Friday, November 25, 2011

Pasko na!

Tatlumpung araw na lang, Pasko na!. Tutal, halos lahat naman na ng mga katropang gagamba ay pumalo na sa kanilang ika-trenta,naisip ko magsulat para may maipost lang kahit alang relevance. Pambuhay kumbaga sa medyo natutulug na nating blog. Kukumbinsihin ko na lang ang sarili ko na may koneksyon pa rin ang edad sa countdown ng pasko. :-) Tapos 2012 na! Are he! Matuloy na kaya yung sinasabi sa Mayan calendar na 'end of the world'? At dahil ito daw ay mangyayari sa December 21, 2012, magpopost nako baka ala na ngang Pasko next year. Kunwari naniniwala ako ;-)

Ay simoy pasko na nga talaga. Maginaw na. Mabili na din ang chapsticks para sa nanununuyo at nagbabakbak na labi. Windburn para mas susyal. :-) Ilang araw na akong nalelate sa pagpasok sa opisina (mas madalas buzzer beater) dahil sa katamaran kong bumangon. Mas masarap kasing mamaluktot sa higaan, magkulubung at maglaway habang nananaginip. Pero hindi pwede kasi meron akong sinumpaang tungkulin sa gobyerno. :-)

Naisip ko lang, may tatlumpung araw pa ako para magisip kung paano magtago sa lumolobong numero ng aking mga inaanak, 38 to be exact. Yan lang ung mga legal, pwera ung mga adopted.
Biro lang. Nagiisip ako kung paano ko pupuntahan lahat ung 38 na yun para magdala ng tigiisang mansanas ;-) Tatanggapin pa kaya ni Kem at ni Chamie ang mansanas? Silang dalawa ang mga batang pinagkakautangan ng malaki ng mga ninong at ninang mula sa TS. Tsk tsk! Hindi na rin daw tatanggap ng promisori note si chamie katulad ng ginawa ni betong. Buti na lang, baby pa si Andy, hindi pa makakalibot ngaung pasko. Kaya lang baka si Pia ang maglibot :-)

Para akong bata, naeexcite ako sa pasko. Mahaba habang bakasyon na naman kasi, masarap matulog, kumain, at kumain at matulog :-) At ang new year's resolution ko ay ganun pa din sa last year, irerecycle ko na lang. makatamad gumawa. konting dagdag bawas na lang. :-)

At bago matapos ang pasko at taong 2011, sana..
1. matapos na ang NBA lockout
2. makapasok ang ginebra sa semis
3. makasama sa kasal ni kap at makita ang Ma. Christina Falls
4. makapanood ng PBA live :-)
5. matuloy ng makulong si ex-president
6. at may maligaw sa TS at magbasa.

Pano? ay di maligayang countdown na lang ng Pasko sa inyong lahat! :-)


Tuesday, October 18, 2011

kap

nung oktubre a-kinse, isa na namang gagamba ang pumalo sa line ng tres (masakit mang isipin pero tumatanda na talaga tayo) :-), at ito nga ay si kap. Nagyayang shumat at magdinner at magpausaw sa starbucks (na kung tutuusin ay masarap pa ang kopiko). Since hindi naman ako ang magbabayad, wala akong karapatang umalma :-) Biglaan lang ang harap-harap. dahil kalalapag lapag lang din nya sa airport ng panahong iyun. Paminsan-minsan lang mangyari ito dahil matagal syang nawala sa luzon, kaya naman wala ng tanung tanung, labas agad. Kumbaga, isa na sa maituturing na history pag nakasama si kap dahil sa sobrang hectic ng sked nya, mahirap talaga syang mahagilap. Tatlong taon daw sya sa luzon kaya hanggang sa magdoble tres ay baka magpashot, magpadinner at magpastarbucks si kap :-)

at dahil may pagka mailap din sa camera si kap, puro stolen shots ang alaala ng kanyang ika-trenta :-) pagpasensyahan ang blurry effect ng pictures dahil low-tech phone camera ang gamit :-)



Maligayang line ng tres kap! Sa susunud dapat may videoke na ulit :-)

Tuesday, February 1, 2011

R.I.P.

