.

On the contrary...

Bakit pala bubuhayin, ay de naman namatay?
Nag-hingalu lang.
Naghibernate.
Tinopak
Nabagtit.
Nautu.
Naflip.
Naghintay sa wala.
Naging birthday blog.
Naging Pacquiao blog.
Naging NBA blog.
Nakidalamhati sa masaklap na pagkatalu ng Boston Celtics nuung 2010 NBA Finals.
Nakipaglaban, nakipagtunggali, nakipagtuus at tinalu ang mga jejemon.

Saka de lang pala talaga itu mamamatay, maliban lang kung mag-shutdown o mag-pabayad ang blogger.com. O mag-katutuu yung nagyari sa Revolution. Ay teka pala, adi baga may nag-prisenta (pisting yawa) na nuun na magbabayad ng lisensyadu at legal na domain name? Mura lang naman iyun ay. Mga ilang dollars lang. Peru wag na rin, de na rin naman talaga kailangan ng ganun.

50.96.88.15.3.9. and counting...

I-sa.
Da-lawa.
Cha!

Limang taun na pala itu. Bilis laang anu. Akalain mu nga naman. Kala ku din dati merun ng lalabas na "Tropangspider Greatest Hits: Anthology of Gibberish Posts and Abstruse Material by Aurora National Science High School Batch 12". Volume one to five. Parang redundant. Greatest Hits na, Anthology pa. So far, wala pa naman. Siguru dahil wala naman talagang hit na post ditu, kung merun man dalawa cha lang din. Isang Greatest Hit per volume. Pwede na rin.

Wala rin naman talagang Autobots at Decepticons sa atin. Minsan, mayrun lang "kami" at  mayruung "kayu". Peru dapat "tayu" lang.

Tropangspider 2.0. Mag-peysbuk na lang tayu.


Thursday, October 4, 2012

mam at ser



Ang world teacher's day pala ay annual event simula nung 1994 pa.


World Teachers’ Day, held annually on October 5th since 1994 - when it was created by UNESCO - celebrates teachers worldwide. Its aim is to mobilise support for teachers and to ensure that the needs of future generations will continue to be met by teachers.

Bakit parang nung high school tayu ay wala lang ganitu? O nagdidiwang din tayu nuun? De ku matandaan.

Dahil sa araw naman ng mga naging teacher natin nuun, na halus lahat sa kanila ay teacher pa din hanggang ngayun, maigi laang na alalahanin natin sila ngayun.

Sa mga naging titser po namin nung high school, de lang po sa mga pagkakataung itu namin kayu naaala. Madalas po kayung bida at pulutan sa aming mga kwentuhan at inuman. Sa luub po ng apat na taun nating pagsasama sa ANSHS ay marami po kaming natutunan sa inyu. Hayaan po ninyung alalahanin muna namin ngayun ang ating mga pinagsamahan sa luub ng apat na taun na iyun, at syempre para pasalamatan na rin po kayu…

Simulan po natin:


Kay Mam Bitong:
For four long years, you never let us down Mam. You never let us down. And if Kurt Cobain was never born at all, one of us might have written and be credited to a song titled “Smells Like Teen Spirits”, with a different perspective and meaning, of course.

Once in our life, you made us believe that we really can sing. And we have to thank you for that.

Too bad, it ended all too soon.

 Kay Mam de Guzman:
Matagal tagal din po na naming naging paborito ang kulay na green.
Ngayun po ay naiintindihan na namin kung bakit po laging mainit ang ulu ninyu tuwing kayu ay papasuk. Salamat po dahil sa murang edad ay natutunan na namin na pwede mu palang ibuntun sa iba ang galit mu sa iba.

Yun lang po.

