Sunday, June 3, 2012

hey jay


Sa Biyernes, ika-walo ng Hunyo, taong dalawang libo at labingdalawa, game 6 ng eastern conference finals (kung merun man) at sa araw din na itu magsisimula ang pagtahak mu sa panibagung yugtu ng iyung buhay.

Nung una mung binanggit sa akin na mag-pa-pa-kasal ka na (February last year, nung pauwi tayu galing sa 
falls nila Batu, habang nag mamaneho ka ng tricycle mu) de lang kita pinansin nung una at akala ku ay de laang tutuu. Peru habang nagke-kwento ka at sinasabi mu mga planu ninyu ni Misu ay dun ku naramdaman na seryoso ka na pala.

Alam namin bok kung panu ninyu pinaghandaan ang araw ng kasal ninyu, kaya nga aatend kami ay. Yung mag-organisa ka lang ng isang pagtitipun, meeting, kawang-gawa o simpleng parada ay mahirap na. Ay panu pa kaya kung ang aasikasuhin mu ay kasal tapus nasa ibang bansa ka? Mahirap nga yata talaga, at hanggang  ngayun ay de ku pa natatanggap ang pormal na imbitasyon ku (may dahilan pa para de pumunta anu?) sa sobrang dami pa ninyung inaasikasu. Basta parang mahirap at makaiyak ka na nga dati ay di baga? Peru base sa checklist mu ay mukhang ayus naman ang lahat.

Patapus na ang maliligayang araw mu bok, parating na yung mas maliligaya pa.

O hala, mag beauty rest ka na, wag kang mag-papakita sa friday na mukha kang zombie o mukhang panda at ikaw ang pambatu namin.

( paramdam ka lang kung kaya mu pang tumagay, wednesday onwards, last hurrah kumbaga).

Birambira na itu pake!

blogger templates | Make Money Online