Naisip ku lang pag-gising ku, dahil siguru masama yata yung panaginip ku, panu kaya aku mamamatay? Makakilabut at makatakut. Halus mamatay nga aku sa takut ay habang iniisip ku iyun. Peru lahat naman tayu mararanasan natin iyun ay. At itu ang karanasan na de na natin malalaman at de na natin mapagkwe-kwentuhan. Parang yung nabasa ku dating joke sa dyaryu, yung tungkul sa bird flu, ditu daw sa Pilipinas de mu na malalaman na namatay ka sa bird flu, dahil ditu daw, 2 weeks ang tinatagal bagu ilabas ang resulta ng lab test pag nag pa check-up ka, ay pag may bird flu ka daw, 1week pa lang, dedo ka na. Itu din ang karanasan na minsan lang natin mararanasan, maliban na lang kung feeling mu ay pusa ka, at syam ang buhay mu, ay syam na beses ka din mamamatay. Akaw, kung aku ayaw kung maging pusa! Hirap ng gan-un! Hirap kayang, mamatay. Huh? De ku pa pala naranasan mamatay. Base lang sa mga nababasa ku sa dyaryo, napapanuud sa T.V., saka sa internet na din kaya ku nasabi na mahirap mamatay. At itu, ililista ku ang mga paraan na ayaw ku mangyari pag aku ay mamamatay o mga ayaw ku paraan ng aking pagkamatay (panu baga sabihin iyun?) kahit na de ku alam kung panu aku mamamatay maliban na lang kung nagpakamatay me:

1a. Matabunan ng Basura

May article sa “Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino” tungkul ditu, yung mga natabunan ng basura sa Payatas. Ang natatandaan ku lang ay yung expression daw ng isang Amerikanu nung nalaman niya yung balita, ang sabi: “What a fucking way to die!” Indeed. Wag mu nang isipin o subukang imaginin kung anu ang naramdaman ng mga malas nating kababayan nung mga panahun na iyun at baka mamatay ka lang sa kakaisip. Peru itu naman ganitu ay naiiwasan, siguradu iyan, unless malas ka lang talaga at kahit nakakotse ka tapus bigla kang napadaan sa bunduk ng basura, natabunan ka. Wala ka nang magagawa duun. Kapalaran mu iyun. Ipinanganak ka para yuman at mag-kakotse, at para lang matabunan ng basura. Panu naman itu maiiwasan? Adi wag kang magpunta sa bunduk ng basura, o mag-payaman ka, o manirahan ka sa sa bunduk o sa tuktuk mismu ng bunduk ng basura, mas lalaki ang chance mu na de matabunan, dahil pag gumuhu iyun, may panahun ka pa para lumikas gamit ang chopper mu.

1b.Masunug ng Buhay

Tang-ina. Ilang minutung impyerno din pag ganitu ang nangyari. Sumisigaw ka habang nasusunug. 2nd degree burn na nga lang sa brasu mu ay, ang sakit na, panu pa kaya yung nasusunug ka? Nasusunug ka habang sumisigaw. Nalulutu ka habang namamatay. Patay ka na, sunug ka pa. Saklap anu. Para de ka mamatay sa sunug, wag maglaru ng apuy, umiwas sa mga mumurahing motel, mag baun lagi ng pocket size na fire extinguisher at uminum ng maraming tubig.

1c. Pugutan ng Ulu

No further explanation. Alam na rin ng lahat kung paanu itu maiiwasan.

(tie silang tatlu dahil, basta, tie sila)

2. Malunud

(parang) pangalawa lang itu sa listahan ku dahil medyu may class pa pag itu ang nangyari sa akin. Kumpara sa mga unang nabanggit, mas malaki ang chance mu na marecover , maretrieve at ma-identify pa pag itu ang nangyari. Halimbawa, pag natabunan ka ng basura, ibig sabihin, basurero ka, mahirap, pobre, dukha tulad namin, at pag nangyari iyun, malamang, matutuwa ang mga katabi mu na diapers, plastic at mga plastic bag dahil alam nila na mas mauuna kang mabubuluk sa kanila at pwede din na malungkut sila dahil nga mas mauuna kang mabubuluk at iiwanan mu agad sila after 10-15 years lang, at dahil nga din mahirap pati mga kamag-anak mu, ipagdadasal ka na lang nila, de ka na hahalungkatin dahil mahal ang arkila ng mga heavy equipments, kaya kung may kaunting hininga ka pa habang pinagdadasal ka, murahin mu na lang ang gobyerno, yun lang ang tangi mung magagawa, wag mu nang kaawaan ang sarili mu. Samantalang pag nalunud ka, lulutang at lulutang ka, kaya malaki ang tsansa na marecognize ka pa kapag nakita ka pa na “in good condition” ng mga mahal mu sa buhay dahil sa tattoo mu sa balikat o sa pamamagitan ng DNA testing kung ikaw naman ay unrecognizable na. Peru bukud sa mga nabanggit na dahilan, parang mahirap talagang malunud anu? Try mu hala. Para naman wag itu mangyari sa iyu, umiwas ka mga malalaking anyo ng tubig gaya ng mga dagat, karagatan, lawa, malalim na ilug at malalim na dam atbp., peru kung mahilig ka talagang maligu sa mga nabanggit na anyu ng tubig, siguraduhin mu lang na de ka masyadung lasing para safe ka, wag din maligu sa Olympic size na swimming pool, mag-jacuzzi na lang o mag-shower. Para-paraan lang iyan ay. Suggestion ku lang, turuan mu na lang ang sarili mu na matakut sa tubig o sa mga bodies of water. Pwede na daw iyun matutunan.

