Monday, December 31, 2012

api nyu yir


January 9, 2012 nung i-share ni Pareng Betong ang isa sa mga antiques ni Mam Nida Montes. Ayun sa balita:

"ninakawan daw si ms. montes...kung dati eh espasol at kidya lng ng pansit ang ninanakaw eh mas madami daw ngayun, medo nglevel up na daw ang kawatan..pero meron syang suspek ayon kay imbestigador Ewad mendoza..ayon kay montes eh nagngangalang Eduardo Carrasco ang nanloob sapaglat nag-iwan ito ng ebidensyang panyo..ng tingnan ni PO3 mendoza ang nasabing ebidensya ay bigla itong napabunghalit ng tawa..ang tunay na pangalan pala ng tinuturing ni montes na suspect ay ARmando Caruso...@#!$!....tangina this...:)"

Mga ganitung tipo ng kwento ang mag-papabuhay sa dugu mu lalu na kung problemadu ka sa trabahu/buhay/lablayp, wala ka ng pera, talo ang team mu sa NBA, may hangover pa at wala kang load na pang text. Tangina This! talaga.

Isang taun na naman pala ang lumipas. Kanina ku lang ulit nakita si Leila Barros, may facebook page din pala siya. At kanina ku lang ulit naalala na kaya pala aku nahilig sa volleyball ay dahil sa kanya.

Isang makabuluhang taun na naman ang dumaan sa ating buhay. Isang makabuluhang taun na naman ang sasalubung sa atin. At kung su-suwertehin tayung lahat, sa isang taun, isang makabuluhang taun na naman ang muling sasalubung sa ika-tatlumpu at tatlung pag-kakataun sa atin (ika-tatlumpu at dalawa lang sa iba).

2012.

Namatay si Karl Roy, si Bodjie ng Bodjie and the Law of Gravity, Geneviere "Bong" Pascasio ng Grin Deparment,  Dolphy, Jesse Robredo,Whitney Houston, Direk Celso Ad Castillo at Marilou Diaz Abaya at ilang daang mga kababayan natin na biktima ng Bagyong Pablo at Bagyong Quinta sa katimugang parte ng ating bansa.

Si Bruce Wayne, buhay lang pala.

Unti unti ng nauubus ang mga kasamahan ni Rick Grimes, peru nadadagdagan din naman.

Natalu si Pacman kay Dinamita, na-impeach si Renato Corona.

Nagkalat at nagbakasyon ng maaga ang Petron Blaze Boosters sa kasalukuyang PBA All Filipino Cup na sinabayan naman pagpa-pariwara ng Boston Celtics sa NBA.

Nag-champion na rin sa wakas si LeBron James at Cris Bosh, ganun din ang Rain or Shine Elasto Painters sa kauna unahang pagkakataun.

Kung de pa nagwala si Claudine Barreto sa NAIA Terminal 3, parang de mu na rin malalaman na nag-eexist pa pala siya, at matapang pala talaga ang Tulfo Brothers, lalu't alam nila na marami ang nanunuud sa kanila.

Si Palparan, de pa rin nakikita samantalang si Psy ay kitang kita. Opa Gangnam Style. Aminin nyu na, kasama ku din kayu sa 1 billion viewers niya sa YouTube.

Nagbagu na rin ng trip si Anthony Michael Bourdain.

Sabi ni Vice Ganda kagabi, dati daw ang mga napapatunayan na nagkasala ay sa electric chair pinapaupu, ngayun naman daw sa wheelchair na lang.

Parang wala din lang nangyayari sa Maguindanao Massacre anu.

Binata pa rin si P-noy, samantalang kinasal na si Shalani.

Teka, may mukha na baga ulit si Kabang?

Pinag-aawayan pa rin ang Spratly Islands at de pa rin natatapus ang away ng tech giant na Samsung at Apple.

Napatunayan na din sa wakas ang existence ng Higgs boson, aka "God Particle".

Ang Metro Manila Film Festival ay Metro Manila Film Festival pa rin at Kris Aquino pa rin si Kris Aquino.


Batas na ang RH Bill, Sin Tax Bill, Kill Bill, Ten Peso Bill at de pa rin lifted ang TRO sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

2012.

Ngayung taun ku lang nalaman na kasalanan na pala ng isang babae kung bakit na-rape siya.


Maliban diyan, wala na.

2012.

