Wednesday, January 14, 2009

Apiran..

Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsAng konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang mins

Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsan napagud na akung gumawa ng wala. Yun ay pangkati lang. De ku alam na gustu din pala ninyu. At makaraan na magkaruun ng division of labor at organizational structure sa kung sinu ang mamumunu sa pag-oorganize ay iyun, natuluy nga kahit puru planu at kathang isip lang yung mga meeting at organizing team. Ganun pa man, dahil sa gargantuan task talaga ang buuin ang 34 members ng ating Batch, natuluy din ang planung reunion. Salamat sa mga tiga Baler na nag-organize, kila Betong, Kaddo at sa pabagu bagung isip na si Eda at yung mga online advisors/advisers natin, the three J’s, JP, Jeannette at Jed.


December 29, 2008, sa Bistro Baler, alas-sais ng gabi.


Ang mga nagpunta (ayun sa dami ng beer na nainum): Betong, Jeanette, Aku, Kaddo, Ando,Gerard, Markus, Jed, Onad, Jp, Shiela, Pia, Ilyn (baka nacoconfuse pa rin kayu hanggang ngayun, Aileen ang spelling nung isa) Abie, Daisy, Janeth, Eda, Salve, Ate Noreen, Ada at Pen-pen. Pangalawa si Jeanette dahil para na siyang female version ni *Pepsi, akaw, lakas uminum! Gaya ng inaasahan, may mga curfew yung iba, lalu na yung may mga asawa at anak na, si Ando lang ang natira na may anak na, panu nilasing niya si Maan, saka hinatid pauwi saka yata siya tumakas ay saka pala si Nene (Ilyn), nakipagpatiktikan din hanggang umaga.


Ang mga naunang dumating ay yung mga atat uminum ng San Mig Light at yung mga gustung makauna sa pulutan, si Betong, si Pepsi, Pia, Ate Noreen, Kaddo at Markus. Syempre, may registration saka lobo (courtesy of Pia) na siningit sa buung paligid sa bandang itaas ng Bistro. Kumustahan, kodakan ay de na pala kodakan, digicaman na at olympusan dapat ang term, apiran at anu ka, reunion nga talaga, may iyakan pa! Parang nanunuud ng MMK yung iba, umagus ang mga luha!


Then Program Proper.


Wala nang National Anthem at Prayer, de magkasundu kung Star Spangled Banners o Lupang Hinirang ang kakantahin ay. Inspirational message galing kay Eda at Short message ni Betong. Tapus kaunting lecture sa Internet Basics for Beginners at Tropang Spider Blog Fundamentals. May mangilan ngilan pa rin sa atin na de marunung mag-internet ay, yung iba naman, tamad lang daw mag browse (excuse acknowledged).


1st set.


Habang tumutugtug ang Rugged Band (Lakay, Eric at Char) kamustahan ulit, apiran, digicaman at olympusan, kaunting iyakan, inuman, sayawan, payabangan, at sinimulan na ni Chammie at Kem ang paniningil. Si Chammie (anak ni Wiwin at Abie) pinagdala ni Abie ng maliit na sling bag, lalagyan ng mapapaskuhan! Anung galing! At itu ang makatuwa, yung iba ayaw mag-order at baka lumampas daw sa ambag nila ang kanilang oorderin! Ayus! But, we will take the blame, pasensya na kung de namin naipaliwanag ang mechanics. At syempre, nung tinugtug ang Kundi’man, de naman napigilan ni Betong ang kanyang emosyon, gaya ng inaasahan, iniinterpret niya ang kanta through sign language habang itu ay tinutugtug ng Rugged band. Habang tumutugtug din ang banda, pinaplanu na ng mga bandista nating ka-batch ang tutugtugin nila pag-katapus ng 1st set.


Dance, Drink, High Fives, Photo ops, etc.


Pagkatapus ng 1st set, medyu may tama na ang mga participants. Napapadalas na ang apiran, may nabububu nang mga beer at tumatapun na pulutan. Lumalakas na rin ang tawanan. Punu na rin ng usuk ang bistro at unti-unti, kahit de natin namamalayan, bumabalik na tayu sa mga pamilyar na sitwasyon at kwento, sampung taun ang nakaraan. Tapus may pausu , surprise quiz! ( si Jed ang gumawa). Upu muna ang mga participants, parang pag nagagalit si Osang, ganun ang itsura nilang lahat. Peru after 10 seconds, nag-sipagdaldalan na naman! Mga lasing na ay! Kahit puru kajologsan lang ang mga tanung, marami pa rin ang natuwa, de ku alam kung sa mga tanung (at sagut) sila natatawa o sa itsura ku habang aku ay nasa harapan nila (yung sa mga de nakapunta, aku pala ang host sa surprise quiz! Sarapeyn!). Peru mayrun akung napatunayan, mahirap pala talaga mag-teacher lalu na pag mga lasing ang nasa harapan mu. Nakabawi din aku kay Betong, kahit ilang minutu lang, nagpalit kami ng posisyon, siya ang estudyante at aku ang teacher. (Trivia: naging instructor ku si Betong sa Carmel nuun, sa Management 2). Mga sample question: mahal pa rin ni Mark si Jeanette, true or false. (Lasing na pala aku ditu, yan lang ang natatandaan ku). May napatunayan din aku, gaya ng paulit ulit kung sinasabi nung gabi na iyun, iba talaga pag graduate ng ANSHS, multi-tasking (joke itu ni Kid nung meeting ng mga Alumni sa training center ng ANSHS),halimbawa si Ando, habang nakikinig at binabasa ang tanung, pinaprocess at finifilter na sa utak niya ang sagut, habang nakikipagkwentuhan, nagyoyosi, umiinum, namumulutan at nagtetext, ay kung dala pa niya yung PSP niya, adi naglalaru pa sana siya. Ang problema, naghahang si Ando (loveyou men, ay man pala) dapat pala si Jeanette o si Betong ang hinalimbawa ku.


