Friday, August 28, 2009

Master BOB

Bob Ong as National Artist
MINI CRITIQUE By Isagani Cruz (The Philippine Star) Updated August 27, 2009 12:00 AM

Last Aug. 18 at De La Salle University, I delivered (in Filipino) the inaugural lecture of the Br. Andrew Gonzalez Lecture Series. I entitled my lecture “Ang Kabobohan ni Bob Ong, o Dapat Bang Hiranging Pambansang Alagad ng Sining si Bob Ong” (“The Idiocy of Bob Ong, or Should Bob Ong be Declared a National Artist”). Of course, kabobohan is a play on the penname Bob Ong, which is in turn a play on the words Bobong Pinoy, the title of the website that started the anonymous author on the road to what has become the bestselling publishing phenomenon of our time.

I divided my lecture into four parts: The Benchmark for National Artists, The Writing Principles Violated by Bob Ong, The Writing Principles Advocated by Bob Ong, and What Makes a National Artist.

My epigraph for the lecture was this text from the children’s book Alamat ng Gubat by Bob Ong: “Nag-umpisa ang massacre ng mga hayop na mas karumaldumal at mas kagimbal-gimbal pa sa mga pelikula ni Carlo J. Caparas noong dekada 90.” (“The massacre of the animals started. It was more gross and more disturbing than the films of Carlos J. Caparas during the 1990s.”)

I used as my benchmark or touchstone for National Artistry the great Caparas, who is so good an artist that he outshines Fernando Amorsolo, Ang Kiukok, Bencab, Victorio Edades, Botong Francisco, Jose Joya, Cesar Legaspi, Arturo Luz, Vicente Manansala, J. Elizalde Navarro, and Hernando Ocampo (who could only manage to excel in one category – Visual Arts), and Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerardo de Leon, and Eddie Romero (who could only manage to excel in one category – Film). Unlike these artists, Caparas has been hailed as a National Artist in two categories – Visual Arts and Film – and not just in one.

I listed the masterpieces of Caparas in the 1990s, such as The Myrna Diones Story (1993), The Cecilia Masagca Story (1993), The Vizconde Massacre Story (1993), The Vizconde Massacre 2 (1994), The Lipa Arandia Massacre (1994), The Maggie de la Riva Story (1994), Victim No. 1: Delia Maga (1995), The Marita Gonzaga Rape-Slay (1995), The Anabelle Huggins Story (1995), and The Lilian Velez Story (1995). For lack of time, I did not list all the other masterpieces that he produced before and after the 1990s. In any case, as all film scholars know, the 1990s can be called the Golden Age of Carlo Caparas.

I then talked about the books of Bob Ong, namely, ABNKKBSNPLAko: Mga Kuwentong Chalk (2001), Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2002), Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003), Alamat ng Gubat (2004), Stainless Longganisa (2005), Mac Arthur (2007), and Kapitan Sino (2009). From sheer number of titles and from sales receipts (his books reportedly sell at least a thousand copies every week), no author can compare with Bob Ong.

I took some writing principles found in the two standard reference books on creative writing, Gusto Kong Maging Writer 1 and Gusto Kong Maging Writer 2, by Renato M. Custodio Jr. I quoted some passages from Bob Ong’s books that blatantly violate these principles.

On the other hand, I showed that, by violating standard writing principles, Bob Ong has introduced into Philippine literature several sophisticated techniques currently fashionable in the most advanced writing capitals of the world, such as Deconstruction, Defamiliarization, Transformative Learning, Decolonization, the Romantic Mode, and the Motif of Mistaken Identity.

Since he is undoubtedly loved by the masses of Philippine readers and since he has shown mastery in applying the latest trends in fiction and creative nonfiction, I argued that Bob Ong satisfied the five criteria for becoming a National Artist, namely: (1) “Living artists who are Filipino citizens at the time of nomination, as well as those who died after the establishment of the award in 1972 but were Filipino citizens at the time of their death” (he is alive); (2) “Artists who through the content and form of their works have contributed in building a Filipino sense of nationhood” (we have all acquired the same taste for books because of him); (3) “Artists who have pioneered in a mode of creative expression or style, thus earning distinction and making an impact on succeeding generations of artists” (there are now writers trying to write like him); (4) “Artists who have created a substantial and significant body of works and/or consistently displayed excellence in the practice of their art form, thus enriching artistic expression or style” (he has consistently written in his distinctive style); and (5) “Artists who enjoy broad acceptance through prestigious national and/or international recognition, such as the Gawad CCP Para sa Sining, CCP Thirteen Artists Award and NCCA Alab ng Haraya; critical acclaim and/or reviews of their works; respect and esteem from peers” (those that refuse to praise him are just plain envious).

I ended with the immortal words of Bob Ong himself: “Wala pa ring malinaw na lunas para sa sakiting bansa. Walang pumapansin sa nag-aapoy nitong lagnat, at walang gustong magbigay ng gamot.” (“There is no clear cure for the disease that afflicts our nation. Nobody pays any attention to our nation’s high fever nor is there anyone that wants to prescribe medicine.”)

I got the standard ovulation, I mean a standing ovation.


View previous articles of this column.

Para sa mga disipulo ni Master Bob, isa lang ang ibig sabihin nitu, kung sakali mang itu ay magkatutuu, pwersahan na siyang lalabas sa kuta niya na ayun sa una niyang aklat ay tatlong sakay mula sa Quezon City Hall. Bilang isang Bob Ong die-hard-fan-fanatic-wannabe, itu ang pinakaaabangan kung pangyayari, ang makita ang mukha ng sumulat sa mga aklat na paulit ulit ku ng binabasa, paulit ulit na pinahiram at nawala, paulit ulit na binili, paulit ulit na ni-refer sa iba at paulit ulit na babasahin ulit. Paulit ulit lang.

