Wednesday, January 28, 2009

Pangalan: James Lawrence Gose
Alias: Be-e, Jebong
Tirahan: Floria, Minsan sa Sabang

Malalim ang taong ito, kasing lalim ng dikaloyungan..malawak din ang musical spectrum at genre nitong si be-e..from jukebox to fusion..isa sa mga may sense pag kausap, politics ang kanyang comfort zone and of course music din. Iba din ang appetite nito pag dating sa pagkain at syempre sa tsiks..mabenta din dito ang mga walang kwentang jokes. sa katunayan wholesale ito pag bumili ng jokes kaya't hindi namin ito maitapon..at madami ang pupulot pag nagkataun sabi nga ni vidson. paborito nyang damit ang KROQ, ung parang station ng radyo sa amerika yta un..sikat un kasi nakalagay ay "world famous kroQ"..at syanga pala, tibak din tong si be-e (nung araw) pero kinain na din ng commercialization..ang huling kita ku sa kanya ay nung magshot kami sa bistro, 2 yrs ago pa yun..and take note naka NOKIA Navigator si pare.cyempre bar of golds kaya ang swelduhan sa papua.. madamimg theory kung bakit nandun si be-e una: gustu nyang magpabalik balik sa demarcation line between east and west hemisphere, saya kaya nun.. pangalawa: gustu nyang makatikim ng imported na nga-nga.. at pangatlo; ayun na din sa kanya ay sya ang pinaka pogi sa lahat ng papuano na nandun..david beckham nga daw ang tingin sa kanya dun ay..
PERu pake, miss ka na din namin..di ka kasi nagpakita nung reunion.di naman kami hihingi ng gold mu ay.. miss you man ( rastafarian accent ha!)

dagdagan nyu na lang pag may natatandaan pa kayu kay be-e..open naman po yan for editing ay..

Monday, January 26, 2009

Favoritism

Mga hindi na-nominate para sa Best Picture pero ilalagay ko din kasi paborito ko ang mga to (pwera dun sa mga na-nominate). Parang Dark Knight kumbaga, magandang pelikula, hindi nga lang (daw) pang-Oscar

Ang bagong Power Rangers? Sub lang si Mark at si Ate Nekay.


Hehe, siguro hindi ako dapat mag-joke dito kasi baka bumalik.

Ang kunsumisyon at pagod ni Betong sa mga kalokohan ni Pia.
(Sisihin daw baga? Wala naman sya dito ay, ok lang :))

Eto pang isa..

At minolestya pa ni Cardo habang natutulog sa van.

Hmm, parang may consent naman ata ang pang-momolestya na yan?

Ang resulta ng isang San Mig Light.

Habang sumisimple ng higop yung isa jan.

Mukhang may umaasa pa nga. Hoy mare, ikakasal ka na ha!

Yan na, lagot!

Friday, January 23, 2009

best picture!

alin sa palagay nyu ang best picture? ipaliwanag

1. (not so) hot and the soon to be mommas

2. sleeping betong

3. hilud

4. sukob?

5. angel lumaban

6. piolo caoleng

7. kaliwa sana bok

8. no blowing of jobs

9. on-no

10. tagay

11. sinung itay?

12. gate crasher

13. service


14. violent pornoghraphy

Wednesday, January 14, 2009

Apiran..

Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsAng konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang mins

Ang konsepto nang ating reunion ay isa lang muni muni nang minsan napagud na akung gumawa ng wala. Yun ay pangkati lang. De ku alam na gustu din pala ninyu. At makaraan na magkaruun ng division of labor at organizational structure sa kung sinu ang mamumunu sa pag-oorganize ay iyun, natuluy nga kahit puru planu at kathang isip lang yung mga meeting at organizing team. Ganun pa man, dahil sa gargantuan task talaga ang buuin ang 34 members ng ating Batch, natuluy din ang planung reunion. Salamat sa mga tiga Baler na nag-organize, kila Betong, Kaddo at sa pabagu bagung isip na si Eda at yung mga online advisors/advisers natin, the three J’s, JP, Jeannette at Jed.