Sayawan, Inuman, Apiran, Digicaman, atbp.


Pagkatapus ng quiz, umuwi na yung iba (as expected).


2nd set.


Tugtug ulit ang rugged Band. Lumalakas na rin ang tama. Walang humpay na ang sayawan. Panay-panay na ang apiran. Patay sindi na ang mga yosi. Bumabaha na ng soup at lumalaki na ang bill. Peru walang problema, atin ang venue (yung taas lang kari) at atin ang gabi. Pagkatapus ng 2nd set, 1st set naman ng Batch 12! Tinugtug namin ang Me ng The Teeth, Minsan, Shake Yer Head, Wishing Wells, Ang Huling El Bimbo at iba pang Eraserheads greatest hits, just like the old times, la ka Sol ay, ikaw sana sa beatbox. Halus lahat ng naiwan, kumanta, si Pia, pinagbigyan na lang at magsasara na ang Bistro. Bitin. Pinamigay na rin ni Jeannette ang kanyang mga pasalubung/regalu. (De pa dikit dikit boy, may anti-dikit property na pala ang papel na gamit sa Playboy anu?)


The Ermita Hill Experience.


Bitin ang tropa. Tagal nga naman bagu ulit nagsama-sama. Gamit ang Van ni Markus na may nakasulat sa likud na “wash me” punta kami sa Ermita. Bagu pala kami pumunta sa Ermita (bagu umuwi ang Barcenas Family):


Sa labas ng Bistro Baler:

Chammie: (Tinuru aku) “Huy ninong, tanda lang kita, ikaw lang ang de nagbigay”.

Aku: (tulala, nag-blush)


At kahit saradu na yung daan pataas sa Ermita binuksan iyun ni Ando at Gerard ( hala na kayu!). Isang kahung San Mig Light, dalawang kahang Malrboro Lights, dalawang Laptop, tatlung digicam, suput-suput na soup at lomi galing Bistro at mga kwentong de pa napaguusapan ang dala namin duun. Sa Ermita namin na-kachat si Jennifer gamit yung laptop ni Jed. De ku na din tanda yung mga napag-usapan at napagkwentuhan natin duun. Ang natatandaan ku, humihigup si Pia ng Lomi gamit yung takip ng bowl. Nung malapit nang mag-umaga, alas kwatro na yata iyun ng madaling araw, nilapitan na kami ng isa sa mga guard sa Ermita, pinapauwi na kami at maingay na daw, Tanu kami natinag! Panu mga lasing na kaya malakas ang luub. Peru kat, sa tutuu lang, uuwi na rin talaga kami nuun at mag-uumaga na. Matapus mapapayag at mapigilan si Jeanette na wag nang patulan yung guard (talagang sasapakin sana niya, ang ginawa na lang niya, tinawagan si jowa na nasa Houston at nagsumbung saka binantaan yung guard na: “ wag lang kayung mapadaan sa Baylor, papabugbug ku talaga kayu! F*%@#!), dahil wala naman talaga kami sa katwiran, napagkasunduan na na umuwi. Pagdating ulit dun sa may parte na may kahuy na tinataas (anu baga ang tawag duun) bagu makadaan, tinanggal ulit namin iyun, peru de na ibinalik. Sa ganung paraan, nakabawi kami sa panghahamak, pagpapahiya, at pagsaway sa amin ng isa sa mga gwardya ng Ermita.


The Tapsilogan Conflict.


Pagkagaling sa Ermita, kain muna sa Tapsilogan, dun sa may Parke, tapat nung hanay ng mga Drug Stores at Rolling Stores. Ditu naman nakipag-away si Ando dahil naman sa Goto. De sila nagkaintindihan nung tindera. Gaya din ng ginawa ni Jeanette, nagpakumbaba na lang si Ando at bumili na lang kami ng goto sa ibang rolling store.


Tapus uwian na.


De na aku nakasama sa mga gimik nung mga sumunud na araw at nung bagung taun. Sa Timog na lang ulit aku nakasama. Dun din namin nakasama si Bay.

*tanungin si betong

6 Comments:

Anonymous said...

Ayos, the best talaga si head blogger! Pero as usual, may comments and corrections ako, hehe:

1) Sali natin si Salve sa mga organizers sa Baler, isa yan sa mga nagalit sa amin ni Betong at Pia nung late kami sa "meeting" dahil naglakwatsa sa PAG-ASA
2) Hindi naman siguro ako 2nd honor sa inuman, nasa top ten siguro pero mga pang-9 or 10 lang :)
3) Nagba-blush ka pala, KG? Hehe, joke lang pogi!
4) Hindi ako nakipag-away sa guard sa Ermita, si Ando din yun, sa pagkaalala ko

Aurora National Science High School Batch12 said...

jeanette, kunwari lang iyung nakipagaway ka sa ermita.hehehehe.pampasaya lang iyun baet.

Anonymous said...

'lam ko naman, pogi, setting the record straight lang kumbaga at alam mu naman, may mga slow, hehe.

galing ng video, the best ka talaga!

Unknown said...

Naiayk aku bok! galing taay ng video...the best!

Aurora National Science High School Batch12 said...

aryo. walang IAYAKAN jopay, hehehehe. ay de na aku gagawa ng ganyan. sa susunud may bayad na.hehehe

Anonymous said...

lam mu pake kung anu moral lessons nung roadtrip sa ermita? at pinagbibintangan din lang din tayu ni gnet na may berde ang dugo sa atin (bakla)..1. di na baling magnakaw,wag lang mamakla...hehehe

blogger templates | Make Money Online