Thursday, August 14, 2008

Fiesta

Are, ay bagu magbirthday si Bets (Happy birthday sa 22 bok), magpi-fiesta muna sa Baler. Mamalita naman kayu kung anu ang mga pinagkakaabalahan ng mga tau diyan da. Sinu kaya ang artista na magtatanghal sa gab-i ng August 19? Baka si Echo at Anne? De kaya? Baka samantalahin na nila ang pagkakataun para i-promote ang pelikula nilang gagaw-in na ang pamagat daw ay "Baler", tungkul itu sa Siege of Baler at balita ku kasali daw itu sa Metro Manila Film festival sa Pasku.Peru de pa lang ay parang ayaw ku nang panuurin ang pelikula pag natapus. Ay biru mu kang sa Tanay Rizal daw ang shooting! Ay at-es, ayaw ku laang! Baler ang pamagat peru sa Tanay gagawin. Are, ay lokohan. Peru syempre, madami din siguru mga dapat i-consider sa paggawa ng pelikula na iyun, peru kahit na, dapat sa Baler pa din gawin ang shooting para mas maganda de baga? At pag sa Baler pati ang shooting, ay siguradu magsa-surf si Echo at malalaman na rin ng lahat kung siya ay magaling baga o maalam lang. Astig ta yung ibang mga ine-endorse niya ay, nakawetsuit siya at may dalang surfboard, kahit deodorant lang yung produkto.

Anu kaya ang mga events/program ngayun sa Baler? May CAT competition pa baga? Drum ang Lyre? Medun kayang Bb./Little Miss Baler? Ay yung Angara, Rizal, Burgos St. atbp., siguru saradu na anu dahil sa dami ng baratilyu at ukay ukay? May peryahan kaya ulit sa parke at may parada kaya sa umaga ng August 19? Daming tanung anu. Ilang Fiesta na tang de nakakauwi diyan ay. Kaya makamiss na din. De katulad nuun na lagi kila Markus, Sol, Wella, Eda at sa iba pang tiga bayan ang ating pwedeng puntahan.

Sa mga nandiyan sa Baler, magkwento naman kayu! Aantayin namin Bets!

1 Comment:

Anonymous said...

ganun daw tlaga ang pelikula..sbi nga sa isa sa mga comments sa BB..bkit daw ung Apocalypse sa sabangan ginawa hindi sa vietnam. ay samantalang vietnam war iyun..make sense di bga? so far ang bagu pa lng ditu ay yung sangkatutak na arko sa bawat kantu sa bayan..sigi,picturan ku para mapicture nyu kung anu ang itsura...

blogger templates | Make Money Online