Name: Solomon Crisencio Paul PeƱaloza
AKA: Sol
Si Dok Sol.Doktor ng mga animals.Small but terrible. La aku maisip na description bok sa iyu ay, kaya iyun na lang. Sa Canada na sya ngayun.Aywan kung kailan sya uuwi.Antayin na lang natin.
Friday, December 28, 2007
Sol
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Friday, December 28, 2007 0 sabi nila
Thursday, December 27, 2007
let me try...
first time kong magblog dito (salamat sa mga authors lalo na kay vidson na nagbigay ng password at username, un nga lang subjected pa sa editing nila.. nweis, nakakatuwa lang na after almost 10 years, meron tayong blog na tulad nito na makakapagpaalala ng high school life (kaya lang madrama ata hs life ko).. at akalain mo, ang daming pagbabago sa buhay buhay natin, marami ng may asawa at anak (ung iba hindi mo iisipin na mapapaaga, hehe) pero marami pa rin namang nanatiling single, meron ding kung ilang beses nang nagksyota, meron ding ilang beses nang nabasted, may mga naging babaeng tunay (ewan ko lang kung meron na bagang nagladlad?), may nangibang bansa, at ang iba nagpapakadalubhasa pa rin sa pagaaral.. wheww! daming nangyari... sa mga teachers kaya natin marami na ring nagbago? ganun pa rin kaya ang kulay ng lipstick ni mam montes o baka naman mas gusto n nya ng red ngaun kesa sa shining shimmering na purple.. si sir cabanayan kaya, kulay blue pa rin kaya jogging pants nya with matching malaking patch sa gitna.. si sir domingo? (hala kayo! ano iniisip nyo ha?) pero personally maganda experience ko dyan kay sir domingo during our math class-2nd year kasi nasa taas na tayo nun, sabihan ba naman akong 'next time shiela, matuto kang kumain ng buto ng citrus!' kakahiya, pero pinagaralan ko namang lunukin ang buto pati nga buto ng santol ngaun nilulunok ko na.. si ms.cahilig? (ano kayang nangyari kay papa derek nya-tama na nga baga?) ang huling sabi nina betong nakita daw nila nagtitinda ng barbecue (totoo?)... at si mam querijero, na nagbansag ng 'bay' kay francis (haha! naalala ko tuloy kung bakit)..
since trial naman ito, tingnan ko kung ipopost talaga ng mga tunay na authors, ala na rin daw kasi silang maipost, at ung ipinangako kong mga pictures hindi ko akalain na nakapost na rin sa friendster ni jeannette, kunwari pa ung babaeng un, ayaw daw magfriendster, pero nung nasimulang magfriendster kulang na lang pati picture ng mga ninuno nya ilagay nya sa profile (tingnan nyo mageenjoy kayo sa profile nya)..
sige hanggang sa muli, marami pa akong ipopost (humanda ung mga nangapi sa akin noon, bwahaha! bawi-bawi lang yan).. merry christmas sa inyong lahat!
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, December 27, 2007 0 sabi nila
miting nung pasku...
so far,wala naman major event last christmas..oo nga pala,bagu nung 25 ay nagtext si eda at si jed na magkita daw kami sa bays inn, eh medyu tinatamad aku...sinabi ku na lang na wala akung sapatus..madami daw mapepega...hehehe at nung 25, ay nagpunta sila sa bahay habang nagpapababa aku ng tama..at iyun, kentuhan na namng malupit..naghiram aku ng malulupit na vcd ni jed, bold sa iba peru art sa amin,hehehe yun lang muna,at meju di ku trip magpaalipin sa ngayun sa computer...saka na lang pag trip ku na..hanggang sa muli..i love you all...yeahh!!- betong
b
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, December 27, 2007 0 sabi nila
Wednesday, December 26, 2007
minsan..
la, magawa maghapun.pagkatapus kung mag log-in sa NBA.com at ma check ang points sa pick-one challenge, na ka chat ku ng ilang minutu ang busyng busy na si shiela.hinanap ku sa kanya mga pingyayabang niya ng picture natin nung highschool, sabi niya sa friendster daw ni jeannette medun na.kaya pinagnanakaw ku lahat ng pwede kung kuhain.tapus pinagtripan ku sa movie maker ng windows.sinimulan ku ng als dyes ng umaga, natapus ku ng alas singko ng hapun. tagal anu. de ta aku magaling mag edit ay.kaya pagtyagaan nyu na lang.balikan nyu ang kahapun. tingnan nyu kung kilala nyu pa sila.makikita nyu ang itsura ninyu nuun, baka matawa pa kayu.maganda din lang magbalik tanaw minsan.de ta aku full time blogger ay kaya itu lang ang nakayanan ku. sana kahit panu matuwa kayu..
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Wednesday, December 26, 2007 1 sabi nila
tatak videos
High School
Pinagnanakaw ku sa friendster ni Jeannette mga i-nupload nyang pics, de naman copyrighted ay. hehehehehe. Akaw, ang cu-cute, hanapin nyu kung nasaan kayu. Salamat Jeannette ha?Upload ka pa ng madami da. Click nyu para ma-enlarge.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Wednesday, December 26, 2007 0 sabi nila
tatak larawan
Monday, December 24, 2007
Kaddo, Maligayang Kaarawan
Sa 27, pa birthday mu alam ku, peru babatiin na kita ngayun. Natanda ka na rin pareho namin. Ganyan talaga ang buhay. Maka miss ka na pati. De lang kata ganung nagkausap at nagtagayan nung huling uwi ku ay.Peru ayus lang, marami pa namang pagkakataun ay.Saka na lang ulit tayu maglalasingan kagaya nung dati, yun bagang halus mapaiyak ka sa sobrang lasing, tapus lilinisin ku ang suka mu kinabukasan, saka tayu bibili ng goto at malamig na malamig na pop cola, pag medyu ok na, gala sa SM North, kain sa tokyo tokyo ng Sumo. Mahal ka naming lahat boy, happy birthday sa iyu sa 27.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, December 24, 2007 0 sabi nila
tatak Birthday
Merry Christmas sa Lahat!!!
