Thursday, March 6, 2008

10 random comments sa get-together (kahit baga late)

Medyo busy lately, kaya ngayon ko lang nakita yung mga pictures ng get-together nung Feb. 24 (?). Madami-dami ang mga comments, kaya naisipan ko na lang mag-blog. Bale testing na din ng tropangspider, kasi first time ko dito :)

1) Nakaka-miss ang San Mig. Yung tunay. Meron dito sa malalaking liquor stores at sa isang bar sa downtown na may malaking collection ng beer, pero yung export 'version'- medyo darker lager. Walang comparison. Hindi tuloy ako makahirit nung nagpapayabangan kami dito ng mga beer (Walang sinabi ang Guinness sa SMB). Tsaka mahal, lalo kung iko-covert ko sa peso at medyo naaalala ko pa kung magkano dyan ang beer. Kaya kahit loyal pa din ako sa San Mig, usually Miller o Coors na lang ang beer ko dito.

2) Nakaka-miss ang sopas. Twice lang ako nag-try gumawa ng sarili ko dito, yung una medyo lasang sopas lang, hehe. Ang tatakaw nyo sa sopas, mga abay!

3) Nakaka-miss mag-videoke. Huling videoke ko ay 2006 nung nag-pasko ako with relatives in Ohio. Bago yun, sa Magic Sing ng friend kong Filipino at sa karaoke bar. Medyo madalas kami sa videoke bar dito kasi yung isang kaibigan ko taga-kanta dun, pero hindi ko masyadong trip yung open mic. Pinapaliwanag ko sa mga kaibigan ko dito na sa Pilipinas kasi, madaming nadidisgrasya kung sintunadong kumanta ng "My Way" o kaya sobrang galing na para bagang nagmamayabang. Hehe.

4) Nakaka-miss din ang apartment sa Kalantiaw, lalo na yung blue na upuan, haha. Ano yung flag/banner sa apartment, Red? Kala ko nung una flag ng Spain, pero mukhang hindi naman...

5) Oo, sya, nakaka-miss din kayo. Konti lang. Kaya pang #5 comment lang, hehe. Joke! Ang saya nyo tang masyado ay, kainggit!

6) May pictures kami nila Wella at Sol, sa computer screen nga lang, pero parang kasali din kami.

7) Ano'ng balita kay Elizabeth? Andun pala sya, hindi ko nakita sa webcam. (O na-distract lang ako sa mga wannabe strippers?)

8) New loveteam: Pia-Mark? (Huy Sol, wag kang magalit sakin ha, observation lang...)

9) Mga hindi nagbago: Si Pia, antukin pa din. Si Betong pa din ang pinaka-tomador. Si Rene na namumula pag uminom. Lahat kayo, mga magaganda at pogi pa din. Pati kami nila Wella at Sol, sali na din si JP.

10) Mga nagbago (o hindi ko lang alam o napansin dati): Nagpakita si Bay. Ka-inuman na ang anak ni Ando. May driver na ang mga lasing pag-uwi. Kulang ng taga-tagay kasi wala kami, hehe.

Jeannette

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online