Name: Maria Salve Amor (dating sindac, de ku alam ngayun)
AKA: Ate Salve
Buti na lang may friendster talaga. Makaraan ang ilang taung pagtatagu, makikita na rin natin at masisilayan at sana makausap, si Salve.
Ang love team ni Joe. Isa lang ang naalala ku pag nakikita ku si Salve, ang walang kamatayang "kanlungan". Huli ku siyang nakita ay nung kasal pa yata niya kaya wala na akung masyadung balita sa kanya. Yan lang muna, de makapagisip ng maayus ay, overwhelmed pa rin sa pagkapanalu ng Boston.
Yung pic pala, ninakaw ku lang sa friendster ni Salve.
Thursday, May 29, 2008
Salve
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, May 29, 2008 0 sabi nila
Sunday, May 25, 2008
Finally!
Who said that they can't win a playoff game on the road? The C's now have the answer to what seems to be an eternal question. May 25, 2008 at the Palace of Auburn Hills. Thanks to their supporting cast. Big Daddy Davis, Perk, PJ Brown, James Posey and the veteran Sam Casell came out aggressive and played a solid game. Home court advantage now is back where it belong, at the Boston Garden.
All the Boston skeptics(hi Jeannete and Jp) are now eating their hat(lol). Or maybe are still in disbelief after watching the Boston Celtics rout the second seeded Detroit Pistons.Thats how you win on the road, build an early lead and protect it.
They haven't accomplished anything though. They have to win this series or this blog will shutdown, and I'll be the one eating my skull cap.
One more road win KG and we will all be fine.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Sunday, May 25, 2008 0 sabi nila
tatak Boston Celtics, NBA
Thursday, May 22, 2008
Tricks Anyone?
If you are a fan of David Copperfield or David Blaine, this one is for you. Not the usual card or coin tricks. Just read and follow the instructions. Click this.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, May 22, 2008 0 sabi nila
tatak Blind Item
Tuesday, May 20, 2008
taga-awat!!
tutal nagkakagulu lang din kayu sa lintik na basketball na yan...eto na ang magaawat sa inyu...tingnan ku lang kung makagumu pa kayu ditu...kwatro kantos ang mukha nyan...pag inupakan kayu nyan sigurado comatose kayu...
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Tuesday, May 20, 2008 0 sabi nila
Pansamantalang kaligayahan..
Dahil sa nanalu naman ang Spurs mu JP, siguradu masaya ka ngayun. At dahil masama ang ugali ku, ayaw ku na ikaw ay natutuwa. Peru nagkataun lang siguru bok. Kailangan maging malungkut ka ulit. Masdan mu ang mga larawan na iyan.
Siguru, de mu lang iyan alam anu? Nung kasal mu iyan abay. Peru wala ka na ta ay nung nagpunta kami sa Music 21 KTV Bar and Massage Parlor. Dumeretso na kayu sa honeymoon nuun ay anu? Nagkantahan kami duun ng mga tigdadalawa lang kami ni Sol, Betong, Jed at Kaddo, panu nung nahawakan na ni Jeannette at Pia ang mikropono, de na nila binitawan, siguru tig bente silang kanta.May isa pang picture na kasama si Jeanette ay, kaya lang de pwede ilagay ditu at baka de lang ikaw ang malungkut... Para sa isa pang picture na de pwedeng ipost, kontakin si Jed, sa kanya po galing ang mga picture.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Tuesday, May 20, 2008 2 sabi nila
Monday, May 5, 2008
Dicasalarin Overnight Part II
E-mail itu galing kay John Red.Basahin na lang para maintindihan.
DICASALARIN OVERNIGHT: May 31 to June 1
Mag-file na po kayo ng leave at nang makauwi kayo sa Baler. May overnight tayo sa weekend na yan. Dalawang buwan yun bale, May at June. hehe!
Darating kami nila Pia at Shiela sa katapusan ng May. Sabi ni Pia, magfa-file sya ng leave sa June 2. Kaya mag-file na rin kayo ng leave.
Pagkakataon na itu na makabawi ang mga absent nung 1st at 2nd Get-Together sa Manila. Tuloy ito ha. Kaya umuwi kayo ng Baler anu?
Paplanuhin na rin ang date ng Reunion sa December. Siguro sa December 30 (holiday yun ay). Pero suggest-ment pa lang. Hehe! Hanggat nasa Baler si Eda, tutulungan ko sya sa plans ng Reunion.
Pulutan/Itatagay na lang ulit ang mga wala. Pasensya sa Big 4 (Wella, JP, Jeannette, Sol) at wala atang internet sa Dicasalarin ay. De tayu makakapag-conference sa YM. Iinggitin na lang namin ulit kayo sa pictures. Basta walang magseselos ah. ISYU...ISYU!
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, May 05, 2008 1 sabi nila
tatak Reunion
Friday, May 2, 2008
Isang Medyu Mahabang Kwento Ulit
High School Days Revisited
2nd Year: “Happy Birthday Jesus”
Summer vacation, 1995. Kagaya nila Ando, James, Cardo, Amer at Jed, buung bakasyon akung naghintay ng sulat galing kay Mam Hulipas, baka isa aku sa mga kickout. Habang kampante sila Jeannete, Wella, Betong, Sol at yung mga kasali sa Top Ten na de sila maki-kickout, dalawang buwan ding de kami nakatulug ng maayus, de namin ma-enjoy ang summer.
Natapus ang bakasyon. Ayus! Wala pa ding “kickout letter” na galing kay Mam Hulipas. Peru kinakabahan pa din aku, baka de lang naipadala o naligaw yung “kickout letter” na para sa akin. Natanggal lang ang kaba ku nung unang araw ng pasukan, kasama aku sa Master List ng 2nd Year. Ayus na. Wala nang kaba.