Nagbukas aku ng Galing Ansci, na i-post na ni Kid yung ibang piktyurs nung reunion, kaya lang wala akung ma grab na pede ipost ditu, wala piktyur batch natin ay. Antayin natin sa susunud, baka medun ng piktyur yung mga nagpunta.
Uh, pasku na bukas ha? wag nyu kalimutan pumunta kila betong. Akkaw, galit na siya, at bakit daw aku nag yayaya sa kanila sa pasku. Hehehehehe. Pangati lang iyun bok. Peru sana may magpunta. Antayin lang daw niya kayu. Merry christmas sa inyung lahat, wag nyu akung pulutanin pag nag inuman kayu bukas ha?
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, December 24, 2007 0 sabi nila
tatak senti
Sunday, December 23, 2007
Christmas
23 na.Invited kayu lahat sa bahay nila betong sa Pasku. Ang mga nasa paligid ligid lang na de pupunta, ipa pa principal, kakausapin ni Mam Hulipas, tapus pag susulatin ng "de ku na uulitin ang ginawa ku, pupunta na aku sa susunud na pasku", sa one whole sheet ng pad paper, isang daan na ganun. Kaya kung kayu ay nasa San Luis, Baler, Maria, Dipaculao o Disoksit o Digisit, magpunta naman kayu duun, kumustahan lang. Antayin kayu ni Betong, nakahanda na daw ang pulutan.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Sunday, December 23, 2007 0 sabi nila
tatak principal
Monday, December 17, 2007
Inuman ngayon....may hang-over bukas
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, December 17, 2007 0 sabi nila
Pasku
Nalalapit na ang kapaskuhan mga baet. Paskung pasku, kinawawa ninyu si Mam de mesa sa survey, labing isa ang bumoto, isa aku duun, aywan kung ilan ang boto ni betong.Uh, akalain nyu nga naman, magpapasku na pala. Dun tayu kila betong da, aryo, de pala aku siguradu kung makakauwi, mamimiss ku ang kalahati ng buhay ku, siguradu. Sabi ni Jay nuun sa akin, de aku nakauwi nung nakaraang pasku ay, kulang daw ng kalahati at wala aku sa inuman. Lakas anu, lasing na siguru si kado nuun.
Pang ilang pasku na baga na de tayu nagkasama sama? Medyu madami na yata. Kung bibilangin nyu, simula nung 1998, sampu na yata. Umuwi kayu da,para masaya.Peru kat, de din yata aku makakauwi. Sa mga uuwi, punta kayu kila betong. Madami daw silang handa. Magpapainum pa siya ng san mig light. Maligayang Pasku sa inyung lahat!!
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, December 17, 2007 0 sabi nila
tatak senti
Monday, December 10, 2007
national anthem pag inuman!!!
isang pamukaw sigla uli habang walang bagung dumadalaw...kanta itu sa crush na di nag-materialized(hehehe!)alam mu lang kung sinu ka... sa susunud na ung action nitong kanta, di ku pa nagagawa sa movie maker ay ska di [pa kami nalalasing ng hagupit..betong itu>> Para madownload ng buu ang kanta, click nyu itu, Kundi'man, at kung gustu nyu naman ng buung album ng The Jerks, punta kayu sa recto, akaw dami duun.enjoy!
P.S. depende sa internet connection ang bilis ng pag da download.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, December 10, 2007 0 sabi nila
Thursday, December 6, 2007
Si JP nagsenti
I MISS YOU. Yan ang subject ng message ni JP. All caps yun ha, peru de bold letters. Nalulungkut na yata siya sa Guam. Namimis na daw niya kayung lahat. Hala na kayu, naiiyak na daw siya sa sobrang pagkamiss sa inyu.Gustu daw niyang umuwi para makipaginuman. Hayaan nu boy, nakikipagcoordinate na kami kay Joe para makiangkas sa C-130 plane ng AFP, baka may operation sila at dumaan diyan sa Guam, magpaparachute na lang kami pag tapat diyan, ibigay mu lang ang coordinates mu. Peru sagut mu na lahat pagdating namin dyan, saka plane ticket pauwi.Wag ka lang magalala, de ka lang namin nalilimutan, lagi ka ngang pulutan sa inuman ay.Kumusta kay mareng Adrienne, saka kay inaanak.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Thursday, December 06, 2007 0 sabi nila
tatak senti
Tuesday, December 4, 2007
April
Name: April Llagas
AKA: Apple
Sa wakas, may nakita na din aku na member ng Campus Girls.Wala akung masasabing masyadu kay Apple maliban sa siya ay mabait.De lang masyadung naimik nung highschool at nagbubunut lang ng sahig hanggang trip niya.Baka alam mu ang location ng mga kapwa mu campus girls.Bigay mu da.
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Tuesday, December 04, 2007 0 sabi nila
Monday, December 3, 2007
Si Bay
Name: Francis Oliver Pimentel
AKA: "Bay"
Claim to fame nya ay siya daw ay may kapangyarihan.Medyu weirdo lang siya ng kaunti kaya siguro naisip niyang sabihin sa amin dati na may anting anting siya.Siguru nakajamming niya si Ramon Revilla dati.Yan ha, buhay pa pala si Bay.Sana maligaw ka ditu
sa panulat ni Aurora National Science High School Batch12 at Monday, December 03, 2007 2 sabi nila