Sunday, September 29, 2013

ang alamat ng bookshelves

the following are based on true events.

ika-walo ng hulyo, taong dalawang libo at labing-tatlo, alas nuwebe ng umaga, pagkatapos ng isang asignatura ni mam marya ay nagtungo siya sa aklatan ng ansci mula sa dalawang palapag na gusali kung saan ginanap ang kanyang klase upang maghanap at manghiram ng kopya ng librong fifty shades of grey. na-curious siya sa nilalaman ng nasabing aklat dahil sa mga nabasa nya sa yahoo.com na ito daw ay gagawin ng pelikula sa mga susunod na panahon. sa kanyang paglalakbay patungo sa aklatan ay nakasalubong niya ang kanyang mga kapwa guro na dati rati ay mga guro niya at palihim na kinamumuhian paminsan minsan dahil sa tingin niya ay pag-papahirap sa kanya at sa kanyang mga kaklase, labinglimang taon na ang nakararaan. kamakailan lang, ang lihim na galit sa kanyang mga dating guro ay napalitan na ng pasasalamat simula ng mapagtanto ni mam marya na lahat pala ng mga lihim niyang bintang sa kanila ay pawang mga bintang lamang. binati niya ang mga ito ng magandang umaga kasabay ng maluwang at tunay na ngiti. at sila ay nag-beso-beso. nakipag-batian din siya sa ilang mga estudyante na nasalubong niya at kumaway pa nga ang ilan. nasalubong din niya si mang waks na matagal ng janitor sa ansci at silang dalawa ay nag-apir.

pagdating niya sa gusaling aklatan, siya ay (medyo) nagulat sa kanyang nakita. at siya ay nanlumo. ito ang kanyang nasaksihan (kahit siya ay medyo nagulat at nanlumo, nakuha pa rin na ilabas ni mam marya ang kanyang android tablet, at dahil likas na multi-tasking ang mga estudyante ng ansci, nakunan niya ng larawan ang aklatan): 

nag-halo-halo ang emosyon ng baguhang guro ng ansci. una niyang napag-tuunan ng pansin ang dalawang estudyante na sinisikap na imisin at i-salansan ang kalat-kalat na mga libro sa loob na maliit na silid aklatan. at dito niya napagtanto na hindi pala ito gusaling aklatan kundi silid aklatan lamang. hindi nya rin malaman kung saan at kanino sya maawa: sa dalawang estudyante na sa halip na nag-aaral o nag-pe-peysbuk ay matyagang ini-isa-isa at binubukod ang mga libro ayon sa uri; sa kisame na parang tinamaan ng meteorite; o sa mga libro mismo. hindi nya rin naiwasang itanong sa sarili kung umaandar pa ang ceiling fan na piping saksi sa kung anuman ang nangyari sa mga nagdaang panahon at ganito ang sinapit ng mga aklat na minsan ding naging instrumento niya upang matupad ang pangarap niyang maging guro, na matyagang nakabitin sa maayos ng parte ng kisame. dahil sa pag-kalito, nakalimutan na ni mam marya ang pakay nya sa lugar na 'yon. 

umalis siya sa nasabing lugar na may dagdag na panibagong layunin sa buhay. subalit hindi pa niya alam kung ano ito. mag-hapon na bumagabag sa isipan ng guro kung ano iyong dagdag na layunin sa kanyang buhay na dapat niyang matupad. hindi siya makapag-turo at makapag-isip ng mabuti sa huli niyang asignatura ng araw na iyon. maaga niyang pinauwi ang kanyang klase subalit bumalik din sila kaagad sa kanilang silid dahil bawal sa ansci ang umuwi ng maaga.

dis-oras ng gabi ng araw ding iyon, sa ginta ng kalituhan, napahinto bigla si mam marya sa pag-iisip kung ano iyong bagong layunin niya sa buhay na dapat niyang matupad, at siya ay napangiti. animo'y natuklasan na ng guro ang sagot sa katanungan na buong araw ng bumabagabag sa kanyang isipan. bumangon siya, binuksan ang personal computer at nag-log in sa peysbuk. pumunta siya sa TS group at pi-nost ang kuha niyang larawan. at siya ay nag-iwan ng tanong sa dati niyang mga kaklase: 