38 ang natira. May nakickout, may nagtransfer. Isang section na lang, sama-sama na ulit.
Parang bahay ni kuya. Iisang bubung na lang ang sinisilungan…
2nd year... Sophomore na. 2nd Floor na rin ang room.
2nd year tayu nakarating sa bansa ni Magellan.
Mam Querijero: “Kunwari nakasakay na tayu sa eroplano. Pupunta tayu kila Magellan, dadalawin natin siya. Pikit kayu lahat. Eeeeeeennggg, eeeeeennngggg. Tentenenen… Yan nalipad na tayu. Eeeennngggg, eeeeeennngggg. Tentenenen… Uh, pumikit kayu at wag titingin sa bintana at baka malula kayu! Eeeenngg, eeeeeenng…O, mulat na at nanditu na tayu.”
Pag ganyan na, napikit lahat, maliban kila JP at Betong. Kaya madalas sila sigawan ni Mam Querijero ng “ Huy JP at Herbert pumikit kayu! Aryo, baka malula kayu!”. World History. Itu ang forte ni Betong. Pag may mga re-enactment ng mga significant events sa buhay ni Magellan o kailangang isadula ang pagbomba sa Pearl Harbor, siya lagi ang bida (alam ku na ngayun kung bakit, kasagsagan ng pag-papacute nya nuun kay Wella ay). Saka pag exam, kay Betong ka tatabi kung gustu mu pumasa. Kung gustu mu naman pumasa ng de natabi kay Betong, hiramin mu yung reviewer nya na nakasulat sa Yellow Paper, siguradu iyun, nandun lahat ng lalabas sa exam. Swerte ka na kung ipapahiram niya iyun, ipahiram man niya, yung isang page lang. Ipapahiram nya sa iyu lahat pag 2 minutes na lang, mag-e-exam na. Mabasa mu man, de mu na rin matatandaan. Kapansin pansin din nuun ang pagiging close ni Betong at Flora (yung tiga reserva).
2nd year din nung una nating na-meet si Sir Gemo. Medun tayung assignment notebook nuun sa kanya. Statistics. Mean, median, mode, pag mali ang isa, mali na lahat. Kaya pag exam, sila Sol, Jeannete at Wella ang mga dapat tinatabihan. De lang Mathematician si Sir Gemo, environmentalist pa. Ayaw nya ng may nakikitang kalat sa luub at labas ng room. Kaya nung minsan na nagkalat si Shiela ng butu ng citrus, pinalunuk niya yung mga butu. Wala nga naming kalat.
Anu na kayang pangalan nung katekista natin? Aryo, yung nagtuturu ng mga verse sa bible at teachings ni Jesus? Tanda nyu pa baga nung recollection natin? Daming umiyak nuun anu. Peru kalakasan nuun ng iyak ay si Shiela. De baga may inaabut nuun na kandila. Ang aabutan mu daw yung kagalit mu o kaaway o yung kaklase natin na gustu mu sabihan ng sorry. Siguru kaya may sindi yung kandila pag inabut mu, iyun ay para may pampatak ka sa balat o pangsunug sa buhuk nung taung aabutan mu pag de niya tinanggap ang sorry mu. Buti na lang de iyun ginawa ni Shiela sa akin. Nagpapasalamat pa rin aku at de niya iyun naisipang gawin. De ta naman kami magkaaway o magkagalit nuun ay. Aywan kung bakit inabutan niya aku ng kandila.
Trivia: Alam nyu baga na nagbuntalan si Mark at Ittad? Oo, buntalan, suntukan. David and Goliath batch12 version. Nagaway sila dahil sa scrabble. Kaunti lang ang tauu nuun sa room, walang teacher kaya pwedeng mag-scrabble o kahit na anung laru ang maisipan mung gawin. Nung malingat si Ittad, may nagtagu nung board, tiles lang ang tinira. Ay panu ka nga naman makakapaglaru ng scrabble kung wala yung board? Pinagbintangan niya si Mark. Para makabawi, kinuha ni Ittad yung bag ni Mark. Tinapun nya mula sa 2nd Floor. Nagsapuretret ang mga laman. Ay nasa bag pala ni Mark yung walkman niya, yun, pinatulan niya si Ittad. De naman masyadung bayolente ang nangyaring away. Gaya nang inaasahan, de nakatama si Ittad. Itanung nyu na lang sa iba kung panu inetsa ni Mark si Ittad.
Kung may UMK (Universal Motion Kids) nung First Year, may Fantasy Girls naman nung 2nd Year, si Konny yata ang leader/choreographer nila. Nung 2nd year din mahilig tayu (kayu) makipamiesta, halus lahat sama-sama maliban lang sa mga de talaga nasama kagaya ng Campus Girls (Noreen, Josephine, Adeline, April) at yung ibang tiga-Sabang (Jannette at Daisy). De rin masyadu mahilig makiadaday si Jennifer at Jericelle , Si Salve naman nasama lang pag kasama si Joe. Aku din pala, de pa masyadung naggagala nuun. Napasama aku minsan, Fiesta ng Baler, gumala tayu sa mga bargainan, bumili aku nung t-shirt na parang newspaper, yung bagang ang mga nakatatak ay Skid Row, Death Metal, Metallica, GN’R tapus may mga sulat sulat pa na kung anu-anu.
Itu lang ang mga naalala ku na kwento, de pa aku masyadung nag-gagala nuun ay. Peru siguradu aku, madadagdagan itu sa mga comments.
O, hala, magbalik tanaw na kayu at mag-isip na ng mga nakakatuwa, de kapani paniwala at nakakaiyak na mga reactions.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, May 02, 2008 9 sabi nila
tatak Kwento