Friday, November 25, 2011

Pasko na!

Tatlumpung araw na lang, Pasko na!. Tutal, halos lahat naman na ng mga katropang gagamba ay pumalo na sa kanilang ika-trenta,naisip ko magsulat para may maipost lang kahit alang relevance. Pambuhay kumbaga sa medyo natutulug na nating blog. Kukumbinsihin ko na lang ang sarili ko na may koneksyon pa rin ang edad sa countdown ng pasko. :-) Tapos 2012 na! Are he! Matuloy na kaya yung sinasabi sa Mayan calendar na 'end of the world'? At dahil ito daw ay mangyayari sa December 21, 2012, magpopost nako baka ala na ngang Pasko next year. Kunwari naniniwala ako ;-)

Ay simoy pasko na nga talaga. Maginaw na. Mabili na din ang chapsticks para sa nanununuyo at nagbabakbak na labi. Windburn para mas susyal. :-) Ilang araw na akong nalelate sa pagpasok sa opisina (mas madalas buzzer beater) dahil sa katamaran kong bumangon. Mas masarap kasing mamaluktot sa higaan, magkulubung at maglaway habang nananaginip. Pero hindi pwede kasi meron akong sinumpaang tungkulin sa gobyerno. :-)

Naisip ko lang, may tatlumpung araw pa ako para magisip kung paano magtago sa lumolobong numero ng aking mga inaanak, 38 to be exact. Yan lang ung mga legal, pwera ung mga adopted.
Biro lang. Nagiisip ako kung paano ko pupuntahan lahat ung 38 na yun para magdala ng tigiisang mansanas ;-) Tatanggapin pa kaya ni Kem at ni Chamie ang mansanas? Silang dalawa ang mga batang pinagkakautangan ng malaki ng mga ninong at ninang mula sa TS. Tsk tsk! Hindi na rin daw tatanggap ng promisori note si chamie katulad ng ginawa ni betong. Buti na lang, baby pa si Andy, hindi pa makakalibot ngaung pasko. Kaya lang baka si Pia ang maglibot :-)

Para akong bata, naeexcite ako sa pasko. Mahaba habang bakasyon na naman kasi, masarap matulog, kumain, at kumain at matulog :-) At ang new year's resolution ko ay ganun pa din sa last year, irerecycle ko na lang. makatamad gumawa. konting dagdag bawas na lang. :-)

At bago matapos ang pasko at taong 2011, sana..
1. matapos na ang NBA lockout
2. makapasok ang ginebra sa semis
3. makasama sa kasal ni kap at makita ang Ma. Christina Falls
4. makapanood ng PBA live :-)
5. matuloy ng makulong si ex-president
6. at may maligaw sa TS at magbasa.

Pano? ay di maligayang countdown na lang ng Pasko sa inyong lahat! :-)


blogger templates | Make Money Online