Monday, December 22, 2008

Fruitcake

Medyu may linaw na ang reunion natin sa December 29, 2008, ambagan na lang at kaunting pagpaplantsa sa detalye ang kulang. Mukhang drawing naman ang planung road trip nila Jeannette sa Dilasag. Peru ang pasku, siguradu, tuluy na tuluy na sa December 25. Ay iyun ang de pwedeng hinde matuluy o ma-postpone. Habang maaga pa, batiin ku na kayu ng Maligayang Pasku, saka Manigung Bagung Taun na din!

Nahalungkat ku itung medyu malungkut na post na itu. At syempre may malungkut din na reaksyon mula sa isa nating kaklase. De pa yata marunung mag-punta sa comment form dati si Jopay kaya sa Friendster na lang siya nagmessage.

Tulad ng dati, iuulut ku ulit ang Kubu ni Pareng Bets sa darating na Huwebes. Magpunta kayu duun, mag-iihaw yata siya ng panga ng tuna at maglelechon ng tatlung native na manuk. Magdala na lang kayu ng pambili ng matador at beer.

Teka, baka kayu maligaw at matagal na din kayung (pati aku) de nakakapunta duun ay, tingnan ang ang satellite image para may reference.



at itu naman ang mas malapit na satellite image kung saan nakatirik ang Kubu ni Pareng Bets.



Medyu de pa din kita, kaya ang suggestion ku, itext nyu na lang siya.

Maligayang Pasku sa lahat!
See you all soon mga katropa!



0 Comments:

blogger templates | Make Money Online