Nag-birthday na tayung lahat, tumanda na naman tayu ng isang taun, yung Sagada Trip ay parang trip lang talaga, si Bay ay si Bay pa rin, patuluy at de na mapigilan ang pagsikat ng Bubblegoo, long hair na naman si Sol at kinasal na si Jay.


Sa pagpasuk ng bagung taun, itu ang aming handug sa inyu.

Long distance jam with dok Sol.
Two Trick Pony ng Sandwich.


Api Nyu Yir sa inyung lahat.

Monday, December 10, 2012

mommy d

de lang tayu sanay na natatalu si pacman. tapus yung pag-katalu pa niya ay sa paraan na de talaga natin inaasahan.

sa isang suntuk, tulug.

pagkatapus kung panuurin yung hope springs at top plays sa nba.com, natanggap ku na rin na ang masaklap na pagkatalu niya.

lucky punch daw.
de rin.
kung napanuud ninyu yung HBO 24/7, Pacquiao-Marquez IV, tama si pareng Ed Tolentino, kulang na lang mag-tagu si nacho at dinamita sa kuweba para sa laban na nangyari. dedikasyon at focus. ganyan nila sineryoso ang ika-apat na laban.

maugung na ang balita ngayun na dapat nang magretiro si idol.

iba-iba ang opinyon ng karamihan sa isyu na itu.

kung si bob arum ang tatanungin mu, ay birang bira lang ang isasagut niya sa iyu.

kung yung mga conspiracy theorists naman ang hihingan mu ng opinyon, baka sabihin lang nila na pinapalakas lang ng kampo ni pacman ang kumpiyansa ni gayweather para matuluy na ang laban na inaabangan ng lahat, kasama na ang mga boxing gods.

kung mga uring manggagawang pinoy naman, laban, para makaganti tayu at makabawi.

para naman sa mga boxing purists, de ku pa sila nakakausap.

para kay freddie roach, game kung kaya pa, tama na kung talagang de na kaya.

at kung si mommy d?
"tao ang anak ko, hindi hayop!"
syempre, pusung ina, de gaya nung iba na pusung bato.
tama na daw sabi niya.
enough is enough.
peru parang sinasabi niya na tama na dahil:

1. de na niya kailangan pa ng isa pang toyota alphard luxury mini van na may retractable roof, worth approximately P3.5M
2. marami na siyang collection ng hermes bag
3. mahirap mag-pa-palit-palit ng gown sa kanyang birthday party at,
4. mahirap maglinis ng (mga) mansion

si mommy d.




naiintindihan ku naman si mommy d. instinct niya iyun bilang isang ina. kung aku din siya (laking pasasalamat ku na lang din talaga dahil de aku siya) ganun din ang sasabihin ku. "tama na manny, magtigil na ba sa pag-bu-bukseng!"

peru para sa akin, may malalim pa na dahilan kung bakit dapat pakinggan ni pacman ang payo ng kanyang magulang. para na rin sa ikatatahimik ng sambayanang pilipino.

una, tangna, tama na yung makita mu ang commercial ni ellen lising tuwing umaga sa umagang kay ganda, mula lunes hanggang byernes. sa pagkakataun na itu, araw-araw na naman na iinterbyuhin si mommy d para hingan ng opinyon, wait, statement lang pala, naalala ku bigla, si mommy d nga pala yung klase ng tao na de hinihingan ng opinyon. tuwing umaga. mula lunes hanggang byernes, mommy d at ellen lising on national tv! holy shit! itu ang tunay na disaster. dapat talaga, umasal lamang ng ayon sa ganda.

pangalawa, syempre, pagkatapus sa umagang kay ganda, punta siya sa unang hirit kung saan i-inquest ulit siya. then sa news to go. itu naman na ang de makatarungan.
mommy d sa news to go.
mommy d at kara david sa news to go.
mommy d at kara david sa isang screen.oh my!




how disturbing.
okay lang kung si wang od at kara david ang nakikita mu sa isang screen ay. kahit maghapun siguru na ganun.
dapat talaga maging mapili at pihikan na rin si kara sa mga taung kakapanayamin niya.

pangatlu,mommy d sa balitanghali. mommy d sa quick response team. mommy d sa flash report. mommy d sa tv patrol. mommy d sa 24 oras. mommy d sa tonight with arnold clavio. mommy d sa bandila. mommy d sa rated k. mommy d sa umaga. mommy d sa meryenda. mommy d sa tanghalian. mommy d sa meryenda ulit. mommy d sa hapun. mommy d sa gabi. mommy d sa hatinggabi. mommy d bukas. mommy d sa isang araw. mommy d buung linggu. mommy d buung buwan...(fine time ng e-heads sa background)

sa halip na si mercedes cabral ang nakikita mu, si mommy d ang pilit nilang ihinaharap sa iyu.

mommy!

pakiusap lang idol, bagu mapunta sa jimmy kimmel live o sa ellen si mommy d, mag-retiro ka na lang.

papasku mu na lang sa amin.