Kay Mam de Mesa:
We are very (sobrang)  grateful to you for teaching us how to write and utter properly the word, depot, genre, bourgeois, bourgeoisie, senator, chauffeur, rendezvous and many others words that  we cannot even use in  constructing a sentence or even know their very existence. Why should we be thankful? You might ask. Because, well, we really, really look and sound extraordinarily smart when pretending to be a bourgeois whilst trying to a get into a girl's pants and talking about every music genre out there. Or arguing about Senator Sotto’s knowledge, or the lack of it, about plagiarism. Plagiarism. Hey, even Senator Sotto’s chauffeur can explain this, right?

Works most of the time Mam. And the song “Release Me” always comes in handy. I think you know what we mean by now. You were the very first one who taught us on how to read between the lines anyway.

What is essential is invisible to the eye. And sometimes what is “essential” is as near as it gets, on plain sight. You just need to look forward, and roll your eyes down. Damn.

Kay Sir Cabanayan.
Sir, sinisisi ku po kayu. Opo, sinisisi.
Uulitin ku po, sinisisi ku kayu.
Uulitin ko…
Uulitin ko…
Uulitin ko…(basahin o bigkasin ng mabilis)
Sinisisi ku po kayu…
Bakit ku po kayu sinisisi? Kung de ku po nakita at ginaya ang pagdribol ninyu ng bola ng basketball ay malamang nasa PBA pa po aku ngayun, naglalaru, at hinde sana si Rudy Lingganay ang back-up point guard ng Global Port. Mali po pala na lampas balikat ang pagdribol ng bola ng basketball, madali po kayung maagawan pag ganun.

Peru salamat na rin sir dahil sa inyu, ilang linggu din na araw araw ay naririnig naming ang kantang “Eye of the Tiger”. Natutunan po namin ang sinawali, redonda, redondo, abanico at kung anu- anu pang fundamental strikes sa  Arnis. Nakalimutan nyu lang po yatang banggitin na pag may baril ka ay de mu na kailangan na  matutunan ang mga ganung bagay.

At ayus din po palang tingnan sir pag naka-jogging pants ka tapus medyu,bakat.


Kay Mam Domingo:
Kung kailan po kami tumanda ay saka lang namin naisip ang implikasyon sa buhay naming ng mga turu at aral ni Gat. Jose Rizal. Kung nakinig po pala kami sa inyu dati, ay bayani o pop-po na po siguru ang halus lahat sa amin. Peru sinu pa baga ang gustung nagging bayani sa mga panahun ngayun?

Mam Domingo, ay napaka-bait po ninyu.

Kay Sir Gemo:
De pa po namin kayu titser nuun, ay madami na kaming naririnig na magagandang balita tungkul sa inyu. Alamat na kumbaga. Kayu po ang pinaka cool at pinaka simpleng titser namin nung high school. “Be cool” sabi nga ni John Travolta. Malaking pasasalamat po ang pina-aabut namin sa pagsambut ninyu sa iniwang responsibilidad ni Mam Cahilig. Ang balita po nuun ay, tinanggihan ni Sir Cabanayan ang pagtuturu ng Physics at Chemistry dahil kailangan daw po niyang mag-concentrate sa pagtu-turu ng isa pang Physics - Physical Education. Ano po ang pakiramdam ng second option? Lalu’t obvious naman na obvious talaga?

Sir Gemo, isa po kayung ulirang titser.


Kay Mam Cahilig:
We never did blame you Mam. We never did blame you for leaving us so soon with a stack of unsolved molecular equation of biblical proportion, not even our smartest classmate can crack.

Ok, that’s an overstatement.

 I know two or three of them who can solve whatever problem or equation you write on those green boards. And one of them likes to say “bobo lang aku”.

Kung bobo pala siya, anu na kami?

Teka, balik tayu kay Mam Cahilig.

Have you ever wondered why we find it irresistible to chat with you in your small room near the laboratory? We were never interested about that heat loss and heat gain thing, or how carbon dioxide would react when mixed with metampethamine hydrochloride, etc. etc. Here’s the truth: back then, Peter North is already a legend, Samantha Mudd is an up and coming star and Kaye Parker was simply amazing. Mga brad, paki paliwanag nga ng mas maayus.