"ano ang mali/kulang/dapat ayusin sa larawan?"

siya ay nag-log-out at natulog ng mahimbing...

at nakangiti.

kinabukasan...

alas-singko ng madaling araw, mas maaga ng tatlumpong minuto kaysa sa normal na gising ng guro tuwing may pasok, siya ay nagalak na bumangon. binuksan ang PC, log-in agad sa peysbuk.

mahigit tatlumpong notipikasyon ang bumati sa kanya. muli, napangiti si mam marya. sa wakas, nasambit ng guro, masasagot na rin ang aking katanungan. at ito ang ilan sa mga komento sa post na kanyang iniwan ng nagdaang gabi.:

dating kaklase 1 (nasa KSA ngayun): mAm, ynG mga ilAw! dApt paltaN n dAgdgan! saka yung lMp sHade, praNg prOps lang, pAlitan ng tuNay!

dating kaklase 2 (nasa sabang): kaput manen!

dating kaklase 1: laByU dating kaklase 2!

dating kaklase 1: yUNg lBrarY, i-deMoliZ & paliTn nG mAs MalaKing bUilding!

dating kaklase 3 (nasa tabi-tabi): akaw mahal iyun, de kaya.

ni-like lahat ng isang dating kaklase na nasa cubao lang ang lahat ng mga comments pati na rin ang post.

dating kaklase 4 (nasa US): kulang ng wall clock!

dating kaklase 5 (nasa US din): anu kaya kung mag-ambagan muna tayu habang de natin matukuy kung anu talaga ang prayoridad at kung anu ang mali/kulang/dapat ayusin sa dati nating library.

dating kaklase 6 (sarper kuno): tama si dating kaklase 5! ambagan muna tayu, 1k ku na.

dating kaklase 2: 1k ku na rin.

dating kaklase 7 (nasa US din): gawa tayu ng bank account para maihulug naming mga expats yung ambag namin.

muling ni-like lahat ng isang dating kaklase na nasa cubao lang ang lahat ng mga comments.

dating kaklase 8 (nasa middle east): 2k ku peso ha de dollar.hehehehe

dating kaklase 9 (nasa canada): ipapadala ku na lang kay dating kaklase 2 yung ambag ku.

marami pang positibong komento ang nabasa si mam marya, ang iba ay biro, na muli, ay ni-like lahat ng isang dating kaklase na nasa cubao lang.

paulit-ulit binasa ni mam marya ang mga komento at suhestyon sa kanyang post.

"hindi din nila masagot kung ano ang bago kong layunin sa buhay na dapat kong matupad." ang sabi niya sa sarili. "para pa rin silang mga bata, parang hindi mga seryoso sa buhay". dagdag niya.

lumipas ang segundo, minuto, oras, araw at linggo. nakakalap ng sapat na pondo ang grupo dahil na rin sa pagtu-tulungan ng isa't-isa. dito napatunayan ni mam marya na mali siya sa iniisip na hinde seryoso ang dati niyang mga kaklase na matulungan siya sa kanyang mga problema.

at siya ay muling napaisip.

"sapat na pondo?"
"pano ko malalaman na sapat na ang pondo namin kung hindi ko pa o namin natutukoy ang problema?"

dahil dito ay na-doble ang pag-aalala ni mam marya. muli siyang bumalik sa aklatan upang doon ay pag-aralan niyang mabuti ang kalagayan nito. sa pag-kakataong ito, siya ay natuwa sa kanyang nakita. muli, nilabas ni mam marya ang kanyang android tablet, at kinunan ng larawan ang aklatan. sa pag-kakataon ding ito, napangiti siya dahil bigla niyang naalala si mang cards, na siyang matyagang tiga-kuha ng larawan nila nung sila ay nag-aaral pa sa ansci. 

at ito ang kanyang nakita:


"maayos na ang kisame, subalit parang kulang ng bookshelves?" sabi ng guro.

bigla siyang napahinto.

"bookhelves!"
"kailangan ng library ng bookshelves!"
pasigaw na sabi ng matalinong guro.

at gamit ang nakalap na pondo at ang bagong tuklas na solusyon, nag-pagawa ng bookshelves ang naliwanagang guro....





blogger templates | Make Money Online