Saturday, November 17, 2012

parasaiyuabaysabinidongabay

Thursday, November 15, 2012

meredith brooks

This summary is not available. Please click here to view the post.

Wednesday, November 7, 2012

dead.long.ago


Nakita ku duun si Karl Roy, kumakanta ng Puting Ilaw. Nag-request aku. Sabi ku baka pwede niyang kantahin yung Piece of This. Wag daw iyun sabi niya, mas bagay at mas maganda at mas appropriate daw yung F.Y.B. Sigi kaku, birang bira. Naki-jam din si Kiko. Ayus. Isang jumbo stick ng first class na ganja ang sinindihan nila. Ginhawa lang. Binira ni Kiko yung Lab Song. Tapus F.Y.B. ulit kay Karl Roy. Ayaw talaga niyang kantahin yung Piece of This. Kahit yung Panaginip.Paulit-ulit lang na ganun.Tapus bigla silang umalis, tinanung ku silang dalawa habang papalayu sila kung bakit. Naiinip na daw sila.

Naiinip kakahintay kay Pepe Smith at sa The Rolling Stones. Hanapin na lang daw muna nila si Bob Marley. Makatakut  daw si Kurt Cobain ay, laging may dalang shotgun, kaya ayaw nilang ka-jam. Mas lalung ayaw daw nilang ka-jam si Jimi Hendrix, baka madevelop daw sila sa kanya. Makabakla daw ang galing niya sa gitara.

Naiwan akung mag-isa. Sabug pa rin. Wasak ang isip. Lumilipad sa alapaap. Namumula ang mata. Nag-tatanung at kinakausap ang sarili.

Tapus naisip ku, bakit pala aku nanditu? Tangina, patay na aku? Holy Shit…

Peru de…
Teka, humihinga pa pala aku…

Wala na ang tama ng tsongke. Normal na ulit ang pag-iisip. Kailangan ku nang bumalik ulit sa ibabaw ng lupa. May laru yata bukas ang Petron at nasa active list na si Marcio Lassiter. Maglalaru na din daw ulit si Junmar Fajardo. Meralco yata ang kalaban, sila Cliff Hodge at Kelly Nabong.Putangina, may NBA na nga rin pala. At putangina ulit, episode anu na nga baga yung Homeland at The Walking Dead? De ku na nga rin pala na-a-update yung Facebook account ku. Teka, may Facebook pa baga aku? Yung Gladiator pala de ku pa natatapus panuurin. Pati yung The Campaign.  Palabas na rin yata yung Skyfall. Tapus na baga ang World Series? Teka ulit, nasaan ka na pala? Bakit aku lang mag-isa ditu?

Mahirap pala sa ilalim ng lupa, saka pangit din duun pag nag-iisa ka na lang. Madilim, makabingi,  makatakut. Wala pang yosi, wala ding beer. Walang kwenta.

Sa kauna-unahang pag-kakataun sa buhay ku, nag-bungkal aku ng lupa pataas. Parang si Uma Thurman lang sa Kill Bill. Very challenging. Yung mag-bungkal ka nga ng lupa paibaba ay mahirap na, maliban na lang kung may heavy equipment ka,  panu pa kaya yung mag-bungkal ka ng lupa pataas, gamit lang ang kamay mu? Parang binabalikan mu lang yung mga nakaraan mu, hinde para ma-inspire, kundi para saktan ulit ang sarili.

Unti unti, pinilit ku pa ring umahun. Masakit na sa kamay. Puru paltus na.Mahirap na ring huminga. Tamatabun din sa akin yung hinuhukay ku.Parang de ku na yata kaya…

Anu iyun? May tumutugtug. Pucha, Black ng Pearl Jam! Parang gustu ku na lang ulit bumalik pababa…Tang ina ka Eddie Vedder. Leche ka talaga kahit kailan.