And just like that, you were gone. That was a premature departure Mam. And you took all our fantasies with you. It’s only now that we realized who really is to blame: kcired. I think he is also the mastermind behind that stupid molecule themed Christmas lanterns project that we made. Thanks but no thanks, Derick.

But like they say, time heals all wounds. We can always reconcile and make up for the lost times.

Mam, salamat po sa cleavage.


Kay Mam Querijero:
Sa inyu po namin natutunan kung panu bumyahe ng libre papuntang Mactan para sa laban ng tropa ni Lapu-lapu at Magellan. Nagagamit pa din po namin hanggang ngayun ang trick na itinuru ninyu pag kami ay nasa alapaap.

Kayu po ang ultimate definition ku ng Guru. Authoritative. Parang manga-ngain ng estudyante. Pag pula pula. Ang itim ay itim. Ay kahit po siguru si Magellan ay tatakbu pag kayu na ng nag-salita at nagalit na. Peru wala po talagang currency na de napipilas. Pilasable po lahat iyun sila kahit saang bansa pa nanggaling.

Ganun pa man, inyu pong nilinang at pinayabong ang mga kaartehan na matagal ng natutulug sa aming katawan. At tinuruan nyu po kaming umarte ng mas maarte pa.

Idol po namin kayu Mam!


Kay Mam Montes:
Ang paborito ng lahat.
Short curly hair. Violet lipstick. A very good sense of humor. And everything in between. Linguist pa. San ka pa! Ikaw po ang definition namin ng “The Perfect Teacher”.  Kung may mas pe-perfect pa po sa inyu, aywan na lang. Ayawan na po pati pag ganun.

Inamin naman na po ni JP na siya yung nag-sabi ng “Ah Tanga Ka” ay di baga? Peru de po patungkul sa inyu iyun, patungkul po sa sinasabi ninyu. Malaki po ang pag-kakaiba nuun Mam, at namis-interpret nyu lang po. Humihingi po aku ng pasensya sa bagay na itu, in behalf of JP, sorry po Mam. Peru teka, namis-interpret nga lang po pala ninyu ang buung sitwasyon.Nevermind.

Tweny, Itlic.Pitza. Mam Mones.

Sobrang Thank You po Mam! Kayu po ang lubus na nagpasaya sa amin sa apat na taun naming pamamalagi sa ANSHS! Mabuhay po kayu!.

Ay teka, nahuli na po baga si Armando Carruso?


Kay Mam Adeva:
Baby oil, petroleum jelly o latik po yung gamit ninyu? At saan po kayu nakuha ng murang supply ng Chin Chun Su? Biro lang po Mam!

Mahal lang po namin kayu dahil bukod sa Tita po kayu ni Wella ay napakabait at napakagaling din po ninyung titser.

Maigi naman na po pala at may uniform na ang Smile Club ngayun anu po? Pinagbotohan po kaya yung kulay ng t-shirt na ginamit duun?

Kay Mam Picart:
It is indeed the survival of the fittest Mam. Literally, and figuratively.

Honestly, I never thought that you would survive (pun intended).

But look at you now, still standing.

Proud as ever.

You embodied the very definition of that Herbert Spencer phrase.

Kayu po ang tinuring namin na Nanay, nung kami po ay nag-aaral pa sa ANSHS. Dahil diyan, maraming salamat po Mam Picart.

Kay Mam Hulipas:

At Syempre

Mang Junior, ikaw lang po ang nagpatunay sa amin na ang pag-dadamu at pag-babatu ay isang marangal na trabahu! Mabuhay ka po!

Sabi nga ni po ni Dolphy, hindi ko ito narating na mag-isa. Ganun din po ang gustu naming sabihin sa inyu. Malaking bagay po ang naitulung ninyu sa amin. Dahil kung de po ninyu kami pinasa nung high school, de po kami makakapag-college.

Mam, Ser, maraming maraming salamat po!

blogger templates | Make Money Online