Magiging Sir Bob Ong na si Idol! Yehey!

Medun kayang on-line poll para ditu?

Sunday, August 23, 2009

Yellow Fin

Alam ku bok, simple lang ang hiling mu ngayung birthday mu, maraming maraming happy horse, bagung kanta ni Dong Abay, world peace at makapasuk ulit sa NBA Playoffs ang Washington Wizards. Alinman sa apat na iyan, de namin maibibigay sa iyu ngayun, kaya babatiin ka na lang namin. Happy Birthday Boy Detox! Pag nalasing kayu boy, wag na kayu magpunta sa Ermita Hill at oho may karatula pala duun na ganitu:

Baka makatulug ka duun ay, walang magbubuhat sa iyu.
Peru kung nandyan kami, kahit makatulug ka lang bok, de ka lang maaanu, huhubuan ka lang saka pipiktyuran.Hehehehe. Tagay mu na boy oho!
Mamaya na mag-San Mig Light pag dumating na yung magsasayaw! Sarapeyn!
Happy Birthday Pari!

(Sa mga de pala nababati pag Birthday nila, pasensya na po kayu, babawi na lang kami sa susunud...)

Monday, August 17, 2009

May araw din kayo !!!

There's the Rub
By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:04:00 08/17/2009


(isa sa pinakamagaling na kritiko, subalit birang magtagalog..kaya't nakapagtatakang tinagalog nya ang halos kabuuan ng kanyang artikulo)



Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang alam kong Tagalog.
Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.
Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.
Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.
Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.
Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.
Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.
Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?
Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.
Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.
Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.
At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.
Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.
Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.
Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.
At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.
Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

Friday, August 14, 2009

Pampakalma :)

Saturday, August 8, 2009

Wala nang hihirit

Mang-aasar na lang ta ay, de pa pagbutihin. Ito yung mga tunay na pictures sa Mutya ng Tropa.

"Headshots", with my sabutan bag, hehehe:
Isa pang picture kasama ang sabutan:
Kailangan may pictures na nakalinya kasama ang mga ibang contestants, kaya ito:
At kasama yung paborito ni Betong:
Kasama ulit sa Native Attire (yun baga tawag dun? ah basta, gets nyo na ibig kong sabihin):
Pre-pageant trips:
Si Betong lang talaga ang contestant dito at sya lang yung nakapamaywang ay, hehe:
Isa pa. Galing ng pose ni Betong anu? Taub!:
"Swimsuit" portion:
At syempre, ang talent portion:
Pero ito, ang tunay na pang-DOT picture. Miss you mare. Mwah!:

Thursday, August 6, 2009

Mutya ng Tropa

Kahapun ay nasaksihan ng buung mundu ang pagkakaisa nga sambayanang Pilipino. Nilibing na si Tita Cory peru ang ang kanyang impluwensya ay habang buhay na mananalaytay sa sa dugo ng bawat Pilipino.

Samantala....

May online voting na pala para sa Mutya ng Pilipinas People's choice, nanditu ang mga detalye mula sa Batangbaler ni Kapitan Kid:

Mutya ng Pilipinas Online Voting – Vote Aurora!

OPMB worldwide just opened the Mutya ng Pilipinas Online People’s Choice Poll. Just follow these instructions to vote for your favorite Aurora candidate:

  1. Go to the OPMB Worldwide forum –> http://opmbworldwide.com/forums-mb/
  2. Register for an account. It’s easy as eating cake. Register all your internet identities. If you have 10 email addresses use them all, it’s very important.
  3. After verifying your registration, go to this forum –> Mutya ng Pilipinas – OPMB Online People’s Choice
  4. Check the button after your favorite Aurora candidate (#1 or #18)
  5. Click on Submit Vote.
  6. Spread the news. Text everyone. Aurora’s future depends on this!

Somebody please translate this in Tagalog, Ilocano and Casiguranin and put the translation in the comment.

At may humihirit pa! Introducing, contestant #37 and contestant #38:

Ayan po, magkatabi sila para mas madaling pumili. Parehu lang naman sila ng talent ay, mas lamang lang ng kaunti si Jeannette at medyu mas malakas sya uminum. Expert silang dalawa sa apiran, puyatan at videokehan.

Ang mananalu ay may isang round ng San Mig light at limang sunud sunud na kanta sa videoke sa Timog at magdamag na Apiran mula sa mga katropa!

Boto na!

Saturday, August 1, 2009

Cory




Ano man ang mga opinyon natin sa mga nangyari sa administrasyon nya, lahat tayo sa Tropang Spider ay People Power babies at dapat magbigay respeto sa isang mabuting tao na isa sa mahalagang dahilan kung bakit hindi tayo lumaki sa Martial Law. Isang halimbawa ng makabuluhang buhay, lalo na sa mga kababaihan. We can have it all- we can follow our destiny and make history, without neglecting to be a supportive partner and loving mother- all done with real strength and substance, and no need for flash and artifice. She could have stayed put neatly in one of the stereotypical lives being set for women, but she answered the call and broke free. Hopefully she will inspire other women to believe that they are more than one thing- not merely pretty objects to be paraded and gawked upon, not merely housewives to wash socks and clean bathrooms and cook meals, not merely baby-making machines or playthings in bed, not merely trophies for men who want to show off their success. We can be all that and so much more; we can choose what our lives will become. Yun lang po.

What does Cory mean to you?

http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090801-218236/Cory-Aquino-Biography

blogger templates | Make Money Online