Nawala yung tugtug. May naririnig akung iba. Parang si Jeff Van Gundy iyun ah? James Harden. Houston Rockets Vs Boston Celtics sabi niya. James Harden? Ganu na baga aku katagal ditu?

Nauubusan na aku ng hininga. Nauubusan na rin aku ng lakas. Nauubusan na rin ng dahilan. De ku na yata talaga kaya…

Peru may tumutugtug kanina ay. Ibig sabihin, malapit na aku sa ibabaw…
Kaunting tiis na lang.

Pag-bungkal ku ng isa pa, wala na akung makapa.
Puru hangin na lang.
Tagumpay….

May mga sumisigaw sa taas. Peru bakit de nila aku tinutulungan? Malapit baga sila o malayu? Anung sinasabi nila? De ku maintindihan.

Pag-ahun ku, may mga tau nga. Marami sila.

Binilang ku, tatlumpu at dalawa lahat. Tatlumpu at dalawang pamilyar na mga mukha.

May lumapit sakin na isa, tinapik aku sa balikat sabay abut ng beer at jits. May mga nag-sindi at nagbigay din ng yosi, isa-isa lang kaku. Isang box ng chocolate ang inabut ng isa pa, galing daw kay Willy Wonka. Bakit parang may nakita aku na umi-iling-iling? Uh, bakit may bitbit na beatbox yung isang tau, tapus may gitara naman yung isa. At anu iyun nakita ku na hinahabul nung isa, daga baga iyun? Bang! Uh, binaril yung daga? Bakit may baril sila? Yung isa may sinasabi, de ku maintindihan. Parang arabu yata yung salita. Parang napilitan din lang na sumama yung iba. Bakit ganun? May mga nag-te-text, may mga tumatawag. Bakit may naka-jersey ng San Antonio Spurs?

Bakit anditu sila? Anung merun?

Nakahanda na daw yung sasakyan. Aalis na daw kami.

Saan tayu pupunta? Ang tanung ku.

May sumagut, tanga, birthday mu ngayun, mag-iinum tayu.

Panu itu kaku, maamus pa aku, amuy lupa at putik? Okay laang iyan, sanay naman na kami na ganyan ka,sabi nila.

Sumama na lang aku, de na aku nagtanung.

Sa harapan aku ng sasakyan umupu, katabi nung driver. Pagtingin ku sa side mirror, parang may naiwan.

Tapus may nag-tanung sa akin. Kung saan daw aku galing. Punyeta, may nag-tanung pa talaga.


sa daming nawala
malalaman mo pa ba?
kung may naiwan na pagasa
malalaman ko, malalaman ko
malalaman ko pa ba?
- Brain Salad

Tuesday, October 23, 2012

black



"it's very rare for a relationship to withstand the Earth's gravitational pull and where it's going to take people and how they're going to grow. I've heard it said that you can't really have a true love unless it was a love unrequited. It's a harsh one, because then your truest one is the one you can't have forever." - Eddie Vedder

Tuesday, October 16, 2012

tropangspider 2.0

Dati may nagsabi, buhayin daw ulit ang blog. Parang mahirap na kaku. Makatamad na rin ay (na para bagang aku lang talaga ang dapat gumawa ng ikabubuhay ng blog na itu anu). Makatamad lang, de makasawa. At naisip ku rin, it has already served its purpose. Tapus na ang kanyang misyon sa mundu ng internet.

Purpose? Ay syempre, mayruun din naman itung purpose kahit kampat, atab at kunya-kunyarian lang nung itu ay isinilang nuung October 17, 2007.  Anu iyun? Marami. Purposes.

Unang una, syempre, ay yung mag-karuun tayu ng sarili natin na ganitu. Yung iba ay merun, kaya dapat merun din tayu. Gaya gaya, putu maya, pag-laki, bwaya. 

"Identity" daw natin sabi naman ni Jay. Ganun lang talaga siguru. Nung umalis tayu sa Ansci, unti-unti, nakalimutan na din tayu, hanggang sa mabaun na lang sa limut.Gaya ng ibang batch, nilipad na din lang sa ulap na parang usuk ng tsongke ang ating pag-ka-kakilanlan. Parang ganitu lang iyun ay oho:

Year 2042.

Mang Kanor: "Tibay ni Mirasol anu. Grand Slam. Galing tang umarte ay. FAMAS, Gawad Urian, CMMA, FAP, Luna Awards saka yung iba pa. Lahat, hinakut niya. Best Actress talaga siya. Galing ta naman ng pag-kaka deliver niya ng  linya niya na:

"sa likod ng mga ngiti, naroon ang pighati...sa likod ng mga tawa, naroon ang mga luha..."