December 29, 2008, sa Bistro Baler, alas-sais ng gabi.


Ang mga nagpunta (ayun sa dami ng beer na nainum): Betong, Jeanette, Aku, Kaddo, Ando,Gerard, Markus, Jed, Onad, Jp, Shiela, Pia, Ilyn (baka nacoconfuse pa rin kayu hanggang ngayun, Aileen ang spelling nung isa) Abie, Daisy, Janeth, Eda, Salve, Ate Noreen, Ada at Pen-pen. Pangalawa si Jeanette dahil para na siyang female version ni *Pepsi, akaw, lakas uminum! Gaya ng inaasahan, may mga curfew yung iba, lalu na yung may mga asawa at anak na, si Ando lang ang natira na may anak na, panu nilasing niya si Maan, saka hinatid pauwi saka yata siya tumakas ay saka pala si Nene (Ilyn), nakipagpatiktikan din hanggang umaga.


Ang mga naunang dumating ay yung mga atat uminum ng San Mig Light at yung mga gustung makauna sa pulutan, si Betong, si Pepsi, Pia, Ate Noreen, Kaddo at Markus. Syempre, may registration saka lobo (courtesy of Pia) na siningit sa buung paligid sa bandang itaas ng Bistro. Kumustahan, kodakan ay de na pala kodakan, digicaman na at olympusan dapat ang term, apiran at anu ka, reunion nga talaga, may iyakan pa! Parang nanunuud ng MMK yung iba, umagus ang mga luha!


Then Program Proper.


Wala nang National Anthem at Prayer, de magkasundu kung Star Spangled Banners o Lupang Hinirang ang kakantahin ay. Inspirational message galing kay Eda at Short message ni Betong. Tapus kaunting lecture sa Internet Basics for Beginners at Tropang Spider Blog Fundamentals. May mangilan ngilan pa rin sa atin na de marunung mag-internet ay, yung iba naman, tamad lang daw mag browse (excuse acknowledged).


1st set.


Habang tumutugtug ang Rugged Band (Lakay, Eric at Char) kamustahan ulit, apiran, digicaman at olympusan, kaunting iyakan, inuman, sayawan, payabangan, at sinimulan na ni Chammie at Kem ang paniningil. Si Chammie (anak ni Wiwin at Abie) pinagdala ni Abie ng maliit na sling bag, lalagyan ng mapapaskuhan! Anung galing! At itu ang makatuwa, yung iba ayaw mag-order at baka lumampas daw sa ambag nila ang kanilang oorderin! Ayus! But, we will take the blame, pasensya na kung de namin naipaliwanag ang mechanics. At syempre, nung tinugtug ang Kundi’man, de naman napigilan ni Betong ang kanyang emosyon, gaya ng inaasahan, iniinterpret niya ang kanta through sign language habang itu ay tinutugtug ng Rugged band. Habang tumutugtug din ang banda, pinaplanu na ng mga bandista nating ka-batch ang tutugtugin nila pag-katapus ng 1st set.


Dance, Drink, High Fives, Photo ops, etc.


