Tuesday, April 14, 2009

Si Anonymous

shiela: sinong anonymous? 27 Mar 09. 14:00

Sa tanang buhay ku, ngayun ku lang naencounter itung tanung na itu. Napakahirap sagutin kung tutuusin. Pag uwi ku sa Baler nuung Mahal na Araw, nakilala ku din si anonymous. Duun sa Command Center ni Datu Betong, habang nagiinuman kami ng Ro Horse (Red Horse) nila Anson ( na ayun kay Pia ay si Anson na parang si Anson) at si Paring GB. Si anonymous ay kaibigan ni Ate Nekay, at silang dalawa nuun ay galing sa "Autistic Bar". Nga pala, sa "Autistic Bar" na natugtug sila Lakay, Eric at Char, saradu na di baga ang Bistro. Malapit yung "Autistic Bar" sa Bay's Inn. Pag-aari ni anonymous ang ilan sa mga very well said comments at insights na sinabi niya sa mas malalim na pananalita sa ating most (un)popular post (so far). Itu siya:

(picture used without consent)
Ang tanung ngayun kung sinu pa yung ibang anonymous? Ay de ku na alam. Siguru apelyido nila yung anonymous. Madami iyan sila ay. Minsan makikita mu din sila sa mga quotations at sa kung saan saan. Sa susunud, tatanungin ku na siya kung sinu-sinu pa yung mga kamag-anak niyang anonymous. Iyun na lang ang regalu ku sa iyu Shiela sa kasal mu.

1 Comment:

Unknown said...

aahhhh.. sya baga si anonymous! gets ku na!

blogger templates | Make Money Online