Sa darating na Linggu,
December 7, 2008, habang may jetlag pa si
Jeannete at nagpapahinga(at binubukud-bukud ang kanyang mga pasalubung, kung medun man) mula sa kanyang paglalakbay galing Houston, makikipagbakbakan na naman ang
Pambansang Kamao ng Pilipinas. Kahit na medyu dehadu si idol
(2-1 underdog), syempre, sa kanya pa din aku. Habang sinusulat ang post na itu,
minus-185 si dela Hoya at
plus-155 naman si Manny sa pustahan. Ibig sabihin, pag pumusta ka ng
P1.00 kay
Pacquiao, tatama ka ng
P1.55. At para manalu ka naman ng Piso kung kay
dela Hoya ka, kailangan mung pumusta ng
P1.85.
Kanina lang ay tinalu ng
Indiana Pacers ang
Los Angeles Lakers ng isang puntus lamang. Ang
Indiana Pacers ay nagawa nang talunin ang dalawang team
(Celtics at Lakers) na naglaban sa NBA finals nuung nakaraang June ngayung season na itu. Nuung nakaraang
US Elections din ay tinalu naman ni
Barack Obama si
John Mac Cain. At kamakailan lang, napatalsik sa pwesto si
Manny Villar bilang
Senate President.
Ilang tulug na lang, bakbakan na. At habang hinihintay natin kung kailan babalik ang
Batangbaler sa mundo ng internet ,sama sama tayung manuud sa darating na linggu, maging ikaw man ay nasa
SM Cinema, sa mga
Local Gyms (na may malaking Projector at Projector Screen) na sponsor ng mga pulitiko, sa
Sports Bar, o kasama sa mga nag suscribe sa
Pay-per-view, nasa bahay lang o nakikinuud sa kapitbahay, samahan natin sa pagsigaw sila Chavit, FG, Karylle sa at iba pa na sumigaw ng,
Manny, Many, Money!Ang Mamatay Nang Dahil Sa 'Yo.
(Abangan na din natin kung may nadagdag na sa english vocabulary ni idol! Dapat ding abangan kung my courtesy call na manggagaling kay GMA manalu man o matalu si Pacquiao!)