Pagkatapus ng 1st set, medyu may tama na ang mga participants. Napapadalas na ang apiran, may nabububu nang mga beer at tumatapun na pulutan. Lumalakas na rin ang tawanan. Punu na rin ng usuk ang bistro at unti-unti, kahit de natin namamalayan, bumabalik na tayu sa mga pamilyar na sitwasyon at kwento, sampung taun ang nakaraan. Tapus may pausu , surprise quiz! ( si Jed ang gumawa). Upu muna ang mga participants, parang pag nagagalit si Osang, ganun ang itsura nilang lahat. Peru after 10 seconds, nag-sipagdaldalan na naman! Mga lasing na ay! Kahit puru kajologsan lang ang mga tanung, marami pa rin ang natuwa, de ku alam kung sa mga tanung (at sagut) sila natatawa o sa itsura ku habang aku ay nasa harapan nila (yung sa mga de nakapunta, aku pala ang host sa surprise quiz! Sarapeyn!). Peru mayrun akung napatunayan, mahirap pala talaga mag-teacher lalu na pag mga lasing ang nasa harapan mu. Nakabawi din aku kay Betong, kahit ilang minutu lang, nagpalit kami ng posisyon, siya ang estudyante at aku ang teacher. (Trivia: naging instructor ku si Betong sa Carmel nuun, sa Management 2). Mga sample question: mahal pa rin ni Mark si Jeanette, true or false. (Lasing na pala aku ditu, yan lang ang natatandaan ku). May napatunayan din aku, gaya ng paulit ulit kung sinasabi nung gabi na iyun, iba talaga pag graduate ng ANSHS, multi-tasking (joke itu ni Kid nung meeting ng mga Alumni sa training center ng ANSHS),halimbawa si Ando, habang nakikinig at binabasa ang tanung, pinaprocess at finifilter na sa utak niya ang sagut, habang nakikipagkwentuhan, nagyoyosi, umiinum, namumulutan at nagtetext, ay kung dala pa niya yung PSP niya, adi naglalaru pa sana siya. Ang problema, naghahang si Ando (loveyou men, ay man pala) dapat pala si Jeanette o si Betong ang hinalimbawa ku.


Sayawan, Inuman, Apiran, Digicaman, atbp.


Pagkatapus ng quiz, umuwi na yung iba (as expected).


2nd set.


Tugtug ulit ang rugged Band. Lumalakas na rin ang tama. Walang humpay na ang sayawan. Panay-panay na ang apiran. Patay sindi na ang mga yosi. Bumabaha na ng soup at lumalaki na ang bill. Peru walang problema, atin ang venue (yung taas lang kari) at atin ang gabi. Pagkatapus ng 2nd set, 1st set naman ng Batch 12! Tinugtug namin ang Me ng The Teeth, Minsan, Shake Yer Head, Wishing Wells, Ang Huling El Bimbo at iba pang Eraserheads greatest hits, just like the old times, la ka Sol ay, ikaw sana sa beatbox. Halus lahat ng naiwan, kumanta, si Pia, pinagbigyan na lang at magsasara na ang Bistro. Bitin. Pinamigay na rin ni Jeannette ang kanyang mga pasalubung/regalu. (De pa dikit dikit boy, may anti-dikit property na pala ang papel na gamit sa Playboy anu?)


The Ermita Hill Experience.


Bitin ang tropa. Tagal nga naman bagu ulit nagsama-sama. Gamit ang Van ni Markus na may nakasulat sa likud na “wash me” punta kami sa Ermita. Bagu pala kami pumunta sa Ermita (bagu umuwi ang Barcenas Family):


Sa labas ng Bistro Baler:

Chammie: (Tinuru aku) “Huy ninong, tanda lang kita, ikaw lang ang de nagbigay”.

Aku: (tulala, nag-blush)