Iba talaga pag magaling kang artista. Saka bagay talaga niya yung character na Dra. Margarita Holmes. Wala akung masabi sa "Tiktik: The Xerex Chronicles" episode ng Shake, Rattle and Roll XXXIV. Da best talaga."
Aling Nena: "Sinung Mirasol?"
Mang Kanor: "Are, yung ka-batch ni Jennifer. Pinsan ni Irma iyun. Maganda ang buhuk nuun, kulut."
Aling Nena: "Sinung Jennifer?"
Mang Kanor: "Aryo, de mu talaga kilala?"
Aling Nena: "Ay de nga."
Mang Kanor: "Teka, sinu pa bagang mga ka-batch nuun....Sila kwan pala, Jericcelle, Noreen, Pen-Pen, Daisy, Janeth, Aileen, Ilyn, Kony, Ada, Amer, James, Francis saka marami pa iyun sila."
Aling Nena: "Doesn't ring a bell."

Mga tipung ganyan kababaw na usapan. Hanggang sa mapunta na lang sa wala. (No disrespect my friends, alam naman natin lahat na tutuu iyan). Peru subukan mung ikabit sa usapan ang pangalan na "Betong" hala, ay paniguradu, in no time, tukuy agad kung sinu ang tinutukuy. Damay damay na iyan. Betong, Kardo, Sol, Vidson, JP, Joe, Ando, Markus, Onad, Sherwin, James, Francis, It-tad, Amer, Jeannete, Shiela, Pia, Wella, Abie, Roselle, Eda, Salve, Ilyn, Aileen, Apple, Noreen, Kony, Ada, Jericelle, Jeniffer, Daisy, Janett, Pen-pen, Mirasol at Mang Junior.

Pausu lang naman talaga ni Jay yung "identity" na iyun. Basta't kilala mu si Betong, kilala mu na kung sinu ang Batch 12. Period. Sindi na men. Jumbo agad.

Pangalawa, tambayan. Dahil kung may tambayan, madami ang napag-uusapan. Madami tayung na-aalala. Madaming kwento ng mga kalokohan ang masarap balikan kung minsan. Kasama na diyan syempre ang asaran. De mawawala iyan. Ang pikon, laging talu. Nag-mu-mukha lang talagang mayabang/magaling/kala-mu-kung-sinu/arat/sarkastiko yung iba (alam lang namin kung sinu-sinu kami) sa mga posts, comments at sa mga tirada. Peru wala lang iyun, pam-pasaya lang iyun mga banat na ganun. Peru pag si Bay na ang kumana, ay wasak na ang lahat. Wala ka talagang kupas Bay.Ikaw pa rin talaga. You still already. Ibang klase pa rin ang mga tirada mu. Ka-abang-abang lagi. Sobrang tuwa ku nga pag minsan ay, na-e-esprit de l'escalier aku. Ganun katindi ang impact ng mga komento at birada mu men.  Solid. May dating. LOL.

Pangatlu, storage. Imbakan ng mga kwento, alaala, mga kabulaanan, opinion. Yun nga lang, marami na rin mga pangyayari at kwento na de na na-idokumento.

At...

Memoir (parang maganda lang pakinggan at basahin itu kaya dapat kasama).

Saka may Peysbuk Peyds na rin naman tayu ay, maigi na lang na tumambay at duun na laang mag-oronan at mag-bulaanan.

On the contrary...

Bakit pala bubuhayin, ay de naman namatay?
Nag-hingalu lang.
Naghibernate.
Tinopak
Nabagtit.
Nautu.
Naflip.
Naghintay sa wala.
Naging birthday blog.
Naging Pacquiao blog.
Naging NBA blog.
Nakidalamhati sa masaklap na pagkatalu ng Boston Celtics nuung 2010 NBA Finals.
Nakipaglaban, nakipagtunggali, nakipagtuus at tinalu ang mga jejemon.

Saka de lang pala talaga itu mamamatay, maliban lang kung mag-shutdown o mag-pabayad ang blogger.com. O mag-katutuu yung nagyari sa Revolution. Ay teka pala, adi baga may nag-prisenta (pisting yawa) na nuun na magbabayad ng lisensyadu at legal na domain name? Mura lang naman iyun ay. Mga ilang dollars lang. Peru wag na rin, de na rin naman talaga kailangan ng ganun.