3. Mahulug sa Matatas na Lugar

Makatakut din itu, para sa akin. Sabi naman ng iba, de lang daw makatakut mahulug, yung pagbagsak daw ang malupit, yun daw ang makatakut at mahirap. Sabi ku naman, de ka naman babagsak kung de ka mahuhulug, kaya parang ganun na din iyun. Halimbawang mangyari itu sa iyu dahil sa mga de naiiwasang pangyayari, i-enjoy mu na lang yung “paghulug process” wag mu nang isipin yung “pagbagsak” . Halimbawa, aksidente lang, basta ka na lang nahulug mula sa 50th floor ng isang building, sabihin na lang natin na from 50th floor to ground zero, kasama ang acceleration due to gravity ay may 3.9s ka, yung unang 0.9s, nasa “gulat” stage ka pa niyan, peru dapat within that time, matanggap mu na na nahuhulug ka, quick mind dapat, dahil kung hinde, de mu na ma-e-enjoy yung natitira pang 3s ng “paghulug process”. Pwede din naman na yung 3s ay gamitin mu sa pagsisisi, o sa pag-iisip kung bakit ka nahulug, o sa pag-dadasal, peru de na makatarungan kung hihingi ka pa ng himala, kalokohan na lang iyun. Parang ganitu lang iyun ay, nahulug ka:

“Aryo!” (pagkasabi mu ng aryo, dapat tanggap mu na agad na mamamatay ka na at 50th floor nga yung pinanggalingan mu). Tapus enjoy mu na lang yung natitirang segundo habang nahuhulug ka. Ngumiti para cool saka para de na din mahirapan ang mga awtoridad na mag-imbestiga kung may foul play, dahil pag nakita ang bangkay mu na nakangiti, isang lang ang ibig sabihin nuun, kagustuhan mu ang nangyari, iyun ay kung buu pa ang ulu mu pagbagsak mu.

Blag!

The end.

Or:

Aryo!” (pagkasabi mu ng aryo, dapat tanggap mu na agad na mamamatay ka na at 50th floor nga yung pinanggalingan mu). Tapus dasal, sisi, isip…

“Shit, yung

Blag!

Fin.

Ayaw ku din ng ganitung paraan ng pagkamatay, makakilabut din ay. Peru naiiwasan din naman itu. Wag ka lang gumamit ng pinagbabawal na gamut at saka pag-aakyat ka sa matataas na lugar, iwan mu muna sa ibaba ang katangahan mu. Be assumptive din, isipin mu lagi na pwede ka mahulug anytime, peru wag naman sa puntu na para ka nang paranoid, or pag-aralan mu na maging alto phobic, itu ang da best na paraan.

Itu lang yung Top3 (bali dalawa cha). Marami pa akung kinakatakutan na paraan ng pagkamatay tulad ng mga aksidente, torture, at kung anu-anu pa, yung lang mga binanggit ku ang pinakakatakutan ku at pinakaayaw ku.

Lahat tayu mamamatay. De lang natin alam kung kailan. Maliban na lang kung plinanu mu ang sarili mung kamatayan at naniniwala ka sa sinasabi sa deathclock.com.

Sa Saudi:

Wag-wag - anal sex

Tatlung pinoy ang nahatulan ng kamatayan dahil sa paglabas sa batas. Peru dahil kwentong barbero lang naman itu, binigyan sila ng konsiderasyon. Pinapili sila kung wawag-wagin kapalit ng kalayaan o sila ay papatayin. Pinili ni Pinoy 1 at Pinoy 2 na wag-wagin na lang at sila ay pinalaya agad.

Pinoy 3: “Patayin nyo na lang ako kaysa wagwagin nyo!”

Arabo: “Okay, kill that one by wag-wag!”

(Joke itu dati ni Betong nung High School)

blogger templates | Make Money Online