At kahit saradu na yung daan pataas sa Ermita binuksan iyun ni Ando at Gerard ( hala na kayu!). Isang kahung San Mig Light, dalawang kahang Malrboro Lights, dalawang Laptop, tatlung digicam, suput-suput na soup at lomi galing Bistro at mga kwentong de pa napaguusapan ang dala namin duun. Sa Ermita namin na-kachat si Jennifer gamit yung laptop ni Jed. De ku na din tanda yung mga napag-usapan at napagkwentuhan natin duun. Ang natatandaan ku, humihigup si Pia ng Lomi gamit yung takip ng bowl. Nung malapit nang mag-umaga, alas kwatro na yata iyun ng madaling araw, nilapitan na kami ng isa sa mga guard sa Ermita, pinapauwi na kami at maingay na daw, Tanu kami natinag! Panu mga lasing na kaya malakas ang luub. Peru kat, sa tutuu lang, uuwi na rin talaga kami nuun at mag-uumaga na. Matapus mapapayag at mapigilan si Jeanette na wag nang patulan yung guard (talagang sasapakin sana niya, ang ginawa na lang niya, tinawagan si jowa na nasa Houston at nagsumbung saka binantaan yung guard na: “ wag lang kayung mapadaan sa Baylor, papabugbug ku talaga kayu! F*%@#!), dahil wala naman talaga kami sa katwiran, napagkasunduan na na umuwi. Pagdating ulit dun sa may parte na may kahuy na tinataas (anu baga ang tawag duun) bagu makadaan, tinanggal ulit namin iyun, peru de na ibinalik. Sa ganung paraan, nakabawi kami sa panghahamak, pagpapahiya, at pagsaway sa amin ng isa sa mga gwardya ng Ermita.


The Tapsilogan Conflict.


Pagkagaling sa Ermita, kain muna sa Tapsilogan, dun sa may Parke, tapat nung hanay ng mga Drug Stores at Rolling Stores. Ditu naman nakipag-away si Ando dahil naman sa Goto. De sila nagkaintindihan nung tindera. Gaya din ng ginawa ni Jeanette, nagpakumbaba na lang si Ando at bumili na lang kami ng goto sa ibang rolling store.


Tapus uwian na.


De na aku nakasama sa mga gimik nung mga sumunud na araw at nung bagung taun. Sa Timog na lang ulit aku nakasama. Dun din namin nakasama si Bay.

*tanungin si betong

Tuesday, January 13, 2009

nung reunion

  1. Para sakin ok ung reunion lalo na ung mga pagkain. (Two thumbs up sa mga organizers kahit na parang nagagalit ata si eda, hehe)
  2. Marami-rami na rin pala ang mga nagsipagasawa. (To name: Daisy-2 kids, janet-1 kid, josephine-3 kids, abie-1 kid + 2 months sa tyan, ando-2 kids, jp- 1 kid) Ung iba hindi ko alam kasi sila lang ung mga present nung reunion.
  3. Si Pia pa rin ang may hawak ng koronang most eligible bachelorette at crush ng bayan dahil sya na lang ata ang walang jowa.
  4. Si mark naman ang may hawak ngaun ng korona sa most eligible bachelor.
  5. Hindi ko kayang tapatan sa inuman si jeannette, dahil ang ang ratio namin pagdating sa alak ay 5:1. Si betong lang talaga ang katapat nya.
  6. Mukang nagkabaligtad ang size ni ate noreen tska ni ada, hehe
  7. Hindi pa rin nakumpleto ang power rangers. Kala ko reunion na rin namin un.
  8. Maraming napaskuhan si chammy (after 5 years).
  9. Malaki na pala ang improvement ng ermita.
  10. May bagong jowa si vidson at hindi ako yun.
  11. Muntik ng magtransform si jed dahil kay onad. Nahimasmasan after ibalibag ang gift ko from jeannette (buti na lang hindi babasagin).
  12. Ang hirap nung quiz.
  13. Maingay pa rin si jeannette kahit hindi nakainom.
  14. Si pia nalasing sa 1 bote ng sanmig light. Muntik nang ubusin ang isang bowl ng lomi bistro through higop higop lang.
  15. At si betong na ang first honor ng batch 12.

Kelan ulit ang susunod?

Friday, January 9, 2009

Buhay pa aku!

Wag kayung mainip da! Antayin nyu lang ang mga pictyur! Basta, Malapit na!
O itu, patikim muna, naneut ku sa facebook ni jeannete!









Sa mga may kopya pa ng pityur nung reunion, ilagay nyu na kung saan nyu gustu ilagay, basta accesible, neneutin ku na lang. Ipost nyu lang ang links. Itu muna at de pa nagbabayad ang boss ku sa smart bro ay.

blogger templates | Make Money Online