50.96.88.15.3.9. and counting...

I-sa.
Da-lawa.
Cha!

Limang taun na pala itu. Bilis laang anu. Akalain mu nga naman. Kala ku din dati merun ng lalabas na "Tropangspider Greatest Hits: Anthology of Gibberish Posts and Abstruse Material by Aurora National Science High School Batch 12". Volume one to five. Parang redundant. Greatest Hits na, Anthology pa. So far, wala pa naman. Siguru dahil wala naman talagang hit na post ditu, kung merun man dalawa cha lang din. Isang Greatest Hit per volume. Pwede na rin.

Wala rin naman talagang Autobots at Decepticons sa atin. Minsan, mayrun lang "kami" at  mayruung "kayu". Peru dapat "tayu" lang.

Tropangspider 2.0. Mag-peysbuk na lang tayu.


Thursday, October 4, 2012

mam at ser



Ang world teacher's day pala ay annual event simula nung 1994 pa.


World Teachers’ Day, held annually on October 5th since 1994 - when it was created by UNESCO - celebrates teachers worldwide. Its aim is to mobilise support for teachers and to ensure that the needs of future generations will continue to be met by teachers.

Bakit parang nung high school tayu ay wala lang ganitu? O nagdidiwang din tayu nuun? De ku matandaan.

Dahil sa araw naman ng mga naging teacher natin nuun, na halus lahat sa kanila ay teacher pa din hanggang ngayun, maigi laang na alalahanin natin sila ngayun.

Sa mga naging titser po namin nung high school, de lang po sa mga pagkakataung itu namin kayu naaala. Madalas po kayung bida at pulutan sa aming mga kwentuhan at inuman. Sa luub po ng apat na taun nating pagsasama sa ANSHS ay marami po kaming natutunan sa inyu. Hayaan po ninyung alalahanin muna namin ngayun ang ating mga pinagsamahan sa luub ng apat na taun na iyun, at syempre para pasalamatan na rin po kayu…

Simulan po natin:


Kay Mam Bitong:
For four long years, you never let us down Mam. You never let us down. And if Kurt Cobain was never born at all, one of us might have written and be credited to a song titled “Smells Like Teen Spirits”, with a different perspective and meaning, of course.

Once in our life, you made us believe that we really can sing. And we have to thank you for that.

Too bad, it ended all too soon.

 Kay Mam de Guzman:
Matagal tagal din po na naming naging paborito ang kulay na green.
Ngayun po ay naiintindihan na namin kung bakit po laging mainit ang ulu ninyu tuwing kayu ay papasuk. Salamat po dahil sa murang edad ay natutunan na namin na pwede mu palang ibuntun sa iba ang galit mu sa iba.

Yun lang po.

Kay Mam de Mesa:
We are very (sobrang)  grateful to you for teaching us how to write and utter properly the word, depot, genre, bourgeois, bourgeoisie, senator, chauffeur, rendezvous and many others words that  we cannot even use in  constructing a sentence or even know their very existence. Why should we be thankful? You might ask. Because, well, we really, really look and sound extraordinarily smart when pretending to be a bourgeois whilst trying to a get into a girl's pants and talking about every music genre out there. Or arguing about Senator Sotto’s knowledge, or the lack of it, about plagiarism. Plagiarism. Hey, even Senator Sotto’s chauffeur can explain this, right?

Works most of the time Mam. And the song “Release Me” always comes in handy. I think you know what we mean by now. You were the very first one who taught us on how to read between the lines anyway.

What is essential is invisible to the eye. And sometimes what is “essential” is as near as it gets, on plain sight. You just need to look forward, and roll your eyes down. Damn.

Kay Sir Cabanayan.
Sir, sinisisi ku po kayu. Opo, sinisisi.
Uulitin ku po, sinisisi ku kayu.
Uulitin ko…
Uulitin ko…
Uulitin ko…(basahin o bigkasin ng mabilis)
Sinisisi ku po kayu…
Bakit ku po kayu sinisisi? Kung de ku po nakita at ginaya ang pagdribol ninyu ng bola ng basketball ay malamang nasa PBA pa po aku ngayun, naglalaru, at hinde sana si Rudy Lingganay ang back-up point guard ng Global Port. Mali po pala na lampas balikat ang pagdribol ng bola ng basketball, madali po kayung maagawan pag ganun.

Peru salamat na rin sir dahil sa inyu, ilang linggu din na araw araw ay naririnig naming ang kantang “Eye of the Tiger”. Natutunan po namin ang sinawali, redonda, redondo, abanico at kung anu- anu pang fundamental strikes sa  Arnis. Nakalimutan nyu lang po yatang banggitin na pag may baril ka ay de mu na kailangan na  matutunan ang mga ganung bagay.

At ayus din po palang tingnan sir pag naka-jogging pants ka tapus medyu,bakat.


Kay Mam Domingo:
Kung kailan po kami tumanda ay saka lang namin naisip ang implikasyon sa buhay naming ng mga turu at aral ni Gat. Jose Rizal. Kung nakinig po pala kami sa inyu dati, ay bayani o pop-po na po siguru ang halus lahat sa amin. Peru sinu pa baga ang gustung nagging bayani sa mga panahun ngayun?

Mam Domingo, ay napaka-bait po ninyu.

Kay Sir Gemo:
De pa po namin kayu titser nuun, ay madami na kaming naririnig na magagandang balita tungkul sa inyu. Alamat na kumbaga. Kayu po ang pinaka cool at pinaka simpleng titser namin nung high school. “Be cool” sabi nga ni John Travolta. Malaking pasasalamat po ang pina-aabut namin sa pagsambut ninyu sa iniwang responsibilidad ni Mam Cahilig. Ang balita po nuun ay, tinanggihan ni Sir Cabanayan ang pagtuturu ng Physics at Chemistry dahil kailangan daw po niyang mag-concentrate sa pagtu-turu ng isa pang Physics - Physical Education. Ano po ang pakiramdam ng second option? Lalu’t obvious naman na obvious talaga?

Sir Gemo, isa po kayung ulirang titser.


Kay Mam Cahilig:
We never did blame you Mam. We never did blame you for leaving us so soon with a stack of unsolved molecular equation of biblical proportion, not even our smartest classmate can crack.

Ok, that’s an overstatement.

 I know two or three of them who can solve whatever problem or equation you write on those green boards. And one of them likes to say “bobo lang aku”.

Kung bobo pala siya, anu na kami?

Teka, balik tayu kay Mam Cahilig.

Have you ever wondered why we find it irresistible to chat with you in your small room near the laboratory? We were never interested about that heat loss and heat gain thing, or how carbon dioxide would react when mixed with metampethamine hydrochloride, etc. etc. Here’s the truth: back then, Peter North is already a legend, Samantha Mudd is an up and coming star and Kaye Parker was simply amazing. Mga brad, paki paliwanag nga ng mas maayus.

And just like that, you were gone. That was a premature departure Mam. And you took all our fantasies with you. It’s only now that we realized who really is to blame: kcired. I think he is also the mastermind behind that stupid molecule themed Christmas lanterns project that we made. Thanks but no thanks, Derick.

But like they say, time heals all wounds. We can always reconcile and make up for the lost times.

Mam, salamat po sa cleavage.


Kay Mam Querijero:
Sa inyu po namin natutunan kung panu bumyahe ng libre papuntang Mactan para sa laban ng tropa ni Lapu-lapu at Magellan. Nagagamit pa din po namin hanggang ngayun ang trick na itinuru ninyu pag kami ay nasa alapaap.

Kayu po ang ultimate definition ku ng Guru. Authoritative. Parang manga-ngain ng estudyante. Pag pula pula. Ang itim ay itim. Ay kahit po siguru si Magellan ay tatakbu pag kayu na ng nag-salita at nagalit na. Peru wala po talagang currency na de napipilas. Pilasable po lahat iyun sila kahit saang bansa pa nanggaling.

Ganun pa man, inyu pong nilinang at pinayabong ang mga kaartehan na matagal ng natutulug sa aming katawan. At tinuruan nyu po kaming umarte ng mas maarte pa.

Idol po namin kayu Mam!


Kay Mam Montes:
Ang paborito ng lahat.
Short curly hair. Violet lipstick. A very good sense of humor. And everything in between. Linguist pa. San ka pa! Ikaw po ang definition namin ng “The Perfect Teacher”.  Kung may mas pe-perfect pa po sa inyu, aywan na lang. Ayawan na po pati pag ganun.

Inamin naman na po ni JP na siya yung nag-sabi ng “Ah Tanga Ka” ay di baga? Peru de po patungkul sa inyu iyun, patungkul po sa sinasabi ninyu. Malaki po ang pag-kakaiba nuun Mam, at namis-interpret nyu lang po. Humihingi po aku ng pasensya sa bagay na itu, in behalf of JP, sorry po Mam. Peru teka, namis-interpret nga lang po pala ninyu ang buung sitwasyon.Nevermind.

Tweny, Itlic.Pitza. Mam Mones.

Sobrang Thank You po Mam! Kayu po ang lubus na nagpasaya sa amin sa apat na taun naming pamamalagi sa ANSHS! Mabuhay po kayu!.

Ay teka, nahuli na po baga si Armando Carruso?


Kay Mam Adeva:
Baby oil, petroleum jelly o latik po yung gamit ninyu? At saan po kayu nakuha ng murang supply ng Chin Chun Su? Biro lang po Mam!

Mahal lang po namin kayu dahil bukod sa Tita po kayu ni Wella ay napakabait at napakagaling din po ninyung titser.

Maigi naman na po pala at may uniform na ang Smile Club ngayun anu po? Pinagbotohan po kaya yung kulay ng t-shirt na ginamit duun?

Kay Mam Picart:
It is indeed the survival of the fittest Mam. Literally, and figuratively.

Honestly, I never thought that you would survive (pun intended).

But look at you now, still standing.

Proud as ever.

You embodied the very definition of that Herbert Spencer phrase.

Kayu po ang tinuring namin na Nanay, nung kami po ay nag-aaral pa sa ANSHS. Dahil diyan, maraming salamat po Mam Picart.

Kay Mam Hulipas:

At Syempre

Mang Junior, ikaw lang po ang nagpatunay sa amin na ang pag-dadamu at pag-babatu ay isang marangal na trabahu! Mabuhay ka po!

Sabi nga ni po ni Dolphy, hindi ko ito narating na mag-isa. Ganun din po ang gustu naming sabihin sa inyu. Malaking bagay po ang naitulung ninyu sa amin. Dahil kung de po ninyu kami pinasa nung high school, de po kami makakapag-college.

Mam, Ser, maraming maraming salamat po!

Sunday, September 30, 2012

blasphemous rumours



I don't want to start any blasphemous rumours
But I think that God's got a sick sense of humor
And when I die I expect to find Him laughing.


- depeche mode

Sunday, September 16, 2012

gusto ko ng baboy

from spot.ph

Thursday, September 6, 2012

para sa mga naglayas (daw)

Sunday, September 2, 2012

(re-post)


Friday, August 24, 2012

tala by yano

Monday, August 13, 2012

wala na akong makita

mga kwento ng makata

download link

Sunday, June 3, 2012

hey jay


Sa Biyernes, ika-walo ng Hunyo, taong dalawang libo at labingdalawa, game 6 ng eastern conference finals (kung merun man) at sa araw din na itu magsisimula ang pagtahak mu sa panibagung yugtu ng iyung buhay.

Nung una mung binanggit sa akin na mag-pa-pa-kasal ka na (February last year, nung pauwi tayu galing sa 
falls nila Batu, habang nag mamaneho ka ng tricycle mu) de lang kita pinansin nung una at akala ku ay de laang tutuu. Peru habang nagke-kwento ka at sinasabi mu mga planu ninyu ni Misu ay dun ku naramdaman na seryoso ka na pala.

Alam namin bok kung panu ninyu pinaghandaan ang araw ng kasal ninyu, kaya nga aatend kami ay. Yung mag-organisa ka lang ng isang pagtitipun, meeting, kawang-gawa o simpleng parada ay mahirap na. Ay panu pa kaya kung ang aasikasuhin mu ay kasal tapus nasa ibang bansa ka? Mahirap nga yata talaga, at hanggang  ngayun ay de ku pa natatanggap ang pormal na imbitasyon ku (may dahilan pa para de pumunta anu?) sa sobrang dami pa ninyung inaasikasu. Basta parang mahirap at makaiyak ka na nga dati ay di baga? Peru base sa checklist mu ay mukhang ayus naman ang lahat.

Patapus na ang maliligayang araw mu bok, parating na yung mas maliligaya pa.

O hala, mag beauty rest ka na, wag kang mag-papakita sa friday na mukha kang zombie o mukhang panda at ikaw ang pambatu namin.

( paramdam ka lang kung kaya mu pang tumagay, wednesday onwards, last hurrah kumbaga).

Birambira na itu pake!

blogger templates | Make Money Online